Vous êtes sur la page 1sur 2

AKO IKAW TAYO

Ating adhikain sa dagat ng kasarinlan


Ang maging malaya sa kuko ng dayuhan
Kapit bisig, ipagtanggol ang bayan
Ako, Ikaw, Tayo makibaka para sa kalayaan

Kapag nakamit ang minimithiing tagumpay


Ligayang walang kasing tamis ang kaagapay
Halimuyak ng hangin tila baga’y rosas
Na dumadampi sa puso nating lahat

Isang kaganapan ang maging Malaya


Sa hawlang nasadlakan, bagwis ay nakawala
Tungo sa maunlad at maginhawang buhay
Ako, Ikaw, Tayo ay Pilipino iisa sa bayan ko