Vous êtes sur la page 1sur 4

I. Ilagay lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Sa paanong paraan nasusulat ang adyenda?

a. ito ay isinusulat sa pinakamababa hanggang sa pinaka importanteng pagsulat ng Adyenda

b.Ito ay nakasulat sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod

_____2. Ano ang negatibong pagpapaka hulugan sa adyenda?

a. Ito ay may lihim na plano para sa sariling interes

b. Ito ay mga gawaing pag uusapan sa isang pagpupulong

_____3. Ilang oras ang itanatagal ng isang adyenda?

a. Isang oras

b. Dalawang oras

_____4. Ilang oras lamang ang kapasidad ng isang adyenda?

a. Hanggang anim (6) na oras depende sa paguusapan


b. Hanggang pitong (7) oras depende sa paguusapan

_____5. Kung uuriin ang adyenda sa dalawa ano ito?

a. Ang kailangang tugunan


b. Ang nagbibigay lamang ng impormasyon

II. Enumerasyon

Magbigay ng dalawang kahalagahan ng adyenda .

Magbigay ng dalawang sosyo-ekonomikong adyenda ng Pilipinas

Mga sagot:

1B

2. A

3. B

4. A

5. A, B

Mga Kahalagahan ng Adyenda:

1.magiging organisado ang pag uusap at mga pagpupulong.

2.maiiwasan ang mga pagtatalo dahil mismong ang nagsular ng agenda ay kadalasan ding may
mungkahing solusyon.
3.hindi mauubis ang oras,at magagamit ito ayon sa itinakdang layunin nito.

4.lahat ng usapin ay matatalakay kung may agenda dahil pinagisipang mabuti bago magpulong

5.nabibigysn nito ng katuturan at kaayusan ang daloy ng pagpupulong.

6.nalalaman ng nagpupulong ang mga isyung kanilang tatalakayin.

7.nabibigyan ng pagkakataong tantiyahub ang oras ng pagpupulong.

8.naiiwasan ang pagtalakay sa usaping wala sa agenda.

Sosyo- Ekonomikong Adyenda ng Pilipinas:

1 Pagpapatuloy at pagmimintina ng Kasalukuyang Macroeconomic policies, kasama ang Fiscal,


monetary, at Trade Policies

2. Pagtatalaga o pagtatakda ng progresibong reporma sa buwis, at higit na epektibong pagkolekta ng


buwis at tax indexing laban sa inflation

3. Pagpapataas ng Kompetisyon at ang pagpapadali ng pagnenegosyo. Hahalaw ito ng mga modelong


matagumpay sa panghihikayat ng mga negosyo sa mga lokal na siyudad at ipagpatuloy ang pagpapalaya
ng mga restriksiyon sa Konstitusyon sa pagmamay-ari ng banyaga, liban na lamang sa usapin ng
pagmamay-ari ng lupa, upang makapanghikayat ng mga direktang pamumuhunan mula sa labas ng
bansa.

4. Pabilisin ang taunang pagpapagawa ng infrastructure uoang maying 5% ang GDP, at ang pampubliko-
pribadong ugnayan ang may susing tungkulin.

5. Itaguyod ang rural at value chain development tungo sa paglago ng mga agrikultural at rural na
produksiyon, turismong rural.

6. Tiyakin ang seguridad sa land tenure upang manghikayat ng mga pamumuhunan, at sagutin ang
problema sa land management at ahensiyang nagbibigay titulo.

7. Mamuhunan sa human capital development, kasama ang sistema ng kalusugan at edukasyon, at


tumbasan ng skills at training ang pangangailangan ng mga negosyo at pribadong sektor.

8. Paunlarin ang agham, teknolohiya, at malikhaing sining upang mapalago ang inobasyon at malikhaing
kapasidad tungo sa nakapagsasarili at inklusibong pag-unlad.

9. Mapabuti ang mga programa sa panlipunang proteksiyon, kasama ng programang Conditional Cash
Transfer ng gobyerno, upang pangalagaan ang mahihirap sa economic shock o mga mabuhay na
kondisyong nakakaapekto sa ekonomiya.

10. Patibayin ang implementasyon ng Responsible Parenthood at Reproductive Health Law upang
makaya, lalo na ng mahihirap na mag-asawa, na mahusay na makapagpasya sa pagpaplanong pinansiyal
at pamilya.
Yunit 2: Pagsasanay sa
Organisasyong Gawain
Aralin 1: Pagtala ng Adyenda

Group 1

Ipinasa nina:
Cabreros, Al Christian
De Ocampo, John Carlo
Dela Cruz, Armhar
Espinosa, Marco
Manozon, Kyle Ashley
Sangel, Owen Jero

Vous aimerez peut-être aussi