Vous êtes sur la page 1sur 1

PAGTATAPOS Si Simoun ay sugatan at nanghihinang kumatok sa tahanan ni Padre Florentino, ang amain ni

Isagani. Walang tanong-tanong ay buong pusong tinanggap ng indiong si Padre Florentino si Simoun at
pinagyaman ang maysakit. Inisip na lamang nya na kaya ganoon si Simoun ay dahil umalis na ang kaibigan
nitong Kapitan Heneral kung kaya’t hinahabol sya ng mga naiinggit sa kanyang kayamanan at yaong
kinuhanan nya ng mga kayamanan. Nang araw ding iyon ay may dumating na sulat na nagsasabing may
huhulihin silang tao sa bahay ni Padre Florentino buhay man o patay ay huhulihin nila ito. Sa pag-aakala ni
Don Tiburcio de Espadana na noon ay nakikitira kay Padre Florentino na sya ang huhulihin at dahil
kagagawan iyon ng kanyang asawa ay dali-dali syang nag-empake at umalis upang hindi abutan ng mga
guardia sibil. Kahit anong paliwanag ni Padre Florentino na si Simoun ang pinatutungkulan ng sulat ay hindi
naniwala si Don Tiburcio at umalis pa din ito. Samantala, hindi alam ni Padre Florention kung ano ang
gagawin kay Simoun, patatakasin ba ito o ano, kung kaya’t sinabi niya kay Simoun ang ukol sa sulat at
nagulat siya sapagkat ayaw ni Simoun na tumakas at ngumiti pa ito ng pauyam. Umalis ang pari at pagbalik
ay napansing nahihirapan si Simoun kung kaya’t kanyang tinanong at sinabi nito na “Opo, konti lang
po…ngunit sa loob ng ilang sandali ay matatapos na din ang paghihirap ko!” At nalaman ni Padre Florentino
na uminom pala ng lason si Simoun. Mas nanaisin pa daw nitong mamatay kaysa mahuli ng buhay ninuman.
Bago malagutan ng hininga si Simoun ay ipinagtapat niya kay Padre Florentino ang lahat ng kanyang lihim
na siya si Crisostomo Ibarra na nagbagong anyo upang maghigante subalit siya ay nabigo. Ayon kay Pdre
Florentino ang kanyang pagkabigo ay kagagawan ng Panginoon sapagkat hindi Nito nais ang paraan na pinili
ni Simoun. Ang kailangan ng bayan ay magtiis at gumawa upang makamtam ang kanyang layunin at
tanging pag-ibig lamang ang makapagliligtas. Sa pagtatapos ng kanilang usapan ay wala ng buhay si
Simoun at itinapon na ni Padre Florentino ang baul ng kayamanan ni Simoun sa dagat Pasipiko

Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na sya ay nagkamali subalit pinanindigan pa din na dapat
makamtam ng mga Pilipino ang kalayaan sa mapagparusang kamay ng mga Kastila. At hindi pinahintulot na sya ay
mahuli ng buhay mas ninais pa niyang mamatay na lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw ukol
sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan Nito. Nakita din natin ang kabutihan ng isangn paring indiyo at ang
kasawian at katapusan ni Ibarra na nagpanggap na si Simoun.

Vous aimerez peut-être aussi