Vous êtes sur la page 1sur 3

“Ang Epekto ng Pagbibigay ng Dowry ng lalaki sa babae sa Islam”

Sa kasalukuyang panahon, ang pagpapakasal ay nagiging mas madali para sa mga tao. Ngunit, mayroon
pa rin mga ibang kultura at relihiyon na striktong sinusundan ang kanilang mga tradisyon ukol sa kasal.
Sa mga relihiyon na iyon, dalawa sa malalaking relihiyon ay sumususunod ditto ang mga Katoliko at
Muslim. Ang alam ng ibang tao ay maraming pinagbabawalan sa kultura ng Muslim. Subalit, hindi nila
nakikita na mayroon rin silang lkalayaan lalong-lalo na sa kasal. Ipapakita rito na ang mga kondisyon sa
kasal ng mga muslim at kukumpara ito sa kasal ng mga katoliko upang maging malinaw sa atin ang
dahilan kung bakit ganoon ang kasanayan nila.

Ang relihiyon ng mga Muslim, kung saan ay Islam, ay sanhi ng pagkakaiba ng mga kondisyon sa kasal ng
mga Katoliko. Bago magpakasal ang dalawang Muslim, may pagdadaanan pang mga bagay silang dalaa,
lalo na ang lalaking Muslim. Ang lalaking Muslim ang naatsang magbigay ng kahit anong gusto ng babae
bago sila magpakasal, at lalong-lalo na kung kasal na sila. Bago silang dalawa ikasal at sa kasal nila, may
tinatawag silang dowry na kailangan nilang ibigay sa mapapangasawa nila. Ang dowry ay maaring sa
porma ng alahas o pera. Kinakailangng mabigay ng lalaking Muslim ang kahit anong gusting
mapapangasawa niya. Ang mga babaeng Muslim ay itinuturing naprinsesa kung saan kahit anong gusto
nila, makukuha nila.

Ang pagbibigay ng dowry, o ang tinatawag na “jahaz”, ay simbolo ng pagpapahayag ng wagas at malinis
na intension sa mapapangasawa. Ayon sa artikulong pinamagatang Dowry (Mahar) From an Islamic
Perspective, at ang may-akda ay hindi nabanggit, ang pagbibigay ng dowry ay mabisa na kapag balido na
ang kontrata sa kasal. SA kabila ng pagiging prestihiyoso ng kaugalian ito, ito ay hindi kasama sa
mahahalagang “pillars” ng pag-aasawa o tinatawag na “rukun”. Ang Islam ay hindi nagtaakda ng
minimong dowry na dapat sundin ng mga Muslim. Ang pagbibigay nito ay ayon lamang sa kalooban ng
dalawang indibidwal. Ngunit inirerekomende ng Islam na huwag masyadong taasan o babaan ang halaga
ng dowry.

Maraming panukala (dalil) na sumusuporta sa pagbibigay ng dowry bilang isang obligayon, tulad ng
nakasaad sa Surah al-nisa, berso 4: “And give the women [upon marriage] their [bridal] gifts graciously.
But if they give up willingly to you anything of it, then take it in satisfactionand ease.”

Sa Surah al-nisa’, berso 24:

“So whatever you enjoy [of marriage] from them, give them their due compensation as an obligation.”

Ayon sa mga probisyon ng seksiyon 21 (1) at (2) ng 1984 Islamic Family Law Act (federal rerritories),
nakasaad sa Act 303 ang sumusunod:

(1) Ang dowry ay dapat bayaran ng lalaki (o ang kanyang kinakatawan) sa babae (o kanyang
kinakatawan) sa harap ng magkakasal s kanila at dalawa pang saksi.
(2) Dapat matiyak na at itala ng tagapagrehistro ang sumusunod;
A) Ang halaga ng detalye ng dowry;
B) Ang halaga at detalye ng mga regalo;
C) Ang halaga at detalye ng kahit anong parte ng dowry o regalo o kapwa na ipinangako ngunit
hindi pa nababayrab sa kasal, at ang ipinangakong petsa kung kalian ito babayaran

Ang Dowry ay isa sa mga karapatan ng babaeng Muslim at binibigay ito nang tapat ng lalaking
Muslim sa mapapangasawa. Ito ay ang pagpapahayag ng pag-ibig at responsibilidad ng lalaki
para sa mapapangasawa nito kalakip ang intensiong mapasaya ang mapapangasawa. Ang lahat
ng ito ay nangangahulugang maging handa ang babaeng Muslim sa pagsisimula ng bagong
buhay kasama ang mapapangasawa.

Para sa relihiyong Islam, ang kababaihan ay parang Perlas na dapat iniingatan at hindi dapat
mawala ng basta-basta at mahirap hanapin.

Ang pag-aasawa ang isa sa mga pangunahing bagay na mahirap pasukinlalong-lalo na sa mga
kalalakihang muslim. Para sa kanila, hindi ito basta-basta kung kaya’t kinakailangan ring
magkaroon ka ng sapat na salapi kaugnay nito. Nangangahulugan lang na hindi lamang ang
pagmamahal ang magiging batayan nito.

Sa madaling salita, parehong pagmamahal at salapi ang kailangang sangkap. Sa mga Muslim,
kanila itong tinawag na Dowry na kung saan may karapatan ng isang babaeng muslim na
magbigay ang isang lalaking Muslim para sa kanya. Bago magpakasal ang dalawa , inaatasan na
magbigay ng salapi ang lalaking muslim na kung saan sumisimbolo ng pagpapahayag ng wagas at
malinis na intension sa mapapangasawa. Ito rin ay nagsisilbing Obligatory o isang legal na
obligasyon sa mga lalaki, bilang isang lalaking Muslim, kailangan mo itong sundin mahirap ka
man o mayaman.

Magiging mabisa rin ang Dowry kapag balido na ang kontrata sa kasal. Hindi rin naman ito
nagsasaad ng pangunahing kauuang halaga ng iyong kayang ibigay ngunit nakasaad rin ito na
hindi dapat masyadong mataas o mababa ang nasabing Dowry. Ito ay naayon lamang sa
kalooban ng dalawang indibidwal.

Ito rin ay pawing nakasaad sa kanilang banal na Qur-an na kung saaan matatagpuan sa Surah Al-
Nisah Berso 4 na nagsasabing ang Dowry ay dapat bayaran ng lalaki sa babae sa harap ng
magkakasal sa kanila at sa dalawa pang saksi. Dapat ring maitala ang halaga at detalye ng
Dowry.

Nagkakaroon din ng Iba’t-ibang isyu tungkol rito. (Dowy). Nang dahil sa nasabing dowry, may
mga pagkakataon rin na hindi nagkakatuluyan ang dalawang indibiduwal at ito’y karaniwang
sanhi ng pagbibigay ng dowry ng pamiya sa isang lalaking muslim laban sa babaeng muslim. May
mga iilan sa isang pamilya na hindi nagkakasundo.

Layunin
1. Tuklasin at ating alamin kung bakit nagkakaroon ng ganitong resulta o epekto sa
pagkakaroon ng Dowry.
2. Tuklasin ang mga bagay na maaring makaimpluwensiya sa mga ganitong usapin.
3. Magatid ng sapat na kaalaman at impormasyon tungkol sa dowry.
4. Alamin ang iba’t ibang salik at mga pangunahing kondisyon patungkol rito.

Metodolohiya

Ang napiling pananaliksik upang makakuha ng impormasyon at datos sa pamamagitan ng isang


sarbey. Ito ang napiling pananaliksik dahil mas makakakuha ng mga opinion ng mga kabataan lalong lalo
na dito sa Mindanao State University. Mapagkukunan ng mga datos ang mga dyournal, libro,
ensayklopedia, at mga artikulong patungkol sa pagbibigay ng DOWRY sa babae mula sa lalaki.

Vous aimerez peut-être aussi