Vous êtes sur la page 1sur 1

Ito na marahil ang huling liham na isusulat ko para sayo.

Pangarap – para sakin isa kang pangarap. Hiniling ng matagal,


Hinihiling pa rin, pero tila ‘di na makakamtan;

Anghel – kung iniisip mo wala kang kwenta, nagkakamali ka.


Sakin, ikaw ang pinaka maganda at pinaka masakit na nangyari sa buhay ko.
Sa bawat pagtitiis, sa bawat luha, sa bawat hikbi, sa mga sakit, masasabing -

Ayoko na – ayoko ng umasa. Pagod nakong hilingin sa mga bituin na nahuhulog mula sa kalangitan,
Sa Poong Maykapal, na sana, sana akin ka nalang. Suko na. Susuko na;

Laging ikaw – Tanging ikaw laman ng isip. Lahat ng gagawin. Lahat sasabihin.
Dahil ikaw, ikaw ang lahat sa akin. Masakit man ang sasabihin, pinipili pa ring sabihin.

Alam kong makakabuti ‘to para satin, sayo at sakin. Wala ng sakit. Wala ng iyak. Wala na. Kasi matatapos
na.

Mahal kita. Sobra. Higit pa sa higit. Gusto kong malaman mo. Gusto kong tandaan mo.

Pero sa paglisan, magiging masaya ka, magiging masaya tayo,


Kaso mawawalan ng tayo, kaya naman magiging masaya ako para sa inyo.

Wala ng marahil, sapagkat ito, ito na ang huling liham na isusulat ko para sayo.

PAALAM.

Vous aimerez peut-être aussi