Vous êtes sur la page 1sur 12

Destined

Genre: Romance, Teen Fiction, Short Story, Tragic


June 12, 2013 - Wednesday

Naranasan niyo na ba ang mga naranasan ko? Alam kong hindi, malas na malas na
siguro ako. Itinakwil ako ng sarili kong magulang at ng aking mga kamag-anak.

Do I still have the chance to be happy with this short, limited time I got?

-----

�Pia! Hahahaha. Ang pangit mo talaga. Ba�t ka nandito sa elite school na ito?�
Tanong nung nakakairita kong lalaking classmate, si Lance. Lance Justin Mendez.
Isang campus crush. Matalino, sobrang gwapo, mayaman atsaka talented. Buong
highschool life ko, naging kaklase ko siya. Mabuti nga, hindi ko pa siya nasusuntok
sa mukha dahil minsan sobrang nakakairita na talaga siya na hindi ko na kayang
pigilan pa ang sarili ko, wala na sana �yang gwapo niyang mukha.

Tinaasan ko siya ng kilay atsaka bumalik sa pagsagot ng assignment ko para bukas.

*poke*

�Oy panget, ano ginagawa mo?�

Hindi ko lang siya pinansin.

*poke poke*

�Oy panget, ano ginagawa mo? Ang boring kasi eh.�

*poke poke*

�Oy pange---.�

�ANO BANG KAILANGAN MO? MAY DALAWA KA NA MANG MATA AH? BAKIT AYAW MONG TINGNAN
�YUNG GINAGAWA KO? BAGO KA MAGTANONG, TUMINGIN KA MUNA PAG TIME. AT PWEDE BA? ANG
RAMING PWEDENG KULITIN DIYAN, HINDI LANG KO. SO KUNG OKAY LANG SAYO, LUMAYO KA,
BAGO KO PA MASAPAK �YANG PAGMUMUKHA MO. NAKAKAIRITA KA NA MASYADO.� Sabi ko sabay
walk out sa room. Napansin ko namang tumahimik �yung room pagkalabas ko. Haha. Buti
nga, natauhan siya.

Haaay. Nakakahiya namang bumalik sa room pagkatapos ng nagawa ko, doon na lang muna
ako sa rooftop para hindi maingay.

Pagkarating ko doon, umupo kaagad ako sa isang bench na malapit sa railings. Gusto
ko kasing matanaw �yung soccer field, parang in peace masyado ako. At hindi naman
ako mangingitim, cloudy naman eh. Naramdaman ko naman yung malamig na simoy ng
hangin na tumama sa balat ko. Gusto ko na lang matulog tuloy. Nagstretch ako ng
arms atsaka nagyawn. Gusto kong matulog.

Napaisip naman ako.. Bakit kaya ginagawa ni Lance yun? Wala naman akong ginawa sa
kanya ah! Atsaka manhid ba siya? Hindi niya napapansin na ayaw ko sa mga ginagawa
niya.

Bigla akong nakaramdam ng vibration mula sa bulsa ng palda ko.

May nagtext lang pala.

From: Eliza Martinez


Pia, bumaba ka na dyan. Pre-Cal na. :)

-End-

To: Eliza Martinez

Oh sige.

-End-

Kinuha ko na �yung mga gamit ko na nakalapag sa tabi atsaka pumunta na sa room.


Pagkapasok ko sa room, nandoon na �yung teacher naming babaeng mabait. Maganda nga
siya, parang nasa 20s pa siya. Nakatitig nga rin pala �yung mga kaklase ko sa akin.

�Good afternoon Miss. Sorry po, na.late ako, may pinuntahan lang po ako.� Paumanhin
ko.

�Saan?� Tanong niya na nag-aalala. Alam niya kasi �yung kalagayan ko, �yung
kalagayan kong hinding-hindi ko masasabi sa mga kaklase ko.

�Sa rooftop lang po. Sorry ulit.� Nagbow ako atsaka dumiretso na sa upuan ko.

Katabi ko nga pala si Lance ngunit hindi na niya ako kinukulit. Mabuti naman at
natauhan na siya.

Nilagay ko �yung mga libro ko sa parang maliit na compartment sa table atsaka


nilagay sa sahig �yung bag ko, malinis naman eh.

Pagka-upo ko sa aking upuan, biglang sumakit �yung ulo ko atsaka pagtingin ko sa


kamay ko, naging blurred at naging dalawa. Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit,
sobrang sakit. Napatingin ako sa relo ko.

1:45pm

Napapikit ako.. N-n-nakalimutan kong inumin �yung...

gamot ko.

Tapos wala na akong makita.

�PIA!� Narinig kong sigaw ng mga kaklase ko.

-----

Napamulat ako atsaka nakita ko yung sarili ko na nasa clinic.

Nakita ko naman �yung mga gamit ko sa upuan na malapit lang sa akin at nakita ko
rin ang isang lalaki na parang binabantayan ako ngunit natutulog.

Bigla ko namang hinawakan �yung braso niya, kaya napamulat siya.

Teka...

Si Lance?

�Kanina ka pa gising?� Nabaguhan ako dun ah. Haha!


�Bago lang.. Ano palang nangyari?� Tanong ko sa kanya.

�Nahimatay ka kanina nung Pre-Cal, hindi naman alam kung bakit pero napaiyak yung
teacher natin na medyo close mo.� Obvious ba? Alam kasi niya eh.

�Ahhhh. Okay.� Ang awkward naman! Ikaw nga, inaway mo siya kanina tapos ngayon,
parang wala na lang.

�May sakit ka ba?� Tanong niya.

�Wala naman.� Sabi ko Haaay. Magsosorry na lang ako.

�Lance../Pia..� Over. Sabay pa talaga kami? Nga naman.

�Umm. Ikaw muna mauna. Ladies first.� Sabi niya na nakangiti.

�Kailan ka pa naging gentleman? Hahaha!� Tanong ko sa kanya. Nawala naman �yung


ngiti niya. Oomph. Sorry. �Uhh. Sorry.. At sorry rin kung sinigawan kita kanina,
alam kong nakakahiya yun.�

�Ako nga dapat ang magsorry, parati lang kitang pinapairita.� Mabuti naman at
narealize mo. �Mas nakakahiya kaya �yun.� If you know how it feels.

�Okay lang �yun. Atleast alam mo na �yung mali mo. Hahaha.� Tumawa ako ng mahina.

�So friends?� Sabi niya natatawa. Parang hindi siya makapaniwalang mabait ako.

�Ayoko pala.� Binelatan ko siya. Hindi kasi talaga ako mabait. Hahahaha. :P

Nawala naman kaagad �yung ngiti niya. May split personality ba �to? Hahaha. �Hindi
mo tinatanggap, sorry ko?�

�Hahaha. Ikaw naman, �di mabiro! Oh sige friends.� Tapos nagshake hands kami.
Nakaramdam ako ng ibang feeling nung naglapat �yung kamay namin pagkatapos nun
inilayo ko na yung kamay ko..

Napatitig siya sa akin atsaka ngumiti.

�Anong oras na ba?� Tanong ko sa kanya.

�3.30�

�Punta na tayo sa room! Halika na! Research na!� Sabi ko habang nagmamadali.

�Dahan-dahan lang..� Sabi niya na nakangiti pa rin.

Bumaba na ako doon sa bed atsaka sinuot ang sapatos. Kukunin ko na sana �yung mga
gamit ko pero si Lance na nagdala.

Medyo awkward pa dahil sa nangyari kaninang umaga pero siguro masasanay na ako at
mas nakakabuti na rin �to para hindi ako mastress.

-----

Sa mga sumunod na araw, nagbago na ang lahat. Hindi na niya pinapainit �yung ulo
ko. Sinusundo niya ako sa bahay gamit �yung sasakyan nila mayaman kasi eh. Sorry.
Haha. Hinahatid niya rin ako sa bahay galing school. Kilala na rin ako ng parents
niya, akala nga nila eh na nililigawan ako ni Lance. Nalaman rin niya na nag-iisa
lang ako sa bahay.
Actually, nandito ako sa mansion nila Drake. Ohyes, mansion. Ang laki eh. Haha.
Nasa sala kami ng mom niya at siya naman may ginagawang importante sa kwarto niya.

�Hindi ka ba natatakot sa bahay niyo? Ikaw lang mag-isa atsaka malaki �yung bahay
niyo.� Sabi ng mommy ni Lance, si Tita Ynna. Ang ganda, parang pang Miss Universe
�yung beauty niya. Ang tangos ng ilong, ang haba ng pilik-mata, pink at pouty lips
atsaka mahabang wavy na buhok. � Kung gusto mo dito ka na lang magstay, marami
naman kaming extra rooms at may isang room na malapit lang sa room ni Lance.�

�Huwag lang po Tita. Nakakahiya.� Sabi ko sa kanya habang natatawa.

�Hahaha! Huwag kang mahiya, welcome na welcome dito sa pamamahay namin. At sabi ni
Lance, binubully ka daw niya noon.� Sagot niya.

�Ahhh. Opo.� Sabi ko na nahihiya.

�Bago kayong nagkabati, nahimatay ka daw?�

�Opo. Sa sobrang pagod at stress lang po �yun, huwag kayong mag-alala.� Ngumiti ako
sa kanya.

�Oh sige. Kung may problema ka, nandito lang kami ng daddy ni Lance ha? At kung
magbago man ang desisyon mong magstay na lang dito. You�re free to stay here. Okay?
� Sabi niya. Waaaaaaaa! Nakakahiya! At feeling ko nagkaka girl crush ako sa mom ni
Lance. Ang ganda at bait kasi *O*

�Hahahahaha! Salamat po.� Parang nagulat naman ako nung hindi siya sumagot at
tinitigan lang niya ako.

�May proble�.�

�Alam mo, boto ako sayo para sa anak ko.� WAIT. WHAT?

Bigla naman akong nagblush. �Uhh. K-kaibigan ko lang po siya.� Sabi ko na hindi
makatingin sa mga mata ni Tita Ynna.

�Maraming kaibigan si Lance na babae pero ikaw lang �yung idinala dito at
ipinakilala sa amin.�

�Ahh. Ganon po ba?�

�Yes. You must be special to my son.� Ngumiti siya at napatingin sa kanyang relo.
�Oh sige Kailyn, aalis na muna ako. May aasikasuhin pa ako sa aming kompanya.
Pumunta ka na lang sa kwarto ni Lance.�

Nagbeso naman kami tulad ng sabi niya. �Oh sige po. Mag-ingat po kayo! At salamat
ulit.�

�No problem.� Tapos lumabas na siya ng bahay.

Haaaay.

�Miss, pwede ko na po bang iligpit �yang mga basong ginamit niyo ni Ma�am kanina?�
Tanong nung isang maid.

�Ha? Nako, ako na lang po. Huwag na kayong mag-alala at huwag niyo kong tawaging
Miss, Sophia lang po kasi feeling ko ang tanda-tanda ko na.�
Napatawa naman �yung maid. Ako na �yyung nagligpit nung mga baso atsaka pumunta na
ako sa kwarto ni Lance. Kumatok muna ako.

�Sino �yan? Sorry hindi ako pwedeng distorbuhin, mamaya na lang siguro.� Sabi niya.
Ibinukas ko �yung pinto. Nung nakita niya ako parang nabigla naman siya at inayos
�yung buhok niya. Nandyan na naman siya sa table niya, tinatapos �yung paperworks
ng company nila.

�Ikaw pala �yan Kay. Sorry.� Sabi niya habang titig na titig sa akin.

�Okay lang �yun noh. Naiintindihan naman kita pero napansin ko lang, kanina ka pa
diyan ah!� Sabi ko.

�Malapit ko na kasing matapos, para free na ako.� Sagot naman niya. Pinuntahan ko
siya sa may table niya atsaka umupo sa upuan na nasa harap nung table.

�Mamaya mo na �yan tapusin, magpahinga ka muna. Nakikita ko sa mukha mo na pagod ka


na.� Sabi ko sabay kuha ng mga papel, ballpen at nung laptop niya. Tinabi ko muna.
Habang ginawa ko naman �yun, nakatitig lang siya sa akin.

�Kaya mahal na mahal kita eh..� Bigla niyang nasabi. Nagulat naman ako doon.

�A-a-ano?�

�Sabi ko, mahal kita. At oo, matagal na simula nung 1st day ng highschool.� Gulat
na gulat pa rin ako sa mga sinasabi niya.

Ito na ba �yung time na magiging masaya na ako?

�Yung time na hindi ako iiwan ng taong mahal ko?

�Yung time na buong buhay kong hinintay?

�Alam kong masyado akong mabilis pero Sophia Kailyn Mendez, totoo yung sinabi ko.
Mahal nga kita. Mahal na mahal. Nagpapapansin lang ako nung binubully kita.�
Napangiti naman ako.

I think it�s time for me to be happy.

�Okay lang kahit ibasted mo pa ako basta hayaan mo lang akong alagaan ka.� Sabi ni
Lance.

�Bakit ka naman daw mababasted?� Tanong ko habang nakangiti.

�A-a-anong ibig mong sabihin?� Tanong niya.

�Ang slow mo naman Lance. Hahaha! Mahal din kita, noon pa.�

At pagkatapos kong sabihin iyon, nalaman ko na lang na nakayakap na pala siya sa


akin.

This is the risk that I�m taking, masaktan man ako sa huli dahil alam kong aabot
din ako doon pero sana, kahit sandali lang, maging masaya naman ako.

-----

Oo nga pala, summer na! Nakagraduate na kami ni Lance ng 4th year HS at naka.enroll
na rin ako ng college. Same kami ng kinuhang course ni Lance, BS Bio at sa same na
university.
Nanligaw nga pala siya nung time na sinabi niyang mahal niya ako at nung graduation
slash birthday niya, sinagot ko na siya kaya double celebration para sa kanya.
Hahaha.

Pero kahit siya �yung may birthday, siya nagbigay ng regalo sa akin. Isang
necklace. Sobrang ganda. Sabi pa nga niya, sa grandmother pa daw niya �yun.

Haba ng hair. HAHAHA.

Napilit naman ako ni Tita Ynna na doon na lang tumira sa kanila dahil, girlfriend
daw ako ng anak nila tapos baka mapano ako doon sa bahay pero syempre, hiwalay kami
ng kwarto. Hindi pwede noh. Hahaha.

Lahat ng first ko nakuha na ni Lance except sa alam niyo na, hindi nga pwede!
HAHAHAHA. Dirty minded readers.

Si Lance? Campus crush pa rin, ganito ba talaga ka gwapo ang boyfriend ko na mas
gwapo pa siya sa former campus crush? Hahahaha! Pero mabait naman �yung mga babae
sa campus eh, nirerespeto nila �yung relationship namin at alam nila �yung
limitations nila. Pero hindi rin natin maiiwasan �yung mga nagseselos, kesyo mas
bagay daw sila ni Lance. (Lalagyan ko na talaga ng emoticon.) =___= ASA. Bagay
sila? Pero bakit ako ang girlfriend. Booya!

Sembreak na nga pala ngayon kaya late na kaming natutulog. Palakihan kami ng
eyebags.

�Mas malaki �yung sa akin!� Sabi ko.

�Hindi ah! Mas malaki �yung sa akin, ang liit ng sayo parang hindi uso ang eyebags
sa mukha mo.�

�Oh sigeeee! Bola ng bola.� Napatawa naman siya.

�Pero sa totoo lang, lumalaki nga eyebags mo nasesestress ka bang kasama ako?�
Tanong niya out of the blue tapos tumingin sa akin ng seryoso.

�Ano ka ba naman Lance? Hahahaha. Kahit 24 hours pa tayong magkasama at walang


tulog, hindi ako masesestress, basta kasama lang kita.� Napangiti naman siya at
hinalikan ko �yung pisngi niya.

Oo, ganito kami ka cheesy. Huwag na kayong pumalag pero alam namin yung limtasyon
lalong-lalo na sa school.

Nandito nga pala kami sa kwarto ni Lance. Matutulog na sana ako kanina eh pero
dinala niya ako sa kwarto niya para magchill daw. Hahaha. Nakaupo kami sa bed niya
tapos nakatabon �yung legs namin sa ilalim ng blanket. Gets nyo?

�Gusto ko ng kiss sa lips, Kay.� Nagulat ako sa sinabi niya.

�Ano? Ikaw talaga! Nagiging manyak ka na ah!� Sabi ko.

�Hindi ah! Sige na. Wala naman sila mommy eh, nasa business trip. Dito kana rin
matulog! Hindi naman kita gagalawin. Ang laki ng respeto ko sayo.� Pagmamalaki niya
na nakatitig lang sa mukha ko.

Napangiti naman ako. �Yan ang boyfriend ko. ;) Parang nagtense naman siya. �May
problema ba?�
�Wala naman. Sobrang ganda mo lang.� Sabi niya na parang ayaw na niya akong
pakawalan pa.

Inilapit ko lang �yung mukha ko sa kanya then I kissed his thin, pink lips gently.

Oo, mahal na mahal ko talaga itong lalaking �to. Ikamamatay ko siguro pag mawala
siya.

**

Isang araw, natagalan ako ng uwi. Pina-una ko na siya dahil may pinuntahan ako.

Pumunta ako sa doktor.

Oo, may sakit nga pala ako, Leukemia. Kahapon kasi nagsimula na akong magsuka ng
dugo. Hindi ko alam �yung gagawin ko kaya pumunta na ako sa doktor kanina.

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi ko makaya. :(

Bakit ako pa?

Pero wala na akong magagawa, nandito na �yun. Hindi ko na machachange. Siguro, ang
magagawa ko na lang ay maging masaya and live on.

Pagkarating ko sa bahay, nakatulog na silang lahat. Yep, including Lance. Pumunta


na ako sa kwarto ko atsaka nagbihis. Kinuha ko �yung isang gamit sa bag ko atsaka
pinress ko �yung red na button at nagsimulang magsalita...

-----

Nung umaga, hindi ko nakita si Lance sa buong bahay. Saan na kaya siya? Wala rin
sina Tita at Tito, at yung mga maids. Saan ba sila nagpunta?

Mga 10.30 ng gabi, nakita kong pumasok si Lance ng bahay.

�Lance? Saan ka pumunta? Ba�t wala ka buong araw?� Pambungad ko sa kanya pagkapasok
niya sa pintuan.

�Wala kang karapatang malaman kung saan ako pumupunta.� Cold na pagkasabi niya.

Huh? May nagawa ba ako?

�L-L-Lance? M-may n-nagawa b-ba a-ako?� Tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya
sa akin.

Galit siya? Bakit?

Hindi niya ako pinansin, parang wala lang siyang narinig at naglakad lang sa
stairs, papunta siguro sa kwarto niya. Sinundan ko naman siya.

At nung nasa tapat na kami ng kwarto niya. Nagulat na lang ako nung napatingin siya
sa akin.

�Bakit ka ba sunod ng sunod?!� Sigaw niya. Napayuko naman ako, wala naman akong
ginawa ah.

�W-wala naman akong ginawa ah. Bakit ka ba ganyan?� Mahina kong tanong. Napaiyak na
ako.
�Walang ginawa?! WALANG GINAWA?! Eh, bakit ang tagal mong umuwi kahapon?! Saan ka
ba naglakwatsa?!� Sigaw niya. Natatakot na ako.

�Pumunta ako sa bahay ng isang kaklase natin.� Sinungaling.

�SURE KA BA?! ANO YUNG NARINIG KONG MAY KAHALIKAN KA DAW SA ISANG BAR MALAPIT SA
SCHOOL?!! ANONG WALANG GINAWA?!�

A-a-a-ano..?

Kahalikan...?

Ako...?

�Pumunta lang naman ako sa bahay ng classmate natin. Hindi ako pumunta ng bar at
hindi ko gagawin �yun!� Pagpoprotesta ko.

�Sinungaling. Dapat noon ko pa lang nalaman na ganyan ka pala. Ang landi mo.�

Para akong binaril sa puso.

Tinawag ako ni Lance ng malandi.

Wala akong ginawa kahapon kundi pumunta sa doktor.

Sinisiraan na naman ako ng mga classmates namin kay Lance.

Ang sakit..

Ang sakit isiping tinawag ka lang na malandi ng mahal mo.

�O MAY SASABIHIN KA PA BA? BREAK NA TAYO. PWEDE MO NG ILIGPIT YANG GAMIT MO ATSAKA
LUMAYAS SA PAMAMAHAY KO.� Sabi niya na parang ayaw na talaga niya sa�kin. Galit na
galit siya.

I clutched my fists. Sobrang sakit. Sobrang-sobra.

Nanghihina na rin ako.

Parang nasasaktan ako physically at emotionally.

Sobrang sakit ng ulo ko.

Gusto kong sumigaw pero hindi ko makaya.

Nanghihina na ako.

�So, m-mas n-nanini-w-wala k-ka p-pa sa c-classmates n-natin k-kesa s-sa s-sakin?�
Sinabi ko sa kanya na napahawak sa may puso ko. Tapos narinig ko �yung kidlat pero
hindi ako natinag.

Is this it?

Is this the end of my happiness?

�OO, DAHIL MAY EBIDENSYA SILA. MAY EBIDENSYA KA BANG MAPAPAKITA NA HINDI KA TALAGA
PUMUNTA SA BAR? SINO PA BANG INAKIT MO? NAGBAGO KA NA KAILYN. HINDI NA IKAW YUNG
KAILYN NA MINAHAL KO. ANG KAILYN NA NASA HARAP KO NGAYON AY ANG KAILYN NA
SINUNGALING AT MALANDI.� Napansin kong naiiyak na rin siya.
Napa-upo ako sa sahig.

Bakit ako? Bakit kelangang ako? Wala naman akong ginawa ah? Mahal na mahal ko si
Lance, sobra. Pero bakit ganito? Hindi ko matanggap.

�K-K-kailyn sobrang mahal kita. B-Ba�t m-mo �to nagawa sa akin? M-May p-pagkukulang
b-ba a-ako?�

Napahagulgol ako. Mahal na mahal din kita.. Please maniwala ka sa�kin.

�SAGUTIN MO AKO! MINAHAL MO BA TALAGA AKO?! O ISA LANG AKO SA MGA KOLEKSYON MO?!!�

�L-Lance... I didn�t cheat on you... M-Mahal n-na m-mahal k-kita.. H-hinding-hindi


k-ko m-magagawa y-yan s-sayo.. P-Please m-maniwala k-ka..� Nahihirapan na akong
huminga, nahihirapan na rin akong magsalita..

�PERO ANO YUNG PICTURE?! HUWAG MONG SABIHING KAMUKHA MO LANG YUNG BABAE! HINDI AKO
DUWAG KAILYN PARA HINDI MANIWALA, KAMUKHANG-KAMUKHA MO YUNG BABAE!�

�G-ganyan n-na b-ba a-ako k-kababaw p-para s-s-s-sayo�

�PE---.� Hindi niya natuloy yung sasabihin niya.

�A-a-aray....� Napahawak ako ng sobrang higpit sa may puso ko..

Napahagulgol ako sa sobrang sakit, tumayo ako at pumunta sa pinakamalapit na CR.


Atsaka sumuka. Napaupo ako sa sahig.

�K-K-Kailyn? B-Bakit m-may d-d-dugo s-sa s-sink?� Napatingin ako sa kanya.. �B-
bakit m-may d-dugo s-sa m-may b-bunganga m-mo?� Naiiyak niyang sabi, nanginginig
yung kamay niya at namutla siya. �B-bakit k-k-ka nagkakaganyan? k-Kailyn...�
Umiiyak na siya. �M-May s-s-sakit k-ka b-ba?�

Napatayo ako sa pagkakaupo ko sa sahig atsaka lumabas sa CR at sa bahay, kahit ang


hirap. Wala akong pakialam kung umuulan man o hindi.

Ito na po ba yung last day?

Kasi kung oo, hindi pa po ako ready.

Sumunod naman sa�kin si Lance! Nasa may pintuan pa lang, pa cross na ako ng street.

Hanggang sa..

�KAILYN!!!�

[3rd person�s POV]

Hit and run.

Napatakbo si Lance kung saan nakahandusay si Sophia. �Walang awa.� Isip ni Lance.
Ang maputi na tshirt ni Sophia ay ngayo�y halos red at brown na lang. Dugo at
putik.

�Kailyn....� Nanginig niyang tawag sa dalaga. �K-K-Kailyn.. H-Huwag muna.. Huwag ka


munang m-matulog... H-huwag mo muna akong i-iwan...� Umiiyak na si Lance, grabeng
pag-iyak. Napakasakit kanyang makitang masagasaan si Kailyn at nakita pa niyang
nagsusuka siya ng dugo.. Hindi niya alam ang gagawin. Napatingin naman si Lance sa
paligid. �TULONG! TULUNGAN NIYO PO KAMI. PLEASE PO! TULONG!� Sigaw niya habang
nakatingin sa mga bahay.

Walang tumulong.. Wala, lahat sila�y natutulog at may ngiti sa labi pero si Lance,
parang gusto na niyang mamatay. Ang sakit para sa kanyang makita si Kailyn na
nasasaktan..

�L-L-Lance...� Hinawakan ni Kailyn ang mukha ni Lance sa huling pagkakataon,


minemorize �yung mukha niya. �Yung napakagwapong mukha. Matangos na ilong, singkit
na mata, mahabang pilik-mata atsaka �yung manipis niyang labi na sobrang gusto ni
Kailyn.

�K-Kailyn.. H-huwag k-kang b-bumitiw.. P-please. N-nagmamakaawa ako...� Binuhat ni


Lance si Kailyn atsaka tumakbo sa pinakamalapit na ospital pero bago sila
makarating doon, pinigilan na siya ni Kailyn..

�H-h-huwag..� Sabi ni Kailyn, sobrang nahihirapan na siya. Pero pinipilit niya pa


upang masabi �yung kelangan sabihin.. Napatigil naman si Lance. Isang malaking
desisyon..

Hindi na pupunta sa ospital o titigil para sa gusto ni kailyn?

�P-p-pero.....� Umiiyak niyang sabi. Gusto niyang mabuhay pa si Kailyn. Gusto pa


niyang si Kailyn ang magiging nanay ng kanyang anak.

�L-listen...� Napahinga si Kailyn, ngunit sobrang sikip. Pero nagawa pa niyang


yakapin si Lance.. �Lance.... M-m-mahal na mahal kita.... H-hinding-hindi k-ko m-
magagawa y-yun s-sayo.. P-pumunta k-k-kasi a-ako n-ng d-doktor k-kahapon...� Parang
obvious na obvious na sobrang nasasaktan na ang dalaga at dobleng sakit naman ang
nararamdaman ng binata kahit tinitingnan lang niya ang si Kailyn. �S-s-s-abi n-niya
hindi n-na ako.... m-m-m-magtatagal.. May s-s-sakit ako, L-L-Leukemia.. A-A-At
hindi na n-naagapan..�

�Alam mo bang sobrang saya ko dahil ikaw ang nagmamahal sa akin. Lahat, nasayo na.
Ako? May kulang ako.. Hindi ako maligaya hindi katulad mo. Nandyan yung mga
magulang mo, mahal na mahal ka nila. Ako, wala. Ikaw lang ang meron ako, Lance.
Ikaw lang. Ikaw lang yung nandyan. Wala ng iba.� Napaupo ang binata, hinawakan niya
ng mahigpit ang dalaga dahil alam niyang pagkatapos ng ilang segundo o minuto,
mawawala na sa kanya ang pinaka-iingatan niya.

Kumalas sa yakap ang dalaga atsaka hinawakan ang mukha ni Lance. �I love you. Lance
Justin Mendez, I love you so much that I can die. O nga pala, kunin mo �yung
videocam sa kwarto ko... At Hhwag ka ng umiyak...� Pinunasan ng dalaga ang luha ng
lalaki kahit nahalo na ito sa ulang pumapatak galing sa langit. At sa huling
pagkakataon, hinalikan ni Kailyn si Lance. Lumayo si Kailyn pagkatapos ng ilang
segundo atsaka ngumiti.

�Hinding-hindi ko malilimutan ang mala-anghel na ngiti na �yan...� Isip ni Lance.

�Salamat...� Bulong ni Kailyn at nawalan na ng malay.

Hindi nakagalaw ang binata. Niyugyog niya ang malamig na katawan ng dalaga.
�Kailyn..... Kailyn...... KAILYN!� Napasuntok ang binata sa sahig. �KAILYN NAMAN!
HUWAG KANG MAGBIRO, HINDI NAKAKATAWA! KAILYN!!!!�

Hinawakan ni Lance �yung mukha ng dalaga. �Kailyn.... Please.... Nagmamakaawa ako,


huwag muna ngayon. OO, SIGE NA NANINIWALA NA AKO SAYO, BUMANGON KA LANG DIYAN.
KAILYN!� Niyugyog pa niya yung katawan ni Kailyn. �KAILYN! Mahal na mahal kita,
higit pa sa buhay ko. Please! KAILYN. Hindi ko kayang mawala ka! Please...�

Napahawak si Lance sa necklace na ibinigay niya kay Kailyn.

�Kailyn............� Tawag ulit ni Lance sa kanyang walang buhay na nobya.

Lord, sana maging masaya siya kahit wala na ako.


Sana matanggap niya. Sana hindi niya ako papalitan.
Sana hinding-hindi siya magagalit dahil late ko na
sinabi. Salamat nga pala sa lahat at dahil binigyan mo
ako ng chance na maging masaya sa piling niya at ng
pamilya niya. Sana po bigyan niyo sila ng blessings. Ang
bait po nila, hindi po nila inisip na dagdag ako sa gastos,
hindi nila inisip na malas ako sa pamilya niya. Lord please,
mahal na mahal ko po sila. Kahit maikli lang �yung time na
ibinigay mo sa�kin, nagpapasalamat pa rin ako dahil
binigyan mo ako ng ganitong buhay. Amen.

**

�Hi Lance! Salamat sa lahat, sa pagmamahal mo, sa pag-alaga mo, sa lahat ng ginawa
mong sakripisyo para sa akin. Ako na siguro ang pinakamaswerteng babae sa balat ng
lupa. Alam mo bang mahal na mahal kita?� Oo, alam ko. Nadarama ko pa hanggang
ngayon. Ako ang swerte sayo, sobra. �Siguro habang pinapanuod mo ito, wala na ako.�
........ �Sorry. Hindi kita sinabihan tungkol sa sakit ko. Ayaw ko kasing ipagamot
niyo ako, baka sabihin ng ibang tao, ginagamit ko lang kayo at nagmumukha lang
kayong tanga. Pakisabi naman kina Tita at Tito na sobrang laki ang pasasalamat ko
sa kanila, na sa kanila ko naramdaman ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang
anak. Mahal na mahal ko rin sila pero, ofcourse mas mahal kita Lance. Hindi ka ba
kinikilig? Hahahaha!� Ngumiti siya. Ang ngiti niyang napakaganda. Ang ngiti niya
ang rason kung bakit nabubuhay pa ako dito sa mundong ito. Umiiyak na si Kailyn sa
video. �Lance, alam mo bang sobrang sakit na ng katawan ko? Parang hindi ko na
kaya, hindi ko na talaga makaya pero sa tuwing pipikit ako nakikita ko �yung mukha
mo, parang sinasabihan akong kelangan ko pang mabuhay, kelangan ko pang sabihin
sayo ang totoo. Gusto ko pa sanang makasama ka hanggang sa may tumatawag na sa�tin
ng daddy at mommy. Hindi mo alam kung paano ko kagustong mangyari iyon pero, hindi.
Hindi pwede, sobrang liit ng time na ibinigay ni God sa akin pero alam kong may
rason siya at hinding hindi ko siya ibeblame. Nagpapasalamat pa rin ako sa kanya
kahit ganun. Huwag ka ng malungkot, babantayan naman kita eh, hinding hindi kita
iiwan, kahit hindi mo na ako makikita, nandito lang ako sa tabi mo. Promise ko
�yan. Be happy, okay? Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka. Maging mabait ka, manalig
ka sa Diyos para pagdating nung time, kasama mo na ako dito. Diba gusto mo yun?�
Oo, gustung-gusto. �Hihintayin kita dito, huwag ka lang maghanap ng iba. Please.
Mahal na mahal kita Lance Justin Mendez. See you soon. Saranghaeyo~� Tapos nagblack
na ang screen.

�I love you Kailyn.� Bulong ko sa hangin. Nandito ako sa puntod niya.

Kailyn Sophia Park


June 30, 1996 � February 13, 2014

May malamig na hangin ang dumaan at parang may narinig akong bulong galing sa
babaeng mahal na mahal ko.

�I love you too.�

�We were destined to be together, we were destined to last forever, but we can�t
always trust destiny. God is incharge of our lives, not the destiny. So we don�t
know what will happen next but one thing I know is that, this is true. I want to be
with you forever because I love you so much that I could risk my life for you.�

*END*

Story made by:


chocolatepopcorndreams2013