Vous êtes sur la page 1sur 11

Mother Tongue-Based

Multilingual Education (MTB-MLE)


Teacher’s Guide
Tagalog (Unit 4 – Week 33)
1
Mother Tongue - Based
Multilingual Education
(MTB-MLE)
Teacher’s Guide

Tagalog
(Unit 4 – Week 33)

This instructional material was collaboratively


developed and reviewed by educators from public and
private schools, colleges, and/or universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to
email their feedback, comments, and recommendations
to the Department of Education at action@deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education
Republic of the Philippines
Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1
Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 4 – Week 33)
First Edition, 2013
ISBN: 978-971-9981-69-5

Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,
impose as a condition the payment of royalties.
The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Br. Armin A. Luistro FSC
Undersecretary: Dr. Yolanda S. Quijano
Assistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz

Development Team of the Teacher’s Guide

Consultant : Rosalina J. Villaneza


Author : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,
Nida C. Santos, Grace U. Salvatus
Editor : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. Hinampas
Graphic Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong,
Deo R. Moreno
Layout Artist : Anthony Gil Q. Versoza

Printed in the Philippines ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-


IMCS)

Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue.


Pasig City, Philippines 1600
Telefax : (02) 634-1054, 634-1072
E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
Banghay Aralin MTB-MLE 1 – Tagalog
Ika-33 Linggo

I. Layunin

Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakagagamit ng mga kinaugaliang pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
ideya, kasipan, pananaw, at iba pa
2. Nakababasa ng tekstong pang-unang sa bilis na 95-100 bahagdan
3. Nakababasa ng apat hanggang limang salita, parirala nang may wastong
tono ng boses, damdamin, at gamit ng malaking letra
4. Nakababaybay ng wasto ng mga salitang natutuhan
5. Nakababaybay ng mga salitang naglalarawan ayon sa gamit ng
pangungusap
6. Nakagagamit nang tamang agwat sa pagitan ng mga salita na may
wastong bantas, malaking letra sa sanaysay at kuwento
7. Nakasusulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang bantas,
gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may
kaayusan
8. Nakagagamit ng angkop na salitang naglalarawan na nagpapakita ng
antas ng paghahambing sa tao, lugar, at pook
9. Nakagagamit ng hudyat mula sa nilalaman upang makita ang kahulugan
ng mga salita
10. Nakakikilala ng dalawang salitang maaaring gawing tambalang salita
11. Nakakikila ng antas ng salitang naglalarawan (hal. mas, pinaka)
12. Nakahihinuha kung tungkol saan ang kuwento, pangyayari sa paaralan at
pamayanan, kalagayan, gawain, alamat, blogs at iba pa
13. Nakapagsasabi muli ng bagong lathalain, balita sa radyo gamit ang
sariling salita na may diin sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari
14. Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig ng kuwento

II. Paksang Aralin

A. Tema:
1. Pagbigkas ng Wika
Paggamit ng mga kinaugaliang pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
ideya, kasipan, pananaw, at iba pa

2. Pagkilala sa Salita
Pagbasa ng kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs at iba
pa na nagtataglay ng mataas na antas ng mga salitang napag-aralan
na

3. Katatasan
a. Pagbasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan
b. Pagbasa ng apat hanggang limang salita, parirala na may wastong
tono ng boses, damdamin, at gamit ng malaking letra.
4. Pagbaybay
a. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan na.
b. Pagbabaybay ng mga salitang naglalarawan ayon sa gamit ng
pangungusap

1
5. Pagsulat
Paggamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita na may wastong
bantas at malaking letra sa sanaysay at kuwento
6. Paglikha
Pagsulat ng sanaysay at kuwento na gumagamit nang wastong
bantas, malaking letra, unang pasok ng pangungusap at may
kaayusan
7. Kamalayan sa Gramatika
Paggamit ng angkop na salitang naglalarawan na nagpapakita ng
antas ng paghahambing ng tao, lugar, at pook
8. Talasalitaan
a. Paggamit ng hudyat mula sa nilalaman ng teksto upang makita ang
kahulugan ng mga salita
b. Pagkilala sa dalawang salitang maaaring gawing tambalang salita
c. Pagkikila sa antas ng salitang naglalarawan (hal. mas, pinaka)
9. Pag-unawa sa Binasa
Paghinuha kung tungkol saan ang kuwento, pangyayari sa
paaralan at pamayanan, kalagayan, gawain, alamat, blogs at iba pa
10. Pag-unawa sa Tekstong Pampanitikan
Pagsasabing muli ng bagong lathalain, kuwento, alamat at iba pa
gamit ang sariling salita na may diin at wastong pagkakasunod-sunod
ng pangyayari

11. Saloobin hinggil sa Panitikan


Pagpapakita ng kawilihan sa pakikinig ng kuwento

B. Sanggunian
- K to 12 Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First
Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone,
2010)
- Developing Comprehension in Young Readers (Lesson Plans from RAP
Conventions -Vol. 1)

C. Kagamitan
Kuwento
Larawan ng tao, bagay, at pook
A. Paksa: Pagtitipid ng enerhiya at mga pinagkukunang- yaman

B. Pagpapahalaga: Pagtitipid

III. Gawain sa Pagkatuto

Unang Araw

A. Gawain bago bumasa

1. Paghahawan ng Balakid (sa pamamagitan ng pahiwatig ng pangungusap)

poso
Nag-igib ng isang timbang tubig si kuya sa poso.

gripo

2
Isara ang gripo pagkatapos gamitin upang makatipid sa tubig.

Isahod, palanggana
Ang pinagliguang tubig ay maaaring isahod sa palanggana para pandilig ng
halaman.

2. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng talon. Pag-usapan kung ano ang nakikita nila
sa larawan.

Itanong: Saan kayo kumukuha ng tubig na ginagamit sa inyong bahay? Ano


ang kahalagahan at gamit ng tubig sa ating buhay.

3. Pangganyak na mga Tanong


Saan kumukuha ng tubig ang mga tao na kanilang ginagamit?
Bakit mahalaga ang tubig?
Paano tayo magtitipid ng tubig?

B. Gawain habang nagbabasa

Babasahin ng bata ang kuwento na may tamang intonasyon, tono, at diin ng


lahatan, dalawahan o isahan.
Magtanong ang guro upang makapaghinuha ang mga mag-aaral tungkol sa
kanilang binabasa.

“Si Mac-mac: Ang Batang Mahilig Maglaro”


ni Nida C. Santos

Sa isang barangay, may isang pamilya na nagmamay-ari ng poso. Dito kumukuha ng


tubig ang lahat ng tao sa barangay. Mayroon silang isang anak na lalaki na ang pangalan ay
Mac-Mac. Palagi niyang kasamang maglaro ang pinsan na si Remo. Naglalaro sila ng tubig
sa may poso. Nakita ng kanyang nanay na nagsasayang sila ng tubig. Sinabihan sila na
huwag maglaro ng tubig. “Mahirap kapag nawalan tayo ng tubig, wala tayong ipangluluto at
ipanghuhugas ng pinggan,” sabi ng nanay niya.

Pagkatapos ni Mac-mac maglaro, sinabihan siya ng kanyang nanay na maligo.


Sumagot si Mac-mac, “Opo nanay, maliligo na po ako.” Naghanda naman ang nanay ng
damit na isusuot. Pagkalipas ng kalahating oras, nagtaka ang kanyang nanay kung bakit
wala pa siya. Pinuntahan siya ng nanay sa may poso at nakitang naglalaro ng tubig. Nakita
ng nanay na umaapaw na ang tubig sa timba kaya agad itong lumapit kay Mac-mac, “Tama
na ang pagligo mo, tama na Mac-mac! Tapusin mo na iyan, marami ka nang nasayang na
tubig. Sana sinahod mo ng palanggana ang pinagliguan mo para pandilig ng halaman.” sabi
ng nanay. ”Opo nanay.” nagmamadaling sumunod si Mac-mac sa kanyang nanay.

Pagkatapos maligo ay nag-almusal na ang mag-anak. Habang nag-aalmusal,


”Magsepilyo ka ng ngipin pagkatapos kumain,” sabi ng tatay kay Mac-mac. Sinunod ni Mac-

3
mac ang bilin ng tatay. Habang nagsesepilyo, naglalaro na naman ng tubig sa gripo si Mac-
mac. Sinaway siya ng kanyang nanay. “Mac-mac itigil mo ang paglalaro ng tubig sa gripo.
Mabuti kung laging may tubig, isara mo ang gripo kung hindi na ginagamit,” paalala ng nanay.

Isang umaga nagising si Mac-mac na maraming tao sa paligid ng kanilang bahay.


Nakita niyang mahaba ang pila at nagtatalo-talo. Ngunit walang tumutulong tubig sa poso.
Naalala niya ang ginagawang pagsasayang ng tubig. Naisip niyang dapat isara ang gripo
habang nagsesepilyo at sahurin ng palanggana ang tubig na kanyang ipinapanligo. Dahil sa
nakita niya, nangako siya sa kanyang tatay at nanay na magtitipid na ng tubig. Lumapit siya
sa kanyang nanay at tatay at sinabing, “Tatay, nanay, simula po ngayon ay di ko na po
sasayangin ang tubig upang di maubos ang tubig sa ating poso at gripo.” Natuwa sina tatay
at nanay sa kanilang narinig kay Mac-mac.

Isang hapon, nagkaroon na ulit ng tubig ang kanilang poso. Natuwa si Mac-Mac.
Nasiyahan din ang mga tao sa pagkakaroon muli ng tubig na magagamit nila sa kanilang
pangangailangan at gawain. Simula noon ay nagtipid na si Mac-mac ng tubig.

Ikalawang araw

C. Gawain pagkatapos bumasa


(Balikan ang kuwento “Mac-mac: Ang Batang Mahilig Maglaro”)
1. Ugnayang Gawain
Pangkatin ang mga bata .Bigyan ng gawain ang bawat pangkat.
Pangkat I: “Iguhit Natin”
Mahalaga ang tubig sa mga bagay na may buhay at walang buhay.
Iguhit kung saan kayo kumukuha ng tubig na ginagamit sa inyong bahay.
Gumamit ng manila paper at ilarawan ang inyong iginuhit.
Pangkat II: “Ipalabas Natin”
Isadula ang bahagi ng kuwento na nagpapakita ng wastong pagtitipid sa
tubig.
Pangkat III: “Ilarawan Natin”
Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento.
Pangkat IV: “Ikuwento Natin”
Ikuwentong muli ang kuwentong napakinggan.
IV. Pagtalakay
a. Tungkol saan ang kuwento? Saan kadalasang kumukuha ng ang mga
tao ng tubig na ginagamit sa kanilang pangangailangan?
Ipakikita ng Pangkat I ang kanilang iginuhit.
b. Ngayon na alam na natin ang pinagkukunan ng tubig ng mga tao. Alin
sa bahagi ng kuwento ang nagpapakita ng pagtitipid ng tubig?
Panoorin natin ang pagsasadula ng Pangkat 2.
c. Ano ang masasabi ninyo sa mga tauhan sa kuwento?
Pakinggan natin ang Pangkat 3 sa paglalarawan nila ng mga tauhan sa
kuwento.
d. Maibabahagi mo bang muli ang kuwentong iyong napakinggan?
Ikukuwento itong muli ng Pangkat 4.
Saan nagmumula ang tubig na ginagamit ng mga tao sa kanilang
tahanan?
Ano-ano ang gamit at kahalagahan ng tubig sa ating buhay?

4
Paano tayo magtitipid ng tubig?

V. Pagproseso ng mga Gawain


Talakayin ng guro ang kasagutan ng bawat pangkat. Isulat sa tsart ang mga
kasagutan.
PANGKAT GAWAIN KASANAYANG
BINIGYANG PANSIN

Ikatlong Araw
Kasanayang Pangwika

1. Pagganyak
Sabihin: Basahin ang salitang naglalarawan. Guhitan patungo sa salitang tao,
lugar, at bagay na inilalarawan.
malinis pula
masipag . tao . mabait
malambot . lugar . tahimik
masigla . bagay . mahaba
malawak maganda
2. Paglalahad
Ano ang salitang ginagamit natin sa paglalarawan ng tao? lugar? bagay?
(Isusulat ng guro ang mga salitang naglalarawan na babanggitin ng mga
mag-aaral.
Sabihin: Basahin ang pangungusap.
a. Mas matibay ang lata kaysa plastik.
b. Masipag ang bata na si Fela.
c. Si Le Ann ang pinakamagandasa kanilang magkakaibigan.
Ilahad ng guro ang salitang naglalarawan at kung paano ito ginamit sa
pangungusap.
3. Paglalahat
Sabihin: Ano ang salitang naglalarawan?
Salitang naglalarawan ang ginagamit sa paglalarawan ng tao, lugar, at hayop.
Payak Pahambing Pasukdol
maganda mas maganda pinakamaganda
masipag mas masipag pinakamaganda
Ikaapat na araw

4. Pinatnubayang Pagsasanay
a. Sabihin: Sabihin ang aw-aw kung ang nasa larawan ay angkop sa
pangungusap at ngiyaw naman kung hindi.
1.) Mataas ang halaman.
halaman
2.) itim na kotse Ang kotse ay kulay kahel.
3.) Malaki ang bahay.
bahay

4.) bata na bumati sa matanda Magalang ang bata.

5
5.) pusang mataba Payat ang pusa .

b. Larawan: “A Gallery Walk”


Lilibot ang mga bata at guro sa silid -aralan upang mapagmasdan ang
bawat sulok ng silid.
Sabihin: Magkakaroon tayo ng Gallery Walk. Pagmasdan ang bawat
larawan.
(Hayaan ng guro na pag-aralan ng mga bata ang larawan at magtanong
tungkol dito.)
Itanong: Ano ang nakikita mo sa larawan? Ano ang kanilang ginagawa?
Ilarawan ang iyong nakikita. Sabihin ito sa klase at isulat sa pisara.
(Iwasto ng guro kung tama ang baybay ng mga salita, gamit ng malaking
letra, at bantas.)
5. Malayang Pagsasanay
“Pinoy Henyo Game”:
Tumawag ng isang boluntaryong bata na uupo sa unahan.May ididikit
na salita sa kanyang noo. Para masagot ang Henyong Salita,
ilalarawan ito ng kanyang mga kamag-aral. Tutugon lamang ang
kamag-aral ng Oo, Hindi, o Puwede. Kapag ito ay nahulaan, tatawag
ang guro ng iba pang boluntaryo na uupo sa unahan.

Ikalimang Araw

Paglalapat
Ating Likhain:

Lumikha ng awit, tula, biro, bugtong o maikling kuwento tungkol sa


naging karanasan mo ngayong linggong ito. Gamitin ang tamang
bantas, gamit ng malaking letra, tamang pasok ng pangungusap, at
kaayusan. Isulat ito sa malinis na papel at guhitan ang mga salitang
naglalarawan na ginamit sa pangungusap. (Ipabasa sa mga mag-aral
ang kanilang ginawa at bigyan ito ng angkop na komento.Ipaskil ang
sinulat ng mga mag-aral.)

VI. Pagtataya
Paghambingin ang larawan gamit ang salitang naglalarawan. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ang payong ay kay sa lapis.

2. Ang bundok ang _____ sa lahat.

6
3. Ang cake ay_____ kaysa sorbetes.

4.Si Romar ang sa tatlo .

5. Ang ilog ay ______ kaysa kanal.

VII. Takdang aralin

Paggawa ng poster: Gumawa ng poster na nagpapakita kung paano ang


tamang pagtitipid ng tubig. Ipakita at ipaliwanag kung ano ang iyong ginawang
poster.

7
For inquiries or feedback, please write or call:

DepEd-Bureau of Elementary Education,


Curriculum Development Division

2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA)


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347

E-mail Address: bee-deped@pldtdsl.net,


bee_director@yahoo.com

ISBN: 978-971-9981-69-5

Vous aimerez peut-être aussi