Vous êtes sur la page 1sur 4

ANG KAHALAGAHAN NG PAG-GAMIT NG KOMPYUTER SA MGA MAG-

AARAL NG BACHELOR OF SCIENCE AND INFORMATION TECHNOLOGY SA


CAVITE STATE UNIVERSITY CAMPUS, INDANG CAVITE

KABANATA 1

Introduksyon

Sa pag-usbong ng bagong ekonomiya at paglago ng makabagong panahon, unti-unti na


ring nagbabago ang pamumuhay ng mga tao sa mundo. Sa paglipas ng mga siglo ay unti-unti
nababago at napapadali ang pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao dito sa mundo. Isa sa
mga naging pangunaging sangkapan upang mapadali ang pamumuhay ng mga tao ay ang
"kompyuter". Isang makabagong teknolohiya na nilikha ng mga tao upang mas mapadali ang
pagpoproseso ng nga iba't ibang bagay dito sa mundo. Maraming nagagawa ang isang simpleng
bagay na gaya nito. Mas marami na din ang higit na gumagamit nito hindi lamang sa paglaganap
ng impormasyon, pagpapabilis ng komunikasyon at pag-aaral ng mga bagong bagay dito sa
mundo. Ang kompyuter bilang paglaganap ng impormasyon ay malaki ang naitutulong di
lamang para sa mga taong gumagamit nito sa kani-kanilang mga trabaho kundi rin para sa mga
kabataang nangangailangan nito para sa kanilang mga pananaliksik na papel at iba't-ibang pag-
aaral. Nagagamit din ang kompyuter sa pagpapabilis ng komunikasyon dahil hindi noong mga
nakalipas na panahon, matagal tagal bago pa makuha ang isang panulat na nagmula pa sa isang
tao papunta sa isa pa.

Sa paglipas ng panahon, hindi lamang ang mga tao ang umuusad sa pagbabago na dala
ng mga makabagong teknolohiya. Habang umuusad at nagbabago ang mga tao ay nagbabago
din ang mga teknolohiya at mas lalong umuusbong at nababago ang kakayahan nito at ang mga
kaya nitong gawin. Sa kasalukuyang ekonomiya, gingamit na ang makabagong teknolohiyang ito
sa pag-aaral ng mga mag-aaral hindi lamang mula sa elementarya, sekondarya pati na rin sa
kolehiyo. Sa katunayan ay may mga kurso o batsilyer na ang pangunahing kasangkapan ay ang
kompyuter. Sila ang mga kabatan na inaasahan na mas makakapagpago at makakapagpalago ng
mga kakayahan at kayang gawin ng makabagong teknolohiyang ito, ibig sabihin ay mas
mapapadali pa lalo ang maaring magawa ng pagpasok pa ng mga susunod na siglo ng mga mag-
aaral dito sa mundo.

Suliranin ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay maaring masagot ang mga pangunahing katanungan na


nakalaan para sa sitwasyon na ito:

1. Mas napapadali nga bang kompyuter ang pag-aaral ng mga estudyante?


2. Ano ang mga naitutulong nito sa kanilang mga pananaliksik?
3. Paano napapagaan ng kompyuter ang trabaho ng mga mag-aaral?
4. May mga magaganda bang naidudulot ang pag-gamit nito sa mga estuyante sa kanilang
pag-aaral?
5. Ano ang maaring maging masamang epekto nito sa mga mag-aaral?
6. Ano ang kmaiiaambag ng kompyuter sa mga estuyante sa kanilang pag-aaral?

Layunin ng Pananaliksik

Ang layunin ng pananaliksik na ito bilang “ANG KAHALAGAHAN NG PAG-GAMIT


NG KOMPYUTER SA MGA MAG-AARAL NG BACHELOR OF SCIENCE AND
INFORMATION TECHNOLOGY SA CAVITE STATE UNIVERSITY CAMPUS, INDANG
CAVITE” ay magbigay ng kaukulang kaalaman, impormasyon at mga huwestyon para
matugunan ang mga sumusunod:

1. Nais malaman ng pananaliksik na ito ang pangunahing propayl ng mga respondante:


a.) Pangalan
b.) Kasarian
c.) Edad
d.) Naitutulong ng pag-gamit ng kompyuter sa kanilang pag-aaral
2. Alamin ang mga pangunahing naitutulong ng kompyuter sa pangaraw-araw nilang
pamumuhay
3. Malaman ang mga maaring maging masamang epekto nito sa kanilang pag-aaral
4. Malaman ang mga maaring magandang epekto nito sa kanilang pag-aaral.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Nais na mapatunayan ng mga mananaliksik ang kanilang mga hinuha ukol sa mga
nabatid na sitwasyon na maaring mabigyang solusyon ang mga kaukulang impormasyon na
maaring makatulong sa mga mag-aaral at sa kasalukuyang panahon.

Kabataan. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga pangunahing naidudulot ng pag –
gamit ng kompyuter upang mapabilis ang mga pang araw-araw nilang gawin.

Mag-aaral. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral kung paano sila madaling makalakap ng
impormasyon sa pamamagitan ng pag gamit ng kompyuter.

Magulang. Para maipaalam sa kanila na hindi lamang masasama ang epekto sa mga kabataan at
sa mga mag-aaral ang pag gamit nila ng mga makabagong teknolohiya. Sa katunayan ay mas
napapagaan pa nito ang pag –aaral ng mga mag-aaral.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumutuon din lamang sa mga pangunahing kaalaman at


kakayahan ng mga mag-aaral ng Bachelor of Science in Information Technology sa Cavite State
University Main-Campus, Indang Cavite.

Nakatuon din ang pananaliksik na ito sa mga maaring maging epekto, mabuti at masama,
at mga kakayahang kayang gawin ng mga makabagong teknolohiya na maaring makapagpabago
at makatulong sa mga kabataan hindi lamang sa ibat’ibang bahagi ng pag-aaral kundi na rin sa
pagpapalawig ng komunikasyon at mga pangunahing impormasyon.

Nakatulong sa pananaliksik na ito ang pagbibigay ng oras ng mga mag-aaral ng Bachelor


of Science and Information Technology sa Cavite State University Main Campus sa kanilang
responsible at boluntaryong pag sagot sa sarbey na pinamahagi sa kanila.
Depenisyon ng Terminolohiya

Komputer - Ang kompyuter, kumpyuter, komputadora o computer [Ingles] ay isang makina na


ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan
ng mga terminong numerikal o lohikal.

Internet - Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin
ng publiko sa buong mundo. Naipapadala ang mga datos sa pamamagitan ng packet switching na
gamit ang inayunang pamantayan na Internet Protocol (IP). Binubuo ito ng milyon-milyong
pampribado, pampubliko, pampaaralan at pang-gobyernong mga network na may lokal hanggang
malawakang saklaw at pinagka-kaugnay sa pamamagitan ng mga kawad na tanso, kawad na
fiber-optic, wireless na kuneksyon at iba pang teknolohiya. Dinadala nito ang mga iba't ibang
impormasyon at serbisyo, katulad ng electronic mail, online chat, at magka-kaugnay na mga
pahina ng web ng World Wide Web

Vous aimerez peut-être aussi