Vous êtes sur la page 1sur 15

AKLANON

Wika

Ang wikang Aklanon, (ak-ea-non) ay


pinapalitan ng ponemang “e” ang “l,” dahil sabi sa
mga kwento ay si Datu Bangkaya, unang pinuno sa
Aklan, ay maliit ang dila kung kaya hindi niya
mabigkas ang letrang “l.” Sinasabi ring kakaiba ang
wikang Aklanon dahil ang mga salitang kalimitang
ginagamit ay may di-pangkaraniwang paraan ng
pagbigkas. Ang (ea) sa mga salitang saeamat,
maaeamig, magae-om, ay hindi mabigkas-bigkas ng
mga dayuhan. Tanging mgaAklanon lamang ang
may kakayahang makapagbigkas nito

PALABAYBAYAN NG MGA IFUGAO

abredor- (pangngalan) isang kasangkapan na


ginagamit sa pagbubukas ng bote.

almares- (pangngalan) isang kasangkapan ng bahay


na mula sa marmol at ginagamit sa pagdidikdik ng
iba’t-ibang bagay katulad ng bawang, atb. .
altar- (pangngalan/pang-abay) mataas na lugar at
bahagi na pinaggaganapan ng mga seremonyang
pangrelihiyon

aranya (chandelier) - (pangngalan) isang palamuti


na karaniwan ay gawa sa kristal. .

anglet - (pangngalan) ang maliit na palayok

aparador- (pangngalan) isang lalagyan ng mga baro


na karaniwan ay gawa sa kahoy at may salamin.

aspile- (pangngalan) isang kasangkapan ng


mananahi na katulad ng karayom ngunit walang
butas

baeatibat- (pangngalan) isang klaseng dingding na


gawa sa patpat ng kawayan para hindi makapasok
ang mga manok o tao sa bahay

baeay- (pangngalan) isang tirahan ng tao

baeayan - (pangngalan) ang tungtungan ng bahay


balisbisan- (pangngalan) laylayan ng isang bubong
na huling dinaraanan ng tubig-ulan bago lumagpak
sa lupa.

banggerahan- (pang-abay) isang parti ng bahay


kung saan tinatago ang mga pinggan at iba pang
gamit sa kusina katulad ng baso, kutsara, atb.

banyo- (pang-abay) isang lugar ng bahay kung saan


ang mga tao ay naliligo

barandilya- (pangngalan) kabit-kabit na mga piraso


ng kahoy o bakal na may iba-ibang debuhong
palamuti sa dakong ilalim ng pabababahan ng
bintana o sa dakong ibaba ng paligid-ligid ng
balkon ng hagdan.

baratilan- (pangngalan) patungan ng kasaw o


baratela –mahabang putol ng kahoy na karaniwang
mula sa kalahati hanggang isang pulgada ang kapal,
ang lapad nito ay tatlo hanggang limang pulgada at
karaniwang ginagamit na sahig ng bahay na kung
ipako ay hindi diit-diit (kawalan ng puwang).
bayan-bayan- (pangngalan) ang hawakan ng hagdan
na yari sa kawayan, kahoy, yantok o bakal

bintana- (pangngalan) bukas na dingding ng bahay


upang madaanan ng liwanag at hangin.

bubungan- (pangngalan/pang-abay) pang-ibabaw na


takip o balangkas ng bahay

bae-ag- (pangngalan) isang kasangkapan ng


karpentero na pampahasa ng lagare.

bailan- (pangngalan) isang kasangkapan ng bahay


kung saan hinahasa ang itak, at iba pa.

bandehado- (pangngalan) malaking pinggan

banga- (pangngalan) tapayang maluwag ang bibig.

.bangkito- (pangngalan) maliit na bangko o upuan.

banig- (pangngalan) higaang gawa sa buri o pandan.

baoe- (pangngalan) sisidlan ng mga damit at iba


pang bagay na karamihan ay gawa sa tabla.

bareta- (pangngalan) matulis na bakal na panghukay


ng lupa.
basket- (pangngalan) sisidlang yari sa yantok o
kawayan

baso- (pangngalan) kasangkapang gamit sa pang-


inom

basurahan- (pangngalan/pang-abay) isang bagay na


sinisidlan ng anumang basura.

batya- (pangngalan) malaking palanggana na


labahan ng damit.

bayong- (pangngalan) supot na buri .

bote- (pangngalan) isang lalagyan na gawa sa


kristal.

bugas- (pangngalan) butil ng palay na kinakain ng


lahat na Filipino

. cellphone- (pangngalan) isang telepono na hindi


gumagamit ng kuryente
D

dagom- (pangngalan) pino, mahaba at matulis na


bagay na yari sa bakal na ginagamit sa pananahi

dapog- (pangngalan) bagay na pinaglulutuan.

dibisyon- (pang-uri) para magsiparar sa mga


kwarto;paghati-hati o pagbabahagi ng mga silid.

dingding- (pangngalan) isang estraktura na gawa sa


semento, tabla at iba pang naghahati sa kabahayan

duyan- (pangngalan) kasangkapang yari sa mata-


matang kawayan o yantok at tinatalian sa
magkabilang dulo upang maiugnay

eagari- (pangngalan) kasangkapang pang-anluwagi


na yari sa asero at may matatalim na ngiping gamit
sa pagputol ng kahoy o bakal.

eambong- (pangngalan) ito ay damit, pangbahay


man o sa labas ng bahay
espeho- (pangngalan) ito ay isang gamit na
nagbibigay ng tunay na larawan ng isang bagay na
iniilagay sa harap nito

estante- (pangngalan) isang lagayan ng mga libro na


gawa sa kahoy, bakal o kawayan.

eubid- (pangngalan) piniling abaka na maaaring


panali ng hayop o bapor

eusong- (pangngalan) isang bayuhan ng palay,


bigas,kape o mais na gawa sa kahoy.

euwag- (pangngalan) ito ay isang sandok na


pangkuha ng lutuin katulad ng kanin o gulay

galingan- (pangngalan) isang kasangkapan na


ginagamit ng mga gumagawa ng puto at sa
paggiling ng mga kape o bigas at iba pa.

gasera-- (pangngalan) ilawang ginagamitan ng


langis, alkohol o gas
49. gunting- (pangngalan) gamit ng mga barbero sa
paggupit ng buhok o ibang bagay.

guos- (pangngalan) tali sa haligi kung saan ang


balayan ay inuugnay.

haboe- (pangngalan) telang takip sa katawan ng


natutulog

hagdan- (pangngalan) akyatang baitang-baitang

haligi- (pangngalan) isang bahagi ng bahay na


nakabaon sa lupa ang puno at nagdadala ng buong
bahay.

halimtang - (pangngalan) tuntungan ng hagdang


pag-akyat sa bahay

hawla- (pangngalan) kulungan ng mga ibon na


pinaamo at sadyang inaalagaan

hurno- (pangngalan) isang kalang kulong ang init at


karaniwang ginagamit sa pagluluto ng tinapay at
paglilitson, at puto.
I

imbudo- (pangngalan) kasangkapang maluwag ang


bibig at may tubo sa ilalim na ginagamit sa
pagsasalin ng likido sa bote at iba pang sisidlan.

istampa- (pangngalan) maliit na larawan ng santo,


santa at iba pang katulad nito.

. kabayo- (pangngalan) gamit sa bahay kung saan


pinaplansa ang mga damit; gawa ito sa kahoy o
bakal.

tabo- (pangngalan) pangadlo ng tubig na lata,


plastik o bao ng niyog .

kaeaeaw- (pangngalan) mababaw na basket na


kawayan

kaeaha- (pangngalan) isang kasangkapang gawa sa


bakal na ginagamit sa pagpriprito o pagsasangag.
kahon- (pangngalan) kulong at parisukat o
parihabang taguan o lalagyan ng anuman na gawa
sa kahoy, karton o metal.

kahoy- (pangngalan) tabla na galing sa puno

kalan- (pangngalan/pang-abay) dapog, lutuan

kandila- (pangngalan) isang uri ng ilawan na


nauupos na gawa sa sebo

kardero- (pangngalan) kagamitang aluminyo na


ginagamit sa pagluluto.

kasangkapan- (pangngalan) gamit sa bahay at sa


gawain

kasaw- (pangngalan/pang-abay) kung saan itinatali


ang pawid o kung saan pinapako ang sin.

kaserola- (pangngalan) lutuang metal, bilog ang


pinakabunganga.

kasilyas- (pang-abay) palikuran

. katre- (pangngalan) isang higaan na karaniwan ay


gawa sa kawayan o bakal.
kawa- (pangngalan) higanteng kawali.

kimpit sa eambong- (pangngalan) sang uri ng gamit


ng labandera na pang-ipit sa sinasampay ng bagong
labang damit.

kingke- (pangngalan) ito ay isang ilawan na may


mitsa at gaas na nasa loob ng isang bote o lata.

kubyertos- (pangngalan) set ng kutsara, tinidor, at


kutsarita

kueon- (pangngalan) sisidlang luad na


pinaglulutuan ng sinaing, ulam, atb

kumpiyoter- (pangngalan) isang uri ng


awtomatikong makina na de kuryente o bateri na
ginagamit sa iba’t-ibang bagay lalo na sa
pagsusulat, pagbibilang at komunikasyon.

kopa- (pangngalan) kasangkapang ginagamit na


tunggaan ng alak

kusina- (pangngalan/pang-abay) bahagi ng bahay na


kinalalagyan ng kalan at mga kasangkapang sa
pagluluto.
.kuskusan- (pangngalan) isang kasangkapang
ginagamit sa pagkuha ng laman ng niyog.

kutsara- (pangngalan) isang kasangkapan sa kainan,


kahugis ng munting sandok at yari sa iba’t-ibang
metal.

kutsarita- (pangngalan) maliit na kutsara.

kutsilyo- (pangngalan) maliit at manipis na kampit


at madalas ginagamit sa paghiwa ng mga prutas,
karne at iba pa.

lababo- (pangngalan) kasangkapang nakakabit sa


tapat ng gripo na siyang sahuran ng tubig kung
naghihilamos, naghihinaw kamay o naghuhugas ng
anuman.

. lamesa- (pangngalan) isang kasangkapang may


pantay na ibabaw, apat o higit pang paa na
ginagamit na kainan, sulatan, patungan, atb.

lingkuran- (pangngalan) ito ay isang uri ng upuan


na karaniwang yari sa kawayan, kahoy o plastic.
M

maeukong- (pangngalan) isang malaking tasa.

mahaea- (pangngalan) isang gamit sa bahay na


ginagawang pang-atang sa ulokung humihiga o
natutulog, na yari sa bulak, balahibo o iba pang
malambot na bagay na nasa kaluban at nadaramtan
ng punda.

mantel- (pangngalan) damit o plastik na ginagamit


na pantakip sa mesa, piyano, aparador, atb.

mesedora- (pangngalan) isang uri ng upuan na


inuugoy-ugoy

. musketero- (pangngalan) isang kagamitan sa


bahay na malaki, manipis at mataas na saklob na
karaniwang gawa sa sukob na abaka at may apat na
tali sa panulukan na siyang kinakabit upang bumuka
at magamit.

pakot- (pangngalan) isang gamit ng baro na gawa sa


buto, metal o nakar o ibang bagay na gamit sa
pagkakabit o pagsasara ng bahagi ng damit o kaya
ay bilang palamuti; butones.

panggatong- (pangngalan) ito ay biniak na kahoy o


kawayan na ginagamit sa pangluluto.

pangkuskos sa likod- (pangngalan) isang patpat na


gawa sa kahoy o sa kawayan na pangkamot sa
likod.

pantaw- (pangngalan/pang-abay) lugar kung saan


naghuhugas

pitsel- (pangngalan) lalagyang karaniwan na may


hawakan o pinakabraso at labi para sa pagbubuhos
ng lamang likido.

poeta- (pangngalan/pang-abay) isang bahagi ng


bahay kung saan dumaraan palabas o papasok ang
tao.

sapilo- (pangngalan) kasangkapan sa pag-


aanluwagi, na gamit sa pagpapantay at pag-aalis ng
bakat o gaspang ng tabla
silhig- (pangngalan) isang gamit sa bahay na
ginagamit kung nagwawalis at ito ay gawa sa
tingting ng tiyog o buri.

Vous aimerez peut-être aussi