Vous êtes sur la page 1sur 4

Bayan, Magsiawit Na!

By: Arnel Aquino, S.J.

Bayan, magsiawit na!


Bayan, pinagpala ka!
Dakilang biyayang pangako Niya
sumilay na!

Sinauna Mong hangarin


ang tao nga'y tubusin
Upang Siya ay makapiling,
mapag-irog na Diyos natin.

Bayan, magsiawit na!


Bayan, pinagpala ka!
Dakilang biyayang pangako Niya
sumilay na!

Sa aba Niyang pagkatao,


sa buhay Niya sa mundo.
Inihayag Kanyang puso,
Tinig ng Ama nating Diyos.

Bayan, magsiawit na!


Bayan, pinagpala ka!
Dakilang biyayang pangako Niya
sumilay na!

Pananatili Niyang tunay,


Espiritung ating gabay
Kahulugan at pag-asa,
pagmamahal at biyaya.

Bayan, magsiawit na!


Bayan, pinagpala ka!
Dakilang biyayang pangako Niya
sumilay na!

Dakilang biyayang pangako Niya


sumilay na!
Bayan Umawit
BY: MANUEL V. FRANCISCO, S.J.
Ref.

BAYAN UMAWIT NG PAPURI SAPAGKAT NGAYON


IKA’Y PINILI IISANG BAYAN,
IISANG LIPI
IISANG DIYOS, IISANG HARI
BAYAN UMAWIT NG PAPURI
BAYAN UMAWIT NG PAPURI

Verse1
MULA SA ILANG AY TINAWAG NG DIYOS
BAYANG LAGALAG INANGKIN NG LUBOS
PAGKAT KAILAN MA’Y DI PABABAYAAN
MINAMAHAL NIYANG KAWAN.
(ref)

Verse 2
PANGINOON ATING MANLILIGTAS SA KAGIPITAN
S’YANG TANGING LAKAS
PAGKAT SUMPA N’YAY LAGING IINGATAN,
MINAMAHAL NIYANG BAYAN
(ref)

SA PIGING NA HANDOG
BY TINIG SAN JOSE
Ating dakilain at sambahin
Ang panginoong butihin
//: Ialay mga awitin sa piging na handog nya sa atin://

Tayo'y mag bigay galang sa


Diyos na sa'tin may lalang
Tana'y inako nya't hinirang kawang iniingatan

Ang salita nya'y bumubuhay sa puso ng kanyang bayan ating dinggin at laging awitin himig ng
pag-ibig nya sa atin.
AWIT NG PAPURI
BY: ALDRIN V. CARIOS
:// Purihin ninyo ang Panginoon, dakilain ang Kanyang ngalan.
Purihin Sýa áy awitan at papurihan magpakailanman. . .
(lahat) at papurihan magpakailanman! (ooohhh)
I. Nilikha Nýa ang langit at lupa. Nilikha Nýa ang araw at b’wan.
Nilikha Nýa ang mga isda’t ibon, mga gubat at karagatan.
Tunay Sýang Banal at Dakila, purihin ang Kanyang Ngalan.
Ang lahat ng nilikha Nýaý mabuti, pinagyaman Nýa ng lubusan.
II. Nilikha ng Panginoon ang tao sa sarili N’ýang larawan.
Nilalang Nýa ang sangkatauhan, binigyan Nýa ng karangalan.
Tunay Sýang Banal at Dakila, purihin ang Kanyang Ngalan.
Kahit nagkasala ang tao, minahal pa rin ng lubusan.
III. Ito ang tipanan ni Yaweh, sa lahat ng Kanyang nilalang.
“Ako ang inyong Panginoon, ikaw ang tangi Kong hinirang”
Tunay Sýang Banal at Dakila, purihin ang Kanyang Ngalan.
Pinagpapala ang mga taong sa Kanya ay tapat kailanman.
Coda:
Purihin Sýa áy awitan at papurihan magpakailanman. . . (ooohhh)

PAG-AALAALA
BY: MANUEL V. FRANCISCO, S.J.
KORO:
Bayan, muling magtipon
Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin

Bayan ating alalahanin


Panahong tayo'y inalipin
Nang ngalan Niya'y ating sambitin
Paanong di tayo lingapin (KORO)

Bayan, walang sawang purihin


Ang Poon nating mahabagin
Bayan, isayaw ang damdamin
Kandili Niya'y ating awitin (KORO)

SA HAPAG NG PANGINOON
BY: MANOLING V. FRANCISCO, S.J.

KORO:
Sa hapag ng Panginoon, buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan, handog ng Diyos sa tanan

Sa panahong tigang ang lupa, sa panahong ang ani'y sagana


Sa panahon ng digmaan at kaguluhan, sa panahon ng kapayapaan (KORO)

Ang mga dakila't dukha, ang banal at makasalanan


Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan, ang lahat ay inaanyayahan (KORO)

Sa 'ming pagdadalmhati, sa 'ming pagbibigay puri


Anupamang pagtangis, hapo't pasakit, ang pangalan Niya'y sinasambit (KORO)

Vous aimerez peut-être aussi