Vous êtes sur la page 1sur 9

Ekonomiks

(Mga Salik na nakaaapekto sa Demand)


(2nd Quarter)

Submitted by:

JOEL C. BACCAY
Teacher 1

Submitted to:

PERFECTO A. LUGO
Head Teacher III
Ekonomiks
(Mga Salik na nakaaapekto sa Demand)
I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

A. Naitatala ang mga salik na nakaaapekto sa Demand ng konsyumer


sa pamilihan
B. Nalalaman ang epekto ng bawat salik sa paggalaw ng kurba at
talatakdaan ng demand
C. Nahihinuha ang mga dahilan sa pagbabago ng presyo sa
pamilihan

II. Paksa

A. Paksa: Ekonomiks “Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand”


B. Sanggunian: Kayamanan (Ekonomiks) nina Imperial, C. et.al

III. Mga Kagamitan

Powerpoint Presentation, Laptop, LCD Projector, picture flash cards

IV. Pagganyak na Gawain

A. Motibasyon

“Tell me, Tell me” - Pagpapakita ng mga larawan ng pangunahing


okasyon o selebrasyon sa ating bansa

B. Pamamaraan

1. Maglalabas ng mga larawan ang guro ng mga sumusunod at


ipapakita sa mga estudyante ang mga ss:
a. Bagong Taon
b. Pasko
c. Araw ng mga puso
d. Araw ng mga patay
e. Balik-eskwela
2. Itatanong sa mga mag-aaral ang mga karaniwang binibili ng
mga konsyumer sa tuwing nalalapit ang bawat isang
selebrasyon.
3. Itatanong sa mga mag-aaral ang kanilang napapansin sa
presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng mga
selebrasyon
V. Nilalaman

Pagkatapos magbigay ang guro ng pagganyak, kanyang


tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mga salik na
nakaaapekto sa pagbabago ng kanilang demand sa isang
produkto.

Pagkatapos marinig ng guro ang ilan sa kasagutan ng mga mag-


aaral, ipapakita niya ang mga salik na nakakaaapekto sa demand
ng konsyumer.

Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand

1. Okasyon – Likas sa mga Pilipino ang ipagdiwang ang iba’t


ibang okasyon na dumarating. Bunga nito ay tumataas ang
demand sa mga produkto na naaayon sa okasyong
ipinagdiriwang.

Halimbawa:

Araw ng mga Puso – bulaklak at tsokolate

Araw ng mga Patay – bulaklak at kandila

Bagong Taon – Paputok

2. Populasyon – Ang populasyon ay potential market ng isang


bansa. Ibig sabihin, ang pagdami ng tao ay naglalarawan ng
pagdami ng bilang ng mga konsyumer na siyang
nagtatakda ng demand. Kapag marami ang kumukonsumo
ng mga produkto ay tumataas ang demand sa iba’t ibang
produkto.
3. Ekspektasyon – Dahil sa mga pangyayari tulad ng kalamidad,
kaguluhan o kakulangan sa pagkain ay nagkakaroon ng
panic buying ang mga konsyumer sa mga pamilihan. Ito ay
dahil sa espekulasyon ng konsyumer na maaaring
maapektuhan ang kabuhayan ng bansa o tumaas ang
presyo ng mga bilihin. Bunga nito ay ang pagtaas ng presyo
dahil sa pagtaas ng demand sa bilihin.

4. Panlasa/Kagustuhan – Ang pagkasawa sa isang produkto ay


isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagbabago sa
demand ng konsyumer. Sa bawat paglipas ng panahon ay
nagbabago ang kagustuhan o panlasa ng mga tao na
nagreresulta sa pagtaas o pagbaba ng demand sa iba’t
ibang produkto. Dito pumapasok ang prinsipyo ng:
Diminishing Utility kung saan ang kabuuang kasiyahan ng tao
ay tumataas sa bawat pagkonsumo ng produkto, ngunit
kapag nagkasunod-sunod, ang karagdagang kasiyahan o
Marginal Utility ay paliit ng paliit bunga ng pag-abot sa
pagkasawa sa pagkonsumo ng isang produkto

5. Presyo ng ibang produkto – mayroong tinatawag na:

a. Substitute goods- mga produkto na pamalit sa ginagamit


na produkto. Ang pagtaas ng presyo ng produkto na
dating ginagamit ang nagtutulak sa konsyumer na
humanap ng kapalit na produkto. Ibig sabihin, ang
demand sa pamalit na produkto ay tumataas kapag
mataas ang presyo ng produkto na dating binibili.

Halimbawa:

Baka – Baboy Butter – Margarine

b. Complementary goods- mga produkto na kinukonsumo


ng sabay. Ang kapakinabangan ng isang produkto ay
mababawasan kung gagamitin ng mag-isa. Ang pagtaas
ng presyo ng isang kakomplementaryong produkto ay
magiging dahilan ng pagbaba ng demand sa dalawang
produkto.
6. Kita – Ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginawang
produkto at serbisyo. Pinagkakasya ang kinikitang salapi sa
pagbili ng mga bagay na kailangang matamo. Ang
pagkakaroon ng malaki o maliit na kita ng tao ay
nakaaapekto sa pagtatakda ng demand. Mayroong
dalawang klase ng goods na naaayon sa kita:

a. Normal Goods – mga produktong tumataas ang demand


kasabay ng pagtaas ng kita ng tao

b. Inferior Goods – mga produkto na hindi tumataas ang


demand kahit tumaas ang kita ng mga tao
MATRIX

Okasyon

Populasyon

Ekspektasyon
Mga salik na
nakaaapekto sa
demand
Panlasa/Kagustuhan

Presyo ng ibang
produkto

Kita
Gawaing Pagkatuto

A. Activity

“Lights, Camera, Action!” – Paggawa ng Komersyal ng isang


napiling Produkto na nababatay sa mga salik na nakaaapekto sa
demand.

B. Pamamaraan

1. Ipa-pangkat ng guro ang mga mag-aaral sa limang grupo.


2. Aatasan ng guro ang mga mag-aaral na mag-isip ng maikling
komersyal ng isang produktong kanilang napili sa loob ng
sampung minuto. Ang nilalaman ng komersyal ay nararapat na
nakabatay sa mga salik na nakaaapekto sa demand.
3. Ang pangunahing layunin ng komersyal ay makumbinsi ang
guro na bumili ng produkto na kanilang ini-endorso.
4. Matapos mag brainstorm, ang mga bawat grupo ay bibigyan
ng limang (5) minuto upang ipakita ang kanilang gawa.

VII. Pagsusuri/Analisis

Ang pagbabago ng demand ay sanhi ng iba’t ibang salik. Ang


mga salik na ito ay nakaaapekto sa pagtaas at pagbaba ng
demand sa pamilihan lalong lalo na ang presyo. Ang presyo at
ibang salik ng demand ay nakaaapekto sa pagbabago ng dami
ng bibilhin ng konsyumer. Importante na malaman ang iba’t ibang
salik na ito upang malaman ng mga indibidwal ang mga posibleng
dahilan ng pagbabago sa presyo ng bilihin sa pamilihan na
kanyang magagamit sa pangaraw-araw na pamumuhay
VIII. Pagtataya

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga katawagan na tinutukoy. Isulat ang
sagot sa patlang.

Complementary Goods Populasyon


Diminishing Marginal Utility Inferior Goods
Substitute Goods Ekspektasyon

1. Prinsipyo na nagpapaliwanag ng unti-unting pagkasawa sa


pagkonsumo ng isang uri ng produkto.
2. Produkto na hindi tumataas ang demand sa mga ito kahit
tumaas ang kita ng tao.
3. Ito ang nagsisilbing potential market ng bansa.
4. Produkto na magkasabay na kinukonsumo.
5. Mga produkto na pamalit sa produkto na dati nang
kinukonsumo.

IX. Takdang Aralin

Panuto: Sa isang buong papel, isulat at iranggo ang mga salik na higit na
nakaaapekto sa pagbabago ng demand mo sa produkto. Isulat ang 1
bulang higit na nakaaapekto 2…3… hanggang 10, sa di-gaanong
nakaaapekto sa iyo.

__1. Allowance

__2. Presyo ng substitute goods

__3. Nagkakaroon ng espekulasyon

__4. Sumusunod sa kagustuhan ng barkada

__5. Sumasabay sa dami ng bumibili ng produkto

__7. Mahilig magbigay ng regalo


__8. Binibili ang produktong nakasanayang gamitin

__9. Gustong kumonsumo ng produktong may kakomplementaryo

__10. Kalidad ng produkto ang prayoridad

Vous aimerez peut-être aussi