Vous êtes sur la page 1sur 4

PAMANTASANG ATENEO DE MANILA

MGA PAARALANG LOYOLA


PAARALAN NG HUMANIDADES
KAGAWARAN NG TEOLOHIYA

Th 141: Teolohiya ng Katolikong Pananaw Hinggil sa Lipunan (3 units)


Ikalawang Semestre, Taong Panuruan 2017-2018
John Paul A. Bolano
426-6001 loc. 5370, jbolano@ateneo.edu

Lunes-Miyerkules-Biyernes Lugar at Oras ng Pagsangguni


J - 8:00 - 9:00 n.u. (K 302) Kagawaran ng Teolohiya, 3/F De la Costa Hall
K - 9:00 - 10:00 n.u. (K 302) Lunes at Miyerkules, 3:00 – 4:00 n.h.
L – 10:00 - 11:00 n.u. (K 302) o sa panahon at lugar na ating mapapagkasunduan. Huwag mag-
M – 12:00 n.u. - 1:00 n.h. (B 105) atubiling lumapit para makipag-usap o magtakda ng pagsangguni.
GG – 1:00 – 2:00 n.h. (K 201)

PAGLALARAWAN SA KURSO
Ang Teolohiya 141: Teolohiya ng Katolikong Pananaw Hinggil sa Lipunan ay isang sistematikong pag-aaral tungkol
sa pagtatayang panlipunan mula sa isang teolohikal na pananaw. Tatalakayin sa kursong ito ang kahulugan ng Simbahan ng
mga Dukha ayon sa Ikalawang Konsilyo Plenaryo ng Pilipinas (PCP II) at gagamitin nito ang sirkulong pastoral bilang
paraan ng pagteteolohiya. Sa pag-aaral na ito, gagamitin ang teolohiya ng Katolikong pananaw hinggil sa lipunan bilang
pamamaraan ng pagsusuri ng panlipunang at kultural na kalagayan ng Pilipinas. Pag-uusapan din dito ang biblikal at doktrinal
na batayan ng mga turong ito, mga bagay na inilalahad ng mga panlipunang turo ng mga papa at ng mga pastoral na liham ng
mga Katolikong Obispo ng Pilipinas (CBCP).
Gamit ang lente ng Katolikong larawang-diwa sa lipunan, iniuugnay ang pagtugon sa mga suliranin sa Pilipinas sa
pangangalakal, agham at teknolohiya, ekolohiya at kasarian, pulitika at pamamahala—ayon sa mga larangang
pinagdadalubhasaan at kinahihiligan ng mga mag-aaral. Ang buong kurso ay inaasahang magpapalalim ng isang
“ispirituwalidad na tuon sa pagbabagong panlipunan” na nakabatay sa isang pananampalatayang nagtataya para sa
katarungan at pagpapalaya sa Pilipinas sa kasalukuyan.

MGA KAHIHINATNANG ARAL MULA SA KURSO:


Inaasahang nagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod pagkatapos ng kurso:

1. Magbigay ng buod ng mga pangunahing temang panlipunan at magpakahulugan sa personal at panlipunang


dimensyon ng pananampalatayang Kristiyano kaugnay ng mga karanasan ng mga mag-aaral ng kahirapan;

2. Maipaliwanag ang “ganap na ebanghelisasyon”, “pananampalatayang kumikilos para sa katarungan,” at


“espirituwalidad ng pagbabago ng lipunan”;

3. Masuri ang kasalukuyang ekonomikal, pulitikal, panlipunan, at kultural na kalagayan ng Pilipinas at matasa ito sa
liwanag ng pananampalatayang Kristiyano;

4. Magamit ang mga kayamanan ng pananampalatayang Kristiyano sa pagpaplano ng kanilang mga personal, propesyonal
at panlipunang pakikilahok na nagpapahayag ng kanilang pagtataya para sa pagbabagong panlipunan;

5. Matimbang ang kanilang sariling paraan ng pamumuhay at makapagtukoy ng mga paraan ng pamumuhay nang may
higit na pakikipagkapwa sa mga naisasantabi at mga nasa laylayan ng lipunan.

BALANGKAS NG KURSO (*Bilang – Pangunahing Babasahin **Bullet Point – Mungkahing Babasahin)


I. Ganap na Pagpapahayag ng Mabuting Balita at ang Misyon ng Simbahan
A. Karanasan ng/at Pananampalataya
1. Caputo, John. “The Love of God.” In On Religion, 1-36. New York: Routledge, 2001.
2. Diggs, David. We See from Where We Stand. Accessed August 3, 2015,
http://faithandmoneynetwork.org/wp-content/uploads/2014/10/We-See-Things-From-Where-We-
Stand-David-Diggs.pdf.
Gawain: lecture, talakayan sa klase, havruta, case-study, panonood ng video clips/documentaries,
maiikling pagsusulit
2

II. Ang Mukha at Hamon ng Kahirapan


A. Pagsusuring Panlipunan: Multi-disiplinaryong Pagtanaw
1. “Some Notes on Social Analysis” sinipi mula kina Henriot, Peter and Holland, Joe. “Social Analysis: Tool
of Pastoral Action” and “Social Analysis: A Practical Methodology” in Social Analysis: Linking Faith and
Justice. New York: Orbis, 1983.
B. Pananaw ng Pananampalataya: Teolohikal na dimensyon
1. “Poverty and Theological Reflection” [Handout] sinipi mula sa Gustavo Gutierrez. “The Task and
Content of Liberation Theology.” Translated by Judith Condor. Sa The Cambridge Companion to Liberation
Theology, 19-38. Edited by Christopher Rowland. Cambridge: Cambridge University Press, 1999.
2. Aloysius Pieris, “To Be Poor as Jesus Was Poor?” In An Asian Theology of Liberation (Quezon City:
Claretian Publications, 1988), 15-23.
3. Some Quotes on Evangelization and Justice / NOTES on CST [Handouts]
4. Pope, Stephen J. “Proper and Improper Partiality and the Preferential Option for the Poor” Theological
Studies 54 (1993): 242-271.
• Arrupe, Pedro, SJ. “Men for Others.” Address, Tenth International Congress of Jesuit Alumni of Europe,
Valencia, Spain, July 31, 1973. http://onlineministries.creighton.edu/CollaborativeMinistry/men-for-
others.html.
• JJCICSI, Pinakatatagong Lihim ng Simbahan [documentary video], 1992.
• Gutiérrez, Gustavo, "Renewing the option for the poor." In Liberation Theologies, Postmodernity, and the
Americas. Edited by D. Batstone, E. Mendieta, L. A. Lorentzen, and D. N. Hopkins. New York:
Routledge, 1997, 69-82.
Gawain: lecture, talakayan sa klase, havruta, case-study, panonood ng video clips/documentaries, maiikling
pagsusulit
MAHABANG PASULAT NA PAGSUSULIT (MIDTERM EXAMS)
III. Teolohikal na Batayan ng Katolikong Pananaw Hinggil sa Lipunan (Linggo 6-12)
A. Pagtanaw sa Paglikha bilang lunan ng Pagpapakilala ng Diyos na Mabuti
1. Genesis 1-3 Revised Standard Version (English), Mabuting Balita Biblia (Filipino)
2. Himes, Michael J. and Kenneth R. Himes. “The Sacrament of Creation: Toward an Environmental
Theology.” Commonweal 117 (January 26, 1990): 42–49.
• Pope Francis. Laudato Si: Encyclical Letter on Care for Our Common Home. Accessed July 1, 2015.
http://w2.vatican.va/content/francesco/en/encyclicals/documents/papa-
francesco_20150524_enciclica-laudato-si.html.
B. Misteryo ng Kasalanan: Orihinal, Personal, Panlipunan
1. Ska, Jean Louis, “Creation and Salvation (Gen 1-3).” Sijon 9 (1997): 22-48.
2. O'Keefe, Mark. “Social Sin and Fundamental Option.” Irish Theological Quarterly 58.2 (1992): 85-94.
• Henriot, Peter. “Social Sin: The Recovery of a Christian Tradition.” In Method in Ministry: Theological
Reflection and Christian Ministry, 127-144. Edited by James D. Whitehead and Evelyn Eaton Whitehead.
Minneapolis, MN: Winston Press, 1980. (Basahin lamang ang128-129).
• Mynatty, Hormis. “The Concept of Social Sin.” Louvain Studies 16 (1991): 3-26. (Basahin lamang ang 18-
26).
C. Kaligtasan at Pagpapalaya: Tawag tungo sa Katarungan at Integridad sa Banal na Kasulatan
1. Mga sipi ng mga tala mula sa Exodus: Moses, Prophet and Servant, mula sa Bat Kol Institute for Jewish
Studies (Jerusalem: July 2017).
2. “Prophets: Spokespersons for Justice” sinipi mula sa libro ni Brueggemann, Walter. The Prophetic
Imagination. Philadelphia: Fortress Press, 1978.
3. Johnson, Elizabeth A. “Jesus Christ and Justice.” In Consider Jesus: Waves of Renewal in Christology, 67-81.
New York: Crossroad Publishing, 1992.
• Alejo, Albert, SJ. EHEMPLO [Documentary video] sa EHEMPLO: Spirituality of Shared Integrity in
Philippine Church and Society. 1st and 2nd Edition. Quezon City: Institute of Spirituality in Asia, 2010/2016.
• Mays, James Luther. “Justice: Perspectives from the Prophetic Tradition.” Interpretation 37 (1983): 5-17.
Gawain: lecture, talakayan sa klase, havruta, case-study, close reading ng mga sipi ng Banal na Kasulatan
panonood ng video clips/documentaries/pelikula, maiikling pagsusulit/papel
IV. Espiritwalidad ng Pagbabago ng Lipunan
1. Dorr, Donal. “A Balanced Spirituality.” Sa Spirituality and Justice, 8-18. Dublin: Gill & MacMillan, 1984.
Gawain: lecture, talakayan sa klase, havruta, maiikling pagsusulit/papel
PANGKATANG PAG-UULAT
PANGWAKAS NA PABIGKAS NA PAGSUSULIT (FINAL ORAL EXAMS)
3

Iba pang mga mungkahing babasahin:


Alejo, Albert, SJ, Antas-antas na Hakbang sa Pagninilay [guide questions/handout]
Dorr, Donal. Option for the Poor and for the Earth: Catholic Social Teaching. Maryknoll: Orbis, 2012.
Francis, Evangelii Gaudium: Apostolic Exhortation on the Proclamation of the Gospel in Today’s World. Accessed November 27,
2013. http://w2.vatican.va/content/francesco/en/apost_exhortations/documents/papa-francesco_esortazione-
ap_20131124_evangelii-gaudium.html.
Tagle, Luis Antonio G., D.D., SThD. “The Eucharist, The Life of Christ in Our Lives: Spiritual Worship and Authentic
Adoration.” (Address at the 49th International Eucharistic Congress in Quebec, Canada, June 19, 2008).
MGA HINIHINGING GAWAIN AT SISTEMA NG PAGMAMARKA:
Pagtutumbas

Titik Saklaw ng Saklaw para sa Pangwakas na Marka Bilang


Marka
A 92-100 3.80–4.00 4
B+ 87-91 3.35–3.79 3.5
B 83-86 2.90–3.34 3
C+ 79-82 2.45–2.89 2.5
C 75-78 1.80–2.44 2
D 70-74 0.75–1.79 1
F 0-69 0.00–.74 0
W 0

Paraan ng Bahagdan Kahihinatnang Kahihinatnang Kahihinatnang Kahihinatnang Kahihinatnang


Pagtatasa (100%) Aral 1 Aral 2 Aral 3 Aral 4 Aral 5

Maiikling  
pagsusulit/ 25 % ✓ ✓ ✓ ✓
Papel
Midterm 15 % ✓ ✓ ✓
Exam
Pangkatang
pag-uulat/
Alternatibong 30% ✓ ✓ ✓ ✓
Papel
Pabigkas na
Pagsusulit 30% ✓ ✓ ✓ ✓
Pangwakas na Marka - 100%

MGA PETSANG KAILANGANG TANDAAN


Faculty Day Enero 19 Semana Santa Marso 25-31
President’s Day Pebrero 5 Araw ng Kagitingan Abril 9
Ash Wednesday Pebrero 14 Study Day Abril 23
Chinese New Year(?) Pebrero 16 Midterm Exam Ayon sa kasunduan
TALAB 2018 Pebrero 21 Pangkatang Pag-uulat Ayon sa kasunduan
Coming Home Retreat Pebrero 17-18, Final Oral Exams Abril 24-28
Marso 3-4; 17-18

MAHAHALAGANG PANUNTUNAN:
1. Pagkaagap, mga pagliban, at pagdalo sa klase
a. Ang sinumang hindi makararating sa oras ng simula ng klase ay itatala bilang liban at di na maaring pumasok ng
silid. Siyam (9) na pagliban lamang para sa mga klaseng Lunes-Miyerkules- Biyernes.
b. Tungkulin ng mag-aaral na alamin ang bilang ng kanyang pagliban para maiwasan ang overcut. Gayundin,
tungkulin ng mag-aaral na alamin ang anumang hindi niya nakuha sa mga araw na siya’y lumiban. Inilalapat din
ito sa pagbabad. Ang sinumang lalampas sa nakatakdang bilang ng cuts ay awtomatikong W o F.
c. Ang lahat ay inaasahang LAGING MAYROON ng kopya (hard copy) ng mga babasahing tatalakayin tuwing
klase.
d. Inaasahan din ang pagdalo at pakikisangkot sa Talakayang Alay sa Bayan (TALAB) ngayong semester. Itatala
ito bilang bahagi ng klase.
e. Tungkulin ng mag-aaral na alamin ang mga mahahalagang gawain at mga patalastas tungkol sa klase. Ang mga
ito’y ipapahatid sa pamamagitan ng beadle, o sa patalastas sa loob ng klase. Hindi tatanggapin ang anumang
dahilan ng hindi pagkaalam dito.
4

2. Disiplina at Respeto
a. Ang mga klase sa loob ng semestre ay binubuo ng iba’t ibang mga gawain tulad ng lecture, talakayan, pangkatang
gawain, havruta, panonood ng mga pelikula/video clips, case study at iba pang mga gawaing higit na makapaghahasa
ng kakayahan ng mga mag-aaral na maabot ang mga layunin ng kurso. Kaya naman hinihingi ang aktibong
partisipasyon sa mga ito.
b. Palalabasin ang sinumang mag-aaral na hindi nagpapakita ng kahandaang dumalo sa klase tulad ng pag-iingay,
paggambala sa kaklase, pagtulog, hindi pagbasa o pagdadala ng mga takdang babasahin sa klase, atbp. Kapag
nangyari ito, maitatala bilang liban ang mag-aaral na pinalabas o maaaring ganap na hindi na pabalikin sa clase
(F sa Pangawakas na Marka) sa buong semestre depende sa bigat ng paglabag.
c. Mahigpit na IPINAGBABAWAL ang paggamit ng mga electronic gadgets (smartphones, laptop, tablet, music devices,
atbp.) sa loob ng klase. Ang pagkuha ng tala ng mga aralin sa klase ay sa pamamagitan ng pagsusulat sa kwaderno
o sa mga personal na kopya ng babasahin.
d. Ang sinumang mahuhuli at mapatutunayang nandaraya sa iba’t ibang anyo o paraan, lalo na ang pag-angkin ng
ideya ng iba (plagiarism) sa anumang gawain o takda ay awtomatikong makakakuha ng markang “F”/0 sa
pangwakas na marka ng kurso (final grade), at maiiulat sa mga kaukulang awtoridad/opisina.

3. Pagbabad at mga kaugnay na Gawain


a. Inaasahan ang lahat na lumahok sa buong proseso ng pagbabad/immersion o Praxis. Ito ay may katumbas na
30% ng pangwakas na marka. Kaakibat nito ang pangkatang gawain. Kailangang ipasa/iulat ito sa mga araw at
oras na itatakda. Ipaliliwanag ang mga panuto at kundisyon nito sa loob ng klase. Mariing hinihingi sa
LAHAT na gawin at maging maagap sa LAHAT ng mga hinihinging gawain ng buong proseso.
b. Para sa mga hindi makakapagbabad dahil sa anumang katanggap-tanggap na dahilan, maaaring punan ito ng
pagsulat ng alternatibong papel. Ipaalam kaagad sa guro/formator kung hindi makakapagbabad upang maibigay
ang alternatibong ito. Ang marka para sa alternatibong papel ay katumbas ng 30% ng pangwakas na marka.
c. Inaasahan din ang LAHAT na dumalo sa recollection. Itatala ang pagdalo sa recollection. May dalawang pagpipilian
para rito: a) ang recollection sa Sabado pagkatapos ng pagbabad at b) ang “Coming Home” retreat. Ang sinumang
sasali sa alinmang recollection ay mangyaring magpatala sa Campus Ministry Office sa mga araw na itatakda.

4. Maiikli at Panahunang Pagsusulit.


a. Ang mga maiikling pagsusulit (quizzes) ay biglaan at hindi ipaaalam samantalang itatakda at pagkakasunduan ang
petsa ng mahabang pasulat na pagsusulit (midterm exam) na nakapaloob sa regular na araw at oras ng klase.
b. Kailangang magpatala para sa takdang oras ng pangwakas na pabigkas na pagsusulit (final oral exams). Ang hindi
makapagtatala ng pangalan para sa Pangwakas na Pabigkas na Pagsusulit sa nakatakdang panahon ay
nangangahulugan ng inyong tahasang pagpapahayag ng inyong pagpapabaya/hindi paggamit ng inyong karapatang
makapagsulit. Itatala ito na may markang “0/F” para sa bahagdan ng Pangwakas na Pagsusulit.
c. Walang “make-up” na pagsusulit. Kasama rito ang lahat at anumang pagsusulit: maikling pagsusulit/quizzes,
mahabang pasulat na pagsusulit/midterm exams at pangwakas na pabigkas na pagsusulit/final oral exams.
Awtomatikong “0/F” sa markang nakalaan para sa hindi nakuhang pagsusulit ang matatamo ng mga liban o
hindi makasisipot sa oras.
Mahalagang tala: Dahil sa kanilang kahalagahan, kailangang maisakatuparan ang pangkatang pag-
uulat o alternatibong Papel (30%) AT Pangwakas na Pabigkas na Pagsusulit/Final Orals(30%) para
maipasa ang kurso. ‘F’ ang pangwakas na marka ng sinumang hindi makagagawa ng mga ito.

5. Mga Pamanahong Papel at mga Takdang Aralin


Ang lahat ng takdang-aralin, mga hinihinging papel at gawain ay kailangang ipasa sa mismong panahon, paraan
at lugar na itatakda ng guro. Ang mga takdang gawain na huling ipapasa o hindi sang-ayon sa mga panuto ay
awtomatikong “0/F” ang marka sa anumang bahagdan ng marka na tinutugunan nito. Gumamit ng mga ‘used
papers’ sa paglilimbag ng mga ito kung ipapasa ng hard copy.

Vous aimerez peut-être aussi