Vous êtes sur la page 1sur 7

DULA

Mga Tauhan:
Lola- Julia

Theo-Raine

Aubrey-Diane

Nanay ni Theo- Jenjen

Driver- Apollo

Barker- Duday

Pasahero- Rhenz

Nagbebenta ng ticket sa sinehan- Dianne M.

Guard sa mall- Ken and Jers

SCENE 1: -BAHAY NI NANAY- (Basta mukhang bahay ung setting tapos may walis
si jenjen)
Nobyembre nanaman. Napakabilis ng panahon. Parang noong nakaraang taon lang ay papunta rin ako sa
lugar nila lola, sa Dasma. Natatandaan ko pa kung gaano ako kasabik tuwing pupunta ako roon. Paano
ba naman, doon ako simula pagkabata. Doon ako nagpre-school hanggang hayskul. Lumipat lang kami
dahil natapos nang ipagawa yung bahay namin dito sa Nueva Ecija.

Nanay: Oh, maayos na ba ang mga gamit mo?

Theo: Opo, ma.

N: Wala ka bang nakalimutan? Yung pinapadala ko para sa lola mo?

T: Wala na po, nandito na rin po

N: yung pamasahe mo? Mag ingat ka ha? ‘Wag kang matutulog sa biyahe at baka lumagpas ka. ‘Wag
mong kakalimutan ‘yang dala mo sa bus. Bumawi ka na lang ng pahinga pagdating mo doon. Tumingin
ka sa paligid mo, naku! Sinasabi ko sa iyo. Apat na oras ang biyahe mula rito sa Nueva Ecija hanggang kila
lola mo. Umayos ka talaga Timoteo.

T: Hays opo ma. Alam ko na po iyan lahat. Kada taon naman po akong napunta roon. ‘Tyaka ma bakit
naman buong buo yung pangalan ko, hays?
N: Huwag kang mag hays jan. May dala ka bang tubig? Baka nakalimu-

T: Ma, ayos na po. Aalis na ako. Bye

SCENE 2: JEEP ( Ung manibela ni Apollo )


T: Manong, saglit lang ho

Driver: Ay sir ayos lang po!

Pasahero: Dito ka na umupo. <Uusog> Mukhang malayo ang pinanggalingan mo ah. Magbabakasyon ka
ba rito?

T: Ah, opo. Salamat po.

Kasama ko lagi sa panonood noon ng paru-paro festival sa Dasma si Aubrey. Matalik kaming
magkaibigan simula pa noong pre-school kami. Talagang hindi kami mapaghiwalay kahit noong hayskul
na. Naalala ko kung paano siya umiyak noon nang malaman niyang lilipat na kami sa Nueva Ecija. Siya.
Isa siya sa mga dahilan kung bakit rin nasasabik akong pumunta sa Dasma. Kada taon na napunta ako,
siya unang sumasalubong sa akin. Sana ngayon siya ulit. Sana puwede.

T: Para ho

SCENE 3: BAHAY NI LOLA (Kamukha na lang nung setting nung sa bahay ni


Nanay)
Nakita ko na ang bahay ni lola. Kumatok ako nang malakas at nagtago sa mga halamang nasa labas ng
bahay ni lola. Mga ilang minuto, may nagbukas na ng gate.

Lola: Nako Te-yo, hindi mo ako madadaan sa mga ganyan ganyan mo.

T: Ito naman la, paanong nalaman mo agad na ako?

L: Jusko, ganiyan ang ginagawa mo tuwing napunta ka rito.

T: <Nagmano kay lola at pumasok na sa loob ng bahay. Ibinaba ang mga dala sa sala, at pumunta sa
kwarto niya noong dito pa nakatira. Mabilis nagpalit ng damit at lumabas ng kwarto.>

L: O, baka gusto mong matulog muna apo. Matagal rin ang biyahe at nakakapagod.

T: Ayos lang po ako la, pupunta po ako ng SM maya-maya. Bibili po ako ng libro at papasyal na rin.

L: Aba. Walang pahinga pahinga ah. Pero parang mas maaga yata ang punta mo noong mga nakaraang
taon? Hindi ka na yata ganoon kasabik na pumunta rito eh! <Pabiro>

T: La ‘di naman po sa ganun! Gusto ko pa rin pong napunta rito. Kaya lang po-
L: Kaya lang ano aber?

T: Basta po, gusto ko pa rin naman pong pumunta rito, gusto ko pong maabutan uli ‘yong Paru-paro
Festival.

L: Oh e bakit ang lungkot mo ha? Dahil ba ‘yan sa kababata mo ha? Pabirong sabi ni lola. “Iyong kasama
mo lagi sa festival, sino ba iyun? Si-

T: La, aalis na po ako. Babalik po ako ng mga alas-8 ng gabi.

L: Siya sige mag-iingat ka!

SCENE 4: JEEP
Sasakay nang Jeep (Mamamatay ilaw tapos pag bukas nasa mall na)

SCENE 5: MALL (NBS NA PARANG PLAKA, FANTASTIC B. NA POSTER SAKA IBA


PANG PALABAS, PATI UNG PARANG PLAKA NA ‘TICKETS AVAILABLE HERE
KEME’)
Bumaba si Theo ng jeep at pagkapasok niya sa loob ng SM ay una niyang pinuntahan ang National
Bookstore. Pagkatapos bumili, naglibot muna. Tinignan niya ang mga palabas ngayon sa sinehan. Isa sa
mga palabas doon ang pumukaw sa kanyang atensyon.

Showing na pala ang Fantastic Beasts, palabas na matagal nang inaantay ni Aubrey na nais niyang
panoorin naming pareho kapag showing na.

T: Sino ka? Sino ‘to? <May tumakip sa kanyang mga mata>

A: Hulaan mo.

T: Aubrey? <Mas lalong bumilis ang tibok ng puso. Hindi alam ang gagawin.>

A: <Tinanggal ang mga kamay na tinakip niya sa mga mata ni Theo>

T: <Pagkatanggal ng kamay ay hindi kaagad nilingon.>

A: <Biglang binatukan> Wow ano wala kang balak lingunin ang best friend mo ha!? Theo!?

T: <Mahina> Aubrey..

A: Ano teh? Nakakita ka ba ng multo ha? Bakit ganyan ka? Kumain ka na ba? NAMISS KITAAAAA!

A: <Niyakap ng mahigpit si Theo>... <Binatukan> Hoy nagtatampo pa ako sa iyo! Bakit hindi ako ang
unang pinuntahan mo? Tapos dito pa kita makikita ngayon! <Pasigaw>
A: <Nakita ang mga posters sa sinehan..> Manonood na tayo ngayon. As in now na. Ililibre mo ako, wala
kang magagawa!! <Habang hinihila si Theo papunta sa bilihan ng ticket>

(BIBILI KAYO NANG TIKIT ADLIBIN NIYO NA LANG )

LIGHTS OUT FOR 5-10 SEC TAPOS BUKAS ULIT (Kunwari tapos na ung movie)

Hindi pa rin siya napapagod magsalita at magkuwento pero hindi rin ako mapapagod makinig sa kaniya.
Sa pag-uwi namin ay medyo matagal ang byahe dahil traffic.

SCENE 6: JEEP
Sa jeep...

A: Hoy ako dapat kasama mo bukas ha. Pupunta tayo, manonood tayo. Ayos ba? Ayos ba?

T: <Hindi sumagot..>

SCENE 7: BAHAY NI AUBREY


Lumipas pa ang oras at bumaba na kami sa jeep. Dahil pareho lang kami ng eskinita, ay magkasama pa
rin kaming naglalakad at hindi pa rin siya tapos magkuwento. Gabi na noon kaya hinatid ko siya
hanggang sa bahay nila.

T: Magpahinga ka na. Sige na. Salamat, Aubrey.

A: Sige salamat rin! Basta bukas ha? Ako dapat kasama mo hmp! Matutulog na nga ako! Salamat sa
paghatid.

A: <Niyakap muli si Theo bago umalis>

T: <Ayoko nang umalis. Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung totoo ba talaga ang
lahat ng ito.>

T: Aubreey!! <Sinigaw niya bago isara ni Aubrey ang pinto> Ako pa rin ba best friend mo? Marami na
bang nagbago? Ako lang dapat ah! Bukas mag eenjoy tayo ha? Agahan natin para mas matagal!

A: Oo naman, ikaw lang! Gagawin natin lahat ng puwede nating gawin bukas. Walang malulungkot!
Dapat masaya lang tayo. Umuwi ka na at magpahinga ka na rin. Goodnight, Theo. <Ngumiti>
SCENE 8:
Maaga akong nagising dahil sa narinig kong nagpapatugtog nan g Dasmariñas Hymn sa barangay.

T: Lola, manonood lang po ako nung parada sa may Bayan

L: Sino naman ang kasama mo iho?

T: Ah ano po wala po la

L: Hay naku apo sige na at magiingat roon ah

T: Sige po la

Hindi ko alam kung bakit hindi ko sinabi na kasama ko si Aubrey

SCENE 9: BAHAY NI AUBREY


Umalis ako ng bahay at pinuntahan si Aubrey. Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako na baka, na
baka wala siya. Biglang may lumabas sa pintuan sa loob ng bahay. Aba, sakto lang pala ako.

A: Anon a? Hindi ka na ba marunong kumatok ha? Parang ‘pag napunta ka rito dati, dire-diretso ka sa
loob ah? Goodmorning, Theo.

T: Ano ka ba? Kararating ko lang tyaka dapat papasok na ‘ko, e saktong papalabas ka na! Goodmorning
rin, so ano? Tara na?

A: <Tumango>

SCENE 10: JEEP + JEEP NA NASA BAYAN NA


Sumakay kami ng jeep papuntang Bayan at nilakad naming mula sa may papaliko hanggang sa Guevarra
dahil hindi na nagpapadaan ng mga jeep rito. Magsisimula na ang parada.

MANONOOD NANG PARADA

SCENE 11: SEMENTERYO


A: Theo, gusto kong dito tayo manood mamaya ng fireworks!

T: <Tumango lamang>

A: Bakit ang tahimik mo? Dapat ikaw naman ang magkuwento! Kanina pa ako nagsasalita e.
T: O, sige. Naaalala mo ba kung bakit Paru-paro festival ang pinagdiriwang natin kahit na hindi ka naman
nakakakita ng paruparo lagi dito sa Dasma?

A: Oo!.. Pinili itong simbolismo ng Dasma dahil sa kahit na napakahirap ng pinagdaanan ng baying ito
noon, kitang kita mo naman ngayon kung paano bumangon ang mga taong nandito. Parang sa kung
paano lumaki ang isang paruparo

T: Tama. Kung paano nila nalampasan ‘yong lungkot, bigat, at sakit na naranasan nila noon araw-araw.
Sana nga lahat ay kayang gawin iyon nang mabilisan...

A: <nanahimik..> Theo, sorry.”

T: <Ngumiti> Ano ba ‘yan, bakit ka nagsosorry?

A: Sorry hindi ko natupad yung pangako ko sa’yo, na lagi tayong pupunta sa festival na’to….na ako yung
unang sasalubong sa iyo tuwing pupunta ka rito, na magiging best friends tayo hanggang sa pagtanda
natin. Sorry. Sorry kung hindi ko na magagawa iyon.

T: <Tumango lamang at nginitian si Aubrey..>

FIREWORKS
Marami akong gustong sabihin ngunit nagsimula na ang fireworks. Nakaupo kami sa damuhan at
pinanood ito hanggang sa matapos. Pati ang langit ay sumasabay sa lungkot na nararamdaman ko.
Malapit nang lumubog ang araw nang tuluyan, at bago mangyari iyon ay muling nagsalita si Aubrey.

A: Theo, salamat. The best ka talaga! Ikaw naman ang mangako na magiging masaya ka lagi ha? Haaaa?
<Niyakap nang sobrang higpit si Theo>

MAMATAY ILAW NAKAPATAY LANG SIYA

Tapos na. Tapos na ang fireworks, ibig sabihin ay tapos na rin ang festival. Pero itong lungkot ay
mukhang matagal pang matatapos. Mahirap pang tanggapin ngunit matagal ko nang nalaman ang totoo,
kahit pa kahapon. Walang anino si Aubrey. Mukhang nahihirapan pa rin ako hanggang ngayon kahit
isang taon na ang nakalipas. Tuluyan nang lumubog ang araw at naiwan akong mag-isa sa lugar na iyon,
kung saan katabi ko ang isang puntod na hindi ko nakayang puntahan noon.

WALA NA SA TABI NI THEO SI AUBREY

T: Oh, pinuntahan na kita ha? Kahit na hindi kita gustong makita na ganiyan ka. Salamat, Aubrey.
Gagawin ko pa rin yung pangarap natin. Magiging Hematologist ako! Hindi na ako papayag na may
mawala uli nang dahil sa sakit na iyon. Hahanap ako. Hahanapin ko ang tamang lunas sa sakit na iyan.
Ikaw. Ikaw lang ang best friend ko!
LIGHTS OUT ULIT

Sayang. Sayang talaga at hindi ko nasabi kay Aubrey.

Hindi ko na nasabi dahil ako na lang pala ang uuwi mag-isa.

Kung gaano ko siya kamahal.

Hindi lang bilang isang matalik na kaibigan…..

Vous aimerez peut-être aussi