Vous êtes sur la page 1sur 1

Ano ang pinakamabisang Lunas o Gamot sa appendicitis (apendisitis)?

Ang karaniwang lunas sa appendicitis ay ang operasyon upang i-remove ito (tinatanggal ang apensitis sa
operasyon). May operasyon na maliit lang ang ginagawang incision na tinatawag na laparoscopic
operation. Kung ang appendicitis naman ay pumutok na at ang infection ay tuluyan nang kumalat,
maaari kang sumailalim sa open appendectomy kung saan ang surgeon ay maaaring linisin ang iyong
abdominal cavity.

Ang pangunahing layunin ng panglunas sa appendicitis ay ang pagtanggal ng appendix sa pamamagitan


ng surgery (pagtitistis). Kadalasang pinapayuhan din ang surgery sa pasyente kapag may tsansa na
mayroon kang appendicitis, kahit hindi pa ito na ito natiyakan. Ito ay dahil kinikilalang mas ligtas ang
pagtanggal ng appendix, kaysa isugal ang posibleng pagputok ng appendix.

Kinakailangan na may anesthesia ang pasyente gamit ang isa sa dalawang paraan: keyhole (laparoscopy)
or open technique. Mas mabilis ang paggaling kung keyhole technique ang ginawa (keyhole technique,
recovery time tends to be short). Kung kaya't, ang mas maiksi ang pamamalagi sa ospital, at karamihan
sa mga pasyente ay maaari nang umuwi pagkaraan ng ilang araaw. Kapag kaagad na-opera at natanggal
ang appendix, makakauwi ang karamihan sa mga pasyente sa loob ng 24 oras.

Home Remedies o mga simpleng tips at pag-iingat na dapat sundin

Kung kagagaling inoperahan ng appendix, maaaring sundin ang mga tips na ito para matulungan ang
iyong katawan na maka-recover nang mabilis. Iwasan ang mabibigat na trabaho, suportahan ang iyong
tiyan kung umuubo, tawagan ang doktor kung ang mga gamot para sa sakit ay hindi umeepekto, kung
kaya nang gumawa ng mga aktibidad tulad ng kaunting palakad-lakad ay mas mabuti, magkaroon ng
sapat na pahinga at kumain ng masusustansyang pagkain at uminom ng maraming tubig. Huwag ding
uminom ng laxatives, pain killers, o antacids.

Vous aimerez peut-être aussi