Vous êtes sur la page 1sur 5

Division of Rizal

DISTRICT OF RODRIGUEZ II
________________Elementary School

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA SCIENCE III

Name: ____________________________________ Date: __________


Grade & Section: ____________________________ Score: _________

Kaalaman:

I. I. Panuto: Isulat qng Tama kung ang pangungusap ay wasto at Mali kung ito ay hindi wasto.
II.
_____1.Kung ang isang bagay ay nabago ang posisyon, itoy gumagalaw.
_____2. Kung ang dalawang magkasalungat na pwersa ay pareho, masasabi natin
na ang pwersa ay balanse.
_____3. Kung ang dalawang pwersa ay magkatulad, ito ay gagalaw.
_____4.Ang pwersang nagpapagalaw sa eroplanong papel ay tubig.
_____5. Ang plantsa ay parehong nagbibigay liwanag at init.
_____6. Ang buwan ay nagbibigay ng liwanag lamang.
_____7.Ang nagbibigay sindi ng isang sulo ay liwanag at init.
_____8. Kung mawawala ang araw ay mamamatay lahat ng buhay sa lupa sapagkat
ito ang pangunahing pinanggagalingan ng liwanag at init na kailangan ng buhay.
_____9. Ang washing machine ay isang appliance na ginagamit ng nanay sa pagluluto ng pagkain.
_____10. Ang computer ay ginagamit sa maghapong pakikipagkwentuhan.
_____11. Iwanan laging nakabukas ang refrigerator upang mabawasan ang konsumo sa kuryente.
_____12. Upang makatipid, sama-samang manood ng telebisyon sa iisang silid.
Process:
III. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot
_____13. Alin sa mga sumusunod na kagamitan o bagay ang nakakalikha ng sariling liwanag?
A. kandila C. bombilya
B. flashlight D. araw
_____14. Alin sa mga sumusunod na kagamitan o bagay ang pinapatalbog ang liwanag galing
sa ibang pinagmulan?
A. araw C. kandila
B. bituin D. metallic foil
_____15.Ano ang gagamitin mong pangharang ng liwanag kung ayaw mong maliwanag
sa iyong kuwarto?
A. makapal na kurtina C. plywood
B. malinaw na kurtina D. hollowblocks
_____16. Alin sa mga sumusunod na bagay ang lumalampas ang liwanag?
A. pader C. plywood
B. dingding na salamin D. aklat
_____17. Alin sa mga sumusunod na bagay ang nakalilikha ng malakas
na tunog?
A. papel C. marakas
B. lapis D. malaking drum
_____18. Ang mga sumusunod na bagay ay nakakalikha ng tunog maliban
sa isa.
A. pisara C. drum
B. pompyang D. gitara
_____19. Alin sa mga sumusunod ang lumilikha ng mahinang tunog?
A. lapis C. gitara
B. drum D. alarm clock
_____20. Ito ay pabalik-balik na paggalaw ng isang bagay na lumilikh ng tunog.
A. vibration C. pagpalakpak
B. echo D. pagsigaw
.
Understanding

IV. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.


_____21. Paano tutunog ang gitara? Ano ang iyong gagawin upang ito ay makalikha ng tunog?
A. ihahampas sa sahig C. pagkalabit ng mga kwerdas nito
B .sisirain ang mga kwerdas nito D. paghampas ng ubod lakas nito
_____22. Bakit may sariling liwanag ang insektong alitaptap, ano ang pinagmulan ng kanyang
liwanag?
A. galing sa araw ang liwanag
B. galing sa bituin ang liwanag
C. may parte ng kanyang katawan ang nagbibigay ng liwanag
D.Mayroon itong baterya
_____23. Paano magkakaroon ng init ang loob ng isang pugon?
A. buhusan ng langis ang loob nito.
B. lagyan ng maraming uling.
C. sindihan at painitin
D. buhusan ng tubig
_____24. Bakit kailangan natin ang init at liwanag na mula sa mga bagay sa ating paligid?
A. Upang lumaki tayong matangkad
B. Upang hindi tayo mamatay sa sobrang lamig at makita natinang kagandahan
ng mundo.
C. Upang tayo ay maging masaya
D. Upang makagawa tayo ng mga bagay na kapaki-pakinabang
_____25. Ano ang tawag sa bagay na nagpapagalaw sa mga bagay na gawa sa bakal?
A. Baterya C. remote control
B. Magnet D. cd
_____26. Ano ang mangyayari sa mga bagay tulad ng paper clip, hairpin at thumbtucks na sa
Kardbord at nilagyan ng magnet sa ilalim ?
A. magdidikit
B. magkakawatak-watak
C. lahat ng bagay sa ibabaw ng kardbord ay gagalaw sa magnetna pinagalaw sa ilalim
D. Hindi gagalaw
_____27. Bakit hindi dumidikit sa isang magnet ang eraser?
A. Gawa ito sa kahoy at iba pang kagamitan na hindi yari sa bakal o metal
B. Wala itong pandikit o glue
C. Gawa ito sa plastic
D. Mahinang klase ang materyales na ginamit ditto
_____28. Ano ang mangyayari sa mga buhangin kapag inilapit ditto ang
isang bar magnet?
A. Magiging isang malaking bato ang mga buhangin
B. Magkakadurog-durog ito ng pinong-pino
C. Didikit ang buhangin sa bar magnet
D. Walang mangyayari
_____29. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung walang araw?
A.Ang buhay ay imposible sa mundo kung wala ang araw
B.Lahat ay magiging yelo sa sobrang lamig
C. Lahat ng may buhay ay magkakamatay sa sobrang lamig
D.Lahat ng nabanggit ay tama
_____30. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinanggagalingan ng init at liwanag sa mundo?
A. iIlaw sa mga poste ng kuryente
B. Mga bituin sa kalangitan
C. Ang haring araw
D.Flashlight
_____31. Alin ang hindi totoo sa mga kapakinabangan natin sa araw?
A. init C. lamig
B.Liwanag D. nakakapagpatuyo ng damit sa sampayan
_____32. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na naidudulot ng pagkakaroon ng kuryente?
A. Sumasaya ang ating pangaraw-araw na buhay dulot ng mgakagamitang
pinaaandar ng kuryente.
B. Hindi tayo naiinitan kung tag-araw dahil sa aircon at electricfan na pinapaandar
ng kuryente
C. Lahat ng mga gawain natin ay natatapos na madali o mabilis sa tulong ng
kagamitang de-kuryente
D.Lahatng nabanggit ay tama
______33. Bilang isang bata, ano ang pinakaligtas na paraan sa paggamit ng mga kagamitang
ginagamitan ng kuryente
A.Hawakan ang plug ng kuryente na basa ang kamay
B.Seguraduhin na hindi na nakasaksak ang kagamitan sa outlet bago umalis ng bahay.
C.Huwag gamitin ang mga kagamitang de-kuryente kung hindi ito alam gamitin
upang malayo sa aksidente
D.Upang malibang tayo
_____34. Ang iyong nakakabatang kapatid ay gusting manood ng TV.
Humingi siya ng tulong sa iyo. Anong mga hakbang ang iyong gagawin upang maging
ligtas ka at ang iyong kapatid?
A.Hindi nalang manonood ng TV.
B.Pababayaan ko ang aking kapatid na isaksak ang plug ng TV
C. Mag-iingat ako sa paghawak ng kordon ng TV at isasaksak ko ito ng maayos sa outlet
ng kuryente
D.Tatawagin ko ang aming kapitbahay upang siya ang magsaksak ng TV sa outlet ng kuryente
_____35. Bakit kailangan natin isagawa ang mga alituntuning pang kaligtasan sa paghawak ng mga
kagamitang de-kuryente?
A.Upang hindi tayo mapahamak at makuryente
B.Upang makatipid tayo sa babayarang kuryente
C. Upang madisgrasya tayo pati na an gating mga kagamitan ay masira.
D. Upang malibang tayo
_____36. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng mga alituntuning pangkaligtasan sa paggamit
ng kagamitang de-kuryente maliban sa isa. Ano ito?
A. Alisin sa saksakan ang maseselang kagamitang de-kuryente kapag patay-sindi ang kuryente
B.Huwag pagsabay-sabayin ang paggamit ng mga kasangkapang de-kuryente
C. Tanggaling sa pagkakasaksak ang mga kasangkapan na hindi naman ginagamit sa
loob ng maraming oras
D. Huwag papalitan ang mga luma na o nabalatang kordon ng mga kasangkapang de-kuryente
_____37. Alin sa mga sumusunod ang naglalakbay sa tuwid na linya?
A.dilim C. anino
B. liwanag D. bahaghari
_____38. Ano ang gamit na tunog ng doorbell sa bahay?
A. Upang malaman na mayroong tao na dumating na tao sa labas
B. Upang paglaruan ng mga bata
C. Pampaganda sa gate
D. Upang mapansin ng mga taong nagdadaan
_____39. Ano ang gamit ng tunog ng kampana sa simbahan?
A. Upang maging maingay ang kapaligiran
B. Hudyat na magsisimula na ang misa
C.. Upang mapansin ang simbahan ng mga taong naglalakad
D. malapit dito.
_____40. Saan ginagamit ang tunog ng alarm clock?
A. Naaabala ang tao sa pagtulog
B. Oras na ng paggising dahil papasok na sa paaralan o trabaho
C. May dadalhing tao sa ospital
D. Pang-aliw sa pandinig ng natutulog

GOD BLESS!

Department
***lorenavelado***

Noted by:

RUEL A. VERGEL DE DIOS


District Science Consultant
TALAAN NG ESPESIPIKASYON SA SCIENCE III
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

Kasanayan Bilang ng Aytem Kinalalagyan


1.Nailalarawan ang posisyon ng 1 1
isang bagay
2.Nailalarawan ang posisyon 2 2-3
ng bagay pagkatapos itong
galawin
3.Nailalarawan kung paano 4 25-28
napagagalaw ang magnet
ang mga bagay
4.Nailalarawan kung paano 1 4
napapagalaw ng tubig ang
mga bagay
5.Nakikilala ang 7 5-8,,16,22,37
pinanggagalingan ng liwanag
at init
6.Naiilarawan ang mga gamit 5 23,24,29-31
ng init
7.Nailalarawan ang mga 3 9,10,32
gamit ng kuryente
8.Nakikilala ang wastong 8 11,12,14,15,33-36
gamit ng kuryente at iba pang
bagay na ginagamitan nito.
9. Nakikilala ang mga bagay 1 13
na nagbibigay ng init
10. Nakikilala ang 4 17-20
pinanggagalingan ng mga
tunog
11.Nailalarawan ang paraan 1 21
ng paglikha ng tunog
12.Nailalarawan ang gamit ng 3 38-40
tunog

Prepared by: Checked & Verified by:

LORENA VELADO SONNY V. MATIAS


Teacher I District Science Coordinator

Noted by:

RUEL A. VERGEL DE DIOS


District Science Consultant
Susing sagot
1. Tama 21. C
2. Tama 22. C
3. Mali 23. C
4. Mali 24. B
5. Mali 25. B
6. Tama 26. C
7. Tama 27. A
8. Tama 28. C
9. Mali 29. D
10. Mali 30. C
11. Mali 31. C
12. Tama 32. D
13. D 33. B
14. B 34. C
15. A 35. A
16.B 36. D
17.D 37.B
18. A 38. A
19. A 39. B
20. A 40. B

Vous aimerez peut-être aussi