Vous êtes sur la page 1sur 3

Republika ng Pilipinas )

Lalawigan ng La Union ) S.S


Lungsod ng San Fernando)
x--------------------x

SINUMPAANG SALAYASAY AT DEMANDA

Ako si MARK JOSEPH CAFA y Cabamungan, dalawampu’t limang


(25)taong gulang, walang asawa at kasalukuyang nakatira sa Lipay Road, San
Gabriel, La Union, matapos kong makapanumpa ng naaayon sa sa batas,
aking ilalahad ang mga sumusunod:

1. Nagsimula ang lahat noong Oktubre 19, 2019, alas nuwebe (9:00) ng
umaga nang tawagan ko si Ginoong Michael Joseph Pitao tungkol sa
binabalak naming pagbiyahe sa Coron, Palawan;

2. Si Ginoong Michael Joseph Pitao (Ginoong Pitao) ang nagmamay-ari


ng isang pribadong negosyo na may kinalaman sa pagbiyahe at
pagpunta sa ibang lugar (travel and tours). ;

3. Ang kanyang opisina ay matatagpuan sa Barangay III, San Fernando


City, La Union. Me pangalang FLYMIKE’S TOURS AND TRAVEL ang
nasabing negosyo ni Ginoong Pitao;

4. Noong nasabing araw na tinawagan ko siya, nagbigay naman siya ng


detalye at kung magkano ang bawat isa sa nasabing pagbiyahe at
pagbisita sa Coron, Palawan. Siyam na libo at apat na raang piso (Php
9,400.00) ang dapat bayaran ng isa sa naturang biyahe ayon sa kanya;

5. Nagkita kami ni Ginoong Pitao noong Oktubre 18, 2018 ng alas sais
(6:00) ng gabi. Ibinigay ko sa kaniya ang halagang tatlumpu’t anim na
libong piso (Php 36,000.00) bilang paunang bayad sa nasabing
pagbiyahe;

6. At dahil kulang pa ang aking ibiniyad para sa paunang bayad ay


nagtakda pa kami ng araw upang aking makumpleto ang nasabing
paunang bayad;

7. Nobyembre 1, 2018 ay nagkita ulit kami ni Ginoong Pitao at dito ko na


binyaran ang natitirang kulang ko pa sa paunang bayad para sa
naturang pagbiyahe. Binigyan nya ako ng resibo bilang katunayan ng
nasabing pagbayad. Aking inilalakip bilang parte nga sinumpaang
salaysay na ito ang kopya ng resibong kaniyang ibinigay sa akin na may
numerong 0242 at petsang Nobyembre 1, 2018. Pinapangalanan ko
ang nasabing resibo bilang Annex A;

8. Ang kabuuang halagang aking naibayad sa kaniya bilang paunang


bayad para sa nasabing pagbiyahe ay may halagang tatlumpu’t siyam
na libo at dalawang raang piso (Php 39,200.00);

9. At dahil marami pang pinsan ang gusting sumama sa nasabing


pagbiyahe, sila na ang nakipag-usap kay Ginoong Pitao para
makapunta din sila sa Coron, Palawan. Di ko na nagawang makipag-
SINUMPAANG SALAYSAY AT DEMANDA
Pahina 1 ng 3
usap kay Ginoong Pitao para sa mga pinsan ko dahil naging abala na
ako sa aking Gawain at wala na akong oras na mailaan para dito;

10. Umabot lahat sa mahigit pitumpu’t libong piso (Php 70,000.00) ang
kabuuang nakuha ni Ginoong Pitao bilang kabayaran sa nasabing
pagbiyahe kasama na yung mga binayad din ng mga pinsan kong sila
na mismo nakipag-usap kay Ginoong Pitao;

11. Pagkatapos naming mabayaran ang paunang bayad, nagsimula


akong magtanong kay Ginoong Pitao tungkol sa aming tiket, iteneraryo
at ibang detalye ng nasabing pagbiyahe. Akin din siyang kinulit na
ibigay sa akin ang resibo ng ibiniyad ng aking mga pinsan na hindi
nakasali sa aking naunang ibiniyad sa kaniya;

12. Pero lagi niyang siyang nagdadahilan upang hindi maibigay ang aking
kinukuha. Sinasabi niya na sya daw ay abala at yung aking kinukuha ay
nasa kaniyang opisina;

13. At sa kadahilanang abala din ako sa aking trabaho, hindi ko na din


masyadong napagtuunan ng pansin ang nasabing pangungulit sa
kaniya upang ibigay niya sa akin ang aking hinihiling;

14. Noong January 5, 2019, nagkaroon ulit ako ng pagkakataon upang


tanungin siya. Sinubukan ko siyang kontakin sa kaniyang Facebook
account pero nakita ko na wala yung Facebook account niya,
“deactivated” na siya;

15. Gamit ang aking telepono, tinext ko siya at tinanong kung bakit wala na
yung kaniyang Facebook account. Sumagot naman po siya at sinabing
na-“hack” daw ang kaniyang Facebook kaya wala na ito;

16. Nabahala ako ng meron naman na akong nakita at nabasa na


inilathala ng ibang tao sa Facebook na si Ginoong Pitao daw ay
marami ng naloko;

17. Nagtanong-tanung ako sa mga kakilala ko kung totoo ang aking mga
nabasa. Kinausap ko din ang mga nagpost ng mga nasabing lathala sa
Facebook kung anu ang nangyari sa kanila at aking ngang nalaman sa
kanila na totoong marami ng naloko o nadenggoy si Ginoong Pitao sa
kaniyang negosyo;

18. Kumukuha siya ng bayad para sa pagbiyahe sa ibang lugar pero wala
naman siyang naipapakitang katunayan na meron nga siyang nagawa
para sa mga pagbiyaheng kaniyang inialok. Me mga iba na binigyan
niya ng tiket sa eroplano pero pawang mga peke ito dahil ng
kumpirmahin sa mismo kumpanya ng eroplano eh wala namang
ganoong naireserba daw sa kanila;

19. Dahil sa mga nalaman kong ito, kinutuban at natakot, dagli daglian
kong kinontak si Ginoong Pitao sa kaniyang telepono. Sa kasawiang
palad hindi ko siya makausap dahil hindi niya sinasagot ang kaniyang
telepono;

SINUMPAANG SALAYSAY AT DEMANDA


Pahina 2 ng 3
20. Pero di ako tumigil, patuloy ko pa rin siyang tinatawagan hanggang sa
hindi ko na siya makontak dahil ang sinasabi kapag tumatawag ako ay
“cannot be reach”;

21. Sinubikan ko rin puntahan siya sa kaniyang opisina ng FLYMIKE’S TOURS


AND TRAVEL na matatagpuan sa Barangay III, San Fernando City, La
Union pero palagi itong sarado kapag pumupunta ako doon;

22. Wala na akong ibang maisip kundi totoo ang lahat ng nalaman ko
tungkol kay Ginoong Pitao na siya ay manloloko. Kami ay naloko ni
Ginoong Pitao;

23. Si Ginoong Pitao ay naninirahan at/o maaaring mapasabihan sa sa


kaniyang tirahan na matatagpuan sa Barangay ___, San Juan, La Union
o di kaya sa kaniyang opisina sa FLYMIKE’S TOURS AND TRAVEL na
matatagpuan sa Barangay III, San Fernando City, La Union;

24. Ginawa ko ang Sinumpaang Salaysay upang sabihin na lahat ng aking


inilahad ditto ay pawang katotohanan at ng magamit ang Sinumpaang
Salaysay upang isakdal si Ginoong MARK JOSEPH PITAO ng paglabag sa
ating Revised Penal Code sa salang may karampatang tawag na
ESTAFA o panloloko at iba pang paglabag sa nasabing batas o iba
pang batas kriminal; at

25. Aking pinatutunayan na ako ay hindi naghain ng reklamong katulad


nito sa taong nabanggit sa iba pang ahensya o sangay ng
pamahalaan maliban ditto.

BILANG PATUNAY, ako ay lumagda sa ibabaw ng aking pangalan


ngayon ika-13 ng Marso, taong 2019 dito sa Lungsod ng San Fernando,
Lalawigan ng La Union.

MARK JOSEPH C. CAFA


Nagsalaysay

SINUMPAAN AT PINATOTOHANAN sa harap ko ngayon ika __________ ng


___________, _____. Pinatutunayan ko na ang nagsalaysay ay aking nasiyasat at
ako ay may sapat na paniniwala na siya ay kusa at malayang nagsalaysay.

SINUMPAANG SALAYSAY AT DEMANDA


Pahina 3 ng 3

Vous aimerez peut-être aussi