Vous êtes sur la page 1sur 2

De Leon, Matthew Rei

Namoro, Mark Ely


Rocha, Jan Edward
San Juan, Prince Lander
Tongol, Christine Ann

Abstrak

Hindi mawawala sa kultura ng mga Pilipino ang pagkain. Ang mga pagkaing “turo-turo” ay mga

kainang magtatagpuan sa paligid o kalye tulad ng mga street foods at mga karinderya. Ang pagkahilig sa

pagkaing “turo-turo” ay isang bagay na masasabing pagkakilanlan ng Pilipino na naging parte na ng

kultura.

Ang mga tindahan sa gilid ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ay isa sa mga mahahalagang

bahagi ng buhay ng mga mag-aaral dito. Sa mga kiosk na ito, nakabibili ang mga mag-aaral maging mga

guro ng mga masasarap na pagkaing hindi mabigat sa bulsa. Halimbawa nito ay ang mga street food tulad

ng isaw, fishball, at kikiam pati pancit canton.

Ang mga nagmamay-ari ng mga kiosk ay mga miyembro ng Samahan ng Manininda sa UP

(SMUP). Kung gaano karami ang mga tindahan sa loob ng kampus, ganoon din karami ang mga

problemang kinahaharap ng SMUP. Isa na rito ang pagpapataas ng renta na binabayaran ng mga kasapi

nito.

Sa dokumentaryong ito, nais ng mga mag-aaral na maipakita ang mga pagkain na binebenta sa

mga kiosk. Kukunin din nila ang mga reaksyon ng mga tumatangilik sa mga produkto ng mga kiosk,

estudyante man sila o hindi. At higit sa lahat, layunin ng dokumentaryong ito na ilahad ang mga suliranin

na nararanasan ng SMUP upang sa gayon ay maging mulat ang mga manonood tungkol sa mga ito.

Vous aimerez peut-être aussi