Vous êtes sur la page 1sur 1

Ang epekto ng Social Media sa Pang-akademikong Pagkatuto ng mga ABM na mag-aaral sa ika-

labing dalawang baitang ng Demetrio L. Aviola National High School sa unang semestre sa taunang
2017-2018.

I. Panimula

Ang social media ay isang instrumentong ginawa ng teknolohiya upang mapabilis at mapadali ang
komunikasyon ng mga tao patungo sa mga mahal o kung sino mang kapamilya o parte ng kanilang buhay.
(Karzamman 2011).

Ayon kay Jonathan A. Obar, ang social media ay isang sistema na binubuo ng teknolohiya upang
mapadali ang pagbabahagi ng impormasyon, ideya o anumang birtwal na komunikasyon at networks.
Ayon rin sa kanya, ito rin ay isang kagamitan kung saan ang mga gumagamit ay libreng nakikihalubilo,
mapamensahe, komento, digital na larawan at bideyo na gumagawa at tinatawag nila na “online”
interaksyon. (Obar 2005).

Sa paglaganap ng social media, nabuo ang tinatawag na “netizin” na ang ibig sabihin ay mga tao na
gumagamit ng social media. Sa pagsabay ng paglago ng social media. Sa patuloy na paglago nito, patuloy
ring lumalago ang negatibong epekto nito. (Ellison 2007).

Nabuo ang pananaliksik na ito upang malaman kung ano, ilan, sino at paano nila pinahahalagahan ang
mabuti at masamang epekto ng social media. Sa mga mag-aaral ng ABM ika-labing dalawang baitang na
ang layunin ay malaman kung marami ba ang nahuhumaling dito.

II. Layunin ng pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa epekto ng social media sa


mga mag-aaral ng ABM sa ika-labing dalawang baitang na naglalayong sagutin ang mga tanong na:

1. Ano ang epekto ng social media sa pang-akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral ng ABM na
nasa ika-labing dalawang baitang sa Demetrio L. Alviola National High School?
2. Sapat ba ang kaalaman ng mga mag-aaral sa epekto ng social media?
3. Ano ba ang isinagawang paraan ng paaralan para malilimitahan ang pagkakahumaling ng mga
mag-aaral sa social media?

Vous aimerez peut-être aussi