Vous êtes sur la page 1sur 5

SANGAY NG ZAMBOANGA SIBUGAY

IKATLONG MARKAHAN- Pinag-isangPagsusulit


Filipino 3
2018-2019

Pangalan: _________________________________Baitang at Pangkat: ___________________


Paaralan:__________________________________Petsa: ________________Marka:________

I- PAKIKINIG

PANUTO: Pakinggang mabuti ang kuwentong babasahin ng guro at sagutin ang mga
tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

______1. Bakit nais ni Torto ang makalipad?


A. Dahil gusto niyang mamasyal sa malayo
B. Upang ipakita sa kapwa pawikan na kakaiba siya
C. Dahil nais niyang magkaroon ng pakpak
D. Upang maging kaibigan ang agila

______ 2. Paano nakumbinsi ni Torto ang agilang turuan siyang lumipad?


A. kinulit at pinilit niya ito
B. ginantimpalaan niya ito
C. tinakot niya itong aawayin
D. pinakain niya ito nang marami

______3. Ano ang ginawa ng agila upang turuan si Tortong lumipad?


A. ginawan niya ito ng mga pakpak
B. tinuruan niya ito nang dahan- dahan
C. tinangay niya ito sa kalawakan
D. pinalagyan niya ito ng balahibo

______ 4. Ano ang nangyari nang binitiwan ng agila si Torto mula sa kalawakan?
A. lumutang si Torto sa himpapawid
B. hindi natakot si Torto
C. natutong lumipad si Torto
D. nahulog si Torto sa halamanan

______5. Ano sa palagay mo ang aral na natutuhan ni Torto mula sa kanyang naranasan?
A. Kailangang magsikap upang maging kakaiba sa kapwa pawikan
B. Tatangggapin na bawat isa ay may sariling kakayahan at kahinaan.
C. Gumawa ng mga bagay upang hahangaan at ipagmalaki sa lahat
D. Dapat hindi makuntento sa kung anumang mayroon ngayon

______6. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?

1 – Tinangay ng agila si Torto sa kalawakan.


2 – Iniidolo ni Torto ang kaibigang si Agila.
3 – Nahulog si Torto sa lupa.
4 – Pinilit ni Tortong turuan siyang lumipad ni Agila.

A. 1-4-2-3 B. 2-4-1-3 C. 4-3-1-2 D. 3-4-1-2


II.Basahin at sagutin ang mga tanong . Piliin lang ang letra ng tamang sagot. At isulat sa
patlang bago ang bilang.

Tuwing ika-6 ng umaga ay gising na si Elay. Tumutulong muna siya sa mga


- gawaing bahay bago pumasok sa eskwela sa eskwela sa ika-7 ng umaga. Umuuwi
siya ng bahay tuwing ika-12 ng tanghali upang mananghalian kasama ang pamilya.
Wala na siyang pasok tuwing hapon kaya tumutulong sa siya sa ina sa pagtitinda ng
prutas sa palengke. Nag-aaral siya ng kanyang mga aralin tuwing ika-7 hanggang
ika-8 ng gabi bago matulog.

______7. Anong oras ang pasok ni Elay sa paaralan?


A. Alas-6 B. alas-7 C, alas-8 D. alas-12

______8. Saan siya kumakain tuwing tanghali?


A. sa bahay B. sa palengke C. sa paaralan D. sa labas

______9. Kailan nag-aaral ng kanyang aralin si Elay?


A. Ika-7 hanggang 8 ng gabi C. tuwing hapon
B. Ika-6 ng umaga D. tuwing tanghali

______10. Bakit kaya nagsikap na makatulong sa kanyang ina si Elay?


A. dahil gusto niyang kumain ng prutas
B. dahil gusto niyang yumaman sila
C. upang hindi magagalit sa kanya ang ina
D. upang makapagpapatuloy sa pag-aaral

______11. Si Elay ay gumagawa ng gawaing bahay at nagtitinda ng prutas kasama ng ina.

Alin ang angkop na salita para ilarawan si Elay?


A. matulungin B. matalino C. magalang D. masayahin

______12. Maagang _____________ si Elay araw-araw

Alina ng angkop na pandiwa para sa pangungusap?


A. gumising B.gigising C. gumigising D.gising

______13. Si Elay ay abalang-abala araw-araw.

Alin ang sumusuporta sa naibibigay na kaisipan?


A. Umuuwi siya tuwing tanghalian.
B. Kumakain siya ng tanghalian kasama ang pamilya.
C. Siya ay nagtatrabaho habang nag-aaral.
D. Si Elay ay mabait at matalinong bata.

______14. Alin ang nagpapahayag ng sanhi at bunga batay sa tekstong nabasa?


A. Si Elay ay maagang gumigising kaya marami siyang magagawa.
B. Abala si Elay pero nag-aaral parin siya nang mabuti.
C. Si Elay ay masunurin sa kanyang mga magulang.
D. Nag-aaral si Elay habang tumutulong sa magulang.

______15. Kung ikaw si Elay, gagawin mo rin ba ang ginawa niya?


A. Hindi,dahil nahihirapan akong magtrabaho.
B. Seguro, basta bibigyan ako ng tamang sweldo
C. Oo, dahil gusto kong makatapos ng pag-aaral.
D. Hindi, dahil magulang ang dapat magtrabaho
III. Basahin ang tula para sa bilang 16-22.

Madalas kong itanong sa butihin kong nanay,


Amin bang kapitbahay ay kamag-anak ring tunay?
Dahil sa tuwina ay laging nagbibigay,
At kahit minsa’y hindi naging magkaaway.

Ang sagot ng Nanay…anak, hindi naman,


Sila ay kapitbahay na kapatid na ang turingan,
Sa anumang problema ay dapat magtulungan,
At sa lahat ng oras ay kailangang magdamayan.

______16. Ang tula ay ______________________ pagmamahal at pagtutulungan ng kapwa.

Alin ang angkop na Pang-ukol ang dapat gamitin sa pangungusap?


A. ayon sa B. tungkol kay C. tungkol sa D. para sa

______17. Ang kapitbahay ay hindi kaaway bagkos ay respetuhin at mahalin.

Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?


A. kakampi B. katunggali C. kalaban D. katapat

______18. Ano ang mensaheng nais ihatid ng tula?


A. Ang kapitbahay ay hindi dapat bigyang halaga
B. Dapat pakialaman ang buhay ng kapitbahay
C. Ang magkapitbahay ay dapat laging magkasundo.
D. Mahalaga ang kapitbahay tuwing may problema.

______19. Ang kapitbahay ay dapat bigyan ng pagmamahal at pagmamalasakit.

Alin ang maikling salita sa loob ng salitang may salungguhit?


A. akit B. malasakit C. malas D. sakit

______20. Alin ang pares ng mga salitang magkatugma?


A. madalas- masaya C. kamagpanak- kapitbahay
B. damayan- awayin D. respetuhin- mahalin

______21. Ano ang angkop na pamagat sa tulang binasa?


A. Ang aking Nanay C. Ang Aming Kapitbahay
B. Ang Magkapitbahay D. Ang Nagdadamayan

______22. Ano ang mangyayari kung ang magkakapitbahay ay nagtutulungan?


A. Ang pamayanan ay mapayapa at masaya.
B. Magkakagulo ang mga tao sa paligid.
C. Hindi magkikibuan ang bawat isa.
D. Gagawin nila ang sariling gawain.

______23. Bilang mag-aaral sa ikatlong baitang, paano mo umpisan ang pagiging mabuting
kapitbahay?
A. Hindi ko papansinin ang aking mga kaklase.
B. Maging mabuti akong kaibigan sa lahat.
C. Pakikialaman ko ang mga gamit ng iba.
D. Gagawin ko ang aking trabaho nang nag-iisa.
______24. Mahalaga ang pagdadamayan sa oras ng kagipitan.

Ano ang ibig sabihin ng saltang may salungguhit?


A. Pagbibigay ng tulong o malasakit C.Papayuhang huwag umasa sa iba
B. Pakikialam sa personal na bagay D. Pagtatawanan ang kahirapan nila

______25. Magkakapitbahay kami nina Alex at Nica mula noon hanggang ngayon.
Ano ang ibig sabihin ng salitang may guhit?
A. magkakaibigan C. magkalapit ang tirahan
B. magkasama sa bahay D. magkamag-anak

______26. Alin ang tambalang salita?


A. kadamayan B. kapitbahay C. kamag-anak D. kagipitan

______27. ________________ lumabas si Dino upang maabutan ang nagtitinda ng sorbetes.


Aling pang-abay ang angkop upang ilarawan ang singguluhitang salitang kilos?
A. marahang B. dali-daling C. dahan-dahang D. palayong

______28. Mahusay magturo ng Filipino si Ginang Baltazar.

Alin ang tamang pagdaglat ng salitang may salungguhit sa pangungusap?


A. G. B. Gng. C. Gin. D. Gg.

______29. Aling bahagi ng aklat ang iyong titingnan kung nais mong hanapin ang pamagat ng
paksang gusto mong basahin?
A. Talaan ng Nilalaman C. Pabalat
B. Indeks D. Paunang salita.

______30. Aling pahayag ang nabuo nang tama gamit ang wastong bantas?
A. Wow? Ang ganda naman.
B. Wow! Ang ganda naman?
C. Wow, ang ganda naman!
D. Wow. Ang ganda naman?

Vous aimerez peut-être aussi