Vous êtes sur la page 1sur 4

ISANG MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN 8

I. Mga Tiyak na Layunin


Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral sa ikawalong antas ng sekundarya ay
inaasahang:
1. maipaliwanag ang mga naging sanhi kung bakit sumibol ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig;
2. matukoy ang mga bansang sumali sa digmaan;
3. mailahad ang mga kritikal na pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig; at
4. maiugnay ang mga naidulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at kung
paano ito nakakaapekto sa pamumuhay sa kasalukuyan.

II. Nilalaman
A. Paksa: Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Code:
B. Kagamitan:
C. Sanggunian: Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig. Blando, R.C. et.al.
pahina 470-491
Kasaysayan ng Daigdig. Balonso, C.E. et.al. pahina 322-334

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Pangganyak
Gawain 1: Hula-Hoop

Basahin ang bawat pahayag. Pagkatapos,


tukuyin ang mga konseptong inilalarawan nito
na maiiuugnay natin sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa pamamagitan ng pagpili sa mga
aspektong nakapaloob sa hula-hoop.

1. Isa ito sa mga lugar sa Japan na


pinasabog ng United States sa
pamamagitan ng atomic bomb.
(Hiroshima)

2. Ito ang ideolohiyang pinairal ni Hitler


noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
(Fascism)

3. Ito ang tawag sa samahan ng mga bansa


na itinatag pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

(United Nations)
4. Isang kasunduan na nangangahulugang
itigil pansamantala ang labanan.
(armistice)
5. Sistematikong pagtatanggal sa isang
grupo ng tao mula sa isang lugar batay
sa etnisidad sa pamamagitan ng
pagpatay o puwersahang pagpapaalis sa
kanila.
(ethnic cleansing)

Magaling! Mahusay ninyong natukoy


ang mga aspektong tinutukoy ng bawat
pahayag.

B. Paglinang sa Aralin
1. Pagsusuri
Gawain 2: Magpangkat-pangkat
Tayo!

Upang higit nating maunawaan ang mga


aspekto kung bakit sumibol sa kasaysayan ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hahatiin ko
ang klase sa apat kung saan gagawa ang bawat
grupo ng isang tableau tungkol sa maiaatas na
aspekto.
Unang Grupo: Sanhi ng IDP
Pangalawang Grupo: Mahahalagang
Pangyayari noong IDP
Pangatlong Grupo: Bunga ng IDP
Pagkatapos 15 minuto, iprepresent at
ipapaliwang na ng bawat grupo ang nabuong
tableau sa klase.

Presentasyon
2. Pagpapalalim
Gawain 3: Pagbubuod

Matapos nating malaman ang mga


aspekto hinggil sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ang gagawin natin ngayon at
ibubuod ang lahat ng inyong nasuri at
naipresent upang higit na mabigyang-pansin
ang mga importateng impormasyon hinggil sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mga Salik sa Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig

1. Pag-atras ng United States sa pagpapatibay ng


Treaty of Versailles ng 1919.
2. Ang hindi pagsali ng United States sa League of
Nations.
3. Pagkakaroon ng iba’t ibang ideolohiya sa Europe.
4. Pagkakawatak-watak ng Europe sa mahihinang
estado
5. Treaty of Versailles
6. Great Depression sa US
7. Pag-akyat ni Adolf Hitler sa kapangyarihan at ang
kanyang hangaring magpalawak ng teritoryo
3. Paglalapat

Bilang isang mag-aaral, paano ka


makakatulong sa pagpapalaganap ng
kapayapaan sa iyong komunidad? Ipaliwanag
ang sagot. Sir!

IV. Takdang Aralin

Sa isang malinis na papel, gumawa ng


isang timeline kung saan tumutukoy ito sa mga
pangyayaring naganap noong ikalawang
digmaang pandaigdig.

Vous aimerez peut-être aussi