Vous êtes sur la page 1sur 2

Ang Repormasyon ay kilusang ibinunsod ang malaking pag babago ng tao

tungkol sa relihiyon. o Naglalayon itong baguhin ang pamamalakad sa


simbahan.

Indulgence/ Indulhensiya- ang binebenta ng Simbahang Katoliko sa mga tao


upang mapatawad ang kanilang mga kasalanan.

KontraRepormasyon - Isang malakas na kilusan na sinimulan ng mga tapat


na katoliko na naglalayong mapaunlad ang Simbahang Katoliko. 
Pinamunuan ni Pope Gregory VII(Nag lunsad ng 3 pagbabago sa Simbahan)

Inquisition - Itinuturing na isa sa mga madidilim na bahagi ng kasaysayan.


Itinatag ni Papa Pablo III ang Kongregasyon ng Ingkisisyon(1542). Trabaho
nitong magsiyasat o mag espiya sa mga taong hindi katoliko ang
pananampalataya.

Martin Luther – ipinanganak noong ika-10 ng Nobyembre 1483, namatay


noong ika 18 ng Pebrero 1546.

 Nagpasimula ng Repormasyon
 Sumulat ng “Ninety-Five Thesis”
 Tinuligsa ang “simony at indulhensya”

Johann Tetzel- ipinanganak noong 1465, namatay noong ika 11 ng Agosto


1519. Siya ay isang Dominikanong monghe na lumilibot sa Alemanya.
Kinumbinsi niya ang mga tao na tumulong sa pagpapagawa ng katedral para
makamit nila ang indulhensiya.

Henry VIII – isa sa mga hayagang tumutol sa pagbili gn Indulhensya. Tinuligsa


ni henry VIII sa pamamagitan ng pagsulat ng polyero.

San Ignacio de Loyola ay isinilang noong Disyembre 24, 1491 sa Loyola Azpetia,
Spain. Bunso siya sa 13 magkakapatid. Noong una ay isa siyang matapang na
kapitan ng mga sundalo. Noong 1521, ipinagtanggol niya at ng kanyang mga
kasama ang isang kastilyo sa Pamplona, Spain laban sa mga Pranses. Nang
masugatan sa binti sa labanan na muntik na niyang ikamatay, sumuko siya at ang
kanyang mga kasamahang sundalo. Dinala siya sa kanyang bahay sa Loyola
Azpetia, Spain.
Nasabi niya sa sarili na kung nagawa ng mga santo ang kabanalan, iyon ay
makakaya rin niyang gawin. Dahil dito, nang siya’y gumaling, nagpasiya siyang
isabit ang kanyang espada sa dambana ng Birhen ng Monserra at nagbagong-
buhay. Mula sa pagiging isang sundalo ay naging kawal siya ni Jesus. Pagkatapos
ay namuhay na parang isang ermitanyo sa isang yungib sa Manresa, Spain. Dito
niya sinulat ang kanyang bantog na aklat na “Ejercisios Espirituales” o “Spiritual
Exercises” na ginagamit sa retreat at recollection. Naglakbay sa Palestina at
pagkatapos mag-aral sa Paris ay bumalik sa Barselona. Itinatag ang kongregasyon
ng mga paring Heswita o ang Compania de Jesus/ Society of Jesus noong 1540.
Nangaral at sinugpo ang kamalian ng Protestantismo sa Europa, sa kanilang mga
paaralan, aral at mga aklat. Namatay si San Ignacio de Loyola noong Hulyo 31,
1566, makalipas ang 15 taong pamumuno sa Society of Jesus. Na-beatify noong
Hulyo 27, 1556. Ang kanyang canonization ay noong Marso 12, 1622 sa panahon ni
Pope Gregory XV.

Vous aimerez peut-être aussi