Vous êtes sur la page 1sur 55

ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang isang pangmalawakang depinisyon para sa akademikong pagsulat ay ano


mang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-
aaral. Sa madaling sabi, kinapapalooban ito ng ano mang itinatakdang gawaing
pasulat sa isang setting na akademiko. Ginagamit din ang akademikong pagsulat para
sa mga publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik o inilalahad sa mg
komperensya.

Mabibigyang-kahulugan din ang akademikong pagsulat bilang ano mang akdang


tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentantibo ata ginagawa ng mmga
mag-aaral, guro ko mananaliksik upang mapahayag ng mga impormasyon tungkol sa
isang paksa. Sa pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal,
impersonal at obhetibo.

Kung gayon, sa pagsusulat ng mga akademikong papel, kailangang tandaan ng


sino mang mag-aaral ang kinalalagyang akademikong komunidad na may malinaw na
inaasahan o ekspektasyon kung paano ginagawa ang akademikong pagsulat. Iba-iba
man ang ekspektasyon ng iba-ibang komunidad, may ilang kalikasan nng
akademikong pagsulat na sinusunod ng nakararami. Tatlo sa mga ito, ayon kay
Fulwiler at Hayakawa (2003), ay ang sumusunod:

1. Katotohanan. Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na


ang manunulat ay nakakagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang
makatotohanan.

2. Ebidensya. Ang iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga


mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang
kanilang inilalahad.

3. Balanse. Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng


mga haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang
pagkiling, seryoso at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang
pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga
nagsasalungatang pananaw.
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Natalakay na ang akademikong pagsulat ay nagtataglay ng kalikasang


katotohana, katibayan at balanse. Sa isa namang kahulugang nauna ring tinalakay,
binanggit na ang ilan sa mga katangian ng akademikong pagsulat ay ang pagiging
tumpak, pormal, impersonal at obhetibo nito.

Ayon sa http://www.ueaf.com, ang akademikong pagsulat sa anumang wika ay


may tinutumbok na isang sentral na ideya o tema at ang bawat bahagi ay nag-aambag
sa pangunahing linya ng argumento nang walang disgresyon o repetisyon. Ang layunin
nito’y magbigay impormasyon, sa halip na umaliw. Gumagamit din ito ng istandard na
porma ng pagsulat ng wika.

Ayon muli sa http://www.ueaf.com, ang iba pang katangian ng akademikong


pagsulat ay ang sumusunod:

1. Kompleks. Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang
pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas maAng pasulat na wika
ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na
mahahabang salita, mas mayaman na leksikon at bokabularyo. Maidaragdag pa
rito ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin-pansin sa ano mang
pasulat na gawain.

2. Pormal. Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng
pagsulat. Hindi angkop dito ang kolokyal at balbal na salita at ekspresyon.

3. Tumpak. Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay
inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang.

4. Obhetibo. Ang pokus nito kadalsan ay ang impormasyong nais ibigay at ang
mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang
mambabasa.

5. Eksplisit. Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa uganayan sa loob ng


teksto. Responsibilidadng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa
kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa. Ang
ugnayang ito ay nagagwang eksplisit sa pamamagitan ng paggamit ng ibat’t-
ibang salitang signaling words sa teksto.
6. Wasto. Ang akademikong pagsulat ay gumagamit ng wastong bokabularyo o
mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang
madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.

7. Responsible. Sa akademikong pagsulat, ang manunulat ay kailangang maging


responsable lalong-lalo na sa palalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang
nagpapatibay sa kanyang argumento. Kainlangan din niyang maging
responsable sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kanyang
.ginamit kung ayaw niyang maparatangan ng isang plagyarista.

Sa mga katangiang natalakay ay maidaragdag ang sumusunod na mula naman


sa http://www.vsm.sk:

8. Malinaw na Layunin. Ang layunin ang akademikong pagsulat ay matugunan


ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang tanong an ito ay nagbibigay ng
layunin.

9. Malinaw na Pananaw. Anfg akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan ng


mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources samantalang
ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang layunin ng
kanyang papel ay maipakita ang kanyang sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng
kanyang papel. Ito ay tinantawag na sariling punto de bista ng manunulat.

10. May Pokus. Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang


sumusuporta sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi
kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon.

11. Lohikal na Organisasyon. Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod


na istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihan na akademikong
papel ay may introduksyon, katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na
nauugnay sa kasunod na talata.

12. Matibay na Suporta. Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at


kauganay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag.
Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa,
deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga eksperto at siniping pahayag o
quotations.
13. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon. Napakahalaga nito dahil bilang
manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-
unawa ng paksa ng papel at magiging possible lamang ito kung magiging
malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.

14. Epektibong Pananaliksik. Sa karamihan ng akademikong papel,


kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ng
mga impormasyon ng mga impormasyon. Dahil dito, napakahalaga ng
pananaliksik sa akademikong pagsulat. Kaugnay nito, mahalagang maipamalas
ang intelekwal na katapatan sa pamamagitan ng hinangong impormasyon o
datos.

15. Iskolarling Estilo ng Pagsulat. Iskolarli ang estilo sa pagsulat ng


akademikong papel, kung kaya’t napakahalaga na maiwasan ang mga
pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas aat bokabularyo sa pagsulat nito.
Ang mga gayong pagkakamali ay nagpapahiwatig ng kawalan ng pag-iingat,
kung hindi man ng kakulangan ng kaalaman sa wika.

LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang mga karaniwang layunin ng akademikong pagsulat ay manghikayat, magsuri


at/o magbigay-impormasyon na sa mga kasunod na talataan ay ipinaliliwanag.

1. Mapanghikayat na Layunin. Sa akademikong pagsulat na ito, layunin ng


manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanyang
posisyon hinggil sa isang paksa. Kung kaya upang maisakatuparan ang layunin
na ito, Pumipili siya ng isang sagot sa kanyang tanong, sinusuportahan iyon
gamit ang mga katwiran at ebidensya, at tinatangka niyang baguhin ang pananw
ng mambabasa hinggil sa paksa. Isang halimabawa nito ay ang pagsulat ng
Posisyong Papel.

2. Mapanuring Layunin. Tinatawag din itong analitikal na pagsulat.Ang layunin


dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang
pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. Sa mga ganitong pagsulat,
madalas iniimbestigahan ang mga sanhi, ineeksamen ang mga bunga o epekto,
sinusuri ang kabisaan, inaalam ang mga paraan ng paglutas ng suliranin pinag-
uugnay-ugnay ang iba’t ibang ideya at inaanalisa ang argumento ng iba.
Kinapapalooban ito ng bahaging sintesis kung saan pinagsasama-sama ang iba’t
ibang bahagi upang makabuo sa sariling sagot sa tanong kaugnay ng paksa.
Isang halimbawa nito ay ang pagsulat ng Panukalang Proyekto.

3. Impormatibong Layunin. Sa impormatibong akademikong pagsulat,


ipinipalliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang
mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa paksa. Isang
halimbawa nito ay ang pagsulat ng Abstrak.

Dapat tandaan na ang isang manunulat ay maaaring may isa lamang, o kay a ay
dalawa, o kahit pa tatlong layunin sa pagsulat ng isang akademikong papel.

TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT

1. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.

Sa akademikong pagsulat, nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng


mga mag-aaral. Sa pamamagitan kasi ng ng aplikasyon ng kaalaman sa
gramatika at sintaktika sa mga gawaing pasulat, naililinang ang kakayanhang
pagmatik ng mga mag-aaral. Samantala, sa pag-oorganisa ng mga akademikong
papel, nalilinang ang kakayahang diskorsal ng mga mag-aaral. Mga kakayahan
itong humuhubog sa mga mag-aaral upang maging mabisang komyunikeytor.

2. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.

Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang isang proseso, kaysa


bilang isang awtput. Ang prosesong ito ay maaring kasangkutan ng pagbasa,
pagsusuri, pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang gawain. Ito’y mga
gawaing lumilinang ng kritikal na pag-iisip na kailangang-kailangan upang ang
isang indibidwal ay maging matagumpay hindi lamang sa akademya, kundi lalo’t
higit sa iba’t ibang gawain at larangan sa labas ng paaralan.

3. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang


pantao.

Sa pamamagitan ng akademikong pagsulat, inaasahang malilinang ang


katapatan sa bawat mag-aaral. Halimbawa, pauli-ulit ang pagbibigay-diin ng mga
may-akda at ng mga guro sa intellectual honesty sa pagsulat ng ano mang
akademikong papel. Ang akademikong pagsulat ay inaasahan ding
makapagpatuturo sa mga mag-aaral ng halaga ng kasipagan, pagtitiyaga,
pagsisikap, responsibilidad, pangangatwiranat pagpapanantiling bukas na isipan.
Samantala, may mga gawaing pasulat na kailangang gawin nang pangkatan.
Kung gayon, inaasahang malilinang sa mga mag-aaral ang kooperasyon sa mga
gawaing ito, maging ang pag paggalang ng individual, ethnic o racial differences.
Dahil sa pagsulat ng bawat akademikong papel ay may mga hakbang at panuto
na dapat sundin, nalilinang din sa pagsulat nito ang pagkamasunurin at disiplina.

4. Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.

Hindi lamang mga propesyonal na manunulat tulad ng mga mamamahayag


at mga awtor ang nagsusulat. Halos lahat ng mga maiisip na propesyon ay
kinasasangkutan ng pagsulat. Halimbawa, ang mga doctor ay gumagawa ng
medical abstract at patient’s medical history. Ang mga abugado ay nagsusulat ng
pleadings at position papers. Ang mga pulis ay nagsusulat ng police report at
blotter. Ang iba pang mga propesyonal ay hinihingan ng kung ano-anong pasulat
na report magkaminsan man o palagian, sa pribado man o publikong sektor.

Kung gayon, ang akademikong pagsulat sa Senior High School (SHS) sa


academic track ay hindi lamang isang paghahanda sa mga mag-aaral sa mga
higit na mapanghamong gawain sa kolehiyo. Totoo namang ang SHS ay
nagsisilbing tulay upang mapunan ang dating umiiral na gap sa pagitan ng
hayskul at kolehiyo. Higit na prospektibo ang layunin ng akademikong pagsulat
sa SHS at ito ay ang paglinang ng global na kompetetibnes sa mga Pilipinong
propesyonal.

MGA ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Maraming anyo ang akademikong pagsulat. Pinakapopular na marahil sa


mga ito ang reaction paper at term paper dahil sa dalas ng pagpapagawa ng
mga ito sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan.
KAYA MO KASI ALAM MO!
A. Panuto: Bilugan ang titik ng wastong salita, parirala o pangungusap na tinutukoy
ng mga kasunod na pahayag.
1. Tumutukoy ito sa ano mang pasulat na isinasagawa upang makatupad sa isang
pangangailangan sa pag-aaral.
a. Akademikong Pagsulat c. Propesyonal na Pagsulat
b. Teknikal na Pagsulat d. Malikhaing Pagsulat
2. Hindi angkop sa akademikong pagsulat ang mga kolokyal at balbal na salita at
ekspresyon.
a. Kompleks
b. Pormal
c. Tumpak
d. Obhetibo

3. Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad
nang walang labis at walang kulang.
a. Kompleks
b. Pormal
c. Tumpak
d. Obhetibo

4. Responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung


paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa.
a. Obhetibo
b. Eksplisit
c. Responsable
d. Kompleks.

5. Isang halimbawa nito ay ang pagsulat ng Panukalang Proyekto.


a. Mapanghikayat na Layunin
b. Mapanuring Layunin
c. Impormatibong Layunin
d. Lahat ng nabanggit
6. Isang halimbawa nito ay ang Pagsulat ng Abstrak.
a. Mapanghikayat na Layunin
b. Mapanuring Layunin
c. Impormatibong Layunin
d. Wala sa pagpipilian

7. Isang halimbawa nito ay ang pagsulat ng Posisyong Papel.


a. Mapanghikayat na Layunin
b. Mapanuring Layunin
c. Impormatibong Layunin
d. Wala sa pagpipilian

8. Ito ang kategorya ng akademikong pagsulat na kinabibilangan ng Abstrak at


Sintesis.
a. Karaniwan
b. Personal
c. Iba pa
d. Wala sa Pagpipilian

9. Ito ang kategorya ng akademikong pagsulat na kinabibilangan ng Replektibong


Sanaysay at Lakbay-Sanaysay.
a. Karaniwan
b. Personal
c. Iba pa
d. A at B

10. Ang karamihan ng akademikong papel ay may introduksyon, katawan at


kongklusyon.
a. Malinaw na Layunin
b. Lohika na Organisasyon
c. May Pokus
d. Matibay na Suporta
B. Pananaliksik
1. Magsagawa ng pananaliksik hinggil sa kahulugan, kalikasan at katangian ng
isang sulating akademikong hindi tatalakayin sa aklat na ito.
2. Isulat sa mga kasunod na patlang ang iyong nasaliksik.

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________
PAGSULAT NG ABSTRACT
KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK

Ang abstrak ay maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis,


rebuy, o katitikan ng komperensya. Maaari rin itong maging buod ng ano mang
malalalimang pagsusuri ng iba’t ibang paksa na nagagamit ng mambabasa upang
madaling maunawaan ang nilalaman at layunin ng sulatin. Kung minsan ay tinatawag
ding sinopsis o presi ng ibang publikasyon ang abstrak.

Gumagamit ng abstrak ang akademikong papel upang madaling maipaunawa


ang isang malalim at kompleks na pananaliksik. Maaari itong tumindig bilang isang
hiwalay na teksto o kapalit ng isang buong papel. Kadalasang ginagamit ang Abstrak
ng iba’t ibang organisasyon bilang batayan ng pagpili ng proposal para sa
presentasyon ng papel, workshop o panel discussion.

Maaaring ipakita ng abstrak ang mahahalagang resulta at kongklusyon ng


pananaliksik ngunit mas mabuting basahin ang buong artikulo ng mga siyentipikong
papel upang maunawaan pa ang mga detalye ng metodolohiya, resulta at mga kritikal
na diskusyon ng pagsusuri at interpretasyon ng datos.

MGA URI AT NILALAMAN NG ABSTRAK

Sa kabuuan, nilalayon ng isang mahusay na abstrak ang “maibenta” o maipakita


maganda ang kabuuan ng pananaliksik at mahikayat ang mga mambabasa na ituloy
pa ang pagbabasa ng buong artikulo sa pamamagitan ng paghahanap o pagbili ng
buong kopya nito.

May tatlong uri ng abstrak: Impormatibo, Deskriptibo at Kritikal. Ibinabatay sa


kahingian ng isang akademikong journal kung anong uri ng abstrak ang kailangang
gawin para sa ibat’t ibang pananaliksik.

1. Impormatibong Abstrak. Hindi ito kasing-haba ng kritikal na abstrak ngunit


hindi rin naman kasing-ikli ng deskriptibong abstrak. Ito ay naglalaman ng halos
lahat ng mahahalagang impormasyong matatagpuan sa loob ng pananaliksik.
Maaari itong mapag-isa sapagkat nagbibigay na ito ng buong ideya sa lalamanin
ng pananaliksik.
Taglay ng isang impormatibong abstrak ang sumusunod na nilalaman:

1. Motibasyon. Sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag-aralan ng isan


mananaliksik ang paksa. Sa maikli at mabilis na paraan, kailangang maipakita
sa bahaging ito ang kabuluhan at kahalagahan ng pananaliksik.
2. Suliranin. Kailangang masagot ng abstrak kung ano ang sentral na suliranin
o tanong ng pananaliksik.
3. Pagdulog at Pamamaraan. Ilalahad ng isang mahusay na abstrak kung
paano kakalapin o kinalap ang datos ng pananaliksik at kung saan nagmula
ang mga impormasyon at datos. Ibig sabihin, magbibigay ito ng maikling
paliwang sa metodolohiya ng pag-aaral.
4. Resulta. Ipakikita rin ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga natuklasan ng mananaliksik.
5. Kongklusyon. Sasagutin din nito kung ano ang mga implikasyon ng
pananaliksik batay sa mga natuklasan.

2. Deskriptibong Abstrak. Mas maikli (kadalasang nasa 100 na salita lamang)


kaysa sa impormatibong abstrak (naglalaman ng malapit sa 200 salita).
Naglalaman lamang ito ng suliranin at layunin ng pananaliksik, metodolohiyang
ginamit at saklaw ng pananaliksik ngunit hindi tinatalakay ang resulta,
kongklusyonat mga naging rekomendasyon ng pag-aaral. Sapagkat hindi buo
ang impormasyong binibigay tungkol sa pananaliksik, mas lalong kailangang
basahin ang buong artikulo.

3. Kritikal na Abstrak. Ito ang pinakamahabang uri ng abstrak sapagkat halos


kagaya ito ng isang rebyu. Bukod sa mga nilalaman ng isang importibong
abstrak, binibigyang-ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at
katumpakanng isang pananaliksik.

Sa pamamagitan ng abstrak, kailangang maunawaan at magkaroon ng ideya


ang isang mambabasa sa nilalaman ng pananaliksik ngunit kailangan ding
gustuhin niyang mapalalim pa ang nauunawaan sa pamamagitan nang pagbasa
sa buong pananaliksik.
Pansinin ang kasunod na halimbawang abstrak ng isang historikal na
pananaliksik ni Analyn B. Muñoz na Ang mga Pakikibaka ng mga Ayta noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Isang Panimulang Kasaysayan na nailathala
sa Ikalawang Tomo (2015) ng Hasaan Journal.

ABSTRACT:

Ang mga Ayta ay kadalasang itinuturing na “minoridad lamang” kasama ng mga


katutubong pangkat sa bansa. Isang trahedyang maituturing na wala silang nasusulat na
kasaysayan. Kung mayroon man, ang mga ito ay naisulat ng mga kolonisador kaya’t ang
pananaw ay maka-kanluran. Subalit, may positibong mensaheng mapupulot mula sa
halos kawalan ng presensya nila sa mga talang kolonyal. Hindi sila naabot ng mga
banyagang mananalaysay dahil hindi sila napasailalim sa kapangyarihang kolonyal. Ang
kabundukan bilang likas na tahananang naging likas na depensa rin nila mula sa banta
ng kolonyalismo, partikular na noong panahon ng Hapon. Kaugnay nito, layunin ng
pananaliksik na talakayin ang papel ng mga Ayta noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, partikular ang pakikibakang gerilya sa Bulubunduking Zambales. Gamit na
batis ang mga naisulat ng mga Amerikanong gerilya at ilang panayam sa mga buhay na
gerilyang Ayta, nakatuon ito sa malaking impluwensya ng kanilang kultura sa pakikibaka
ng mga gerilyang Amerikano. Binigyang-diin ang kahalagahan ng papel ng mga Ayta sa
pagtatagumpay ng laban sa mga Hapon at sa pambansang pagkilos ng mga gerilya.
KAYANG-KAYA MO!

1. Basahin ang sumusunod na pananaliksik sa internet mula sa Malay Journal. Open


access o libreng makukuha at mababasa ang kopya ng mga ito. Maaari ring pumili ng
iba pang pananaliksik na nakasulat sa Filipino bukod sa mga nakatala sa ibaba.

a. Ang Nobelang “Si Amapola sa 65 na Kabanata” ni Ricardo Lee Bilang Kontra-


Diskurso ng Bkalang Manilenyo Laban sa Homopobikong Kamalayang Filipino ni
Feorillo P. Demeterio III.
b. Ang Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagda-dub ng
Anime, at Paglaganap ng Wikang Filipino sa Bawat Sulok ng Mundo ni Ramilito
B. Correa.
c. Ang Internet Bilang Espasyong Politikal sa Pilipinas: Pakikilahok, Pammahala, at
Protesta sa Cyberspace ni Carl Marc L. Ramota

2. Mapapansing deskriptibong abstrak ang ginamit sa mga nakalistang artikulo. Pumili


ng isa sa nakatala o gumamit ng ibang artikulong nais mong basahin at aaprubahan ng
iyong guro. Basahin ang buong artikulo at gumawa ng isang impormatibong abstrak
niyon. Isulat sa short bond paper ang burador ng abstrak. Tiyaking isaalang-alang ang
mga gabay sa pagbuo at nilalaman ng isang impormatibong abstrak. Isulat din ang
pamagat ng pananaliksik at agn pangalan ng mananaliksik.
PAGSULAT NG BUOD AT SINTESIS
KAHULUGAN AT KAHINGIAN NG BUOD

Ang buod ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang
mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa.
Ibig sabihin, maaaring magsulat o magpahayag ng buod ng isang nakasulat na akda o
oral na pahayag.

Nagtala sina Swales at Feat (1994) ng tatlong mahigpit na pangangailangan sa


pagsulat ng isang buod o summary. Ang tatlong pangangailangang ito ay siya ring
repleksyon ng mga marapat na taglayin ng isang sulating buod.

1. Kailangang ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na


teksto.
Dapat kayang ihayag ng buod ang kabuuang mensahe ng orihinal na
tekstng pinagmulan nito.

2. Kailangang nailahad ang sulatin sa pamamaraang nyutral o walang


kinikilingan.
Tanging paglalahad lamang na hindi hinahaluan ng personal na pagtaya,
pananaw o pagsusuri ang kailangang makita sa nabuong buod.

3. Kailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa


sariling pananalita ng gumawa.
Sa paggamait ng sariling pananalita sa pagbubuod, mas nagkakaroon din
ng laya na mapaiksi ang nilalaman na siya namang isang layunin kapag
nagsasagawang pagbubuod. Dapat sikaping mabuo ang isang buod na di-hamak
na maiksi ngunit naglalaman ng kabuuang mensahe ng orihinal na teksto.

4. Kung gumamit ng unang panauhan (hal. ako) ang awtor, palitan ito ng
kanyang apelyido, ng Ang manunulat, o siya.

Ipinakikita nito na ang nagbubuod ay iba sa mismong sumulat o naghayag


ng orihinal na akda. Ang paggamit ng ikatlong panauhan o third person na
perspektibo ay nagpapakita rin ng pagiging obhetibo at hindi personal na mga
pahayag sa buod.
5. Isulat ang buod.
Kung kinakailangan, maaaring simulan ang buod sa isang pahayag na
magpapakilala sa awtor at sa mismong akdang binubuod. Maaari ring isama
kung saan nakuha ang akda at kung kailan ito nailimbag. Mula rito’y tutungo sa
paglalahad ng nilalaman ng mismong akda. Bagama’t ito ang tradisyonal na
anyo, maaari rin namang direktang ibuod ang akda nang hindi na binabanggit
ang mga naturang detalye. Depende sa kahingian ng sitwasyon, alin amn sa
dalawang ito ay maaaring gamitin.

KAHULUGAN AT ANYO NG SINTESIS

Sa pinakabatayang antas, ang sintesis ay pagsasama ng dalawa o higit pang


buod. Ikto ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o
sulatin. Ito ay ang pagsasama-sama ng iba’t ibang mga akda upang makabuo ng
sulating maayos at malinaw na nagdurugtong sa mga ideya mula sa maraming
sangguniang ginagamit ang sariling pananalita ng sumulat.

Sa akademikong larangan, ang sintesis ay maaaring nasa anyong


nagpapaliwanag o explanatory synthesis, o argumentantibo o argumentative synthesis.

1. Explanatory Synthesis
Isang sulating naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong
maunawaan ang mga bagay na tinatalakay. Ipinaliliwanag ang paksa sa
pamamagitan ng paghahatid sa paksa sa kanyang mga bahagi at inilalahad ito
sa isang malinaw at maayos na pamamaraan. Gumagamit ito ng deskripsyon o
mga paglalarawan na muling bumubuo sa isang bagay, lugar, o mga pangyayari
at kaganapan.

2. Argumentative Synthesis
May layuning maglahad ng sumusulat nito. Sinusuportahan ang mga
pananaw na ito ng mga makatotohanang impormasyon na hango sa iba’t ibang
mga sanggunian na nailahad sa paraang lohikal. Karaniwang pinupunto ng
pagtalakay sa ganitong anyo ng sintesis ang katotohanan, halaga, o kaakmahan
ng mga isyu at impormasyong kaakibat ng paksa.
MGA URI AT KATANGIAN NG MAHUSAY SINTESIS

1. Background synthesis
Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga
sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa
tema at hindi ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.

2. Thesis-driven synthesis
Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit nagkakaiba lamang
sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng
pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi malinaw na pag-
uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.

3. Synthesis for literature


Halos katulad lang din ito ng background synthesis. Ang pagkakaiba lamang,
ang uri ng sintesis na ito ay tumutuon sa mga literaturang gagamitin sa
pananaliksik na isinasagawa. Karaniwang isinasaayos ang sulatin batay sa mga
sanggunian ngunit maaari rin namang ayusin ito batay sa paksa.

Sa pagsulat ng sintesis, mahalagang bigyang-pansin ang sumusunod na katangiang


dapat nitong taglayin:

1. Nag-uulat ng tamang imporamasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng


iba’t ibang estraktura ng pagpapahayag;
2. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang
mga impormasyong nagmumula sa iba’t ibang sangguniang ginamit; at
3. Napagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napalalim nito
ang pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS

1. Linawin ang layunin sa pagsulat


Una sa lahat, mahalagang maging malinaw ang tunguhin ng pagsulat ng
sintesis. Dapat masagot ang tanong na kung bakit ito susulatin. Sa madaling
sabi, para saan ba ito?
2. Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin aat basahin nang
mabuti ang mga ito.
Sapagkat kung alam ng susulat ang layunin, malalaman rin niya kung saan
niya hahanapin ang mga sangguniang makatutugon sa layuning ito. Mas
madali rin niyang matutukoy klung akma ang akdang nahanap para maging
sanggunian.

3. Buuin ang tesis ng sulatin.


Tiyakin ang tesis ng sintesis na gagawin. Ito ang pangunahing ideya ng
isusulat. Ihayag ito gamit ang buong pangungusap. Dapat naglalaman ang
tesis na ito ng ideya ukol sa paksa at ang paninindigan ukol dito. Karaniwang
nakikita ang tesis sa unang pangungusap sa pagtalakay, subalit maaari rin
namang makikita ito sa gitna o hulihan ng sulatin.

4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.


Maghanda ng isang balangkas na susundan sa pagsulat ng sintesis. Ang
balangkas na ito ay nakaayon sa iba’t ibang mga teknik sa pagdedebelop ng
sintesis.

5. Isulat ang unang burador.


Gamit ang napiling teknik, isulat ang unang burador ng sintesis. Tandaan
lamang na maging pleksibol sa sarili.

6. Ilista ang mga sanggunian.


Gamit ang pormat na pinereskrayb ng guro, ilista at ayusin ang mga ginamit na
sanggunian. Isang mahalagang kasanayan na binibigyang-pagkilala ang ano
mang akda o sino mang awtor na pinaghanguan ng impormasyon sa
ginagawang akademikong sulatin.

7. Rebisahin ang sintesis.


Basahing muli ang sintesis at tukuyin ang mga kahinaan nito. Hanapin ang mga
kamalian sa pagsulat at higit sa lahat ang mga kamalian sa detalye. Isulat muli
ang sintesis para maisama ang mga nakitang punto na dapat baguhin.
8. Isulat ang pinal na sintesis.
Mula rebisadong borador, maisusulat na ang pinal na sintesis.

KAYA MO KASI ALAM MO!

I. Tukuyin ang konseptong inilalarawan ng sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot


sa patlang sa unahan ng bawat bilang.

__________ 1. Ito ang panauhang ginagamit sa pagbubuod upang maipakita ang


pagiging obhetibo.
__________ 2. Ito ang sintesis na may layuning maglahad ng pananawng sumusulat
nito.
__________ 3. Isa itong paraan ng muling pagpapahayag sa nilalaman ng isang
teksto, ngunit sa anyong mas maikli na napananatiliang kabuuang mensahe ng
orihinal na teksto.
__________ 4. Ito ay paraan ng palalahad na maaaring makita sa sintesis o buod
kung saan inilalahad ang pagkakatulad at/o pagkakaiba-iba ng mga konsepto,
ideya, o ng paksa.
__________ 5. Ginagamit ang sintesis na ito sa pagsulat ng pananaliksik, sapagkat
kahingian ng ganitong akademikong sulatin ang pagrebyu ng mga kaugnay na
babasahin upang mapalalim ang paksa ng pananaliksik o pag-aaral.
__________ 6. Nagpapakita ng katangiang ito ang paaggamit ng mga pangunahing
konsepto na pinatutuunan sa orihinal na tekstong pinagmulan ng buod.
__________ 7. Isang sulating nagsasama-sama ng iba-ibang sanggunian upang
matalakay ang mga ito base sa isang punto de bistang nais bigyang-pansin.
__________ 8. Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit nagkakaiba
lamang sa sa pagtutuon.
__________ 9. Ang uri ng sintesis na ito ay tumutuon sa mga literaturang gagamitin
sa pananaliksik na isinasagawa.
__________ 10. Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang
pagbabalik-tanaw o pag-rebyu sa mga naisulat nang literatura ukol sa paksa.
PAGSULAT NG BIONOTE

KAHULUGAN AT HALAGA NG BIONOTE

Ang bionote ay isang sulatin nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang


indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa. Binibigyang-diin
ng bionote ang mga bagay-bagay tulad ng edukasyon, mga parangal o nakamit, mga
paniniwala at mag katulad na impormasyon ukol sa ipinakikilalang indibidwal hindi
lamang upang ipabatid ito sa mambabasa o tagapakinig, kundi upang pataasin din ang
kanyang kredibilidad. Dahil dito, napakahalagang maisulat nang mabuti ang isang
bionote. Dapat ding tandaan na maituturing na volatile ang sulating ito sapagkat,
maaari itong magbago nang mabilis dahil sa mga naidaragdag na impormasyon sa
isang indibidwal. Kabilang sa mga mapaggagamitan nito ang mga sumusunod:
1. Aplikasyon sa trabaho;
2. Paglilimbag ng mga artikulo aklat, o blog;
3. Pagsasalita samga pagtitipon; at
4. Pagpapalawak ng network propesyonal.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE

1. Balangkas sa pagsulat.
Bago ka pa man sumulat ng bionote, kailangang maging malinaw sa iyo
ang balangkas na iyong susundin. Tinutukoy ng pagbubuo ng balangkas ang
prayoritasyon ng mga impormasyong isasama sa bionote.

2. Haba ng bionote.
Kadalasang maikli lamang ang bionote. Binubuo lamang ito ngisa
hanggang tatlo, subalit depende sa pangangailangan, nagbabago ang haba ng
isang bionote. Ayon kay Brogan (2014), isang social media guru, may tatlong uri
ng bionote ayon sa haba nito: micro-Bionote, maikling bionote, at mahabang
bionote.
a. Micro-bionote – isang halimbawa nito ang impormatibong pangungusap na
inuumpisahan sa pangalan, sinusundan ng iyong ginaagawa, at tinatapos sa
mga detalye kung paano makokontak ang paksa ng bionote. Karaniwang
makikita ito sa mga social media bionote o business card bionote.
b. Maikling bionote – binubuo ng isa hanggang tatlong talatang paglalahad ng
mga impormasyon ukol sa taong ipinakikilala. Isang halimbawa nito ang bionote
ng may-akda sa isang aklat. Karaniwan din ang ganitong uri sa mga journal at
iba pang babasahin.
c. Mahabang bionote.
Ordinaryo ang isang mahabang bionote sa pagpapakilala sa isang
natatanging panauhin. Ito ay dahil may sapat na oras para sa pagbasa nito o
espasyo para ito ay isulat.

3. Kaangkupan ng nilalaman

Dapat mong malaman na hindi lahat ng mga natamo at mahahalagang


impormasyon tulad ng propesyonal na trabaho o edukasyon ay kailangan mong
isama sa bionote. Ang bionote ay isinusulat para sa tiyak na tagapakinig o
mambabasa sa isang tiyak na tagapakinig o mambabasa sa isang tiyak na
pagkakataon. Dahil dito, mahalagang isiping mabuti ang mga impormasyong
kailangang isama sa iyong bionote.

4. Antas ng pormalidad ng sulatin.

Tumutukoy ang antas ng pormalidad sa antas ng mga salitang gagamitin sa


bionote. Nakadepende ang pormalidad/impormalidad ng wikang gagamitin sa
bionote sa mismong audience at sa klima ng mismong okasyon na paggagamitan
nito.

5. Larawan.

Kung kailangan ng larawan para sa bionote, tiyaking malinaw ang pagkakakuha


ng larawan at hanggat maaari ay propesyonal at pormal ang dating ng paksa ng
bionote sa larawan. Iminumungkahing maglagay ng larawang kuha ng isang
propesyonal na potograpo.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE

Narito ang mga ipinanukalang hakbang ng dalawang eksperto para sa pagsulat


ng bionote (Brogan, 2014; Hummel, 2014):

1. Tiyakin ang layunin.


2. Pagdesisyunan ang haba ng susulating bionote.
3. Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib.
4. Simulant sa pangalan.
5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan.
6. Isa-isahin mahahalagang tagumpay.
7. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye.
8. Isama ang contract information.
9. Basahin at isulat muli ang bionote.

Pansinin ang kasunod na halimbawang micro-bionote.

Pansinin ang isang halimbawa ng maikling bionote. Ang bionote na ito ay isinulat
plara sa pabalat ng aklat na may pamagat na Computer Programming in a Changing
World.

Si Mark Lyndon Guiang ay isang batikang programmer na nakapagtrabaho


para sa Microsoft Corporation. Bilang isang praktisyoner, naging sytems
admisnistrator siya at chief database officer ng Microsoft Phils. Awtor siya ng mga
aklat na “Data Structure and Algorithm” (2015) at “Automata and Complexity
Theory” (2013) mula sa Prentice Publications, Inc.

Suki rin siyang tagapagsalita sa mga nasyonal na kumbensyon at pagtitipon


na may kinalaman sa information technology at theoretical computer science. Sa
kasalukuyan, konsultant siya sa Oracle Philippines at kasalukuyan din niyang
tinatapos ang kanyang digring doktorado sa computer science sa Unibersidad ng
Pilipinas.
Pansinin din ang isang halimbawa ng mahabang bionote.

Si DR. JOSE PROTACIO RIZAL ay ang Pambansang Bayani ng


Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861.
Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng.
Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang
nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang
pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham
sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na
karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng
sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang
wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at
Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga
pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan
tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at
maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong
Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit
at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa
pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at
inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon
nakulong siya sa Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling
Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay
Luneta).
KAYANG-KAYA MO!

A. Magsaliksik ukol sa mga kasunod na personalidad na kilala sa iba’t ibang larangan


at gawan ng micro-bionote ang bawat isa.

1. Nora Aunor
2. Steve Jobs
3. Jessica Soho
4. Lea Salonga
5. Mother Teresa

B. Gawan ng bionote (maikli at mahaba) ang taong inyong ininterbyu nang pangkatan.
Isulat ang burador ng iyong sulatin sa isang papel (short bond paper). Lakipan ito ng
larawan ng paksa ng iyong bionote.
PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
Kadalasan, ginagawa ang isang panukalang proyekto o project proposal kapag
kailangan itong marebyu ng isang indibidwal o grupo para sa kanyang aprubal. Ang
aprubal ay kailangan para mabigyang hudyat ang opisyal na pagsisimula ng proyekto.

KAHULUGAN, URI, AT KATANGIAN NG PANUKALANG PROYEKTO

Ayon kay Nebiu (2002), ang panukalang proyekto ay detalyadong deskripsiyon


ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na
problema. Idinagdag pa niya na sa isang panukalang proyekto, makikita nag
detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan sa proyekto (project
justification), panahon sa pagsasagawa ng proyekto (activities and implementation
timeline), at kakailanganing resorses (human, material, and financial resources
required.)

Hindi maituturing na proyekto ang mga dating aktibidad na nauulit sa eksaktong


pamamaraan at periodikong isinasagawa, ang mga aktibidad na walang depinido at
malinaw na layunin, ang mga aktibidad na maaaring maulit o mailipat kahit saan at sa
ano mang oras, at ang mga regular na aktibidad ng organisasyon (Nebiu, 2002).

Ang isang panukalang proyekto ay kadalasang nakasulat; minsan ito ay sa


anyong oral na presentasyon, o kaya ay kombinasyon ng mga ito. Maaari itong internal
o yaong inihahain sa loob ng kinabibilangang organisasyon, o eksternal na isang
panukala para sa organisasyong di-kinabibilangan ng proponent.

Ang isang panukalang proyekto ay maaaring solicited o unsolicited.

 Solicited – isang panukalang proyektong isinagawa dahil may pabatid ang


isang organisasyon sa kanilang pangangailangan ng isang proposal.
Tinatawag din itong invited o imbitado.
 Unsolicited – kung wala namang pabatid at kusa o nagbabaka-sakali
lamang ang proponent. Tinatawag din itong prospecting.

Mayroon ding tinatawag na maikli at mahabang panukalang proyekto.

 Maikling proyekto – mayroon lamang dalawa hanggang 10 pahina na


kadalasan ay nasa anyong liham lamang.
 Mahabang proyekto – naglalaman ng mahigit sa sampung pahina.

Magkapareho lamang ang nilalaman ng dalawang uri ng proposal; nagiging


elaborated lamang at sumusunod sa isang structured format ang mahabang bersyon.
MGA TAGUBILIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1. Magplano nang maagap.


2. Gawin ang pagpaplano nang pangkatan.
3. Maging reyalistiko sa gagawing panukala.
4. Matuto bilang isang organisasyon.
5. Maging makatotohan at tiyak.
6. Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon.
7. Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling basahin.
8. Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng suportang pinansiyal.
9. Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng panukalang proyekto.

MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1. Pag-interbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo.


2. Pagbalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto.
3. Pagbalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mmga proyekto.
4. Pag-organisa ng mga focus group.
5. Pagtingin sa mga datos estadistika.
6. Pagkonsulta sa mga eksperto.
7. Pagsasagawang mga sarbey at iba pa.
8. Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad.

PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO AT ANG MGA ELEMENTO NITO

I. Titulo ng Proyekto

Ang pahina para sa titulo ay kailangan kun gang proposal ay mas mahaba sa
tatlong pahina. Kasama sa pahinang ito ang titulo ng proyekto, pangalan ng
nagpapanukalang organisasyon, lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at
ahensyang pinaglalaanan ng panukala.

Tandaan na ang titulo ng proyekto ay dapat na maiksi at tuwiran, at dapat na


tumutukoy sa pangunahing aktibidad o inaasahang resulta ng proyekto.

II. Nilalaman

Idagdag ang pahina ng nilalaman kung ang proposal ay aabot ng 10 p higit pang
pahina. Mahalaga ang pahinang ito upang madaling mahanap angmga bahagi ng
proposal. Naglalaman ito ng titulo ng bawat seksyon at ang panimulang pahina ng
mga ito.
III. Abstrak

Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala. Inaasahang makikita sa abstrak


ang pagtalakay sa suliranin, layunin, organisasyon na responsible sa
implementasyon, pangunahing aktibidad ng proyekto at ang kabuuang badyet.

Ginagawa ang abstrak upang magkaroon ng buod ang buong panukala at


mabigyan ng masaklaw na pagtingin ang nagbabasa nito. Tiyaking maikli lamang
ang abstrak na inihahanda.

IV. Konteksto

Ang bahaging ito ay naglalaman ng sanligang sosyal, ekonomiko, politikal, at


kultural ng panukalang proyekto. Naglalaman ito ng mga kaugnay na datos mula
sa mga pananaliksik na naitala mula sa pagpaplano sa proyekto, o ng mga datos
na nakolekta mula sa iba’t ibang mga sors.

V. Katwiran ng Proyekto

Ito ang pinakarasyonal ng proyekto. Nahahati ito sa apat na sub-seksyon.

1. Pagpapahayag sa Suliranin. Tinatalakay sa bahaging ikto ang tiyak na


suliraning pinagtutuunang solusyunan na panukala.
2. Prayoridad na Pangangailangan. Pinagtutuunan ng bahaging ito ang
pagpapaliwanag sa pangangailangan ng mga target na makikinabang dahil sa
pagkakaroon ng suliranin.
3. Interbensyon. Ilalarawan sa bahaging ito ang estratehiyang napili kung
papaano sosolusyunan ang suliranin at gayon din tatalakayin kung
papaanong magdadala ng pagbabago ang gagawing hakbang.
4. Mag-iimplementang Organisasyon. Sa bahaging ito, ilalarawan ang
kapabilidad ng nagpapanukalang organisasyon upang tugunan ang suliraning
inilahad.
VI. Layunin
Ilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng panukalang proyekto.
Kauganay ng layong ito, iisa-isahin din ang tiyak na layuning nais makamit ng
panukala.
Tandaan na sa pagbuo ng isang layunin, ikinokonsidera ang mga
sumusunod:
1. Dapat isa lamang ang masaklaw na alyunin ng panukala;
2. Dapat na konektado ang masaklaw na layunin sa bisyon ng pagpapaunlad o
pagpapabuti; at
3. Dapat napatutunayan ang merito ng kontribusyon ng layon sa bisyon.
VII. Target na Benepisyaryo

Ipakikita sa bahaging ito kung sino ang mga makikinabang sa panukalang


proyekto at kung paano sila makikinabang dito. Isasama rito ang detalyadong
deskripsyon ng laki at katangian ng mga benepisyaryo. Sa pagtukoy sa mga
katangiang ito, maaaring gamitan ng kriterya tulad ng etnisidad, edad, kasarian, at
iba pa.

VIII. Implementasyon ng Proyekto


Ipapakita sa bahaging ito ang iskrdyul at alokasyon ng resorses.

1. Iskedyul

Ang detalye ng mga plinanong aktibidad ay dapat maipakita. Magagamit


ang mga talahanayan at Gantt Chart sa pagpapakita ng mga ito.

2. Alokasyon

Ipakikita dito ang mga kakailanganin upang isagawa ang mga aktibidad
ayon sa iskedyul. Tinutukoy sa bahaging ito ang iba’t ibang kategorya ng
gastusin upang magkaroon ng buod ng impormasyon ukol sa gastusin na
kakailanganin para sa pagbabadyet. Halimbawa ng mga aytem sa bahaging
ito ang mga kagamitan, sahod, at mula rito’y maiuugnay ang yunit, bilang,
presyo at iba pa.

3. Badyet

Ito ang buod ng gastusin at kikitain ng panukalang proyekto. Sa


presentasyon nito, maaaring gumamit ng ano mang pormat na
makapagpapakita ng maliwanag at maayos na daloy ng mga datos na may
kinalaman sa gastusin o expenses, at kita o income.

4. Pagmonitor at Ebalwasyon

Nakabatay ang ebalwasyon at pagmonitor sa panukalang proyekto sa kung


paano at kailan isasagawa ang mga aktibidad para mamonitor ang pag-unlad
ng proyekto; anong metodo ang gagamitin sa pagmonitor at pag-evaluate;
sino ang magsasagawa ng pagmonitor at ebalwasyon.
5. Pangasiwaan at Tauhan

Naglalaman ito ng maikling deskripsyon ng bawat myembro ng grupo na


gumawa ng panukalang proposal. Kung ano ang tungkuling nakaatang sa
bawat myembro ay kailangan ding isama. Maaaring isama na lamang sa lakip
ang curriculum vitae ng mga myembro.

6. Mga Lakip

Ito ang mga karagdagang dokumento o sulatin na kakailanganin upang


lalong mapagtibay ang panukalang proyekto. Isasama rin sa bahaging ito ang
ano mang papeles na hihingiin ng organisasyon o indibidwal kung saan
ipinapanukala ang proyekto.

KAYANG- KAYA MO!

Sumulat ng isang panukalang proyekto upang malutas ang isang suliranin sa


inyong paaralan o barangay. Isulat ang burador ng iyong sulatin sa short bond paper.
PAGSULAT NG TALUMPATI
Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig o
audience. Ito ay isang uri ng pagdidiskurso sa harap ng publiko na may layuning
magbigay ng impormasyon o manghikayat kaugnay ng isang partikular na paksa o
isyu. Kinapapalooban ang talumpati ng kakayahan sa pagpapahayag ng ideya nang
may organisasyon, talas ng pagsusuri at epektibong paggamit ng wika.

URI NG TALUMPATI BATAY SA NILALAMAN AT PAMAMARAAN

1. Impormatibong Talumpati
Ang uri ng talumpating ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa
ano mang bagay, pangyayari, konsepto, lugar, tao, proyekto at iba pa. ang
kabuuang diskurso nito ay maglahad at magpaliwanag upang maunawaan ng
mga tagapakinig ang paksang tinatalakay.

2. Mapanghikayat na Talumpati
Ang mapanghikayat o persweysib na talumpati ay kadalasang nakatuon sa mga
paksa o isyung kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o posisyon. Sa
talumpating ito, nagbibigay ng partikular na tindig o posisyon sa isang isyu ang
isang nagtatalumpati batay sa malaliman niyang pagsusuri sa isyu. Maaaring
maging sentro ng isang mapanghikayat na talumpati ang pagkuwestiyon sa
isang katotohanan, sa isang pagpapahalaga, o kaya ay polisiya. May tatlong
pagdulog sa mapanghikayat na talumpati:
a) Pagkuwestyon sa isang katotohanan.
b) Pagkuwestyon sa pagpapahalaga.
c) Pagkuwestyon sa polisiya.

Ganito naman mailalarawan ang dalawang paraan ng pagtatalumpati:

1. Impromptu o Biglaang Talumpati – isang uri ng talumpati batay sa


pamamaraan. Isinasagawa ang talumpating ito nang walang ano mang paunang
paghahanda. May apat na batayang hakbang sa pagbuo ng isang biglaang
talumpati:
a. Sabihin ang tanong na sasagutin o paksang magiging sentro ng
talumpati at ang layunin nito.
b. Ipaliwanag ang pangunahin at pinakamahalagang punto na nais mong
bigyang-diin.
c. Suportahan ang pangunahing punto ng mga ebidensya o patunay.
d. Ibuod ang iyong pinakamahalagang punto at ipakita kung paano nito
nasagot ang tanong o layunin ng talumpati.
2. Ekstemporanyo o Pinaghandaang Talumpati – Kabaligtaran ang talumpating
ito ng impromptu. Ito ay maingat na inihahanda, pinagpaplanuhan at ineensayo
bago isagawa.

MGA GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI

1. Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya.


2. Magsulat kung paano ka nagsasalita.
3. Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa.
4. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit sa talumpati.
5. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati.

KAYANG-KAYA MO!

A. Tukuyin kung ang sumusunod ay tamang patnubay sa pagsulat ng talumpati o


hindi. Lagyan ng tsek kung tama ang paatnubay at ekis kung mali ito.

_____ 1. Iwasan ang mga teknikal at abstraktong salita sa pagsulat ng talumpati.


_____ 2. Makatutulong kung gumamit ng tulong biswal sa impormatibong talumpati
na nagpapaliwanag ng proseso at balangkas.
_____ 3. Mahalagang gawing kompleks ang mga salita upang maipakita rin ang
kompleksidad ng ideya sa talumpati.
_____ 4. Tiyaking tumpak angmga datos at ebidensiyang gagamitin sa talumpati.
_____ 5. Mahalaga ang retorikal at masining na paggamit ng wika sa talumpati.
_____ 6. Kailangang nakapokus ang talumpati sa isa hanggang dalawang
mahahalagang ideya lamang.
_____ 7. Dapat ay maikli lang ang isang talumpati.
_____ 8. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati.
_____ 9. Kumbersasyonal ang wikang dapat gamitin sa talumpati.
_____ 10. Maaaring pinaghandaan o biglaan ang isang talumpati ngunit mahalagang
gawing ispontanyo ang dating ng pagpapahayag.

C. Sumulat ng isang talumpati tungkol sa isang paksang inaprubahan ng inyong


guro. Sikaping maging maikli ngunit malaman ang isusulat na pinaghandaang
talumpati sa diskursong impormatibo at mapanghikayat. Tiyaking maisasaalang-
alang mo ang mga gabay sa pagsulat ng talumpati na tinalakay sa klase.
PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG
Ang katitikan ay ang opisyal na record ng pulong ng isang organisasyon,
korporasyon, o asosasyon. Ito ay tala ng mga napagdesisyonan at mga pahayag sa
isa]ng pulong. Bagama’t hindi ito verbatim na pagtatala sa mga nangyari o nasabi sa
pulong, ang mga itinatalang aytem ay may sapat na deskripsyon upang madaling
matukoy ang pinagmulan nito at mga naging konsiderasyong kaakibat ng tala.

Ilang mga bagay na hindi na kailangan pang isama sa katitikan ng pulong ang
sumusunod:

1. Ang mosyon na nailatag ngunit hindi sinusunugan


2. Ang mosyon para sa pagbabago na sinusunugan, ngunit hindi pinayagan ng
opisyal na tagapamahala
3. Ang bilang ng boto ng sumang-ayon at di-sumang-ayon sa isang mosyon
4. Ang pamamaraan ng pagboto ng mga kalahok, maliban kung hihilingin ng isang
kalahok na itala ang paraan ng kanyang pagboto.

Ayon kay Sylvester (2015), kung hindi gagawin ang katitikan ng pulong,
makikitang hindi pare-pareho ang rekoleksyon ng mga kalahok samga naganap.
Maaari ring magkaiba-iba na sila ng ideya sa mga napagkasunduan.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN

1. Kailan ang pagpupulong?


2. Sino-sino ang mga dumalo?
3. Sino-sino ang hindi dumalo? (Isama ito kung kinakailangan)
4. Ano-ano ang mga paksang tinalakay?
5. Ano ang mga napagpasyahan?
6. Ano ang mga napagkasunduan?
7. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos, at kailan ito dapat
maisagawa?
8. Mayroon bang kasunod na kaugnay (follow-up) na pulong? Kung mayroon,
kailan, saan, at bakit kailangan?

Sa pagtatalang ito, mahalagang tandaan na (1) dapat isulat ang katitikan sa loob
ng 48 oras upang maipabatid sa mga may nakatalagang tungkulin ang kanilang
mga gagawin, at upang malaman ng mga di-nakadalo ang mga naganap, (2) dapat
gumamit ng mga positibong salita, at (3) huwag nang isama ang ano mang
impormasyong magdudulot ng kahihiyan sa sino mang kalahok (halimbawa:
Nagsigawan sina Akio at Karlo dahil sa di-pagkakaunawaan sa isyu.).
PORMAT NG KATITIKAN NG PULONG

Walang istandard na pormat para sa pagsulat ng katitikan ng pulong, subalit


mahalagang isama ang mga sumusunod na detalye: petsa, oras at lokasyon ng
pulong; aytem sa agenda; desisyon; mga napagkasunduan; pangalan ng mga taong
nagtaas ng mosyon at ang sumusog; pangalan ng opisyal na tagapamahala o
chairperson; at ang pangalan ng kalihim.

Narito ang isang haing pormat batay sa templeyt ng Certified General Accountants of
Ontario (2012):

ASIA PACIFIC PROFESSIONAL DEVELOPMENT


& INNOVATIVE GLOBAL SOLUTIONS, INC.
Pulong ng mga Direktor
Pebrero 10, 2016
6:30-7:30 n.g.
Conference Hall, 3rd Floor, Arizona Tower
Lungsod ng Quezon
Paksa Katitikan Gawa ng
Aprubal ng Agenda Ang agenda ay tinanggap nang
ayon sa naipamahagi.
Aprubal ng Katitikan ng Ang katitikan ng pulong noong
Nakaraang Pulong Enero 20, 2016 ay inilahad at
tinanggap.
Ulat sa Nakaraang Seminar Tinalakay ang naging resulta ng Komite sa Operasyon
nakaraang proyektong Seminar
na may titulong Enhancing the
Teaching Skills of
Literature and Language
Teachers. Ipinabatid na may
150 delegado at ito’y higit sa
inaasahang isang daang
attendees. Iprinisenta ni Bb.
Vinas ang ulat pinansyal ng
nasabing seminar at ito’y may
betong kita na 33, 738.75 na
piso.
Nakalinyang Seminar Iniharap ni G. Arupa ang Komite sa Programa
debelopment ng nakalinyang
seminar na Writing Business
Plan: A Practitioner’s View Point
na gaganapin sa Marso 20.
Binanggit niyang handa na ang
lahat maliban sa pagaantay sa
kompimasyon ni Dr. Raya bilang
huling ispiker ng seminar.
Binanggit din niyang may 75
nakapagpatala para sa seminar.
Inatasan ni Bb. Karim upang i-
follow-up ang kompirmasyon ni
Dr. Raya.
Proposal na Bagong Seminar Nagharap si G. Ariko ng Komite sa Pagpaplano
dalawang bagong proposal na
seminar na gaganapin sa
buwan ng Mayo: (1) Research
Excellence: A Must for Higher
Education Academics, (2)
Equipping the Teacher with
Writing and Oral Skills: A Must
in the Information Society.
Inaprubahan ng lupon ang
unang proposal. Dahil nawalan
ng sapat na oras upang pag-
usapan ng detalyado ang
badyet ng proposal, ipinasyang
magkakaroon ng follow-up na
pulong.
Petsa ng Susunod na Pulong Follow-up na Pulong ng mga
Direktong, Pebrero 25, 6:00-
7:00 n.g.,Conference Hall
Pagtatapos ng Pulong Opisyal na tinapos ni Dr. Ramos
ang pulong.

Inihanda ni: Pinagtibay ni:


_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
Kalihim Opisyal na Tagapamahala

Tandaan lamang na ito ay isang haing pormat lamang. Maaari ring nasa anyong
naratibong ulat ang isang katitikan.
KAYANG-KAYA KUNG SAMA-SAMA!

A. Hatiin ang klase sa mga pangkat na may tigpipito o tigwawalong myembro.


Magdula-dulaan ng isang pulong. Isa sa inyo ang gaganap na pinuno at isa
naman ang kalihim. Ang iba ay mga myembro. Pumili ng isa sa mga kasunod na
sitwasyon na iyong isasadula:
1. Pag-uusapan ng Prinsipal at ng kanyang kaguruan ang nalalapit na araw ng
pagtatapos
2. Pagpaplanuhan ng Kapitan ng Barangay at ng kanyang mga Kagawa dang
darating na kapistahan ng patron ng lugar
3. Tatalakayin ng manager ng travel company at kanyang office staff ay ang mga
bagong travel promos na io-offer.
4. Tatalakayin ng pinunong civil engineer at kanyang mga kasamang inhinyero at
arkitekto ang isang multi-milyong proyekto
5. Pagpaplano ng marketing manager at kanyang mga kasamahan sa
departamento ng pagpapataas ang benta ng kanilang kompanya na patuloy
na bumababa.

B. Isulat ang katitikan ng pulong ng sitwasyong inyong isinadula-dulaan. Isulat sa


isang short bond paper ang burador ng iyong katitikan.
PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
KAHULUGAN NG POSISYONG PAPEL

Isa itong detalyadong ulat ng polisiyang karaniwang nagpapaliwanag,


nagmamatuwid o nagmumungkahi ng isang partikular na kurso ng pagkilos
(http://www.thefreedictionary.com).

Ang posisyong papel ay isang sanaysay na naglalahad ng opinyon hinggil sa


isang usapin, karaniwan ng awtor o ng isang tiyak na entidad tulad ng isang
partidong politikal. Ang mga posisyong papel ay inilalathala sa akademya, sa
politika, sa batas at iba pang domeyn (http://en.wikipedia.org).

MGA BATAYANG KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL

1. Depinadong Isyu – Ang mga posisyong papel ay hinggil sa mga koontrobersyal


na isyu, mga bagay na pinagtatalunan ng tao. Ang isyu ay maaaring mula sa
isang partikular na okasyon o sa isang nagaganap na debate.
2. Klarong Posisyon – Liban sa pagbibigay-kahulugan sa isyu, kailangang
mailahad nang malinaw ng awtor ang kanyang posisyon hinggil doon. Minsan,
ang posisyon ay kwalipayd upang maakomodeyt ang mga nagsasalungatang
argumento, ngunit hindi maaari ang posisyong Malabo o ang indesisyon.
3. Mapangumbinsing Argumento – Hindi maaaring ipagpilitan lamang ng awtor
ang kanyang paniniwala. Upang makumbinsi ang mga mambabasa, kailangang
magbigay ng awtor ng matalinong pangangatwiran at solidong ebidensya upang
suportahan ang kanyang posisyon. Kailangan nya ring maisaalang-alang ang
mga posibleng nagsasalungantang argumento na maaaring kanyang sang-
ayunan o kontrahin.
a. Matalinong Katwiran – Upang matiyak na masusundan ng mambabasa
ang isang argumento, kailangang malinaw na maipaliwanag ang mga
pangunahing puntong sumusuporta sa posisyon.
b. Solidong Ebidensya – Ang awtor ay kailangan ding magbanggit ng iba’t
ibang uri ng ebidensyang sumusuporta sa kanyang posisyon. Ilan sa mga
ito ang anekdota, awtoridad at estadistika.
c. Kontra-argumento – kailangan ding isaalang-alang ng awtor ang mga
salungatang pananaw na maaaring kanyang iakomodeyt o pabulaanan.
4. Angkop ang Tono – isang hamon para sa mga manunulat ng posisyong papel
ang pagpili ng tono sa pagsulat na nagpapahayag nang sapat ng kanilang mga
damdamin at nang hindi nagsasara ang komunikasyon.
ANG PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

1. Pumili ng paksa.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik.
3. Hamunin ang iyong sariling paksa.
4. Ipagpatuloy ang pangungulekta ng mga sumusuportang ebidensya.
5. Gumawa ng balangkas.
a. Ipakilala ang iyong paksa sa pamamagitan ng kaunting kaligirang
impormasyon. Gawin ito hanggangsa iyong tesis na pahayag na naggigiit
sa iyong posisyon.
b. Magsalita ng ilang posibleng pagtutol sa iyong posisyon.
c. Kilalanin at suportahan ang ilang salungatna argumento (kung mayroong
dapat na iakomodeyt sa iyong posisyon)
d. Ipaliwanag kung bakit ang iyong posisyon ang siya pa ring pinakamainam
sa kabila ng lakas ng mga kontra-argumento.
e. Lagumin ang iyong argumento at ilahad muli ang iyong posisyon.
6. Isulat na ang iyong posisyong papel.

Pansinin ang kasunod na halimbawa ng teksto.

POSISYONG PAPEL NG PAMBANSANG KAWANIHAN


SA PAGSISIYASAT (NBI) HINGGIL SA SENATE BILL NO. 197
AT HOUSE BILL NO. 3898
Ni Atty. Val Derek A. Ignacio, NBI-LED, Attorney III
Isinalin ni Atty. Rolando A. Bernales, NBI-LED, Attorney II

Ang Senate Bill No. 197 ay pinamagatang An Act Mandating All


Higher Education Institutions to Create a Crime Prevention Committee
That Ensures the Safety and Security of Their Students. Inakda ito ni
Senador Angara. Ang House Bill No. 3898 naman ay may pamagat na
An Act Mandating Higher Education Institutions and Technical
Vocational Institutions to Ensure the Safety and Security of the
Academic Community from Internal and and External Threats Thereby
Creating a Crime Prevention Committee for This Purpose and other Purposes.
Ang mga may-akda naman nito ay sina Kinatawan Romulo, Piamante, Umali at
iba pa.
Habang ang mga sistemang pampaaralan ay patuloy na natatakot sa pag-
iral at paglaganap ng krimen at karahasan, hindi maiiwasan ang pinaigting na
seguridad. Ang mga paaralan sa buong mundo ay patuloy na natututo sa
mahirap na kaparaanan ng liksyon ng pamamaril sa Columbine High School at
Sandyhook Elementary High School, parehong nasa Estados Unidos. Ang
pambu-bully at pambubugbog ay laganap rin; ang hazing ng mga
fraternity/sorority ay bumbandila pa rin sa mga pahayagan, at tila hindi pa rin
tayo nakagagawa ng mga kaparaanan upang mapigilan o kahikt man lang
mabawasan ang mga ganitong trahedya.

Dati-rati, hindi problrma ng mga institusyon ang seguridad. Isang gwardya


(o kaya’y isang Peer/Teacher Discipline Officer) lamang ay sapat na upang
matugunan ang sitwasyon. Sa kasalukuyan, ang mga seguridad sa mga
paaralan ay pangunahing konsiderasyon bunga ng paglaganap ng karahasan (sa
pamamagitan ng bullying o iba pa) at ng ipinagbabawal na gamot. Kaya,
kailangang magpasa ng batas upang malutas ang mga suliraning it, at ang
dalawang panukala ay sadyang napapanahon.

Kung noon ay problema lamang ng administrasyon ng mga paaralan ang


seguridad, ngayon, sa ilalim ng dalawang panukalang batas, ang partisipasyon
ng kaguruan at ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang mga lider-
estudyante ay sapilitan na. Samakatuwid, matutugunan ang problema sa maliit at
malawak na antas. Ngunit, dapat tandaang ang seguridad ng mga paaralan ay
iba-iba sa iba’t ibang paaralan, distrito, relihiyon. Kung gayon, kailangang
isaalang-alang ng mga kinatawan ng mga paaralan ang pagpigil sa mga
karahasan at krimen sa paraang batay sa pangangailangan.

Kaugnay nito, iminumungkahi ng Kawanihan ang paglikha ng Technical


Working Group na binubuo ng mga opisyales ng mga paaralan, guro at
kinatawan ng mga mag-aaral upang tukuyin ang mga ispesipikong problema na
kasalukuyang umiiral sa kani-kaniyang paaralan, distrito at rehiyon, nang
matukoy at matugunan nila nang rasyonal ang kani-kaniyang problema. Sa
pamamagitan nito, maiiwasan ang paggamit ng mga hindi kinakailangang
kaparaanang panseguridad na nagkakait sa mga kalayaan at karapatan ng mga
mag-aaral. Kailangan ding ikonsidera ang mga pagpipigil na pamamaraan
(preventive measures) tulad ng pamamagitan ng magkakaibigan, pakikisangkot
ng mga magulang at akses sa mga tagapayo (counsellors).
Kung kaya, nang may pagsasaalang-alang sa mga puna at mungkahing
nabanggit, nirerekomenda at sinusuportahan ng Kawanihan ang Senate Bill No.
197 at ang House Bill No. 3898.

KAYANG-KAYA KUNG SAMA-SAMA!

A.
1. Hatiin ang klase sa maliliit na pangkat.
2. Pumili ng isang napapanahong paksang may implikasyong legal at/o politikal
tulad ng sumusunod:
a. Legalisasyon ng Same-Sex Marriage
b. Legalisasyon ng Medikal na Paggamit ng Marijuana
c. Legalisasyon ng Organs-for-Sale
d. Pag-aamyenda/Pagpapalit ng Konstitusyon ng Pilipinas
e. Paglilimita sa Karapatang Bumuto sa mga Lehitimong Taxpayer
3. Mag-brainstorming hinggil sa napili ninyong paksa.
4. Itala sa papel ang mga argumentong lumutang sa isinagawa ninyong
brainstorming.

B.

1. Magsaliksik pa hinggil sa paksang tinalakay sa inyong brainstorming.

2. Itala ang mga argumentong sang-ayon at tutol sa inyong paksa sa kasunod na


talahanayan.

SANG-AYON TUTOL
3. Itala sa ang ebidensyang iyong nasaliksik na iyong magagamit upang palakasin ang
iyong posisyon.

4. Gawan ng balangkas ang iyong posisyong papel.

5. Isulat ang burador ng iyong posisyong papel sa sagutang papel.


PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
ANG REPLEKTIBONG SANAYSAY: KAHULUGAN AT KALIKASAN

Ang replektibong sanaysay o repleksiyong papel (tinatawag ding Reflective


Paper o Contemplative Paper) ay isang pasulat na presentasyon ng kritikal na
repleksyon o pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na pkasa. Ang repleksyong
papel ay maaaring isulat hinggil sa isang itinakdang babasahin, sa isang lektyur o
karanasan katulad ng internship, volunteer experience, retreat and recollection o
educational tour. Kadalasan, ang repleksyong papel ay naglalaman ng mga reaksyon,
damdamin at pagsusuri ng isang karanasan sa napakapersonal na paraan, kaiba sa
paraan ng pormal na pananaliksik o mapanuring sanaysay.

Ito ay isang impormal na sanaysay, at kung gayon, nangangailangan ng


sumusunod: 1) introduksyon; 2) katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng iyong
mga iniisip at/o nadarama; at 3) kongklusyon.

Kadalasan, ginagamit ang unang panauhan (ako, tayo, kami) sa repleksyong


papel dahil nirekord dito ang sariling kaisipan, damdamin at karanasan. Ito ay tala ng
mga kaalaman at kamalayan hinggil sa isang bagay. Kung gayon, ito ay isang
iteraksyon sa pagitan ng mga ideyang natanggap mula sa labas (libro, lektyur,
karanasang pampaaralan, at iba pa) at ng iyong internal na pag-unawa at
interpretasyon sa mga ideyang iyon.

ANG PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

1. Mga Iniisip at Reaksyon

Kapag nagsusulat ng repleksyong papel hinggil sa literature o karanasan,


kailangang maitala ang iyong mga iniisip at reaksyon sa binasa o karanasan.
Maaari mong ilahad at ipaliwanag ang iyong mga damdamin hinggil sa binasang
literature.

2. Buod

Hindi simpleng pagbubuod ng binasa o karanasan ang repleksyong papel.


Ito ay isang malayang daloy ng mga ideya at iniisip. Ang ideya ng repleksyong
papel ay makasulat ng isang sanaysay na naglalarawan ng mga reaksyon at
pagsusuri ng isang binasa o iba pang karanasan, ngunikt higit ba pormal ito
kaysa dyornal entri, kaya hindi angkop ang impormal na wika at anyo.
3. Organisasyon
Ang repleksyong papel ay kailangang maisaayos katulad ng iba pang uri
ng pormal na sanaysay.

GABAY PARA SA REPLEKSYONG PAPEL NA HINALAW

1. Bigyan ng pansin ang panahong saklaw ng repleksyon.


2. Mula sa saklaw na panahon, maaaring pansinin at pagmuni-munihan ang mga
sumusunod:
a. Mga konsepto o aralin na lubhang sinasang-ayunan o tinututulan;
b. Mga gawain sa klase, mga pinanood, pinarinig, at iba pa na lubusang
nakaapekto o nakapag-isip;
c. Mga liksyon, konsepto, at iba pa na lubos na nakapukaw ng interes at nais
saliksikin o aralin pa;
d. Mga liksyon, konsepto, at iba pa na agad na nahanapan ng paglalapat sa
sariling mga karanasan;
e. Mga liksyon, konsepto, at iba pa na nagdulot ng mga tanong na nais iharap ng
mag-aaral para sa klase.
3. Isa hanggang dalawang pahina lamang ang repleksyong papel. (Hindi masama
kung aabot ng tatllo ngunit kung higit pa ay labis na.)
4. Dahil hindi mahaba ang repleksyong papel, inaasahang hindi na magpapaligoy-
ligoy pa.
5. Maaaring gumamit ng wikang pormal o kumbersasyonal, basta tiyaking malinaw
kung ano ang mga puntong pagmumulan ng repleksyon at masusuportahan ito
ng mga konkretong paliwanag.
6. Malaking tulong din ang pagbibigay ng mga halimbawa o aplikasyon g mga
konseptong natutuhan sa klase. Dito papasok ang kaalaman sa context o
intertext. Dapat ay may halimbawang ibigay na hinfi natalakay sa klase.
7. Lagging isaisip sa ito ay papel na gagraduhan para sat alas ng iyong
pagmumuni-muni.
8. Bagama’t personal na gawain ang repleksyong papel, hindi ibig sabihin na
maaari nang balewalain ang mga tuntunin sa gramatika, wastong baybay at
pagbabantas, lalo na kung ito ay isang mamarkahang gawaing pasulat bilang
isang rekwayrment sa kurso sa wika.
9. Ipaloob ang sarili sa micro at macro na lebel na pagtingin sa mga konseptong
tinalakay sa papel.
10. Kung gagamit ng mga imppormasyong galing sa website, libro, paayam, at iba
pa, siguraduhing mababanggit sa papel ang mga naging sanggunian (maaaring sa
huling bahagi o sa katawan mismo ng papel).
11. Magpasa sa tamang oras at tamang lugar.
12. Maaaring maglagay ng pamagat na angkop sa ginawang repleksyong papel.
Kung walang maisip na pamagat, ilagay na lamang ang “Sulatin Blg. ____” o kung
pang-ilang sulatin ito.

Basahin ang kasunod na modelong repleksyong papel. Pansinin ang ginawang


paglalahad ng may-akda ng kanyang mga iniisip, nadarama at reaksyon higgil sa
kanyang paksa.

Repleksyong Papel Tungkol sa Mensahe ng Butil ng Kape

Hindi sa lahat ng oras, may kasayahan, walang problemang alalahanin at


walang katawang mapapagod. Hindi sa lahat ng oras, palagi kang masaya, walang
mararamdamang sakit at walang tutulong pawis dahil sa pagod. Sa buhay natin sa
mundong ito, kailangan nating maghirap, magpagod at magbanat ng buto upang
makamit ang hinahangad sa buhay at ang kasaganaang nais na makamtam. Ngunit,
sa buhay hindi mawawala ang mga problema, suliranin at mga pagsubok. At sa mga
pagsubok na dumarating sa buhay, kailangan nating magpakatatag at harapin ito ng
buong tapang. Ang mga pagsubok at suliranin sa buhay ang siyang susubok sa ating
katatagan.

Katulad ng nakasaad sa kwentong “Mensahe ng Butil ng Kape,” ang unang


ibinigay na halimbawa ng ama sa kanyang anak ay ang carrot. Doon sinasabi na sa
umpisa ay matigas ito at matapos ilagay sa kumukulong tubig ay biglang lumambot.
Maihahalintulad ito sa isang tao na matapang, malakas , ngunit ng dumaan ang
matinding pagsubok, hindi na kinaya at pinanghinaan ng loob. Minsan, sa ating buhay,
hindi mawawala ang pagkakataon na manghihina ang loob at sinasabing “hindi ko na
kaya”. Hindi dapat tayo panghinaan ng loob sapagkat ,kapag nanghina ang ating loob
na harapin ang problema, mas lalong dadami at bibigat ang mga suliraning darating.

Sa pangalawang halimbawa na ibinigay ng ama sa kaniyang anak ay ang


itlog, na sa una’y malambot ngunit nang ilagay sa kumukulong tubig ay naging matigas
ang laman. Ito ay maihahalintulad sa katangian ng tao na sa una’y mabuti ang
kalooban, mabait at mayroong pang-unawa ngunit nang dumaan ang pagsubok sa
buhay biglang naging matigas ang kalooban at naging sarado ang isipan para
pakinggan ang iba. Totoong ang mga pagsubok ang huhubog sa ating pagiging
matatag at ang mga suliranin o pagsubok sa pamilya, sa mga mahal sa buhay ay ang
mga suliraning lubos na mabigat. At kung ang mga mahal natin sa buhay ang
nakapagdulot ng suliranin, kailangan din nating buksan ang ating puso at isipan upang
pakinggan sila at patawarin.
At ang pangatlong halimbawa naman ay ang butil ng kape na kung saan
nang mailagay sa kumukulong tubig ay nakapagbigay nang karagdagang sarap at
nakapagdulot ng kasiyahan. Sa tao, ito ay maihahalintulad na kapag dumaan ang
pagsubok, gumawa ka o mag-isip ng magandang solusyon sa problema, na kung
saan matapos ang pagsubok ay naging maganda ang kinahinatnan at nakapagpabago
ng buhay. At sa pagharap sa pagsubok kailangang maging matatag ang kalooban,
hindi madaling manghina sa pagharap nito. Minsan, sumasabay na lamang ang iba sa
agos ng buhay, kung saan sila dalhin ng ihip ng hangin at makuntento na lamang sa
buhay, ngunit hindi dapat maging ganito. Kailangang tumayo at gumawa ng
pagbabago para sa ikabubuti ng ating sarili at nang mga tao na nakapaligid sa atin.

KAYANG-KAYA MO!

1. Mag-isip ng isang paksa na higit na nakapukaw ng iyong interes o may malalim


na kahulugang personal sa iyo para sa isusulat na Replekayong Papel.
2. Maglaan ng ilang minute para sa pagmumuni-muni hinggil sa paksang iyong
napili bago simulan ang pagsusulat. Isulat ang burador ng iyong repleksyong
papel sa yellow pad. Ipakritik ang iyong burador sa kaklase. Matapos ay isulat
ang inedit at nirebisang repleksyong papel sa kasunod na pahina para sa
komposisyon.
PAGSULAT NG AGENDA
ANG AGENDA
Ang salitang agenda ay nagmula sa pandiwang Latin na agere na
nangangahulugang gagawin. Sa pananaw na ito, mabibigyang depinisyon ang
agenda bilang isang dokumento na naglalaman ng listahan ng mga pag-uusapan
at dapat talakayin sa isang pagpupulong.
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Verizon Business (nasa The Perfect
Meeting Agenda, 2016), ang pinakamadalas na pagkasayang ng oras sa mga
korporasyon ay nagaganap dahil sa mga ginagawang pagpupulong. Ikto, ayon
sa pag-aaral, ay nangyayari sapagkat ang mga pagpupulong na isinagawa ay
madalas di-organisado at walang malinaw na layunin. ang katotohanang ito ay
maaaring maiugnay sa kawalan preparadong agenda na siyang nagiging
balangkas sa pagsasagawa ng pulong.
Dapat na matanggap ng mga kalahok sa pulng ang agenda bago ang
naturang pagkikita, dahil nakatutulong iyon upang maiwasan ang pagkalito at
pagkasayang ng oras. Marapat din na kalakip ng matatanggap na agenda ng
mga kalahok ay ang mga dokumento ng ulat na ihaharap sa pulong. Ang mga
ganitong hakbangin ay makatutulong upang mapag-aralan nan g mga kalahok
ang mga datos at mga paksa sa talakayan at sila’y maging handa sa mga ito.

MGA KONSIDERASYON SA PAGDISENYO NG AGENDA


1. Saloobin ng mga kasamahan.
2. Paksang mahalaga sa buong grupo.
3. Estrukturang patanong ngmga paksa
4. Layunin ng bawat paksa.
5. Oras na ilalaan sa bawat paksa.

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG AGENDA

1. Alamin ang layunin ng pagpupulong.


2. Sulatin ang agenda tatlo o hogit pang araw bago ang pagpupulong.
3. Simulan sa mga simpleng detalye.
4. Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa para sa agenda.
5. Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa.
6. Isama ang ibang kakailanganing impormasyon para sa pagpupulong.
Tunghayan ang kasunod na halimbawa ng agenda para sa isang pulong ng mga
director ng kompanyang Asia Pacific Professional Development & Innovative Global
Solutions, Inc. Layunin ng pagpupulong na ito na talakayin ang nakaraan at
paparating na proyektong seminar ng kompanya.

ASIA PACIFIC PROFESSIONAL DEVELOPMENT & INNOVATIVE GLOBAL


SOLUTIONS, INC.

----------------------------------------------------------------------

ADYENDA

PULONG NG MGA DIREKTOR

Miyerkules, Pebrero 10, 2016, 6:30-7:30 n.g.

Conference Hall, 3rd Floor, Arizona Tower, Lungsod Quezon

1. Pagbukas ng pulong
2. Aprubal ng Adyenda
3. Aprubal ng Katitikan ng Nakaraang Pulong (Bb. Ligaya Vinas, 20 minuto)
4. Ulat sa Nakaraang Seminar (G. Sederiku Arupa, 10 minuto)
5. Nakalinyang Seminar (G. Kris Akiro, 20 minuto)
6. Proposal ng Bagong Seminar
7. Petsa ng Susunod na Pulong
8. Pagtatapos ng Pulong

KAYANG-KAYA MO!

Gawan ng adyenda ang sumusunod na sitwasyon:


1. Nagpatawag ang Presidente ng Student Council ng isang pulong upang
talakayin ang programang anti-bullying ng konseho.
2. Magkakaroon ng quarterly meeting ang disaster management office ng inyong
kompanya upang planuhin ang mga action plan nito sa panahon ng
emergency.
PAGSULAT NG PICTORIAL ESSAY

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PICTORIAL ESSAY

Ang pictorial essay ay tinatawag din ng iba bilang photo essay. Ito ay isang
kamangha-manghang anyo ng sining nanagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan
ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling kapsyon kada larawan.
Madalas itong ginagawa ngmga awtor, artista, estudyante at mga akademisyan.
Ginagawa din ito ng mga potograpo, mamamahayag, lalo nan g mga photo-journalist.

Larawan at teksto ang dalwang pangkalahatang sangkap ng pictorial essay.


Tipikal sa mga pictorial essay ang pagkakaroon ng pamagat at ang pagpokus sa isang
tema. Madalas ding personal (sa isang potograpo at/o awtor) ang isang pictorial essay
at maaari itong maging isang mabisang paraan upang lumikha ng isang personal na
mensahe para sa kanya/kanilang pamilya, kaibigan o kahit na para sa publikasyon.

Tandaan na ang pictorial essay ay kaiba sa picture story. Sa ikalawa, ang mga
larawan ay nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at ang layunin
nito ay magsasalaysay o magkwento. Hindi gayon ang batayan sa pagsasaayos ng
larawan sa pictorial essay at lalong hindi rin gayon ang layunin ng pictorial essay.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY


1. Malinaw na Paksa
2. Pokus
3. Orihinalidad
4. Lohikal na Estraktura
5. Kawilihan
6. Komposisyon
7. Mahusay na Paggamit ng Wika

MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY

1. Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda ng inyong guro.


2. Isaalang-alang ang iyong audience.
3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa
pagkakamit ng iyong mga layunin.
4. Kumuha ng maraming larawan.
5. Piliin at ayusin ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim ng bawat larawan.
KAYA MO KASI ALAM MO!

A. Isulat ang TAMA kung tama ang diwa ng bawat kasunod na pangungusap. Kung
mali, isulat sa patlang ang salitang dapat humalili sa salitang may salungguhit
upang maging tama ang pangungusap.
________1. Ginagawa din ang pictorial essay ng mga potograpo, mamamahayag,
lalo na ng mga photo-journalist.
________2. Larawan at teksto ang dalawang pangkalahatang sangkap ng
pictorial essay.
________3. Tipikal sa mga pictorial essay ang pagkakaroon ng pamagat at ang
pagpokus sa isang tema.
________4. Madalas na impersonal sa isang potograpo at/o awtor ang isang
pictorial essay.
________5. Ang pictorial essay ay katulad ng picture story.
________6. Kailangang napakaengrande ng paksa sa pictorial essay.
________7. Kailangang isaayos ang mga larawan ayon sa praktikal na
pagkakasunod-sunod.
________8. Ang mga teksto ang pokus ng isang pictorial essay.
________9. Kailangang masalamin ang iyong layunin sa mga larawan kaya
mahalaga ang wastong pagpili.
________10. Isulat ang iyong teksto sa ibabaw o sa tabi ng bawat larawan.

B.
1. Gawin ang tinalakay na hakbang sa paggawa ng pictorial essay.
2. Kuhaan ng mga larawan ang iyong napiling paksa. Ipadebelop o iprint ang mga
napili mong larawan.
3. Isulat ang burador n giyong pictorial essay sa sagutang papel.
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

ANG PAGLALAKBAY AT ANG PAGSULAT


Maraming tao ang hindi na lamang bumibyahe bilang turista kundi nagsusulat na
rin tungkol sa kanilang mga karanasan sa isang lugar at kabuuan ng paglalakbay.
Maging ang mga propesyonal na manunulat a gumagamit sa kanilang kakayahan
upang makalibot sa daigdig, at kasabay nito ay kumita mula rito. Ang layunin ng
pagsulat tungkol sa isang paglalakbay ay makapagbigay ng malalim na insight at
kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon. Sa ganitong uri ng pagsulat,
kailangang mahikayat ang mga mambabasa na danasin at bisitahin din ang lugar na
iyong sinusulat. Marami na ring kurso sa pagsulat tungkol sa paglalakbay na
magbibigay sa iyo ng malalim na pag-unawa kung paanong bumuo ng mga ideya at
propesyonal na artikulo at kung paano iktong ibebenta sa merkado.

Nagbigay si Dinty Moore (2013) ng mga payo kung paanong epektibong


makapagsusulat habang naglalakbay:
1. Magsaliksik
2. Mag-isip nang labas pa sa ordinary
3. Maging isang manunulat

MGA GABAY SA PAGSUSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang makahanap


ng paksang isusulat.
2. Huwag piloting pasyalan ang napakaraming lugar sa iisang araw lamang.
3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay.
4. Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan.
5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan.
6. Alamin mo ang mga natatanging pagkain na sa lugar lamang binisita matitikman
at pag-aralang lutuin ito.
7. Sa halip na mga popular at malalaking katedralm bisitahin ang maliliit na pook-
sambahan ng mga taong hindi gaanong napupuntahan at isulat ang kapayakan
ng pananampalataya rito.
8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay.
Halimbawa ng Lakbay-Sanaysay:

BAGUIO TRIP
ni Kathuson

Bilang isang kabataan, nais kong


pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t
ibang tanawin. Lalong lalo na ang mga
lugar na talaga namang tinatangkilik ng
mga turista, mapadayuhan man na galing
ibang bansa o yung mga taong doon na
mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip.
Hindi ko ginagawa ito upang magbakasyon
lamang at magmuni – muni kundi para
malaman ko kung saan at paano nga ba
ganoon ang tawag sa lugar na iyon. https://http543.wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/

At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ng mga turista. Masayamg gawin


ito pag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na ang PAMILYA. Dahil
ang pamilya ay isang pinakamahalaga at magandang regalo sa atin ng Panginoong
Hesukristo, ang pamilya ang siyang masasandalan mo sa oras na ikaw ay may
problema.

Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar na Baguio. Ang
Baguio ay isa sa mga sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo na sa North Luzon,
kilala ito bilang Summer Capital of the Philippines hindi dahil mainit dito ngunit dahil
napakalamig dito lalong lalo na kapag bumagsak ang temperatura dito kapag
sumasapit na ang kapaskuhan. Talaga namang dinadayo ito ng maramimg tao dahil
para sa kanila dito masarap ipagdiwang ang KAPASKUHAN kasama ang iyong mga
mahal sa buhay.

Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong panahon ng kapaskuhan bagkus noong
unang araw ng Enero taong 2015. Dahil pagkatapos naming ipagdiwang ang
BAGONG TAON ay nagsimula na kaming gumayak mula Pampanga hanggang sa
makarating kami sa Baguio. Pumunta kami doon dahil doon nais ng aking pinsan na
ipagdiwang ang kanyang ikapitong kaarawan. At dahil FIRST TIME naming
magpipinsan na pumunta doon kung kaya’t mas lalo kaming naexcite na makarating
na doon.

Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay ang Burnham Park na kung saan dito
kamI gumala ng ilang oras, dito sa lugar na ito ay matatagpuan ang isang Dancing
Fountain at isang parang ilog na kung saan pwede kang mamangka at maglibot – libot.
Isa rin sa mga napuntahan namin ay ang Botanical Garden, dito sa lugar na ito ay may
mga matatandang Igorot na kung saan pwede ka sa kanilang magpakuha ng litrato na
kasama sila. Dito mo makikita na hindi nila kinakahiya kung saan sila nagmula kahit na
ganoon ang kanilang pananamit. At nagpunta rin kami sa Mines View , ngunit kahit
malayo at maraming tao doon at WORTH IT naman dahil maganda at talaga namang
nakakarelax at mapapahanga ka sa ganda ng view na iyong nakikita.

At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at ang huling araw na rin namin doon ay
ang Strawberry Farm. Dito mo matitikman ang masasarap na strawberry na tinatawag
din na Preyas. Sa loob ng tatlong araw namin sa Baguio ay marami akong nalaman sa
lugar na iyonat dito ko rin nalaman kung bakit nga ito tinatangkilik ng mga turista.

KAYANG-KAYA MO!

Magplano ng isang biyahe o paglalakbay. Hindi kailangang napakalyo ng lugar


na pupuntahan. Hindi rin kailangang isang destinasyong panturista ang lugar. Kumuha
ng mga larawang iyong magagamit na dokumentasyon. Isulat ang burador ng iyong
lakbay-sanaysay sa isang papel. Isaalang-alang ang mga tinalakay na Gabay sa
Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay.
PAGBUO NG PORTFOLIO NG MGA SULATIN
ANG PORTFOLIO

Sa pag-aaral ng Pagsulat, ang Portfolio ng mga Sulatin ay isang koleksyon


ngmga komposisyon o awtput. Layunin nitong ipakita ang pag-unlad ng kaalaman at
kasanayan sa pagsulat ng mag-aaral-manunulat sa loob ng isang termino o taong-
aralan.

MGA BAHAGI NG PORTFOLIO

1. Pabalat
2. Pamagating Pahina
3. Prologo
4. Talaan ng Nilalaman
5. Mga Sulatin
6. Epilogo
7. Rubriks
8. Bionote

ANG PAGGAWA NG PORTFOLIO

1. Pamagatan ang iyong Portfolio

Mag-isip ng isa o ilang salitang iyong gagamiting pamagat ng iyong portfolio.


Tiyaking ang pamagat na mapipili ay kakatawan sa nilalaman ng iyong portfolio, sa
iyong mga karanasan sa pagsulat, at maging sa iyong natutunan. Halimbawa:
Likha: Isang Portfolio ng mga Sulatin. Maaari ring gumamit ngmga salita mula sa
alin man nating wikain o kaya ay lumikha ng bagong salita.

2. Gawin ang Pamagating Pahina

Ilagay sa pamagating pahina ang pamagat ng iyong portfolio, ang iyong


pangalan at kinabibilangang pangkat, pangalan ngiyong guro, at ang araw ng
pagpapasa.

3. Isulat ang iyong Prologo

Introduktoring talataan ito. Ipaliwanag dito ang napili mong pamagat ng iyong
portfolio, kung bakit mo iyon napili. Ilarawan ang mga nilalaman ng iyong portfolio.
Maaari ring maglahad dito ng Pag-aalay at Pasasalamat. Iminumungkahing
gumamit dito ng pananaw sa ikatlong panauhan (Halimbawa: Ang may-akda…, Ang
manunulat…, Siya, Niya, Kanya), sa halip na unang panauhan ( Ako, Ko, Akin,
Kami, Namin, Amin). Pansinin ang kasunod na halimbawa ng Prologo na isinulat
ng isang mag-aaral sa kursong Pagsasalin.

PROLOGO
ni Sherylou D. Laude

Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy n apagbangon


sa bawat pagkakamali.

Iyan ang pahayag na pinaghanguan ng tagasalin ng pamagat ng Portfoliong


ito – Matamis na Tagumpay. kasi, ang Portfoliong ito ay naglalaman ng mga
tagumpay sa pagsisikap namaisalin ang sumusunod na akda mula sa orihinal na
wika patungo sa target na wika. Ilan sa mga akdang isinaling matatagpuan sa
Portfoliong ito ay ang tulang The Difference (Ang Pagakakaiba) at ang maikling
kwentong Children of the City (Ang mga Bata sa Lungsod). Isa pang dahilan ng
pagpili ng tagasalin sa pamagat ng Portfoliong ito ay ang lubos na kaligayahang
kanyang nararamdaman sa tuwing naisasalin niya ang bawat akdang ipinasasalin
ng kanilang propesor.

Ibinuhos ng tagasalin ang lahat ng kanyang kaalaman at kakayahan upang


maisalin ang sumusunod na akda sa wastong paraan. Batid niyang hindi pa sapat
ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagsasalin, kaya nag-uumapaw ang
kanyang kaligayahan sa tuwing nakapagsasalin siya ng akda. Sa pamamagitan ng
mga gawain sa kursong ito, umunlad ang kanyang kakayahan nang paunti-unti.
Hindi man siya makapagkamit ng mataas na marka sa kursong ito, batid niyang
nakamit na din niya ang matamis na tagumpay sapagkat lumawak ang kanyang
kaalaman hindi lamang sa pagsasalin sa partikular, kundi maging sa wika sa
kabuuan.

Ang tagumpay na ito ay kanyang lubos na ipinagpapasalamat sa


Panginoon sapagkat binigyan Niya siya ng kalakasan, katatagan at pagkakataong
mapalago pa ang kanyang kakayahan. Nagpapasalamat din siya sa kanilang
gurong si Dr. Rolando A. Bernalesdahil sa kanyang pagsisikap, pagtitiyaga at
mahusay na pagtuturo sa kanila. Pinasasalamatan niya rin ang kanyang mga
kamag-aral na tumulong sa kanya na isalin ang ilang mga akdang matatagpuan sa
Portfoliong ito. Sila rin ang gumabay sa kanya sa bawat oras.

Ang Portfoliong ito ay iniaalay ng tagasalin sa kanyang mga kapwa guro sa


Filipino upang magsilbing kanilang inspirasyon upang ipagpatuloy ang pagpapalago
ng kani-kanilang kaalaman at kasanayan sa wika.
- S. D. L
4. Gawin ang Talaan ng Nilalaman

Ihanay ang mga sulating iyong ginawa, ang anyo at pamagat ng bawat isa,
mula una hanggang huli. Tukuyin ang pahinang katatagpuan ng bawat isa.

5. Tipunin ang iyong mga Sulatin

Ayusin ang mga sulatin ayon sa pagkakasunod-sunod. Tiyaking ang mga


pagkakamali ay iwasto.

EPILOGO
ni Sherylou D. Laude

Ang kursong Pagsasalin ay tunay na isang nakababaliw, subalit isa ring


masayang karanasang para sa mag-aaral na ito. Nakababaliw ito sapagkat sadyang
hindi sapat ang kaalaman at kakayahan ng mag-aaral-tagasalin sa wikang Filipino
at sa wikang Ingles. Kasabay ng pag-alam sa mga simulain at paraan ng
pagsasalin, kinailangan pa niyang paunlarin ang kanyang kaalaman at kasanayan
sa dalawang wika upang makapagsalin ng mga akda nang hindi pinapatay o sinisira
ang orihinal. Sa kabilang banda, ang Pagsasalin ay masaya, dahil ang mga
paghihirap na naranasan ng mag-aaral-tagasalin ay napapalitan ng kaligayahan sa
tuwing naisasalin niya ang isang akda sa wastong paraan.
Sa kursong Pagsasalin, natutunan ng tagasaling mali ang kinasanayang salitang
Pagsasaling-Wika, dahil hindi naman wika ang isinasalin, kundi kahulugan.
Natutunan niya rin na sa pagsasalin, dapat maging konsistent ang mga salitang
gagamitin upang maging wasto ang pagsasalin. Nabatid niya rin na may iba’t ibang
hakbang na dapat bigyang-pansin lalo na ng isang baguhang tagasalin. May ilan
ding suliraning kailangang isaalang-alang upang mapadali ang pagsasalin.
Natutunan niya rin ang ilang bagong salitang Filipino na karagdagan sa kanyang
bokabularyo.
Maliban sa mga bagong kaalaman, ang tagasalin ay natuto rin ng tamang pag-
uugaling dapat taglayin ng isang guro. Natuto siyang maging mapanuri sa kanyang
ginagawa, dahil bilang isang guro, dapat siyang maging huwaran. Napag-isip-isip
niyang kung nais niyang sumulat o bumuo ng mga pangungusap ang kanyang mga
mag-aaral nang wasto, kailangan din niyang makayanang gawin iyon. Ang ano
mang kamalian sa kanyang mga pahayag ay isang malaking kasalanan bilang isang
guro sa Filipino, sapagkat siya ang dapat nagwawasto ng mga pagkakamali ng mga
mag-aaral. Hindi siya dapat ang iwinawasto nang madalas.
Ang pag-aaral ng kursong ito ay sadyang mahalaga para sa mga guro sa
Filipino, at ang mag-aaral-tagasalin ay hindi nagkamali sa pag-eenrol sa klaseng ito!
Mabuhay ang wikang Filipino! Mabuhay ang mga guro ng Filipino!
- S. D. L.

6. Isulat ang iyong Epilogo

Sumulat ng isang replektibong talataan. Ilarawan ang iyong mga naging


karanasan sa pagsulat ng mga sulatin at ang mahahalagang kaalamang iyong
natutunan. Iminumungkahi muli ang paggamit dito ng pananaw sa ikatlong
panauhan sa halip na unang panauhan.

7. Gawin ang pahina para sa Rubriks


Ilagay dito ang pamantayan sa pagmamarka.

8. Isulat ang iyong Bionote

Maikli lamang dapat ito. Gamitin muli ang ikatlong panauhan. Lakipan din ito ng
iyong larawan. Ilagay ito sa likod na pabalat.

Si SHERYLOU D. LAUDE ay kasalukuyang nagtuturo ng Filipino


(Wika at Panitikan) sa St. Stephen’s High school. Nagtapos siya
ng Batsilyer sa Pansekondaryang Edukasyon, medyor sa
Filipino, sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Sa
kasalukuyan, sa SDL ay kumukuha ng kursong MAEd sa Filipino
sa The National Teacher’s College.

9. Palamutian ang iyong portfolio

Simulan ang pagpapalamuti sa pabalat hanggang sa huling pahina. Gumamit ng


mga angkop na dekorsyon para sa bawat sulatin at iba pang pahina. Sikaping
isaalang-alang ang paksa ng bawat sulatin para sa layunin ng kaangkupan ng
palamuti.

10. Ipasa ang iyong portfolio.


KAYANG-KAYA MO!

A. Gawin ang tinalakay na hakbang sa paggawa ng portfolio. Sundin ang mga


tagubilin sa paggawa ng bawat hakbang.

B. Lagyan ng bilang 1-10 ang mga kasunod na hakbang sa paggawa ng portfolio


ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. Isulat ang iyong sagot sa patlang sa unahan
ng bawat isa.

_____ Gawin ang pahina para sa Rubriks.

_____ Tipunin ang iyong sulatin.

_____ Gawin ang Pamagating Pahina.

_____ Palamutian ang iyong Portfolio.

_____ Pamagatan ang iyong Portfolio.

_____ Gawin ang Talaan ng Nilalaman.

_____ Isulat ang iyong Prologo.

_____ Isulat ang iyong Bionote.

_____ Ipasa ang iyong Porrtfolio.

_____ Isulat ang iyong Epilogo.

Vous aimerez peut-être aussi