Vous êtes sur la page 1sur 2

ANG SIKRETONG REKADO

Kwento ni: Grace D. Chong

“ Talaga, ‘Tay, ako na po ang magluluto para sa atin?” tanong ni Teo. “ T-


talaga, anak, “ mahinang sagot ni Tatay Ador. Halos hindi siyamakapagsalita
dahil sa kirot ng kanyang paa.“K-kasi hindi naman ako pwedeng magluto at
m-mahiga nang sabay,” pilit niyang pagpapatawa kay Teo. Natigilan si Teo –
hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot. Dapat siyang matuwa
dahil, sa wakas, pinapayagan na siya ng tatay niya na magluto – nang mag-
isa niya! Pero nalulungkot siya dahil ngayon lamang niya nakitang
nanghihina ang tatay niya. Nakagisnan na kasi niyang siya’y lagging
inaalagaan nito.

Baliktad ngayon. At parang turumpo si Teo sa pag-aalaga sa kanyang


tatay. Inayos niya ang mga gamot nito sa maliit na mesa sa tabi ng kama.
Kumuha siya ng pitsel ng tubig sa kusina. Pinapaypayan niya ang tatay niya
para hindi mainitan.Nang umaga ng araw na iyon, si Tatay Ador ay tulad lang
ng dati – malakas at malusog. Matapos paliguan ang kanyang dyip at
magpaalam kay Teo pinaandar na niya ang dyip papaunta sa bukid. Ngunit
habang inaatras niya ito palabas sa kalye, mabilis na dumaan ang isang
malaking trak. Nabangga ng humaharurot na trak ang dyip ni Tatay
Ador.KRRASSS! Pero hindi man lamang tumigil ang kaskaserong drayber –
tuloy – tuloy pa rin ito sa pagpapatakbo ng trak niya.Sinabi kay Teo ng mga
kapitbahay na sumasaklolo. “Huwag kang mag-alala. Kaming bahala sa
tatay mo! At agad nilang dinala ito sa health center. Ang lahat ay nakahinga
nang maluwag nang sabihin ni Dr. Soriano, ligtas na sa panganib si Mang
Ador.

Pero Malaki ang sugat sa kanyang kaliwang paa at nabugbog ang iba
pang bahaging katawan niya. “Mahigpit na bilin ng doktor. “Kailangan niyang
magpahinga sa kama ng ilang araw.”Ang lahat ay nakahinga nang maluwag
nang sabihin ni Dr. Soriano, ligtas na sa panganib si Mang Ador. Pero Malaki
ang sugat sa kanyang kaliwang paa at nabugbog ang iba pang bahaging
katawan niya. “Mahigpit na bilin ng doktor. “Kailangan niyang magpahinga
sa kama ng ilang araw.”Pagdating sa kanilang bahay, inihiga ni Taty Ador ang
masakit niyang katawan. Pero alang-alang kay Teo pilit niyang ipinapakitang
malakas pa rin siya. Mas nasasaktan kasi siyang nakikitang nag-aalala si
Teo para sa kanya. “T-Teo, n-narinig mo ba ako?” tanong niya rito. “ I-ikaw na
ngayon si Chef Mateo!”“Chef?! Ako?!” tanong ni Teo na natuwa sa narinig.
Inilapag niyaang pamaypay at kumuha ng puting papel, gunting at
pandikit.“A – anong ginagawa mo?” tanong ni Tatay Ador.“Isang malaking
sombrero! Dapat ang chef, may sombrero!” Gusto ni Teo na magmukhang
isang tunay na chef.

Vous aimerez peut-être aussi