Vous êtes sur la page 1sur 6

Aralin 6

DAGLI: Makabagong Anyo ng Panitikan sa Makabagong Mundo


Pag-unawang  Dagli bilang Makabagong Anyo ng Panitikan
Dapat *Nailathala sa mga babasahing may kinalaman sa kasaysayan
Linangin ng Pilipinas ang iba’t ibang uri ng Panitikan. Kadikit ng bawat
(Susing- pag-usbong ng mga Panitikang ito ang mga patunay ng pagiging
Kaisipan) malikhain ng mga tao. Makabagong Usbong na Panitikan ang
Dagli. Bakas ito sa paraan o estilong pinaunlad at pinalawak ng
mga taong napapabilang sa larangang ito. Makabagong
maituturing kitang-kita naman ang prosesong pinagmulan nito na
hinango sa mga makasaysayang yugto ng mga panitikan
mayroon ang Pilipinas.
 Dagli sa Paglilinang ng kasanayan sa Mapanuring Pag-iisip
*Ang Dagli ay may katangiang linagin ang mapanuring pag-iisip
ng mga mag-aaral. Marapat lamang na gamitin ito sa pagtataya
ng kritikal na pag-iisip at upang maipakita rin sa iba’t ibang mukha
ang larawan ng pagiging malikhain.
 Dagli Bilang Sandigan ng Malikhaing Kasanayan
*Ang Dagli ay isang manipestasyon na ang isang indibidwal ay
may kasanayan sa pagiging malikhain. Dahil lumilikha ito ng
makabagong panlasa. Pangunahing nagiging layunin nito ay
bumuo ng bago na maaaring mapakinabangan at makilala sa
larangan ng pagsusulat.

Mga Layunin Sa pagtatapos ng sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 matukoy ang kahulugan at katangian ng Dagli;


 masuri ang pagkakaiba ng Dagli sa iba pang anyo ng panitikan
 magamit ang dagli sa paglilinang ng kasanayan sa mapanuring
pag-iisip
 makalikha ng isang dagli na may kinalaman sa isyung mayroon
ang bansa
Hindi
Magmamaliw “Saglit subalit Sulit na karanasan ang ihahatid ngunit may sangkap na
na Pang- kaalaman na panghabambuhay na magagamit”
unawa
Panimulang DagLINANG
Gawain/Pang
ganyak Bumuo ng limang pangkat at pag-usapan ang mga sumusunod na
kategorya sa ibaba.

Isyung Pabaritong
Interes
Panlipunan basahin

Karanasan Kaalaman

Sagutin ang mga tanong:

Mga tanong: Mga Sagot:

Ano-ano ang mga interes ng


miyembro sa pangkat?

Ano-ano ang mga Isyung


Panlipunan ang napag-usapan?

Anong mga paboritong basahin


ng miyembro ng pangkat?

Anong mga karanasan ang


nabanggit ng mga miyembro ng
pangkat?

Anong mga kaalaman ang


nabanggit ng miyembro ng
pangkat?

Matapos itong masagutan ay bumuo ng isang #Hashtag bilang


pinakabuod ng napag-usapan sa pangkat. Mayroong isang kinatawan
na ipapaliwanag ang hashtag na nabuo.

Pagtalakay Batayang Kaalaman sa Maikiling Kwento

Kahulugan
 Ang dagli ay isang uri ng pampanitikang Filipino na naglalarawan
ng bagay, tao o pangyayarisa maikling paraan at karaniwang
ginagamitan ng talinghaga, siste, o satira. (Santos, 2012) Ayon
kay Atienza (2007), ito ay sinusulat gamit ang anyong tuluyan.
Batay sa depinisyong nailahad, isang indikasyon upang matukoy
na dagli ang isang akda ay ang maikli nitong porma; isang
katangian na maituturing na angkop sa kasalukuyang panahon.

 Isang pangunahing Teknik ng dagli ang pagbitin sa mambabasa.


Ito ang pinagmumulan ng kaalaman dulot ng mga maiiksing akda
sa panahong nagmamadali ang mga mambabasa. (Lumbrera,
n.d. sa banggit ni Santos, 2011).

 Dahil sa katangiang ito ng dagli, nagiging interaktibo ang


dayalogo ng awtor at mambabasa dahil binibigyang ng
pagkakataon ang huli na magbigay ng mga detalye sa sarili
nilang kakayahan (Atalia, n,d, sa banggit ni Santos, 2008)

Kahalagahan ng DAGLI

 Nagbibigay ito ng bagong mukha sa larangan ng panitikan.


 Naglilinang ito ng kasanayan sa mapanuring pag-iisip
 Nagmumulat sa mga isyung nangyayari sa lipunan .
 Nagbibigay oportunidad na mapalakas pa ang mga gawaing
pampagkatuto at pagtuturo.

Mga Kasanayang nalilinang sa DAGLI

Ang pinakamataas na antas ng epistemolohikal nap ag-unawa at


kritikal na pag-iisip ay tinatawag na Epistemological Metaknowing at
bilang lamang ang mga indbidwal na may ganitong antas ng kritikal nap
ag-iisip.

II. Kahalagahan ng Dagli

 Nagiging pangunahing bentahe ng Dagli sa mga mambabasa,


dahil may katangian ang dagli na maikli ngunit kumpleto ang
banghay ng isang kwento. Nililinang nito ang kasanayan sa
mapanuring pag-iisip.
 Dahil bagong usbong ang Dagli, iilan pa lamang ang mga taong
nagtataguyod sa larangang ito. Isang manipestasyon dito ang
mga akda na maaaring nababasa na sa mga iba’t ibang libro. Sa
larangang ito maliban sa paghahasa ng mapanuring pag-iisip
nililinang din ito ang kasanayan ng mag-aaral na maging
malikhain.

III. Katangian ng Dagli

 May katangian ang Dagli na maikli ngunit kumpleto ang banghay


ng isang kwento.
 Ang isang estilo sa pagsusulat bg dagli ay ang tinatawag na sipa
o dating sa dulo. Dahil maikli ang dagli nagkakaroon ng isang
makabuluhang dulo. Kadalasan ay pinababayaan ng manunulat
ang mga mambabasa na sikaping hulaan mo pag-aralan ang
mangyayari sa dulong bahagi.
 Kadalasang nagiging paksain sa Dagli ay ang mga Isyung
Panlipunan. Ito ang nagiging target ng mga manunulat.
 Makabuluhan ang mga dagli. Dahil pangunahin nitong hinahasa
ang kakayahan ng mag-aaral na mag-isip sa mapanuring paraan.
Tumatawid din ito sa ibang disiplina tulad ng kakayahan na
pagpasya sa kung ano ang interpretasyon sa pagbabasa sa
dagli.

Pagsusuri SANGKAP-HANAP: Bumuo ng isang komprehensibong hakbang sa


pagsusulat ng dagli. Gawing padron ang grapikong pantulong na
nasa ibaba.

KONSEPTO:

ISYUNG
DAGLI MAIKLI SIPA/DATING MAKABULUHAN
PANLIPUNAN

HAKBANG SA PAGSULAT NG DAGLI

1.

6
7

10

Pagsasanay Suroy-Istorya (Lakbay sa Luneta)

 Ipapangkat ang mga mag-aaral sa lima.


 Bawat pangkat ay magkakaroon ng isang kinatawan. Bibigyan ng
10 minuto ang mga mag-aaral para umiisip ng Teknik o
estratehiya para sa gagawing paglalakbay sa napiling lugar ng
guro.
 Mula sa paglalakbay na ito ay bubuo ang bawat miyembro ng
pangkat ng isang DAGLI mula sa mga kwento na nakuha nila sa
kanilang paglalakad at pakikipanayam sa mga tao sa napiling
lugar ng guro.
 Pagkatapos magawa ng pangkat ang mga DAGLi ay
magkakaraoon diskusyon o talakayan kung sino ang
pinakamagandang gawang dagli.
 Ang mga mapipili sa bawat pangkat ay may pagkakataong
ibahagi sa klase ang kanilang nasulat.

Paglalahat SURI-HANAY

Panuto: Bumuo ng pangkat. Bawat pangkat ay may TATLONG


miyembro. Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng 10 minutong pag-
uusap tungkol sa Kahulugan, Katangian at Kahalagahan ng Dagli. Ang
tatlong miyembro ng pangkat ay mag-uusap kung sino ang
magsasaliksik sa Kahulugan-katangian at Kahalagahan ng Dagli.
Kailangan nilang tapatan ang titik na nakasulat sa bawat bahagi.

Kahulugan Katangian Kahalagahan

D D D

A A A

G G G

L L L
I I I

Paglalapat Personal na DAGLI: Pagsulat ng “Kwentong Taglay ng Pamilya,


Ibulay-Isulat”

Gumawa ng isang Dagli tungkol sa mga paksang may kinalaman


sa pamilya. Ang Dagling mabubuo ay dapat na sumusunod sa mga
katangian ng isang Dagli.

Rubrik sa Paggawa ng Dagli

Pamantayan 5 4 3 2
1. May lohikal na pagkakasunod-sunod
ng banghay ng isang Dagli
2. Magkakaugnay ang nilalaman.
3. Maayos at masinop ang pagkakasulat.

4. Maayos ang pagpili ng salita, baybay,


at pagbabantas
5. May kinalaman sa paksa.

Vous aimerez peut-être aussi