Vous êtes sur la page 1sur 1

Ipinahayag sa pag-aaral nina Xednyc Rex Añonuevo & Vincent Nocum ang

mga epekto ng modernong teknolohiya sa wikang Pilipino. Nakalahad dito ang mga
suliranin sa patuloy na pagsulong ng mundo at ng teknolohiya tulad ng a. pag-asa
lamang sa modernong teknolohiya (para sa kanilang pangangailangan sa pang araw-
araw na komunikasyon; b. Di pag tuon pansin sa wikang Filipino dulot sa midyum na
wikang ginagamit ng mga modernong teknolohiya; c. Masamang impluwensya ng
teknolohiya sa iba't-ibang uri ng relasyon ng bawat mamamayang Pilipino.

Ipinakita nina Xednyc Rex Añonuevo & Vincent Nocum ang mga naidulot ng
modernong teknolohiya sa kommunikasyon ng mga mamamayang Pilipino. Nagde-
depende nan g lubos ang mga teenager sa mga teknolohiya na ito at nababawasan na
ang kanilang pakikipaghalubilo sa kanilang kapwa. Hindi na naka-pokus ang mga
Pilipino sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran. Puro na lamang gadyets ang
kanilang inaatupag. Napapadalas na ang kanilang paggamit ng mga jargon at taglish
dahil nga Ingles ang gamit na lenguahe sa mga teknolohiya.

Dumarami din ang paggamit ng jejemon language sa pagitan ng mga tao. Dahil
rito, nakakabuo ng mga bagong salita na nagdudulot sa pagkalimot n gating wikang
pambansa. Mayroon din itong naidudulot na maganda, mas napapabilis ang
kommunikasyon sa pagitan ng mga tao, lalo na sa pagbigay ng impormasyon.

Malaki ang epekto ng modernong teknolohiya sa wikang Filipino. Dahil


kadalasan ay sa chat na lamang nag-uusap ang mga tao, naghahalo-halo ang mga
salitang ingles at Filipino, kaya nawawala ang orihinal na wika. Mayroon ding
pagkakataon na mga numero na ang gamit imbes na letra ng alpabeto, ito ay tinatawag
na jejemon.Ang resulta, maraming mga bagong salita ang nabubuo.

Mayroong magandang dulot ang teknolohiya sa ating wika tulad ng pagpapadali


n gating mga buhay. Ngunit mayroon ding masamang dulot ito tulad ng unti-unting
paglaho n gating sariling wika. Ang dapat gawin ay ang magkaroon ng dispilina kung
paano ito gamitin ng tama upang patuloy pa rin na umunlad an gating bayan at sa
sabay na paraan, napapanatili pa din natin ang ating wikang pambansa.

Añonuevo, Xednyc Rex. & Nocum, Vincent. “Wikang Filipino: Komunikasyon sa


Makabagong Teknolohiya"

Pamantasang Regional Science High School, 2016

Anotasyon ni: Milvy Faith C. Syjongtian

Vous aimerez peut-être aussi