Vous êtes sur la page 1sur 4

Mala- Masusing Banghay- Aralin

FILIPINO 7

I. Layunin
A. Nalilinang ang kaalaman batay sa simbolismong nagamit sa akda.
B. Naisasapuso ang kabuuang mensahe sa akda sa makatotohanang senaryo ng buhay.
C. Naipapamalas ang kakayahan sa mabisang pag-unawa sa nilalaman ng akda sa
pamamagitan ng mga gawain.
II. Nilalaman
A. Paksa: Ang Alamat ng Paruparo
B. Sanggunian: Supplemental Lesson Filipino, pahina 11-12
C. Kagamitan: LED TV, laptop, printed pictures,coupon band, meta cards
III. Pamaraan
A. Pagganyak
Panonood ng isang video clip tungkol sa Life Cycle ng paruparo.

B. Paglalahad ng Aralin
Iuugnay ang ipinanood na video clip sa tatalakaying akda.
Pagsasaayos sa mga nagulong letra upang matuklasan ang pamagat ng akdang tatalakayin.

C. Paghawan ng Sagabal
“Sa Hugot Ko, Hanapin Mo”,
Panuto: Hanapin sa loob ng mga hugot lines ang kasingkahulugan ng mga salitang
naibigay.

1. Dumukwang- Matuto kang sumuko kapag nasasaktan ka na. Huwag kang humakbang
kung hindi kapa handa.
2. Nanaog- Walang mga magulang ang naghangad na pumunta sa ibang bansa para iwan
ang kanilang mga anak. Kung alam niyo lang ang kirot sa dibdib nila na unti-unti kang
lumalaki nang wala man lang silang nabubuong mga ala-ala na kapiling ka.
3. Ulila- Gumuho ang mundo ko noong namatay ang mga magulang ko. Sayang hindi ko
naipakita ang pagmamahal ko sa kanila. Ramdam na ramdam ko na, mahirap pala ang
walang mga magulang.
4. Sumibol- Ganyan talaga ang mga magaganda, ang hilig magpuyat. Walang pake kahit
tumubo ang taghiyawat.
5. Busabusin- Huwag mong abusuhin ang pagmamahal ko. Baka bukas, paggising mo,
pagod na ako.

D. Pagpapabasa sa Akda
Ipapabasa sa isang mag-aaral ang alamat sa paraang pagbasa ni Charo Santos ng
MMK.

E. Pagtalakay
a. Pangkatang Gawain
Pangkat 1 “Picture Sequencing
Pagsunod-sunod sa mga larawan upang mabuod ang akda.
Pangkat 2 “Miss Q & A”
Pagsagot sa mga katanungan ukol sa akda sa paraang Miss Q & A.
Pangkat 3 “Just Symbol Me”
Pagguhit ng isang simbolong makikita sa akda at pagbibigay ng paliwanag
dito.
Pangkat 4 “ISLOGAN”
Aral na napulot sa pamamagitan ng islogan.
b. Pagbibigay feedback sa mga gawain

F. Paglalapat/Pagpapahalaga
Pagsusulat ng liham para sa iyong/inyong kapatid.

IV. Takdang-Aralin:
A. Maghanap ng isang larawan kasama ang iyong mga kapatid at isulat ang buong kwento ng
larawang iyon. Gawin ito sa long coupon band.
B. Saliksikin ang Kaligirang Kasaysayan ng Ibong Adarna, gawing sangguniaan ang internet,
o kahit na ano mang aklat ng Ibong Adarna.

Inihanda ni:

RACHEL ANN G. ABELLA


Teacher-III

Binigyan-pansin nina:

MARS Y. AGBAYANI
Master Teacher-I

SAMUEL I. YADAO
Head Teacher-III

Enero 25, 2019


Ang Alamat ng Paruparo
Noong unang panahon ay may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang
na baryo sa Laguna. Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro, samantalang
ang nakababata naman ay si Perla na pawang sumisibol na dalagita. Pagtitinda
ng bulaklak ang kanilang ikinabubuhay.

Magkaiba ang ugali nila, si Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin


kundi ang lumapit sa mga bulaklak at amuyin ito. Samantalang si Perla naman ay
masipag at masinop sa kabuhayan. Likas na mabait si Perla, pasensiya na
lamang ang kaniyang ibinibigay sa kapatid na si Amparo na ubod ng tamad.

Ngunit isang araw ay naubos na ang pasensiya ni Perla at nagalit kay Amparo na
laging nagrereklamo sa kanilang ulam. Galit din na sumagot si Amparo “Anong
gusto mo alilain ako at busabusin? Ako ang masusunod dahil ako ang
nakakatanda.” Sabay nanaog at pumitas ng halaman sa hardin at nagtuloy sa ilog
upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok. Pagdukwang niya ay tuloy-
tuloy siyang nahulog sa ilog. Sa pag-aalala para sa kapatid ay sumunod si Perla
at kitang-kita niya nang mahulog si Paro sa ilog. Sumigaw ng malakas si Perla
“Paro! Paro!", marami ang nakarinig at tinulungan siya ngunit walang Amparo
silang nakita.
Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may isang bulaklak ang
lumutang sa kinahulugan ni Amparo at unti-unti itong gumalaw, dahan-dahang
nawala ang hugis bulaklak nito at unti-unting umusbong ang pakpak na may iba’t-
ibang kulay. Walang ano-ano ay lumipad at nakita ni Perla na pumunta ito sa
halamanan at nagpalipat lipat sa mga bulaklak. Kinutuban si Perla at nasambit
niya ang katagang “Paro! Paro!". Simula noon, ang maganda at makulay na
munting nilikha ay tinawag ng mga tao na Paro! Paro! na nang lumaon ay naging
PARU-PARO.
1. Ano ang pangalan ng magkapatid? Ilarawan ang baway isa sa
kanila.
2. Bakit nag-away sina Amparo at Perla?
3. Saan dumako si Amparo pagkatapos silang mag-away ng
magkapatid?
4. Ilahad ang nangyari kay Amparo sa ilog pagdukwang niya sa ilog?
5. Paano naging paruparo si Amparo?

1. Ano ang pangalan ng magkapatid? Ilarawan ang baway isa sa


kanila.
2. Bakit nag-away sina Amparo at Perla?
3. Saan dumako si Amparo pagkatapos silang mag-away ng
magkapatid?
4. Ilahad ang nangyari kay Amparo sa ilog pagdukwang niya sa
ilog?
5. Paano naging paruparo si Amparo?

Vous aimerez peut-être aussi