Vous êtes sur la page 1sur 21

ANG WIKANG FILIPINO

SA MAKABAGONG PANAHON

I. Panimula

Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang

pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan ang

mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang

bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-

ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. \ito ay talagang napakahalaga

dahil kung wala ito, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunland kung ang mga tao ay hindi

nagkakaisa o nagkakaintindihan.

Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating ekonomiya lalong-

lalo na patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng mas maraming barayti ng wika at

nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong lenggwahe katulad nalang ng mga

ginagamit ng bakla o “beki” na kadalasan tinatawag na “beki language”. Marami nang

nadulot na impluwensya ang mga pagbabagon ito lalong-lalo na sa mga kabataan.

Nang dahil sa teknolohiya na nakapaligid sa ating kabataan ngayon, nalipat na ang

kanilang atensyon sa mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o mahalaga.

Nakakalimutan na nila ang pangunahing kaalam kagaya ng wastong paggamit ng mga

salita at ang kahalagan ng pagbibgigay importansya at pagtangkilik sa ating sariling

wika; ang wikang Filipino.

Ayon nga sa sinabi ng ating naturingang bayani, “Ang hindi marunong magmahal sa

sariling wika, ay higit pa sa amoy ng malansang isda”. Ang pag-aaral na ito ay


nakatuon sa paglikom ng iba-ibang persepsyon ng kabataan sa pagkilanlan at paggamit

sa wikang Filipino sa makabagong panahon. Upang makalikom ng mga suhestiyon ukol

sa paano makisabay sa pagbabago ng ating wika at makabigay ideya sa kung paano

mapapaunlad o mabubuhay ulit ang unti-unti na nating nakakalimutang wikang Filipino.

II. Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing Suliranin:

1. Ano na ang naging mukha ng Wikang Filipino sa isipan ng ating kabataan?

Mga Tiyak na Suliranin:

1. Anu-ano ang mga salik na nagtulak sa kabataan na makaligtaan ang importansya ng

wikang Filipino sa ating ekonomiya at pagiging Pilipino?

2. Bakit mahalaga ang paglikom ng ideya ng ating kabataan tungkol sa Wikang Filipino sa

makabagong panahon?

III. Mga Kaugnay na Literatura

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng

paghahatid ng mgak aisipan, damdamin at mihiin.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na

binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng

maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa aisang panahon ng

kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o

natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.


Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal

at multicultural, nabubuklod an gating mga watak-watak na isla n g iisang mithiin na

ipinapahayag hinidl amang sa maraming tinig ng iba’t-ibang rehiyon kundi gayon di nsa

isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng

wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

IV. Mga Pamamaraan ng Pag-aaral at Pagkuha ng Datos

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nauuri sa klasipikasyong deskriptibo o panlarawang

pananaliksik na karaniwang ginagamit sa mga pananaliksik at pag-aaral na ukol sa wika

at kaugnay na disiplina.

Lugar ng Pag-aaral

Isinagawa ang pag-aaral sa St. Louise de Marillac College of Bogo sa seksyon ng

Blessed Giuseppina Nicoli na isang pribadong paaralan sa lungsod ng Bogo.

Napagdesisyonan ng mananaliksik na sa paaralang ito ang isigawa ang survey sa

kadahilanang ang mga mag-aaral sa nasabing paaralan ay may mga pangunahing

kaalaman ukol sa paksa na isinasaliksik ng mga mananaliksik.

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga kalahok sa pag-aaral ay apatnapu’t-anim (46) na mag-aaral na may edad

14-17 sa ikawalong baitang (Grade 8) at tatlo (3) mula sa ikasampung baiting (Grade

10). Ito ay binubuo ng dalawampu’t-apat (24) na lalaki at dalawampu’t-limang (25)

babae. Random sampling ang nangyaring pamamaraan ng pagpili ng mga kalahok


sapagkat ninais ng mga mananaliksik na makakuha ng datos ukol sa persepsyon ng

mga kabataan patungkol sa nasabing paksa.

Mga Instrumentong Gagamitin sa Pag-aaral

Gumamit ang mga mananaliksik ng isang set talatanungan/questionnaire para sa mga

kalahok sa pag-aaral.

Mga Hakbang sa Pag-aaral

Isinagawa ng mga mananaliksik ang sumusunod na mga hakbang upang

maisakatuparan ang kanilang pag-aaral:

1. Pagkalap, paglikom, at pagbasa ng mga kaugnay na artikulo at pag-aaral

Nagsimula ang mga mananaliksik sa pangangalapbng mga teorya o ideya mula sa mga

artikulong kaugnay sa isinagawang pag-aaral. Naghalughog ng mga babasahin ang

mga mananaliksik na maaaring mapabilang sa paglikom at pagbuo ng mga datos.

2. Paggawa ng isang talatanungan na magsisilbing survey-questionnaire

Base sa nagawang paksa at mga suliranin, nakabuo ang mga mananaliksik ng isang

talatanungan na magsisilbing gabay sa pagbuo ng datos.

3. Pakikipanayam sa mga mag-aaral na may pangunahing kaalaman sa Wikang Filipino

Nakipagpanayam ang mga mananaliksik sa isang seksyon ng mag-aaral sa isang

pribadong paaralan sa lungod ng Bogo upang makalikom ng mga sagot sa nasagawang

survey at mabuo ang mga nalikom na datos.

4. Paggawa ng isang talahanayan ng mga nalikom na sagot


Sa mga nalikom na sagot mula sa survey, nakabuo ang mga mananaliksik ng isang

talahanayan kung saan makikita doon ang mga datos na kailangan upang makamit ang

konklusyon ng nasabing pag-aaral/pananaliksik.

5. Pag-analisa ng mga nakalap na datos

Mula sa mga datos, nakagawa ang mga mananaliksik ng isang simpleng statistics.

V. Paglalahad ng Datos at Kinalabasan ng Pag-aaral

Talahanayan 1. Mga Nalikom sa Sagot Mula sa Survey

Oo Hindi

Mga Tanong Lalaki Babae Lalaki Babae

1. Sang-ayon ka ba na

umuunlad/nagbabago ang

wikang Filipino? 22 19 2 6

2. Ang makabagong

teknolohiya ba ay isa sa mga

salik na nakakaapekto sa pag-

unlad/pagbago ng wikang

Filipino? 19 18 5 7
3. Mahalaga ba ang pag-

unlad/pagbago ng wikang

Filipino? 23 25 1 0

4. Mahalaga pa ba ang

wikang Filipino sa kasalukuyan? 22 25 2 0

5. Ang paglipas ba ng

panahon ay isa din sa mga

naging dahilan sa pag-

unlad/pagbago ng wika? 17 21 7 4

6. Nakakaapekto ba ang

pag-unlad/pagbago ng wikang

Filipino sa kasalukuyan? 14 13 10 12

7. Dapat na bang kalimutan

ang mga lumang salita na ating

minana mula ating mga ninuno? 18 25 6 0

8. Nakaimpluwensiya ba ang

panankop ng ibang bansa sa

pag-unlad/pagbago ng ating

wika? 7 22 17 3
9. Bilang mag-aaral, may

maitutulong ka ba sa pag-

unlad/pagbago ng wika? 20 25 4 0

10. Naging epektibo ba ang

pag-unlad/pagbago ng wika sa

ating pamumuhay/lipunan? 19 21 5 4

Total 214 181 36 59

Mula sa mga datos na makikita sa talahanayan 1, maoobserbahan na, sa lahat ng mga

kalahok sa pag-aaral, mas marami ang sumagot ng “Oo”. Mula sa teorya ng mga

mananaliksik na umuunlad/nagbabago ang Wikang Filipino sa kasalukkuyan,

sumasang-ayon ang karamihan ng mga kalahok sa nasabing teorya.

Base sa datos sa ikalawang tanong kung saan nakasaad ang teknolohiya bilang salik

sa pagbabago ng Wikang Filipino sa kasalukuyan, 80.43% ng mga kalahok sa survey

ang sumang-ayon sa pahayag. Sa ikallimang katanungan, masasabi rin na ang Wikang

Filipino ay nagbago/umunlad base sa datos sa ibabaw na may 82.61% ng mga kalahok

na sumang-ayon.

Sa pangkalahatang resulta, makikita sa talahanayan na halos lahat ng mga mag-

aaral/kalahok ay sumang-ayon sa pagbabago/pag-unlad ng Wikang Filipino sa

kasalukuyan at ang kahalagahan nito. Base rin sa datos sa ibabaw, masasabing ang
pagbabago/pag-unlad ng Wikang Filipino sa kasalukuyan ay epektibo na nakatulong sa

pamumuhay at lipunan.

VI. Konklusyon at Rekomendasyon

Konklusyon

Sang-ayon o batay sa nagging kinalabasan oresulta ng mga nakalap na datos, narito

ang mga nagging kongklusyon sa isinagawang pag-aaral:

 Sa paglipas ng panahon, umunlad/nagbago at umuunlad/nagbabago ang Wikang

Filipino na kailangan nating tanggapin at gawin itong benepisyal para sa ekonomiya at

sa pagiging Pilipino.

 Sa pagtapos ng pananaliksik, masasabing ang teknolohiya ay isa sa mga salik kung

bakit nagbago at nakaligtaan ng karamihan sa kabataan ang Wikang Filipino sa

kasalukuyan.

 Masasabing hindi lingid sa kaalaman ng mga kabataan ang imporatansya at

kahalagahan ng Wikang Filipino ngunit ang mga pangunahing kaalaman na meron sila

ay dapat pang lingangin upang mas maunawaan pa nila at mahalin ang Wikang Filipino.

 Mahalaga na makita ng mga kabataan ang importansya ng Wikang Filipino sapagkat

sila ang pag-asa ng bayan at ang Wikang Filipino ang isa sa magiging tulay natin upang

mas mapalago ang ekonomiya ng isang bansa.


Rekomendasyon

Salig sa isinagawang pag-aaral, inilalahad ang sumusunod na mga mungkahing

solusyon, suhestiyon, at rekomendasyon upang mas lalong mapabuti at mapag-ibayo

ang ideya sa paksa ng pananaliksik:

 Patuloy pang paunlarin ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng patuloy na pagbahagi

ng importansya at kahalagahan ng ating wika lalo na sa mga kaabataan sa

kasalukuyan.

 Pag-enganyo sa kapwa mananaliksik na magsagawa rin ng mga kaugnay na pag-

aaral/pananaliksik upang matugunan ang mga katanungan na magpahanggang ngayon

ay nanatili pa rin na nakabitin sa ating mga isipan patungkol sa pagpapa-unlad ng

Wikang Filipino.

 Gamitin ang mga imporamasyon na makalap sa pag-aaral/pananaliksik na ito bilang

gabay sa paggawa ng mga teorya na maka-ambag sa paggawa ng paksa na pwedeng

makatulong sa pagpapayanong sa Wikang Filipino.

 Pag-aralan at paunlarin pang higit ang ginawang pagsasaliksik ng mga mananaliksik

upang mas madagdagan ang mga datos na kinakailangan para mas mapakinis at

mapatibay pa ang konklusyon at kahulugan ng pag-aaral na ito.

VII. Talaan ng mga Sanggunian

Mga Aklat

Arrogante, Jose A. et. Al. 2007. Sining ng Komunikasyon sa Akademikong

Filipino. National Book Store, Mandaluyong City

Arrogante, Jose A. & Ayuyao, Nunilon G. & Lacanlale, Vilma M. 2004. Panitikang

Filipino (Antolohiya) Binagong Edisyon. National Book Store, Mandaluyong City


Bernales, Rolando et. Al. 2011. Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong

Komunikasyon. Mutya Publishing House Inc., Malabon City

Buensuceso, T.S. et al. 1990. Masaklaw na Filipino. Rex Printing Company, Quezon

City

Garcia, Lakandupil et al. 2008. Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Jimcy

Publishing House, Cabanatuan City

Journal sa Internet

Batnag, A. (2001). Kabataan. Kinuha

sa https://christopher1218.wordpress.com/2012/08/19/kasaysayan-ng-wikang-filipino/

Baldon, J. et al. Wikang Filipino, sa Makabagong Panahon. Kinuha

sa http://www.slideshare.net/armialeonardo/thesis-wikang-filipino-sa-makabagong-

panahon
Mga pagbabago sa tradisyon sa patay ng mga ilokano sa pagpasok ng ika-21 dantaon

KABANATA IPANIMULAA. Introduksyon

Kuripot – ito ang pangunahing pang-uri na pumapasok sa isipan ng ninuman

kungtatanungin sila ng tungkol sa mga Ilokano. Isang bagay na dulot ng hindi pagkaka-

unawa sakanila ng marami. Tinuturing ang mga Ilokano bilang isa sa mga pangunahing

pangkat etniko saPilipinas. Nananahan sila mula Rehiyon I, II, III at CAR. Ang kanilang

katangian, pag-uugali atkultura ay dulot marahil ng topograpiya na kanilang tahanan,

liban pa ang epekto ng kasaysayan.Sa kabila ng mapaghamong kapaliiran, isa pa rin

ang mga Ilokano sa may kinamayamangkaugalian at tradisyon sa ating bansa.Kilala

ang mga Ilokano sa pagtatanim ng mga tabako na may mataas na halaga

sa pangdaigdigang merkado. Ang iba pa sa kanilang mga kabuhayan ay ang pangingis

da at pagtatanim ng iba pang halaman gaya ng palay at mais. Laganap din ang pag-

alaga ng mgahayop na ginagamit na pang-komersyal o pansariling konsampsyon.

Dadgdag pagkakakiitaan dinang paggawa ng mga palayok, damit at pananahi.Bilang

bahagi ng lahing Pilipino na may mayamang kultura ng mito at alamat, ang mgaIlokano

ay mayroon ring samu't saring mga kwento na kanilang ginagamit upang

bigyang paliwanag ang mga bagay at pangyayaring hindi nila maunawaan mula sa

kanilang kapaligiran.Ito ay hindi bago sa mga Pilipino bagkus ay isang pamana mula sa

ating mga ninuno.

Sa paniniwalang may mga hindi nakikitan nilalang na nananahan sa kanilang kapaligira

n, ibayong pagiingat ang kanilang ginagawa. Gumagamit sila ng mga ritwal nang sa gay
on ay manatilingmapayapa ang kalooban ng mga nilalang ito. Ang mga paniniwalang ito

ay makikita sa iba'tibang okasyon sa kanilang buhay at nagbabago lamang sa pagdaan

ng panahon.

Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari sa mga Ilokano ay ang pagkamatay

ng isangmahal sa buhay. Labis-labis ang kanilang pagbibigay respeto sa kanilang

mga yumao nanagbigay daan sa napakaraming kaugaliang bumabalot dito. Mula sa pa

gkamatay, burol, paghahatid sa libingan, palilibing at matapos niyon, hindi mabilang ang

kanilang mga gawainnan sa gayon ay matiwasay ang paglisan ng kaluluwa at hindi rin

sila gambalian nito. Ganoon paman, ang pagpasok ng mga bagong pag-

uugali dulot ng teknolohiya at urbanisasyon aynagkaroon ng epekto sa mga kaugaliang

ito.Ang papel na ito ay ukol sa pag-aaral sa mga pagbabagong dala ng ika-21 dantaon

nanagbigay daan sa globalisasyon at teknolohiya sa tradisyon sa patay ng mga Ilokano.

Hinati itosa mga sumusunod na bahagi:a. Mula sa pagkamatay hanggang burol; b.

Paghahatid hanggang paglilibing atc. Matapos ang paglilibing.Ito ay bahaging katpuran

ng mga pangangailangan sa kursong Filipino 40 sa unangsemestre ng Akademikong

Taon 2012-2013 at inaasahang magiging tulong sa ma susunod pang pag-aaral ukol sa

mga kaugnay na paksa.

B. Layunin

Ang papel na ito ay naglalayong bigyang kasagutan ang mga sumusunod

nakatanungan:
1.Malaman ang mga kaugalian ng mga Ilokano sa patay bago ang ika-21 dantaon sa

mgaoras ng :a. Mula sa pagkamatay hanggang burol; b. Paghahatid hanggang

paglilibing atc. Matapos ang paglilibing.

2. Alamin ang mga ang mga kaugalian ng mga Ilokano sa patay sa pagpasok ang ika-

21dantaon sa mga oras ng :a. Mula sa pagkamatay hanggang burol; b. Paghahatid

hanggang paglilibing atc. Matapos ang paglilibing?

3. Matukoy ang mga pakakaiba ng mga pagkakaiba ng mga kaugalian ng mga Ilokano

sa patay sa pagitan ng yaong nakatira sa o malapit sa lunsod at yaong malayo salungs

od.

4. Masuri at malaman ang maaaring naging epekto ng teknolohiya at urbanisasyon

satradisyon sa patay ng mga Ilokano.

C. Metodolohiya

Upang maisakatuparan ang papel na ito, pangunahing ginawa ng mananaliksik ay

ang paghahanap ng mga impormasyon hinggil

sa mga Ilokano. Karamihan sa mga impormasyon ay

nakuha mula sa mga aklat na pinangangalagaan ng Seksyong Filipiniana ng Bulwagan

g Gonzales, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Nagsagawa rin ng sarbey ang

mananaliksik sa ma Ilokanong residente ng SampaguitaResidence Hall bilang daan

upang makuha ang mga impormasyong kailangan sa mga tradisyonsa patay ng mga

Ilokano sa kasalukuyang dantaon. Ilang pagpanayam rin ang ginawa upang higitna
makakuha ng primeryang impormasyon. Mula sa mga impormasyon nakalap, kasama

na rin ang mga impormasyong nakuha mulasa internet, sinipi ng mananaliksik ang

pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bahagi ng tradisyonng mga Ilokano bago at sa ika-

21 dantaon. Sinuri ito at inalisa ito upang makuha ngmananaliksik ang mga kasagutan

bilang tugon sa mga layuning itinala para sa pag-aaral na ito.Sa mga kasagutang ito

nagawang mahugot ang mga konklusyon ng mananaliksik.Isinangguni rin ng

mananaliksik ang kanyang bawat hakbangin at papel sa propesor niyasa kursong Fil 40

na si Dr. Jimmuel Naval upang masiguradong ang bawat gawin ay maymabuting

maidudulot sa pagsasagawa ngg mga pag-aaral na ito na maaaring makatulong sa

mgasusunod pang pananaliksik sa mga kaugnay na paksa.

D. Saklaw at Limitasyon

Sakop ng pag-aaral na ito ang mga kaugaliang naitala ni F. Landa Jocano sa

etnograpiyana kanyang ginawa at initalhala noong 1982 at ang mga kasagutan ng mga

Ilokanong residenteng Samapaguita Residence Hall. Ang pinag-aralan lamang ay ang

tungkol sa tradisyon sa patayng mga Ilokano bago at sa kasalukuyang ika-21 dantaon.

Hinati ang pag-aaral saa. Mula sa pagkamatay hanggang burol; b. Paghahatid

hanggang paglilibing atc. Matapos ang paglilibing.Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang

kabuuan ng mga Ilokano. Nangangahulugan na angkonklusyong makukuha ng

mananaliksik ay hindi ibig sabihing kumakatawan sa lahat ng mgaIlokano sa buong

bansa. Ang mga analisis at pagtatala na ginawa (Dr. Jocano at ng mananaliksik)ay


mula sa punto de bista ng mga hindi natibong Ilokano kaya't nalimitihan ang pang-

unawa sakabuuan ng kanilang mga tradisyon at paniniwala

E. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito na naglalayong malaman ang pagkakaiba ng mga kaugalian ng

mgaIlokano sa patay bago at sa kasalukuyang ika-21 dantaon. Ang ika-21 dantaon ay

ang takdang panahon ng mabilis na pag-usbong at pag-unlad ng teknolohiya sa

buong mundo. Gayundin angnangyayari sa ating kapaligiran na naaapektuhan naman

ng proseso ng modernisasyon. Bawat proseso ay may kaniya-kaniyang epekto sa

kultura ng sinumang tao sa buong mundo.Saksi ang kasaysayan sa mga pagbabagong

nagaganap sa ating buhay sa pagdaan ng panahon. Kaakibat ng pagdaloy ay ang pag-

iiba ng ating mga mga tradisyon at paniniwala.Mahalagang pag-aralan ang ma

pagbabagong ito. Sa pamamagitan ng ganitongpagsasaliksik aynababatid natin kung

gaano na ba kalalim o katindi ang epekto ng proseso ng modernisasyon saating kultura.

Batid na ng lahat ang epekto nito sa maliliit na gropu ng pangkat etniko ngunithindi pa

sa malalaki o mayoryang grupo.Hindi maaaring makaligtas ang mga Ilokano sa mga

pagbabagong ito. Katulad ng iba pang mamamayan ng bansa, hindi

imposibleng malaking bahagi ng kanilang mga

kaugalian angnaapektuhan na ng urbanisasyon. Dapat na matukoy ang mga kaugaliang

unti-unti nangnawawala nang sa gayon ay magkaroon pa tayo ng pagkakataong

maitala ito sa ating kasaysayanat hindi tuluyang maglaho. Sa pamamagitan nito,

maipapakita pa natin sa ating mga kabataan sama darating na panahon kung gaano

kayaman ang ating kultura mula noon hanggang ngayon.


KABANATA IIREBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang ika-21 dantaon ay ang panahon ng mabilis na pag-inog ng Rebolusyong

Digital. Naging matulin ang pag-

unlad ng teknolohiya at higit pa itong naging aksesibol sa mga tao.Dahil dito, higit na

nagkaroon ng ugnayan ang mga tao, ssaan panig man ng mundo.

Ang mgateknolohiyang ito ay isa rin sa mga dahilan ng mabilis na proseso ng

urbanisasyon. Sa prosesongito, naging batayan ng mga mamamayan ang pamumuhay

ng mga taga-lungsod bilang ideyal nauri ng pamumuhay. Sa kabilang banda, ang

pamumuhay ng mga mamamayan sa mga rural nalugar angg isa sa mga higit na

naapektuhan ng mga pagbabagong ito.Upang makasabay sa bilis ng pamumuhay

sa lungsod, pinili ng mga bagong henerasyonna isantabi ang kanilang nakagisnang

mga kaugalian at tradisyon at piliin ang mga mula saurbanong lungsod. Sa

etnograpiyang isinulat ni F. Landa Jocano na inilathala noong 1982,kapansin-pansin na

ang mga pagbabagong ito. Iniwan ng ilang mga Ilokano ang ang kinalakhannilang

pamamaraan ng pamumuhay at ipinalit ang paraang laganap sa lungsod. Ilang

halimbawanito ay ang paggamit ng mga magsasaka ng inorganikong pataba sa halip na

ang tradisyunal na pataba.

Samantala, sa isang pag-aaral na ginawa ng ilang mga eksperto mula sa

Institute of Technology
ng Mariano Marcos State University, napag-alaman nilang may ilang mga bahagi

ngtradisyon ang nanatiling buhay. Sa kabila ng modernisasyon, natuklasan nilang ilan

pa rin sa mganakaugalian ng mga Ilokano, lalo na yaong mg anakatira malayo sa

sentro o bayan. Ang bayang pinag-aralan nila ay ang Batac

. Ang pagpapanatili ng mga kaugaliang ito ay isang daan natinahak ng mga

mamamayan upang mapanatili ang ugnayan ng mga kasapi ng mag-anak at

ang pagglang sa nakatatanda. Ganoon pa man, may ilang mga kaugalian ng natuklasa

n nilang

maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan at kaligtasan kaya't unti-unting

nangamatay angmga ito.Ang tao ang bumubuhay sa kultura. Kung wala ang taong

nagsasagawa nito ay unti-untirin intong namamatay. Kung may mga pagbabago nang

naitala bago pa man ang ika- 21 dantaon, paano pa kaya sa kasalukuyan? Isang

malaking hamon ang malaman ang lalim ng pagbabagongnaidulot na modernisasyon at

teknolohiya sa ating mga tradisyo't kaugalian, gaya na lamang ngtradisyon ng

mga Ilokano sa patay.

KABANATA IIIDISKUSYONA. Tradisyon sa patay ng mga Ilokano bago an ika-21

dantaon1. Mula pagkamatay hanggang burol


Intinuturing ng mga Ilokanoa ng kamatayan bilang natural na bahagi ng buhay ng

isangtao. Ang

gasat

o tadhana ng tinutukoy nilang dahilan sa likod na ito at isang kaganapang

hindinila maaaring pigilan. Isinasaisip na lamang ng mga Ilokano na ito ay mangyayari ri

nkaninuman. Dahil dito madali nilang natatanggap ang kamatayan ng mahal sa buhay

kahit namasakit

4.

Ilan sa kanilang mga paniniwala ukol sa pagkamatay ay ang pagkakaugnay nito sa

mgasupernatural na mga elemento gaya ng mga espiritu, aswang at mga

mangkukulam. Dahil dito,una muna nilang isinasangguni ang karamdaman sa mga

albularyo na may kaaalaman ukol samga espiritu at paggamot gamit ang mga herbal na

mga halaman. May mga pangitain rin angmga Ilokano kung may malapit nang yumao

sa kanilang mga mahal sa buhay. Ilan dito ay anghindi normal na pagkilos ng mga

insekto, pag-aligidd ng isang itim na paru-paro sa gbi o kungmay eklips.

May ilan naman na naniniwalang kapag nanaginip ka na nakawala ng ng sumbreroo

kaya'y bagang ay masamang pangitain.

6
Kung nalalapit na ang kamatayan, nagsisimula nang magdasal ng 'Hesus, Maria y

Joseph'ang isang matandang babae malapit na tainga hanggang sa ito ay malagutan

ng hininga.

Ito ayisinasagawa upang masiguradong mapatatawaad ag tatanggapin ng Diyos ang

kaluluwa sa langit.May iilan ding naglalayag ng niyog s ailalim ng higaan upang marinig

na mga nabubuhayang pagtatalo sa pagitan ng dimonyo at anghel. 8 Sa

masidhing pagbuhos ng luha ng mga malalapitng kamag-anak nalalaman ng mga kapit-

bahay ang kinasapitan ng kanilang kanayon. Pormal

nang ipinahahayag ang pagyao sa pamamagitan ng

atong

o ang pagsusunog ng isang pirasongkahoy sa tapat ng bahay ng namatayan. Ang usok

nito ay nagsasabi kung ang kaluluwa ay pupunta sa langit.

MGA SANGGUNIAN

Jocano, F. Landa.

The Ilocanos: An Ethnography of Family and Community Life in the Ilocos Region.
Quezon City: Asian Center, 1982.

Jocano, F. Landa.

The Ilocanos: An Ethnography of Family and Community Life in the Ilocos Region.

Quezon City: Asian Center, 1982.

Amano, Teresita, et. al. “Wedding, Pregnancy Child Bearing, and Burial Beliefs and

Practices”.

Ladaoan: The Ilokos and the Ilokanos.

Comp. The Exectuive Committee. Manila: Casa Linda,1977. 95-100.

Jocano, 174-175.

Jocano, 176.

Anima, Nid.

Childbirth and Burial Practices among Philippine Tribes

(Quezon City: Omar Publication, 1978).


7

Amano, Teresa, et. al. “Wedding, Pregnancy, Child Bearing, And Burial Beliefs and

Practices”.

Ladaoan: The Ilokos and The Ilokanos.

Ed. The Executive Committee (Manila, Casa Linda,1977). 97.8 Jocano, 176.

Vous aimerez peut-être aussi