Vous êtes sur la page 1sur 12

SUMULAT NG LIHAM

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang magagamit mo


nang wasto ang pasok at palugit sa pagsulat ng liham;
naipapahayag ang naiisip at nadarama sa pagsulat ng liham
pangkaibigan.

Pagbalik-aralan Mo

Napag-aralan mo na ang mga bahagi ng liham at ang mga


sangkap sa pagsulat nito.

A. Narito ang mga bahagi ng liham. Iayos ang mga ito upang
mabuo ang liham. Gamitin din ang wastong bantas. Gawin ito
sa sagutang kuwaderno.

1. Lubos na gumagalang,

2. 234 Antonio Rivera


Sta. Cruz, Maynila
Mayo 9, 1996

3. Mahal kong Ninang Liza,

4. Pista po sa aming barangay sa darating na Sabado. Tradisyon na


po ng mga pamilya ang maghanda para kay San Isidro Labrador.
Natatandaan ko na sinabi ninyong nais ninyong makadalo sa aming pista.
Sana magkaroon kayo ng panahon ngayon. Isama po ninyo si Ninong at
ang aking kinakapatid.

Aasahan namin ang inyong pagdating.

5. Siena

1
B. Tukuyin ang sumusunod na bahagi ng liham.

185 Dapo St.


(1) Sampaloc, Manila
Hunyo 19, 1996

Mahal na Dr. Gomez, (2)

Sa darating na Miyerkules, magkakaroon po ng palatuntunan sa


aming barangay. Ipagdiriwang ang Linggo ng Nutrisyon. Dadalo po
rito ang mga ina ng tahanan.
(3)
Kaugnay nito, inaanyayahan po namin kayo na maging
panauhing pandangal. Magiging lubos ang aming kagalakan kung
pauunlakan ninyo ang aming paanyaya.

(4)
Sumasainyo,

(5)
Gng. Almario

1. ____________________

2. ____________________

3. ____________________

4. ____________________

5. ____________________

2
Pag-aralan Mo

A. Narito ang isang liham pangkaibigan. Basahin at pansinin


ang pagkasulat nito.

10 Rosal St.
Phase 2, Lot 2
Karangalan Village
Cainta, Rizal
Hunyo 25, 2009

Mahal kong Susan,

Malugod kitang inaanyayahan sa kaarawan ko sa Linggo, ika-30


ng buwang ito. May kaunti akong salu-salo sa ganap na ika-walo ng
gabi sa aming tahanan. Masayang-masaya ako dahil darating din ang
mga pinsan ko.

Isama mo na rin ang kapatid mong si Susie. Sige, hihintayin ko


kayo.

Ang iyong kaibigan,

Kate

Anong uri ng liham ang binasa mo? Liham na Pangkaibigan

Buo ba ang mga bahagi ng liham? Opo

Anong bantas ang ginamit sa bating panimula? Kuwit

Anong napapansin mo sa pagkasulat ng unang salita ng pangungusap


sa katawan ng liham? Nagsisimula sa malaking titik at may pasok
ang unang pangungusap.

Ang liham ay may palugit sa kaliwa at sa kanan.

Anong napapansin mo sa mga palugit?

3
Sa kaliwa ay mas malaki ang palugit kaysa sa kanan.
Paano isinulat ang liham? Ipinasok ang unang salita pagkatapos
ang mga susunod na pangungusap ay pantay-pantay ang palugit.

B. Narito ang isa pang liham. Basahin at pansinin ang


pagkasulat.

238 Daang Rizal


Talisay, Cebu
Agosto16, 1996

Ang Manedyer
Yupangco Music Corporation
339 Avenida Gil Puyat
Makati, Metro Manila 1283

Mahal na Ginoo:

Kalakip ng liham na ito ang anunsiyo tungkol sa isa ninyong produkto.


Nais kong malaman ang iba pang bagay tungkol sa produktong ito.
Maaari bang padalhan ninyo ako ng katalogo tungkol sa inyong mga
produkto?

Inaasahan ko ang pagtugon ninyo sa aking liham.

Lubos na gumagalang,

JOSE B. BAUTISTA

Pag-aralan ang isa pang bahagi ng liham pangangalakal.


Ano ang bahaging ito?

Mahal na Ginoo:

Ito ang bating panimula.

Paano isinusulat ang bating panimula?


Ano ang mga salita rito na nagsisimula sa malaking titik?
Anong bantas ang ginagamit?

4
Basahin ang katawan ng liham.
Tingnan ang liham B.

Paano nasusulat ang talata sa katawan ng liham?


May pasok ba ang talata?
Ang mga talata sa liham pangalakal ay nasusulat sa anyong blak.
Nawawala ang pasok ng mga talata.

Kalakip ng liham na ito ang anunsyo tungkol sa isa ninyong


produkto. Nais kong malaman ang iba pang bagay tungkol sa
produktong ito. Maaari bang padalhan ninyo ako ng katalogo
tungkol sa inyong mga produkto?

Inaasahan ko ang pagtugon ninyo sa aking liham.

Naririto ang bating pangwakas.

Lubos na gumagalang,

Pormal ang bating pangwakas.


Ginagamit dito ng mga bating gaya ng:

Gumagalang, Sumasainyo,

Matapat na sumasainyo,

Ang huling bahagi ay ang lagda.


Isinusulat ang buong pangalan sa lagda.

5
C. Narito muli ang isa pang liham. Basahin at alamin ang
ipinahihiwatig.

16 Herrera St.
Malabon, Metro Manila
Hulyo 17, 2003

Mahal kong Lita,

Alam mo, nabigyan ako ng gantimpala sa aming paaralan sa


pagiging “Pinakamatapat na Bata ng Taon. Ang isa ay medalya ng
karangalan na ang Nanay ang nagsabit sa akin at may bronseng plake
na katunayan ng tinanggap kong karangalan.

Bakit kamo ako napiling “Pinakamatapat na Bata ng Taon?”


Kasi, nakapulot ako ng pitakang may lamang limandaang piso ni G.
Lopez, guro namin. Isinauli ko sa kanya at lubos ang kanyang
pasasalamat.

Hanggang dito na lang.

Ang iyong kaibigan,

Kaye

Anong damdamin ang ipinahayag ni Kaye sa kanyang liham? Kasiyahan

Anong uri ng pangungusap ang ginamit sa liham? Pasalaysay at patanong

Anong bantas ang ginamit sa hulihan ng bawat uri ng pangungusap? Tuldok (,)
at Tandang Pananong (?)

Sa anong uri ng titik nagsisimula ang bawat pangungusap? Malalaking titik


Ang liham ay may palugit, kaliwa at kanan.

Anong napapansin mo sa mga palugit? Sa kaliwa ay mas malaki ng palugit


kaysa sa kanan.

Paano isinulat ang unang salita sa katawan ng liham? Nagsimula sa malaking


titik at ipinasok.
Ang mga sumusunod na pangungusap ay pantay-pantay ang
pagkakapalugit.

6
Isaisip Mo

May mga anyo sa pagsulat ng liham. Sa liham pangkaibigan, may pasok


ang unang salita ng unang pangungusap sa katawan ng liham.

Ang Liham Pangangalakal ay naisusulat sa anyong blak.

Nasasabi na ang liham ay nasa anyong blak kung nawawala ang pasok
ng mga talata.

Pagsanayan Mo

A. Iayos sa tamang pagkakaayos ang sumusunod na liham


pangkaibigan. Isulat ito sa sagutang kuwaderno.

1. Kaarawan ko sa Sabado, July 19, 2003. Magkakaroon ng


handaan sa bahay. Magluluto ng pansit si Nanay. Bibili siya ng
ice cream at cake. Darating ang aking mga pinsan. Dumalo ka
at nang magkasama-sama muli tayo.

Hihintayin ka namin.

2. Mahal kong Rita,

3. 15 Mabilis St.
Teachers Village
Diliman, Quezon City
July 17, 2003

4. Ang iyong kaibigan,

5. Lorna

7
B. Isulat sa anyong blak ang liham na ito. Isulat sa sagutang
kuwaderno.

1286 Daang Sta. Maria


Tamaraw Subdivision
Valenzuela, Metro Manila
July 17, 2003

Station Commander
Himpilan ng Pulisya
Doña Ata, Valenzuela
Metro Manila

Ginoo:

Sumulat ako sa inyo upang humingi ng tulong para sa mga


mag-aaral ng Mababang Paaralang Elementarya ng Marulas. Ang
mga mag-aaral ay tumatawid sa panulukan ng daang Pio Valenzuela
at Magsaysay. Lubhang abala ang panulukan sa oras ng pagpasok at
pag-uwi ng mga mag-aaral. Ilan nang sakuna ang nangyari rito.

Maaari po bang maglagay kayo rito ng palagiang pulis na


mangangalaga sa trapiko? Inaasahan ko ang pagtugon ninyo sa
aming kahilingan.

Gumagalang,

NESTOR V. RIVERA

C. Narito ang patalastas. Basahin, pagkatapos gumawa ng


isang liham na di kukulangin sa limang pangungusap.
Ibabalita mo sa isang kaibigan ang narinig mong patalastas
tungkol sa Grand Sale ng Marikina Shoe Fair. Gawin sa
sagutang kuwaderno.
Patalastas!

Nais ba ninyong bumili ng mga bag at sapatos? Magaganda na, matitibay pa


at ubod ng baba ang halaga. Talagang hahanga kayo. Ang mga hugis at
disenyo ay walang kaparis. Mura na ang presyo, yaring Pilipino pa.
Hanggang Agosto na lamang ang tanging handog na ito.

8
Narito ang ilang mga tanong na nakatutulong upang makabuo ng liham.

1. Bakit nagkakagulo ang mga mamimili sa mga Shoe Fair? Ano ang
mayroon sa Marikina Shoe Fair?
2. Anu-ano ang mga mabibili rito?
3. Paano mo ilalarawan ang mga ito?
4. Bakit nagugustuhan ng mga tao na bumili rito?
5. Kailan matatapos ang sale?

___________________
___________________
___________________

___________________

Ginoo:

______________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

___________________

___________________

9
Subukin Mo

A. Ipagpalagay mong ikaw ay taga-Cebu. Subukin mong


sumulat ng liham para sa isang kaibigan. Sabihin ang
katangian ng lungsod. Anyayahan mo siyang mamasyal dito.
Gamitin ang impormasyon sa ibaba at ang kasunod na porma.
Isulat sa sagutang kuwaderno.

Ang Cebu

Kilala ang Lungsod ng Cebu bilang “Reyna ng Katimugan.” Isa


itong maunlad na lungsod ng rehiyon.

Sa Lungsod ng Cebu naganap ang mahalagang pangyayari sa


kasaysayan ng Pilipinas. Dito naganap ang unang misa. May
palatandaan dito kung saan inilagay ang krus ng mga Espanyol. Sa
Mactan, Cebu napatay ni Lapu-Lapu si Magellan.

Iba’t ibang pagdiriwang ang ginaganap dito. Tampok at


pinakamasaya sa lahat ng pagdiriwang ang Pista ng Santo Niño. Ang
buong linggo ng pagdiriwang ay binubuo ng mga sayaw, karnabal at
prusisyon.

135 Daang Mabolo


Mabolo, Cebu
___________________

______________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

___________________
___________________

10
B. Narito ang isa pang liham. Pansinin ang anyo nito. Isulat ito
sa anyong blak sa sagutang kuwaderno. Sundin ang porma
sa susunod na pahina.

1248 Leland Drive


Balintawak, Lungsod Quezon
Oktubre 2, 1996

Letty Jimenez-Magsanoc
Patnugot
Philippine Daily Inquirer
Avenida Chino Roces
Lungsod Makati, 1263

Mahal na Ginang Magsanoc:

Nais naming humingi ng tulong sa inyo. May malaking groseria sa


loob ng aming subdibisyon. Higit na mataas ang halaga ng mga bilihin
dito na pinuna ng marami. May karapatan daw na magtaas ng 2
hanggang 5 piso sa mga pangunahing bilihin ang mga groseria na
nasa loob ng subdibisyon. Totoo po ba ito? May batas po ba tungkol
dito?

Labis ang aming pasasalamat sa paliwanag na inyong ibibigay.

Sumasainyo,

TERESA GONZALES

11
___________________
___________________
___________________

___________________
___________________
___________________
___________________
___________________

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

___________________________________________________

___________________

___________________

C. Gumawa ng isang liham pangkaibigan tungkol sa gantimpala


na natanggap mo sa paaralan. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong sa paggawa ng liham. Isulat sa kuwadernong
sagutan.
a) Ano ang natanggap mong gantimpala?
b) Anong ibinigay na parangal sa gantimpalang ito?
c) Bakit ibinigay sa iyo ang gantimpalang ito?
d) Anong nadarama mo nang matanggap mo ito?

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo na
ngayong simulan ang susunod na modyul.

12

Vous aimerez peut-être aussi