Vous êtes sur la page 1sur 5

Amiel Emerson D.

Faner
FIL 20 S
ANG MAKINA NI MANG TURING
ANOTASYON SA KABANATA V
SINOPSIS
Ninanais ng bida na matalo ang magaling sa tjongklak na si Waruno matapos siyang matalo
dito nang ilang ulit sa kanilang unang pagkikita. Ngunit, kanya ring naalala ang kanyang hindi
matapos-tapos na novela. Dito niya ipinakilala ang nilalaman nito na pumapatungkol sa isa sa
kasaysayan ng rebolusyon sa Pilipinas. Ito ay nakatuon sa rebelyon ni Fransisco Dagohoy na
umabot ng walumpu’t limang taon sa isla ng Bohol. Isinalaysay nya ang bawat detalye sa tulong
ng mga kwento ng kanyang lolo at lola na ipinasa sa kanyang ama. Sanggol pa ang kanyang ama
nang makalikas sa matinding paglusob ng mga Español na sa panahong iyon ay malapit nang
makaabot sa kanilang huling kuta. Sila ay nakarating sa Manila at dito ipinagpatuloy ang kanilang
buhay. Sila ay nakabangon at napag-aral pa ang kanyang ama sa colegio. Ang pangakong pagsanib
sa pagaalsa ng kanyang lolo at lola ay kanilang ipinagpatuloy sa mga bulubundukin ng Sierra
Madre. Mababatid rin sa kabanatang ito ang pagtatagpo ng bida at ni Banog sa Europa. Ito ay sa
pamamagitan ng tarjetang pinadala ni Banog para sa kanyang lolo at lola. Marami silang
pinagusapan; mula sa ugnayan ni Banog sa kanyang lolo at lola, tunay na pagkatao ni Banog, at
ang kanyang kinahinatnat. Dito ipinahayag ni Banog ang kanyang pagdadalamhati at panghihina.
Inilahad nya ang kanyang karanasan at dito niya napagtanto na walang laban ang rebolusyon sa
modernong panahon na kung saan naiimbento ang mga bagong armas na pandigma. Ito ay
nakakabahala at hindi inaasahan sa isang civilizadong bansa ayon sa mga taong ang hangarin
lamang ay ang kapakanan at pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan. Sa huling bahagi naman
ng kabanata masasaksihan ang nilalaman ng kahon na imbensyon ni Mang Turing. Ito ang El
Cocodillo na may taglay na pambihirang galing.

TALAAN NG MGA MAHAHALAGANG BAGAY SA KABANATA

1. Sungka – Pilipinong bersyon ng Tjongklak. Ito ay isang laro na nagmula sa iba’t ibang bansa
sa timog silangang asya. Ito ay binubuo ng isang kahoy na may mga sisisdlan (maliliit
at malalaki na kung tawagin ay “bahay”) at mga sigay na kung saan ito ay nilalagay
sa mga sisidlan. Ang pangunahing layunin ng laro ay paramihan ng makukuhang sigay
na mailalagay sa kanilang “bahay”.
2. Waruno – Ang kilalang pinakabihasang manlalaro ng tjongklak sa buong East Indies.
3. Apatnapu’t walong sigay – Ito ang pinakamadaming nabuong sigay ni Waruno. Mayroon
lamang apatnapu’t siyam na sigay sa larong Sungka.
4. Hamburgo – ciudad sa Alemania. Dito nanirahan pansamantala ang bida bago umuwi sa
Pilipinas
5. Francisco Dagohoy – kilala sa pamumuno ng pinakamahabang rebolusyon sa Pilipinas na
umabot ng 85 taon. Ang kanyang tunay na pangalan ay Francisco Sendrijas. Ang
palayaw na dagohoy ay nagmula sa kanyang agimat na tinatawag na “dagon” sa
Cebuano at “hoyohoy” na ibinansag sa kanya dahil sa kanyang natatanging bilis sa
paglalakbay sa bundok at gubat na para bang hangin at mayroong taglay na
kakayahang makakita sa dilim at maglaho sa paligid (kapag pinagsama ay
“Dagohoy”). Ang nagpasiklab ng rebelyon ay dahil sa hindi pagbibigay ng tamang
kristyanong libing sa kanyang kapatid matapos nitong masawi sa paghabol sa isang
taong tumalikod sa Cristianismo. Subalit ang tunay na laman ng rebulusyon ay ang
sapilitang pagtatrabaho, opresyon, at sobra-sobrang pagbabayad ng buwis.
6. Handog at Awag – ang mga anak ni Francisco Dagohoy. Sila ang namuno at nagpatuloy ng
pag-aaklas.
7. Mariano Ricafort Palacin y Abarca – (1776-1846) siya ang ika animnapu’t isang gobernador
heneral ng Pilipinas. Siya ang naglunsad ng pagpuksa ng rebelyon ni Dagohoy. Unang
sumabak ay ang mahigit dalawang libong sundalo sa pamumuno ni Jose Lazaro Cairo
ngunit hindi ito nagtagumpay. Sumunod ay ang matagumpay na paglusob sa
pamumuno ni kapitan Manuel Sanz.
8. Boasa, Inabanga at Talibon – dito namalagi ang mga nagsiaklas sa Bohol.
9. Cercopithecus luzonis minimus – o mas kilala sa tawag na Tarsier. Ito ay kasinglaki lamang ng
palad at maraming argumento kung ito ba ay kasama sa lahi ng mga primates. Ito ay
makikita lamang sa mga bansa sa southeast asia.
10. Alimokon at Salampati – lolo at lola ng bida
11. Banog at Kagwang – miyembro ng rebeldeng grupo na may hawak ng salapi para sa armas
para sa susunod na pag-aklas
12. Maomag – tatay ng bida at anak nina Alimokon at Salampati
13. Sierra Madre – Ito ang pinakmahabang bulubundukin ng Pilipinas. Ito ay nasa Luzon na
bumabagtas mula sa Cagayan hanggang Quezon.
14. Bundat na fraile at mga oficiales ng España – ang paglalarawang ito ay hango sa satirikong
akda ni Graciano Lopez Jaena (1874) na tinatawag na Fray Botod. Ang botod ay
Hiligaynon na salita na ibig sabihin ay bundat o malaking tiyan. Ang malaking tiyan
ay sumisimbolo sa katakawan ng mga fraile at mga namumunong Espanyol sa salapi,
pagkain at babae. Dito ipinapakita ang baho at kawalang katarungan ng mga ito.
15. Maya – kapatid ng bida
16. Tarjeta postal – postcard sa ingles
17. Banog – Nagngangalang Enrique Q. Vitalis sa Europa; Kababayan nina Alimokon at
Salampati
18. Gante, Belgica – Ghent, Belgium sa ingles
19. tunay na religion – natuklasan ni banog na ang kanyang inaaral na religion ay tunay na
naipamalas sa hindi inaasahang lugar at doon niya ito nakita sa piling ng mga
rebelde ni Dagohoy at kailanman ay hindi nya ito makikita sa mga sakim at
mapagsamantalang fraile.
20. Commune ng Paris 1871 – Paris Commune; Ito ang kaunaunahang matagumpay na pag-
aaklas sa kasaysayan. Ito ay pinangunahan ng mga manggagawa sa France na
tuluyang napatalsik ang gobyerno nito na humantong sa agarang pagpapalit para sa
demokratikong pamamahala. Ngunit sa loob ng 2 buwan ito ay nabawi ng mga
sundalong Frances.
21. “Tulad ng nakita na natin sa historia, pinakamabangis sa lahat ng hayop ang tao kapag
nakatikim ng kayamanang pansarili… mabangis na colonialismo.”- Dito
inilarawan ni Banog ang anyo at ugali ng kapitalismong sistema ng isang bansa. Ito
ay humahantong sa kasakiman at kawalang katarungan. Ang bansang maunlad ay
nagreresulta sa hegemoniya at mapapatunayan ito sa mga digmaang naganap sa
kasaysayan na naglalayong mapasailalim ang ibang bansa sa kanilang
kapangyarihan.
22. Pinakasisindak na armas ng kinabukasan – dito sinimulang inilarawan ni Banog ang
kanyang karanasan sa modernong armas pandigma.
a. “rifle at revolver na nakapagpapaputok ng sunod sunod na balang
hindi mabilang…” – Ito ay tinatawag na Gatling gun hango sa imbentor na si
Richard Jordan Gatling na unang ginamit noong American Civil war at sa Spanish-
American War. Ito ay may kakayahang maglabas ng 350 bala sa loob ng isang
minuto. Ito ay patuloy na pinalakas at naging isa sa primera kagamitan sa mga
digmaan ng U.S.
b. “bakal na carruajeng walang kabayo na may dambuhalang kanyon
sa ibabaw” – Ito ay tinatawag na mga tanke at ito ang mabisang ginamit sa
ikalawang digmaang pandaigdig.
c. “bakal na barko na pang-guerra na maaring sumisid sa dagat”- Ito
ay tinatwag na submarine na may kargadang missile na kayang magpatumba ng
mga barkong pandigma. Sa modernong panahon, taglay nito ang kakayahang
magdala at maglabas ng mga nuclear missile na kayang pumuksa ng isang bansa sa
isang iglap lamang.
d. “kanyong de electricidad” – Sa kasalukuyang panahon ay hindi pa
nasasaksihan ang ganitong armas na pandigma. Ito ay hindi pa naiimbento ngunit
ayon sa iba, ito daw ay sinubukang gawin ng Nazi Germany para mapatumba ang
mga eroplanong pandigma. Tinatawag nila itong “Death ray”.
23. “Boteng puno ng microbio na nagdudulot ng sakit na walang lunas” – ito ay mga microbio
na kayang maglakbay mula sa hangin na nagdudulot ng matinding epekto sa
katawan. Ang halimbawa ng microbiong ito ay ang Anthrax o Bacillus anthracis
na ginamit ng mga terrorista noong 9/11 sa America.
24. instinto guerrero – warrior instinct; taglay na pagnanasa sa pakikipagdigma
25. ultrahombre – Sila ang miyembro ng mga mamamayan sa isang bansa na may pinakamataas
na estado at impluwensya. Sila ay mayaman at makapangyarihan.
26. lucha por la vida - fight for life; mawawala ang mahihina at lalong lalakas ang malalakas.
27. corrector de pruebas – proofreader; nag-aayos ng mga akda
28. “Sino pa nga ba ang naniniwala kung hindi ang tunay na matitigas lamang ang ulo” –
mababasa rin ito sa unang kabanata.
29. San Judas Tadeo, ang Santo de las Cuasas Dificiles – saint of the difficult causes; ito ay
dahil imposible nang matalo pa ang mga sumakop sa atin dahil sa taglay nilang
armas na kayang umubos sa mga rebelde sa isang iglap.
30. Waterzooi – isang stew na kalimitan ay isda ang laman, na nagmula lamang sa Belgica.
31. Mang Turing – Siya ay isang matalinong imbentor sa kontexto ng kuwento ngunit mayroon
ding tunay na tao ang nagngangalang Alan Turing. Siya ang ama ng teoryang
kompyuter science at dinala niya sa tagumpay ang mga Allies para matalo ang mga
Nazis sa pamamagitan ng mabilisang pagsiwalat ng mga intercepted coded
messages na malaking intel para sa Allies.
32. El Cocodrillo - Ito ang imbensyon ni Mang Turing.
33. mechanism de relojeria – clockworks sa ingles
34. Entrada at Salida – Entry and Exit sa ingles
35. tumbasang duhakay at talukay – binomial equation at trinomial equation sa ingles
36. sugkisang palatangkasan – algebra sa ingles
37. tayahang bilnuran – arithmetic sa ingles
MGA SANGGUNIAN

http://www.vtaide.com/ASEAN/Philippines/sungka.html
https://www.bohol-philippines.com/francisco-dagohoy.html
https://en.wikipedia.org/wiki/Mariano_Ricafort_Palac%C3%ADn_y_Abarca
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18445891361
https://www.history.com/topics/american-civil-war/gatling-gun
https://en.wikipedia.org/wiki/Waterzooi
https://en.wikipedia.org/wiki/Alan_Turing

Vous aimerez peut-être aussi