Vous êtes sur la page 1sur 2

ANO ANG SOCIAL MEDIA?

Ang Social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay sat
mga network. Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang
indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang
binuo ng gumagamit.Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa
komunikasyon sa pagitan ng organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.

ANO ANG MAGANDANG NAIDUDULOT NITO?

Nakatutulong ito sa ating komunikasyon sa mahal natin sa buhay ditto sa Pilipinas at maging sa ibang
bansa. Nakatutulong din ito para sa pag aaral, sa pagse-search ng mga meaning,itsura (Image), at iba pa.
Dahil dito nalalaman mo rin ang mga nangyayari sa sarili mong bansa o sa ibang bansa,balita kung
tawagin maging ito man ay International,local,sports o entertainment Dahil din dito, nakakakilala ka ng
mga bagong kaibigan.

ANO ANG NEGATIBONG DULOT NITO?

Ang negatibong naidudulot ng social media ay,maaaring ikasira mo ito ng iyong kinabukasan. Dahil
kung hindi mo ito gagamitin ng tama at maayos ay maaari mo itong ikapahamak. Dahil din dito ay
nakakakilala ka ng mga bagong kaibigan na maaari mo ding ikapahamak kung hindi mo muna pagiisipan
ang iyong gagawin. Nakakakilala ka nga ng mga bagong kaibigan,pero kapag ikaw ay nauto maaari din
itong maging dahilan ng buhay mo. Maaari ding itong maging dahilan ng hindi paggawa ng takdang
aralin.

ANO ANG DAPAT NATING GAWIN PARA MAIWASAN ITO?

Ang dapat nating gawin para maiwasan ang ganitong pangyayari ay sa pamamagitan ng malawak na
pagiisip, hindi yung basta ka nalang bigay ng bigay ng opinyon mo ukol sa isang bagay na walang matibay
na basehan. Ang social medya ay tulong para madaling makakonekta sa mga taong malalapit sa
iyo, iwasan lang ang mga taong hindi ka tiwa tiwala, lalo na sa tingin mo aynaninira o
masamang tao. Iwasan matuon lang ang oras at panahon sa sosyal medya, kung maari
hanggang kailangan lang. pero kung di maiwasan. siguruhin lang na tapos na ang mga
kailangang gawin bago mag tuon sa sosyal medya. O kaya naman maari din na magkaroon ng
time management para mamaximize yung oras na ginugugol mo sa mga bagay bagay.
Magbigay ng sapat na oras sa pamilya,sa paggawa nito mas natutuon ang oras natin sa
paggugol ng atensiyon sa mga problema ng bawat isa na hindi natin magagawa kapag mas
madami ang oras natin sa social media.
PAANONG PARAAN GINAGAMIT NG TAMA ANG SOCIAL MEDIA?
Tandaan na ang social media at internet ay isang publikong lugar, anumang bagay na ipost
natin sa social media at sa internet ay naisasapubliko. Ang isang post natin sa social media at
sa internet ay maaaring mabasa ng daan-daan nating mga kaibigan.maaari din itong maishare
at umabot sa libu-libo, o maging milyun-milyong naka konekta sa internet. Gamitin sa mabilis na
komunikasyon. Ishare ang mga opinion, lalo na kung ang iyong opinion ay makakapagpaunlad
ng isang kaalaman ng ibag mga tao. Nahahamit din ito para sa hanap buhay,halimbawa, online
shop. Pero dapat maging matino sa paggamit nito at huwag manloko ng kapwa mo. Huwag
magpo-post ng wala naming kabuuhan na maaaring mauwi sa cyber bully.

BAKIT NATIN KAILANGAN ANG SOCIAL MEDIA SA PAG-AARAL


Kailangan natin ang social media sa ating pagaaral, dahil dito din tayo nakakakuha ng mga
impormasyon sa mga ating pinag-aaralan. Dito rin natin malalaman ang nakaraan o history ng
sarili nating bansa at ng sarili nating bayan at ng ating pambansang bayani na si Jose P. Rizal.
Pero magiingat,dahil hindi lahat ng nasa internet ay tama. Kaya kailangan din nating magbasa
sa libro.

BAKIT NATING KAILANGAN MAG-INGAT SA SOCIAL MEDIA?


Kailangan nating magingat sa social midia,dahil kung hindi tayo magiingat sa paggamit nito ay
maaaring mauwi ito sa mga CYBER BULLYING, kaya kailangang maging maingat sa pagpo-
post dahil baka imbis na kaawaan ka ay kainisan pa. At sa mga online shop, dahil marami ding
naloloko sa mga ganito.

Vous aimerez peut-être aussi