Vous êtes sur la page 1sur 7

Variety Show

Perlas sa Ilalim ng Burak


Intro: (Spot light focusing on stage) (Voice) backround about the theme of the show.

*MOMENT OF SILENCE* (8 secs) *LIGHTS OFF*

*LIGHTS ON*

MUSIC (MAGTANIM AY DI BIRO) *dance*

Bago matapos ang music at sayaw ang mga singers pwesto na sa likuran preparation for the transition from
magtanim to kapaligiran.

MUSIC (MINUS ONE) kakanta yung mga singers hanggang sa part lang na kantahan.

*Interpretative dance*

*LIGHTS OFF*(SOUND EFFECTS)

*LIGHTS ON* pagkapasok ng music

MUSIC (BALITA) *may mga magrarap with back up dancers*

*LIGHTS OFF* ( 8secs) The needed characters should be in their places.

-THE SCENERY IS SQUATTER AREA- (sugal, inuman, may matanda,tsismosa, mga dumadaang tao)

*LIGHTS ON* pagkapasok ng music

MUSIC (HARI NG TONDO) pagka intro ng music sabay yung paglabas ng lead role (Maria and Ricardo)

Dialogue

(Ricardo at Maria lalapit sa nag susugal)

Ricardo: oh walang away ah!

Mga nagsusugal: yes boss cardo!

(lalakad maria at Ricardo then makikita ni ricardo ang isang ale)

Ricardo: saglit lang Mahal ah?

Maria: (tatango)

Ricardo: (lalapit sa ale) Nay kumusta na ho?(sabay mano)

Ale: Heto ayos lang! kahit na mahirap ang buhay!

Page 1
Ricardo: ay! Siya nga po pala nay! Misis ko ho si Maria.

Maria: Magandang araw ho nay!(sabay mano)

Ale: Pagpalain ka!

Ricardo: Nay sya nga ho pala tanggapin niyo na po itong konting tulong naming

Ale: Ay naku! Salamat ng marami!

Ricardo: Wala po iyon!sige ho dito na po kami!

(lakad sasalubungin ng isang kaibigan mula sa mga nag iinuman)

Tao 1: Cardo Kumusta na?

Ricardo: eto ayos naman pre!

Tao 1: laki na ng tiyan ni misis ah?

Ricardo: oo nga eh…Kabuwanan na kasi eh.

Tao 1: congrats pre!

Ricardo: Salamat pre! Sige pre dito na kami

Tao 1: tagay ka muna pre?

Ricardo: di na muna pre pass muna ako asikasuhin ko muna si misis

(lakad pasok na sa backstage)

-continue yung nangyayari sa paligid yung mga dumadaan, nag iinuman, nag susugal, mga nag uusap-

-------THEN--------

*LIGHTS OFF* Boses ng nanganganak the SOUND EFFECT IYAK NG SANGGOL

-Pasok ang music-

MUSIC ANAK

(LALABAS ANG MAG ASAWANG MARIA AT RICARDO KALONG KALONG ANG SANGGOL )*Dapat nasa gitna pag
pasok ng lyrics*

(Iikutin ang stage ng ilang sandali then exit)

*LIGHTS OFF* CONTINUOUS LANG ANG MUSIC

(pagdating sa part na “ngayon nga ay malaki ka na…” labas na si Renato

Page 2
*NAIS MO’Y MAGING MALAYA ‘DI MAN SILA PAYAG WALANG MAGAGAWA*( ikot ikot lang sa stage then
pagkapunta sa gitna pasok si Ricardo aakayakayin ang anak na umuwi. Kakabigin ang ama hindi papayag at
magagalit. Papasok na yung ama(Ricardo)

(RENATO parang nababaliw, naguguluhan)

Nag peprepare na si Maria (nanay )saka yung mga tropang lalaki THEN sa part na “ang una mong nilapitan ay
yong inang lumuluha… “ lalapitan ni Renato si Mariang umiiyak

*Unti unting magdidilim ang stage*

Nag peprepare na yung mga babae sa kabilang side ng stage

Dialogue

Tropa 1: Renato tara! Basketball tayo!

Renato: Tutulungan ko pa nanay ko eh.

Tropa 1: Ano ba naman yan Mama’s boy naman! Parang si ka naman lalaki nyan!

(yung ibang tropa kantaw: “oo nga!”)

Tropa 2: Tara na kase!

Tropa 3: oo nga ! tara na!

(Sabay akbay ng mga ito kay Renato)

Renato: Sige na nga! Sige na nga!

(hahawakan ni Renato yung pwet ng isa sa mga kaibigan niya)

Tropa 2: Uy! Ba’t ka nanghahawak ng pwet?!

Renato: ano ka ba? tropa tropa tayo dito!

(Lalakad na sila palabas… lilingon si Renato sa mga babae sa kabilang dulo na mga nagpapaganda)

*LIGHTS OFF*(8 secs)

*LIGHTS ON*

SCENERY – INUMAN

Tropa 4: tagay pa!

Tropa 5: Cheers!!!!

Lahat sila: Cheers!!!!

Page 3
Renato: oh Badong tagay mo na!

Tropa 1: oh geh ako na!

(kukunin yung baso kay Renato…hahawakan ni Renato yung kamay) * pasok yung sound effects na “pare
mahal mo raw ako…”

(Maingay silang nag iinuman at mapapadaan si Ricardo)

Ricardo: (Hahatakin si Renato sa kina uupuan) Hoy! Ano yan! Ano? Ganyan ba ang sinabi ko sayo? Uminom?
Maglasing? Ang sabi ko sayo mag aral ka ! hindi ganyan ! ano gagaya ka sa akin, di nakapagtapos ?kaya
kinakaya kaya tayo eh! Alam mo sa panahon ngayon kapag wala kang pinag aralan wala kang kwenta! Tatapak
tapakan ka lang! umuwi ka na!

(BIGLANG DADATING SI MARIA)

Maria: Ano na naman yan Ricardo! Bakit mo na naman pinap[agalitan yang anak mo?!

(sumisingit si Renato sagutan ng kanyang magulang at siya ay maka ilang bese ring matutumba dahil sa
kalasingan )

Ricardo: Paanong di ko papagalitan yan? Walang ginawa kundi ag mag inom at maglasing!

Maria: hindi ganyan ang tamang pagdidisiplina sa anak mo Ricardo!

Ricardo: oh eh ano?! Ang hirap kasi sayo! Ginagawa mong prinsesa yang anak mo! Kaya tumitigas ang ulo!

(Walk out si Ricardo)

Maria: Bakit ka naman kasi nag iinom anak? Napagalitan ka nanaman tuloy ng tatay mo?

Ricardo: Nagka Ayaan lang po kami ng mga tropa ko nay

Maria: Hay naku! Renato, halika na umuwi na tayo.

*LIGHTS OFF* ( READY FOR THE NEXT SCENE)

------SCENERY: KWARTO--------

Renato: ( nakaharap sa salamin) Ang ganda ganda ko pa kapag I’m girlalu! Kaloka! I’m so gorgeous! Oh my
gash! Ang sexy ko sa look ko!

Maria: Renato anong ginagawa mo!

Renato: (Magugulat) Ay! Palaka! Nay! Wala po nay! Wala to! Mag hahalloween na kase kaya alam mo na…
kailangan nakakatakot yung itsura!

Maria: (Buntong hininga) Renato, matagal ko ng napapansin na medyo tagilid ka. Minsan nakikita kong
pumipitik ang mga daliri mo. Umamin ka nga sa akin anak. Ano ka ba?

Page 4
Renato: Nay! Ahh…. Ano po kase eh…. Ahhh….. ano po…

Maria: Anak! Wala naming masama kung bakla ka…. Basta wala kang ginagawang masama at hindi ka nakaka
apak ng ibang tao….walang mali dun anak! Alam mo kahit na ano ka pa! tanggap kita!

Renato: Talaga Nay?

Maria: Oo naman!

Renato: Salamat Nay ah! Salamat kase tanggap mo kung ano ako…na….babae ang puso ko

Maria: Anak walang kaso sa akin kung ano ka. Ang iniisip ko ay ang maaaring gawin ng tatay mo sa oras na
malaman niyang ganyan ka. Anak nakikiusap ako sayo! Wag mo munang ipapakita sa ama mo ang tunay mong
pagkatao. Ha?anak?

Renato: (Tatango) ay siya nga pala Nay! May sasalihan po pala kaming dance contest, okay lang po ba Nay na
sumali ako?

Maria: Sige anak! Sumali ka dyan!

Renato: Salamat po Nay!

*LIGHTS OFF*

SCENERY (KALSADA:MARAMING TAO)

MUSIC (PILIIN MO ANG PILIPINAS)

----Maraming taong nanonood at sa gitna ng mga ito ay mapapadaan ang mga magulang ni Renato-----

Pare 1: Uy! Ricardo! Di ba anak mo yun? (tututro si Renato na sumasayaw)

Pare 2: May anak ka palang bakla! Hahahahaha!

(magtatawanan ang mga tao)

Ricardo: (Titingin kay Maria) Matagal mo na bang alam na gnayan ang anak mo?!

Maria: (di maka imik)

Ricardo: Sumagot ka!

Maria: Oo! Hinayaan ko ang anak mo kung saan sya masaya! (titingin sa anak niya. Mapapangiti na
mapapaiyak)

Ricardo: Halika na! umuwi na tayo!

*LIGHTS OFF* (PREPARE FOR THE NEXT SCENE)

*LIGHTS ON*

Page 5
SCENERY ( SA KANTO MALAPIT SA KANILANG BAHAY)

(NAGLALAKAD SI RENATO PAUWI NG BAHAY NA MALAMBOT AT MAY PAG KENDENG… NANG MALAPIT NA SA
KANILANG BAHAY AY MAKIKITA MULA SA MALAYO ANG AMANG TILA NAG AABANG SA PINTO NG BAHAY…
MAG AAYOS NG SARILI SI RENATO AT LALAKAD NA PARANG SIGA.)

Renato: Tay! Mano po !

Ricardo: Anong mano?! Ano yung ginawa mo kanina? Parang di ka lalaki ah! Ano babakla bakla ka?!pinapahiya
mo ba ako sa ibang tao Renato?!Renato itatak mo dyan sa kokote mo ah! Wala ako ng anak na bakla!
(hahatakin at bubugbugin) *tugtog ang “sirena”*

Renato: Tay! Tama na po! Tay! Aray! Ayoko na tay! Aray! Tay!

(dadating si Maria aawatin si Ricardo sa pang gugulpi sa anak)

Maria: tama na! Ricardo! Tigilan mo ang anak mo!

Ricardo: Pumasok ka sa kwarto mo! Ayokong Makita yang pag mumukha mo!

(papasok si Renato unti unting mamamatay ang ilaw)

NEXT SCENE KWARTO

Ricardo: (Umiiyak…uupo haharap sa salamin at mag me make up)

(kakalampag ang pintuan magugulat si Renato ang kaniyang ama ay nasa pintuan walang imik nagpipigil sa
galit lalapit ito habang si reanto naman ay unti unti ring napapa atras)

Ricardo: Walang hiya ka Renato! Isa kang kahihiyan! Wala akong anak na bakla! (suntok sa sikmura at bugbog)

Renato: Tay tama na po! Aray ako! Ahh…tay Ayoko na po!

*LIGHTS OFF*

*LIGHTS ON* (PASOK ANG MUSIC)

MUSIC UPUAN

SCENERY (MADILIM MAY UPUAN SA GITNA MAY NAKA UPONG LALAKI AT SA KANYANG TABI AY MAY ISANG
BABAE NA TILA NAKAKANDONG SA KANYA. SA MAGKABILANG GILID NILA AY MAY MGA LALAKING NAKATAYO)

*TAKE NOTE MEDYO SEDUCTIVE ANG SCENE*

(May tatawagin ang nasa upuan na isa sa mga tao sa tabi niya at pabubuksan ang brief case may lamang mga
droga tapos ay tila uutusan itong pumunta sa kung saan)

Vous aimerez peut-être aussi