Vous êtes sur la page 1sur 2

AKO

Ako si Fatimah Sophia P. Alawiya pero pwede akong tawaging Fatimah.

Ako ay nakatira sa 4th st. Bo. Salam MSU Marawi City. Ako ay 10 taong gulang.
Ako ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 2007. Ako ay iisang ipinanganak ng
aking Ina na si Mona P. Alawiya at ang aking ama na si Pagar P. Alawiya. Ako
ay nag-aaral sa My Precious Child Learning Center (MPCLC) at ako ay may
antas na Grade-V

Ako ay may pangarap na maging isang Doctor upang makatulong sa


ibang taong may sakit. Ako ay mahilig sa pusa at mayroon din akong 6 na pusa
sa aming bahay. Gusto ko ang kulay Asul. Mahilig ako kumain ng matatamis at
mga tsokolate. Ako ay mahilig manood ng mga nakakatakot na palabas lalo
na kung may kasamang kaibigan. Marunong din ako lumangoy pero doon lang
sa mababa.

Noong ako ay bata pa ay magaling ako mag-hulahoop pero ngayon ay


hindi na masyado. Ako ay marunong magluto ng pancit, lumpiya, at itlog. Pero
hindi ako marunong magbasag ng itlog. Mahilig din ako mangolekta ng iba’t
ibang klase ng libro at bolpen. Mahilig ako mag-sulat at magbasa kaya marami
akong nakokolekta. Mahilig din ako mag-pinta. Marunong din ako gumawa ng
Mango Float at Cheese Sticks.

Noong ako ay bata pa ay ilang beses na akong masugatan. Nagunting ko


pa ang sarili kung daliri. Noong 5 taong gulang ako ay munitk na akong
masagasaan ng traysikel ngunit nakaligtas din ako. Noong 6 taong gulang pa
ako ay natuto na akong mang hiwa ng kamatis, sibuyas, at ampalaya. Natuto
ako dahil tinuruan ako ng aking tita. Marunong din ako magsaing at mag
sangag ng kanin.

Ngayong Malaki na ako ay nagging paborito ko ang pagtulog ng hapon.


Nakahiligan ko din ang pagbabasa ng komiks. Nakahiligan ko din ang
paghuhugas ng pinggan. Gusto ko rin ang paglilinis ng kwarto. Mahilig din ako
maglaro ng Candy Crush sa cellphone.

Vous aimerez peut-être aussi