Vous êtes sur la page 1sur 10

Masusing Banghay aralin sa Araling Panlipunan 10

Pamantayan sa Pagkatuto: Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pamamahala ng isang


komunidad (AP10PNP-IVh-8)

I. Layunin

Matapos ang 60 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang 80% bahagdan
ng pagkatuto sa mga sumusunod:

A.) Nailalarawan ang kalagayan ng demokrasya ng ating bansa sa kasalukuyan

B.) Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala

C.) Naipapamalas ang iba't- ibang papel o aksyon ng mamamayan upang magkaroon ng mabuting
pamamahala

II. Nilalaman

A.Paksa: Aralin 3: Politikal na Pakikilahok

*Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala*

B.Sanggunian

Araling Panlipunan 10. Modyul ng Mag-aaral p. 409-411

https://youtu.be/5E13Ss56C6A

C. Kagamitan

-Laptop -Chart

-Projector -Powerpoint

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

Magandang umaga! Magandang umaga po, aming guro

2. Panalangin

Manatiling nakatayo at pangungunahan ni Mary


rose ang panalangin

Aming Diyos na nasa langit, maraming salamat po


sa araw na ito at ligtas po kaming nakapasok sa
aming paaralan. Sana po aya marami po kaming
matutunan sa aming guro at bigyan nyo po kami ng
pang-unawa sa aming tatalakayin . AMEN
3. Paglista ng Lumiban

Sektetarya, may mga lumiban ba ngayong araw?

4. Balik-aral
Wala po
Bago tayo tumungo sa ating panibagong aralin, ano
nga ba ulit ang ating huling tinalakay?

Tama, ano nga ba halimbawa ng Politikal na Politikal na Pakikilahok po


Pakikilahok ?

Mahusay. Sa paanong paraan mo maipapakita ang Eleksyon po


pakikilahok sa eleksyon ?

Sa paraan po ng pagboto
Tama. Ang pagboto ay isang obligasyon at
karapatang politikal na ginagarantyanhan ng ating
Saligang Batas

Bilang isang kabataan, paano mo mapahahalagahan


ang iyong boto?

Sa pamamagitan ng pagpili ng sa tingin koy tamang


tao para sa isang posisyon sa gobyerno at hindi ko
ipagbibili ang aking boto sa kahit na sino man dahil
parang ibinibenta ko narin ang aking
kinakabukasan

Magaling !
5. Pagganyak

Bilang bahagi ng ating aralin ngayong araw, ako ay


may inihandang maikling video clip na inyong
panonoorin. Narito ang mga gabay na katanungan

Pakibasa.
1.) Tungkol saan ang video clip?

2.) Anu-anong suliranin ang ipinakita nito?

3.) Bakit kaya ito nangyayari?

Manahimik na ang lahat at magsimula ng panoorin

Opo, ma'am
Tungkol saan ang video clip?

Tungkol sa demokrasya at katiwalian po


Tama. Anu-anong suliranin ang ipinakita dito?

Unti-unting pagbabago ng kahulugan ng


demokrasya sa paglipas ng panahon

Mahusay. Iba pang kasagutan?


Ang pagdami ng mga tiwaling opisyal o
namamahala sa gobyerno

Tama. Anu-anong mga katiwalian ang ginawa


batay sa video?
Panunuhol

Pangungurakot

Pagbili ng boto

Bakit kaya ito nangyayari?


Nangyayari po ito dahil may mga tao pong mas
iniisip ang kanilang pansariling kapakanan,
tumatakbo hindi dahil gustong tumulong sa mga
mamamayan kundi gustong ibulsa ang kaban ng
bayan

Sino nga ba ang naghahalal sa kanila?


Mga mamamayan po

Tama, kaya mahalaga ang papel ng mamamayan sa


pagkakaroon ng mabuting pamamahala at ito ang
pag-aralan natin ngayong araw

B. Panlinang na Gawain

1. Pagtatalakay

Ang ating talakayan ngayong araw na ito ay


gagamitan natin ng dalawang (2) batayan o pag-
aaral tungkol sa estado ng demokrasya ng ating
bansa

Anu-ano ang mga ito? Ang Democracy Index at Corruption Perception


Index

Unahin muna natin ang Democracy Index, una sa


lahat ano nga ba ang salitang demokrasya? Ito ang isang uri ng pamahalaan na kung saan ang
mga mamamayan ang bumubuto ng mga
mamumuno sa bansa

Tama at ano nga ba ang Democracy Index? Isang panukat na binuo ng Economist Intelligence
Unit na tumutukoy sa kalagayan ng demokrasya sa
167 bansa sa bung mundo

Mahusay ! (Tatawag ng mag-aaral) Pakibasa


Ayon sa Democracy Index 2016 ang Pilipinas ay
panglimampu sa 167 na bansa

Ano kaya ang ibig sabihin nito?


Ibig sabihin po na mababa ang ranggo ng Pilipinas
pagdating sa pagkakaroon ng demokrasya

Magaling!
Paano mo masasabing isang demokratikong bansa
ang Pilipinas?

Masasabi ko pong demokratikong bansa ito kasi


may nagaganap pong eleksyon, na kung saan
malayang nakaboboto ang mga mamamayan nito

Mahusay!

Ngunit sa kabila ng pagdeklara na isa tayong


demokratikong bansa itinuturing parin na isang
Flawed Democracy ang Pilipinas

May nakakaalam ba ng Flawed Democracy ?

Hindi ganap na demokrasya o mahinang


demokrasya po
Tama. Narito pa ang ibig sabihin ng Flawed
Democracy. Pakibasa

Flawed Democracy - may malayang halalang


nagaganap at nirerespeto ang mga karapatan ng
mga mamamayan nito, ngunit may ibang aspekto
ng demokrasya ang nakakaranas ng suliranin tulad
ng pamamahala at mahinang politikal na
palikilahok ng mamamayan

Ano ang inyong pagkakaunawa sa Flawed


Democracy?
Ma'am ibig sabihin po hindi po tayo maituturing na
ganap na may demokrasya. May ilang Pilipino rin
po ma hindi lumalahok sa pagboto dahil sa iba't -
ibang rason

Magaling !

Sa katunayan, labing siyam na bansa lamang ang


maituturing na may ganap na demokrasya at
nangunguna rito ang bansang Norway

(Tatawag ng mag-aaral) Pakibasa


Democracy Index
 Noong 2012 ay nasa 69 ang ranggo ng
ating bansa sa index na ito
 Ang marka ng ating bansa para sa 2016 ay
ang pinakamataas nating nakuha sa
nakalipas na 10 taon
 Wala namang bansa sa Asya ang nakapasok
sa klasipikasyon bilang ganap na
demokrasya
 Ang mga bansang Japan at South Korea
ang itinuturing na may pinakamataas na
marka sa index bagamat kapwa ito
itinuturing na Flawed Democracy

Ano ang konklusyon mo tungkol sa mga binasang Ang aking konklusyon ay mababa parin ang pwesto
pahayag sa index ? ng Pilipinas pagdating sa standard ng pagiging
isang ganap na demokratikong bansa

Mahusay !

Ngayong natapos nating talakayin ang Democracy


Index, ang pangalawang pag-aaral naman na
Corruption Perception Index ang ating pagtuuunan
ng pansin

Ano nga ba ang Korapsyon? Ito po ang pagkuha o pagnanakaw ng pera ng bayan

Ano nga ba ang ikalawang pag-aaral na Corruption


Isang panukat na naglalaman ng pananaw ng mga
Perception Index? Pakibasa.
eksperto tungkol ssa lawak ng katiwalian sa isang
bansa

Tama. Ayon nga sa Transparency International,


isang pangkat na lumalaban sa katiwalian .
Pakibasa "Corruption ruins lives"

Paano kaya nakasisira o nakakaapekto sa mga


mamamayan ang Corruption? Mapipigilan po ang pag-unlad ng bansa at tatamaan
dito ang mga mamamayan lalo na pag hindi
nagamit sa tama ang buwis o pera ng bayan at
ginamit lamang ito sa pansariling interes

Mahusay!

Hindi maganda ang estado ng Pilipinas kung


katiwalian ang pag-uusapan, Narito ang datos ng
Corruption Perception Index. Pakibasa
Pagmamarka

0 - pinakatiwali

100 - pinakamalinis na pamahalaan

 Pinakamataas ang Denmark at New


Zealand sa markang 90/100
 Pinakamababa ang Somalia sa 10/100
 Ang Pilipinas ay nakakuha ng markang
35/100
 Pang 101 ang Pilipinas sa 176 na bansa
 120 na bansa ang hindi umabot sa 50
 Karamihan sa Asya-Pasipiko ang
mababang ranggo
 19 mula sa 30 bansa sa rehiyon ang
nakakuha lamang ng 40 pababa mula 100

Mababa parin ang ranggo ng Pilipinas, png 101


Ano ang pagkakaunawa ninyo tungkol sa tayo sa mahigit na 176 na bansa, ibig sabihin ay
kalagayan ng Pilipinas sa Corruption Perception talamak parin ang katiwalian sa pamahalaan pero
Index ? ipinapakita din nito na may pagbabago at may
iilang tapat parin sa kanilang tungkulin

Hamon sa atin na piliin ng mabuti at kilatisin ang


mga tumatakbo kasama ang mga nasa posisyon.
Dapat din n bantayan at malaman natin ang mga
ipinapatupad at pinapagawang proyekto
Batay sa dalawang (2) batayan na ito, ano ang
malaking hamon sa atin ?

Tama. At iyan ay ating tatalakayin sa mga susunod


na araw

C. Pangwakas na Gawain
Batay sa dalawang batayan, ipinapakita na mababa
1. Paglalahat ang ranggo ng Pilipinas sa pagkakaroon ng ganap
na demokrasya at sa usaping katiwalian ngunit
Bilang paglalahat, ano ang kalagayan ng ating
himdi pa naman huli ang bansa upang makabawi
bansa batay sa Democracy Index at Corruption
ito
Perception Index?

Sobrang mahalaga po sapagkat ang mga


2. Pagpapahalaga
mamamayan po ang namimili ng iluklok sa
Gaano nga ba kahalaga ang papel ng mamamayan pamahalaan, hawak natin ang ating kinabukasan at
sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala? nasa atin din kung kaninong kamay natin ito
ipapaubaya

Mahusay !

IV. Pagtatasa

Bilang bahagi ng inyong pagsusulit magkakaroon


kayo ng maikling aktibidad. Sa mga nakatalagang
mga grupo, narito ang inyong mga gawain. Unang Pangkat
Mayroon kayong 5-7 minuto upang maghanda at 3 Sa pamamagitan ng News Reporting, talakayin ang
minuto sa presentasyon iba't-ibang uri ng katiwalian o suliranin ng
pamahalaan

Pangalawang Pangkat

Sa pamamagitan ng Role Playing, magpakita ng


isang eksena ukol sa suliranin o katiwalian sa ating
pamahalaan at posibleng solusyon nito

Pangatlong Pangkat

Sa pamamagitan ng Sabayang Pagbigkas (2-3


saknong), ipahayag ang papel ng mga mamamayan
sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala

Pang-apat na Pangkat

Sa pamamagitan ng Jingle, ipahayag kung anong


magiging kalagayan ng isang demokrtaikong bansa
kapag walang katiwalian

Pamantayan puntos

Kaangkupan sa paksa 10

Kaayusan/organisasyon 10

Partisipasyon 10

Kabuuan 30
V. Takdang Aralin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat sa kwaderno

1. Ano ang Participatory Governance?

2. Anu-ano ang paraan ng pagpapakita nito?

3. Paano mo ihahambing ang inyong barangay sa ibang lugar na nagsasagawa ng Participatory


Governance?

Sanggunian: Araling Panlipunan 10. Modyul ng Mag-aaral p. 412-418

Inihanda ni:

MICHELLE ANN T. GARBIN

Practice Teacher

Iwinasto ni:

MRS. ANA L. VIADO

Cooperating Teacher

Vous aimerez peut-être aussi