Vous êtes sur la page 1sur 1

Hannah May A.

Calo 10- EINSTEIN


Gng. Josephine P. Porras 01/23/19

ANEKDOTA

Ako si Hannah May. Isang mag-aaral ng Agusan National High


School. Meron akong kwento na ibabahagi sa inyo. Noong ako ay 8 na
taong gulang, nagpasama ang aking kapatid sa likuran ng aming bahay
kung saan siya ay mamamalantsa. Sa panahon na iyon, yon ay umulan ng
malakas. At dahil sa may sira ang bubong namin sa likuran, nagkaroon ito
ng tulo. Bago paman kami makalabas, sinabihan na ako ng tatay ko na
magingat at baka raw ako ay madulas. Tumango naman ako sa kanyang
sinabi.
Habang namamalantsa ang kapatid ko, ako ay nasa labas at
sumasayaw ng ballet. Mismo doon sa tulo ako nakatayo. Nakaligtaan ko
ang sinabi ng aking tatay. At habang ako ay sumasayaw at tumatawa,
hindi ko namalayan na nakaapak na pala ako sa lumot. At dahil don ako
ay nadulas. Hindi ako nakatayo agad, at dali daling lumapit ang kapatid
ko. Siya ay nagulat sa nangyari sa akin. Dinala niya ako sa aming
tanggapan o sala habang ang kamay niya ay nasa aking baba dahil
dumurugo ito. Dumurugo ito na para bang gripo. Walang tigil ang
pagbuhos ng dugo.
Nang makita ako ng aking tatay, pinagalitan niya ako ng sobra.
Imbes na dalhin niya na ako sa ospital, talak parin siya ng talak.
Sinabihan niya raw ako na mag ingat ngunit hindi ako nakinig kaya daw
ako nagkaganyan. Ngayon, and aking sugat ang nagsilbing ala ala na
dapat making sa mga magulang.

Vous aimerez peut-être aussi