Vous êtes sur la page 1sur 3

Ang Islam (Arabiko: ‫ ;اإلسالم‬al-islām), "pagsuko (sa kalooban ng Diyos)", ay isang pananampalatayang

monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Ito ay isang Abrahamikong relihiyon
kasama ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't malapit na kamag-anak ng mga pananampalatayang ito.[1]
Naniniwala ang mga tagasunod ng Islam na kilala bilang mga Muslim[2] na ipinahayag ng Diyos (Allah sa
Arabo) ang kanyang banal na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang mga
propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng IAng Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista
(naniniwala sa iisang diyos lámang) na nakabatay sa búhay at pinaniniwalaang mga katuruan ni Hesus na
pinaniwalaan ng mga Kristiyano na isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo. Ito ay ang
pinakamalaking relihiyon sa kasalukuyan sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong táong
kasapi nito.

Ang Kristiyanismo sa simulang kasaysayan nito noong mga maagang siglo nito ay hindi isang
nagkakaisang kilusan ngunit binubuo ng mga pangkat na may mga magkakatunggaling pananaw na
gumagamit ng mga iba't ibang kasulatan.[1] Ang kanon ng Bagong Tipan (na tinatanggap ng marami
ngunit hindi lahat ng Kristiyano sa ngayon) na nabuo lamang noong ika-4 siglo CE ang kanon na
pinagpasyahan ng isang pangkat ng Kristiyano. Sa karagdagan, ang mga kasunduan sa teolohiya ay
nabuo lámang sa mga Unang Pitong Konsilyo na nagsimula lamang noong ika-4 siglo CE kung saan ang
pangkat na nanalo sa mga halalang ito ang naging ortodoksiya. Ang mga konsehong ito ay sinimulan ni
Emperador Constantino upang maabot ang isang pagkakaisa ng mga magkakatunggaling sektang
Kristiyano sa kanyang Imperyong Romano. Sa mga konsehong ito na kinondena ng nanalong ortodoksiya
ang kanilang mga katunggaling sektang Kristiyano na natalo sa mga halalang ito bilang mga eretiko. Ang
ortodoksiya ang ginawang opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano ni Emperador Theodosius I at
kanyang sinupil ang ibang mga sektang Kristiyano gayundin ang mga relihiyong pagano na katunggali ng
ortodoksiyang ito. Kalaunan, ang ortodoksiya ay nagkabaha-bahagi sa iba't ibang mga pangkat dahil sa
mga hindi mapagkasunduang doktrina.

Ang mga pagkakabaha-bahaging ito ay nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon dahil sa
mga iba't ibang magkakatunggaling interpretasyon tungkol sa tunay na kalikasan at mga katuruan ni
Hesus. Ang mga karamihan sa mga sektang ito ay nag-aangkin na sila ang isang totoong simbahang
Kristiyano at ang ibang mga sektang Kristiyano ay hindi totoo slamAng Budismo o Budhismo (Sanskrit:
Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang Daan ng Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiya na
nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5
siglo BCE.

Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang "Buda", na isang dakilang mangangaral
na nabuhay noong 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang bahagi ng Indiya. Ang Buddha ay
nangangahulugang "ang isang naliwanagan" sa Sanskrit at Pāli. Ang Buddha ay namuhay at nagturo sa
silanganing bahagi ng subkontinenteng Indiyano sa pagitan ng ika-6 hanggang ika-4 siglo BCE.[1] Siya ay
kinikilala ng mga Budista na isang naliwanagan na nagbahagi ng kanyang mga kabatiran upang tumulong
sa mga may kamalayang nilalang na wakasan ang pagdurusa (dukkha) sa pamamagitan ng pagtatanggal
na kamangmangan (avidyā) sa pamamamagitan ng pag-unawa at pagkita sa nakasalalay na pinagmulan
(pratītyasamutpāda) at pag-aalis ng pagnanasa (taṇhā), at kaya ay makakamit ang pinakamataas na
kaligayahan na nirvāņa.[2]

Ang dalawang mga pangunahing sangay ng Budismo ay pangkalahatang kinikilala: ang Theravada ("Ang
Paaralan ng mga Nakatatanda") at Mahayana ("Ang Dakilang Sasakyan"). Ang Theravada ay may
malawakang mga tagasunod sa Sri Lanka, Timog Silangang Asya. Ang Mayahana ay matatagpuan sa
buong Silangang Asya (Tsina, Korea, Hapon, Vietnam, Singapore, Taiwan etc.) at kinabibilangan ng mga
tradisyon ng Dalisay na Lupain, Zen, Budismong Nichiren, Budismong Tibetan, Shingon, at Tiantai
(Tendai). Sa ilang mga klasipikasyon, angVajrayana na pangunahing sinasanay sa Tibet at Mongolia at
mga kalapit na bahagi ng Tsina at Rusya ay kinikilala na ikatlong sangay samantalang ang iba ay umuuri
dito bilang bahagi ng Mahayanan. Bagaman ang Budismo ay nananatiling pinakasikat sa loob ng Asya,
ang parehong mga sangay nito ay matatagpuan na ngayon sa buong mundo. Ang mga Budismo sa buong
mundo ay tinatayang sa pagitan ng 350–500 milyon [3][4][5] o sa pagitan ng 1.2 - 1.7 bilyon.[6][7][8] Ito
ay kinikilala rin bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong relihiyon sa buong mundo.[9][10][11][12]

Ang mga eskwela ng Budismo ay iba iba sa eksaktong kalikasan ng landas tungo sa kalayaan, ang
kahalagahan at kanonisidad ng iba't ibang mga katuruan at kasulatan at lalo na ang kanilang mga
respektibong kasanayan.[13] Ang mga pundasyon ng tradisyong Budista at kasanayan ang Tatlong Hiyas
(Triple Gem/Tirattana). Ang Tatlong Hiyas ay ang Buda (Ang naliwanagan), ang Dharma (Mga katuruan
ng Buda), at ang Sangha (Komunidad ng mga Budista). Ang pagkanlong sa Tatlong Hiyas ay tradisyonal
na isang paghahayag at pagtatalaga ng sarili sa pagiging nasa landas na Budista at sa pangakalahatang ay
nagtatangi ng isang Budista mula sa isang hindi-Budista.[14] Ang ibang mga kasanayan ay maaaring
kabilangan ng mga sumusunod na mga patakarang etikal; pagsuporta sa pamayahanang monastiko;
pagtakwil sa nakagawiang pamumuhay at pagigign isang monastiko; pag-unlad ng pagiging mapagmasid
at pagsasanay ng pagninilay-nilay; pagpapalago ng mas mataas na karungungan at pagkawari; pag-aaral
ng mga kasulatang Budista; mga pagtutuong kasanayan, mga seremonya at sa tradisyong Mahayana ay
paghimok ng mga buddha at bodhisattva. Ang Hinduismo ay isang nananaig na relihiyon[1][2] ng
subkontinenteng Indiano. Ang Hinduismo ay kinabibilangan ng Shaivismo, Vaishnavismo at Śrauta at iba
pa. Sa ibang mga pagsasanay at pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabibilangan ng isang malawak na
spektrum ng mga batas at preskripsiyong mga "pang-araw araw na moralidad" batay sa karma, dharma,
at iba pang mga norm ng lipunan. Ang Hinduismo ay isang konglomerasyon ng natatanging mga
pananaw na intelektuwal o pilosopikal sa halip na isang hindi mababagong karaniwang hanay ng mga
paniniwala.[3]

Ang Hinduismo ay nabuo sa mga iba't ibang tradisyon at walang isang tagapagtatag.[4] Kabilang sa mga
direktang ugat nito ang historikal na relihiyong Vediko ng Indiang Panahong Bakal at sa gayon, ang
Hinduismo ay kadalasang tinatawag na "pinakamatandang nabubuhay na relihiyon"[5] sa
mundo.[1][6][7][8]
Ang isang klasipikasyong ortodokso ng mga tekstong Hindu ay hatiin sa mga tekstong Śruti ("nahayag")
at Smriti ("naalala"). Ang mga tekstong ito ay tumatalakay sa teolohiyang Hindu, pilosopiyang Hindu,
mitolohiyang Hindu, mga ritwal, mga templong Hindu at iba pa. Ang mga pangunahing kasulatang
relihiyoso ng Hindu ay kinabibilangan ng mga Veda, Upanishad, Purāṇas, Mahābhārata, Rāmāyaṇa,
Bhagavad Gītā at Āgamas.

Ang Hinduismo na may mga isang bilyong mga tagasunod ang ikatlong pinakamalaking relihiyon sa
buong mundo pagkatapos ng Kristiyanismo at Islam

Vous aimerez peut-être aussi