Vous êtes sur la page 1sur 1

"Tay, kain ka na po.

"
"Sige lang anak. Kumain na si tatay. Ubusin mo 'yan."
"Tay hati po tayo dito sa kumot. Malamig na po."
"Sige lang anak. Kaya ni tatay ang lamig. Matulog ka nang mahimbing."
"Tay, bakit hindi ka pa po natutulog?"
"Hindi pa inaantok si tatay 'nak, eh. Sige, matulog ka na ulit.
"Tay, magkakaroon po kami ng field trip. Gusto ko pong sumali."
"Gano'n ba 'nak. Sige, maghahanap si tatay ng pera."
"Tay, ito po tubig oh."
"Hindi 'nak, sa 'yo na 'yan. Mahaba pa ang lalakarin natin baka mauhaw ka. Hindi rin naman
nauuhaw si tatay.
"Tay, nagugutom na po ako. Wala pa po tayong pagkain."
"Pasensiya na 'nak hindi kasi ako pinasahod ngayon sa trabaho, eh. Sandali, mangungutang si
tatay. Hintayin mo 'ko."
"Tay, mahirap po ba 'yong trabaho mo? Lagi ka po kasing umuuwi na pagod na pagod."

"Hindi 'nak. Madali lang ang trabaho ni tatay. Huwag mo nang isipin si tatay, buksan mo na lang
'tong dala ko. Sigurado akong matutuwa ka.

"Wow bagong tsinelas! Pero tay maayos pa po ang tsinelas ko. Dapat po ay bumili na lang kayo
ng sa inyo. Sira na po ang tsinelas niyo, oh. Puro na po alambre tay.

"Nagagamit ko pa naman 'to 'nak kaya ayos lang. 'Yang bago mong tsinelas, susuotin mo
kapag aalis tayo..
"Tay, salamat po sa paghatid."

"Wala 'yon 'nak. Sige na, pumasok ka na."

Sa bawat,

'Hindi ako nauuhaw anak,' ay ang katotohanang,


'Nauuhaw ako anak, pero handang tiisin ni tatay para sa 'yo.'

Sa bawat,

'Hindi ako nagugutom anak. Busog si tatay, ' ay ang katotohanang,


'Nagugutom na si tatay 'nak pero alam kong mas kailangan mo 'yan.'

Sa bawat,

'Hindi nilalamig si tatay 'nak,' ay ang katotohanang,


'Nilalamig na si tatay 'nak pero mas kailangan 'yan ng maliit mong katawan.'

Sa bawat,

'Hindi pa ako inaantok 'nak,' ay ang katotohanang,


'Hindi ako makatulog 'nak. Iniisip ko kasi kung paano mababayaran ang mga bayarin natin.'

Sa bawat,

'Hindi ako pagod 'nak. Kayang-kaya 'to ni tatay,' ay ang katotohanang,


'Pagod na ako 'nak pero para sa 'yo kakayanin ni tatay. Kahit ilang trabaho pa ang pasukan ko
'nak handa kong pasukan mabigyan ka lang nang magandang buhay.'
Nagsinungaling si tatay.Nagsinungaling siya sa totoong nararamdamanan niya para lang bigyan
ako nang magandang buhay.

Happy birthday Pa. Agyaman kami ti adu nga anus mo we love you Pa 

Vous aimerez peut-être aussi