Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
Telos
Ang pilosopiya ni Aristoteles ay nagpapakita ng kaayusan sa mundo. “Bumabagay ang
mga bagay.” Ang itlog ng manok ay nagiging manok at hindi nagiging kalabaw. Ang buto ng
sitaw ang nagiging halamang sitaw at hindi punong kawayan. Itong kaisipan na may dahilan
(telos) ang mga bagay bagay ang tinatawag nateleolohiya. Galing sa salitang Greyego
na telos, ibig sabihin ay tinutunguhan (end/goal).
Ngayon, ang pagpapakatao ay isang gawain. Ang lahat ng gawain ay may telos. May
kalikasan sa taong tumungo sa kaligayahan: eudaimonia. Ibig sabihin, “Ang taong maligaya ay
may buhay na maganda ang daimon”[1] Pero, iba’t iba ang akala nating magpapaligaya sa atin.
Mayroong nag-aakalang makukuha ang kaligayahan sa nibel ng laman. Ang iba naman ay sa
pamamagitan ng pagkakamal ng maraming pera. O di kaya ay sa pagbubuo ng magandang
pangalan sa lipunan.
Pero, ang mga nasabing pamamaraan ay naglalagay sa tao sa matinding delikadong
pagka-bitin. Isa sa esensyal na karakter ng isang tao ang pagiging malaya. Kung naka-base ang
kaligayahan sa ibang bagay, tulad ng laman, pera, at pagtingin ng ibang tao, hindi ka na
kumikilos nang malaya. At binabasag mo ang iyong pagka-taong malaya. May naidudulot ngang
ligaya ang laman, pera, at reputasyon, pero bitin na bitin kumpara sa maibibigay na ligaya ng
pagiging isang ganap na tao.
Kaligayahan
Sinimulan ni Aristoteles ang kanyang aklat sa isang obserbasyon na ang lahat na kilos ng
tao ay mayroong mga ninanais na kahahantungan. Ngayon, ang ibang kilos ng tao ay ginagawa
lamang para sa iba pang mas mataas na hangarin natin. Halimbawa, nagpapakapuyat ang isang
estudyante hindi dahil sarap na sarap siya sa pagpupuyat. Mas madalas ginagawa ito ng isang
estudyante upang makapasa sa exam sa Logic, halimbawa. Ginagawa niya ito upang makapasa
sa kurso, para makatapos sa pag-aaral, magkaroon ng Bachelor’s Degree sa larangan ng
pilosopiya, at balang araw ay magkaroon ng maayos na trabaho. Mahalaga ito sa kanya dahil
magbibigay ito ng pagkakataon para siya ay kumita ng pera, at marami pang iba. Subalit, itong
sunod-sunod na “hangarin” ay hindi pwedeng walang katapusan. Kaya nga, ang pinakamahirap
sagutin sa mga katanungan ng buhay ay “ano ba ang totoong gusto ko sa buhay ko?” “Para saan
ba ang mga ginagawa ko sa buhay?” “Saan ako makakahanap ng kahulugan?”
Ang sagot dito ay madali lamang: ang talagang nais ng isang tao aykaligayahan. Ang
ginamit na termino ni Aristoteles para dito ay eudaimonia. Saan nga ba nagtatago
si happiness? Malimit natin itong naitatanong lalo na sa panahong “emo” tayo. Saan ba
mahahanap ang mistulang nakatagong kaligayahan? Kasama ba ito sa mga pwedeng bilhin ni
Anne Curtis, kasama ang isang artista at ang buong bar?
Para sa mga sinaunang Griyego, sa dahilan ng isang bagay nakadepende ang tunay na
kahulugan. Ito rin ang basehan ng mabuti at masama ng isang bagay. Ang isang mabuting
karpentero ay yuong ginagampanan ang kanyang tungkulin sa pagkakarpentero. Ang isang
maayos na mata ay iyong maayos ang paningin. Ganon rin, ang isang mabuting tao ay
nangangahulugan ng pagtupad sa kanyang pagiging isang tao. Ano naman yan? Ano ang
bumabagay sa isang tao? Ano itong kilos na naiiba at nagpapaiba sa atin kumpara sa ibang
nilalang?
Sigurado, hindi ito sa pagpapasarap. Sapagkat kahit ang mga hayop ay mayroon ring
ganitong oryentasyon. Sa huling bahagi ng kanyang aklat, sinabi ni Aristoteles:
Happiness, therefore, does not lie in amusement; it would, indeed, be strange if the end were
amusement, and one were to take trouble and suffer hardship all one’s life in order to amuse
oneself. For, in a word, everything that we choose we choose for the sake of something else—
except happiness, which is an end. Now to exert oneself and work for the sake of amusement
seems silly and utterly childish(NE, 10.6).
Ang mga halimbawa sa itaas ay nagpapakita ng ideya ni Aristoteles tungkol sa totoong mabuti.
Ang walang ingat, ang duwag, at ang matapang ay lahat natatakot. Ang walang ingat ay
nagkukunwaring walang takot, at mamaya’y susugod bigla bigla. Ang duwag ay walang pagpigil
sa takot. Siya ang kinokontrol ng takot. Ang matapang naman ay hinaharap, inaangkin, at
dinisiplina ito upang magawa niya ang mabuti at maiwasan ang kahihiyan. Ang totoong
matapang ay hindi padalus-dalos. Hindi porke’t hindi lumalaban ay duwag. Kung minsan, ang
taong matapang ay tinatatawag ng pagkakataong h’wag munang umimik o lumaban. “Kung ang
taong nagtitiis at natatakot sa nararapat, dahil sa tamang dahilan, ayon sa paraan at panahon na
nararapat… iyong taong iyon ay matapang” (Mga Sinaunang Griyego, 126).