Vous êtes sur la page 1sur 39

Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Kabanata 1

PANIMULA

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang salita ay instrumento na ginagamit upang

maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan, makapagbibigay ng

kaisipan at pananaw. Sa tulong nito, nakabubuo tayo ng mga

ideya na maaaring makalinang sa ating higit na pag-unawa.

Tinuturing ang salita bilang yunit ng wika na

nagdadala ng kahulugan at binubuo ng isa o higit pang

morpema, na higit-kumulang mahigpit na sama-samang

magkakaugnay at may halagang ponetika. Tipikal na binubuo

ang salita ng isang ugat at mayroon o walang panlapi.

Maaaring pagsamahin ang salita upang makabuo ng mga

pananalita, parilala, sugnay at pangungusap.

May mga salitang lubhang malalim o mahirap bigyan ng

angkop na kahulugan na naging dahilan ng hindi mabisang

pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ay naging hadlang sa

pagtamo ng epektibong ugnayan sa pagitan ng guro at mga-

aaral. Dagdag pa, ang maling pagkaunawa o pag-intindi sa

totoong kahulugan ng salita ay nagdudulot ng kalituhan sa

1
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

mga mag-aaral at posibilidad na makabuo ng maling konsepto

o pananaw.

Sa tulong ng guro bilang isa sa may pinakamalaking

papel na ginagampanan sa buhay ng estudyante ay tungkulin

niyang makahanap o makagamit ng solusyon kung paano

maunawaan ng mag-aaral ang mga salitang may malalim na

kahulugan. Kinakailangan ng guro na magkaroon ng teknik na

maging paraan upang ang isang di- malinaw na bagay ay

matukoy at mabigyan ng sapat na pag-intindi.

Ayon kina Rhoder at Heurter (2002) ang isang mambabasa

upang maging matagumpay sa pag-uunawa ng isang hindi

kilalang salita, ito ay depende sa kung gaano karaming

beses ang salita ay iniharap sa konteksto, kung ang

konteksto ay pasalita o nakasulat, ang kakayahan ng mga

mambabasa na gamitin ang context clues at kung ang

konteksto ay sapat. Kailangan ang mambabasa ay may kaalaman

at background na impormasyon sa konteksto, ito ay mas

madali para sa isang mag-aaral upang malaman ang isang

hindi pamilyar na salita. Dapat ito ay mahalaga upang

isaalang-alang ang kakayahan at background na kaalaman ng

2
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

mga partikular na reader kapag isinasaalang-alang ang

paggamit ng kontekstong pahiwatig.

Dagdag pa, ito ay mahalaga upang maituro sa mga mag-

aaral kung paano gamitin ang konteksto upang makilala ang

hindi kilalang mga salita (Goerss et al., 1999).

Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng

pagpapakahulugan sa mga salita ng mga mag-aaral sa

ikapitong baitang gamit ang kontekstwal klu bilang teknik.

Layunin din ng pag-aaral na ito na masagot ang

sumusunod na katanungan:

1. Ano ang antas ng kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga

mag-aaral bago at pagkatapos gamitin ang context clues?

2. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng

kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga mag-aaral bago at

pagkatapos gamitin ang context clues?

3
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Ipotesis

Batay sa mga inilahad na suliranin, ang ipotesis ng pag-

aaral na ito ay:

1. Walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahusayan

sa pagpapakahulugan ng mga mag-aaral bago at pagkatapos

gamitin ang context clues.

Banghay Teoritikal

Ang pag-aaral na ito ay isasalig sa dalawang teorya ng

pagbasa, ang teoryang Bottom-Up at Top – Down.

Ayon sa teoryang Bottom-up, ang pagbasa ay ang

pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang

maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang

ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-

yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at

pangungusap ng teksto, bago pa man ang pagpapakahulugan sa

buong teksto.

Ang proseso ng pag- unawa, ayon sa teoryang ito, ay

nagsisimula sa teksto (botom) patungo sa mambabasa (up)

kaya nga tinawag itong bottom-up.

4
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Sa teoryang Top-Down ang pananaw na ito ay impluwensya

ng sikolohiyang Geatalt na naniniwalang ang pagbasa ay

isang prosesong holistik. Ayon sa proponent nito, ang

mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng

pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior

knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling

kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang

ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa

pamamagitan ng teksto.

Tinatawag din itong teoryang inside out o

conceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay

nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay

nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang

dating kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan

mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga

nito, nakakabuo siya ng mga palagay at hinuha na kanyang

iniuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang

teksto.

5
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Banghay Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa paggamit ng

context clues bilang teknik sa pagtukoy sa antas ng

kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga salita.

Sa pag-aaral na ito ay inaalam ang antas sa kahusayan

sa pagpapakahulugan ng mga salita ng mga mag-aaral sa

ikapitong baitang ng FMSHS sa taong panuruan 2016-2017.

Ang representasyong iskematiko ng pag-aaral na ito ay

inilarawan sa dayagram na makikita sa Larawan 1.

Malayang salik Di Malayang Salik

Antas ng kahusayan
Kontekstwal clues sa pagpapakahulugan
ng mga salita

Larawan 1. Ang pagkakaugnay ng malaya at di- malayang salik

sa antas ng kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga salita.

6
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa upang mabigyang

kaalaman at kapakinabangan ang mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa

kanila upang magkaroon ng kaalaman at mabatid ang angkop na

kahulugan ng salita. Sa tulong ng pananaliksik na ito ay

mabigyang linaw o kasagutan ang maling pag-unawa sa mga

salita na naging hadlang sa hindi mabisang pakikipag-

ugnayan.

Guro. Makatutulong ito sa kanila upang makapili ng

angkop na teknik na magagamit upang maipaunawa sa mga mag-

aaral ang tamang kahulugan ng salita. Dagdag pa, ito ang

kapakipakinabang at mabisang paraan sa mas madaling ugnayan

ng guro sa mag-aaral.

Magulang. Mahalaga ito sa kanila sa pagsubaybay ng

kaalaman o natutunan ng kanilang mga anak sa loob ng klase.

7
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Makakatulong ito upang magkaroon sila ng interaksyon

kaugnay sa buhay pag-aaral ng kanilang mga anak.

Tagapamahala ng Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay

maaaring gawing batayan upang matugunan ang mga suliranin

sa pagpapakahulugan at lubos na maunawaan ang ideya o mga

kaisipang makatutulong sa kanilang pag-unlad.

Mananaliksik. Makakatulong ito sa iba pang

mananaliksik sa hinaharap na magnanais na magsagawa ng

masusing pag-aaral tungkol sa kahusayan ng pagpapakahulugan

ng mga salita gamit ang kontekstwal klue. Ito’y maaari

nilang gawing gabay o basihan ng pangangalap ng impormasyon

na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral at iba pang

pananaliksik na isasagawa.

Saklaw at Limitasyon ng pag-aaral

Sasaklaw ang pag-aaral na ito sa paggamit ng

kontekstwal klue bilang teknik sa pagtukoy sa antas ng

kahusayan sa pagpapakahulugan sa mga salita ng mga mag-

8
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

aaral sa ikapitong baitang ng FMSHS sa taong panuruang

2016-2017.

Susuriin sa pag-aaral na ito ang epekto ng paggamit ng

kontekstwal klues sa mga mag-aaral. Bibigyang pansin din

kung paano madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang mga

salitang may mahirap o malalim na kahulugan.

Ang tagatugon sa pag-aaral na ito ay tatlumpung (30)

mag-aaral ng nasabing paaralan.

Katuturan ng mga Katawagan

Para sa higit na ikalilinaw ng mga katawagang ginamit

sa pag-aaral ang sumusunod ay bibigyan ng kontekstwal at

operasyonal na kahulugan.

Kontekstwal Klues. Kahulugan ng salita buhat sa

pagkakagamit ng pahiwatig na kahulugan ng iba pang mga

salita sa loob ng pangungusap. Sa madaling salita, ang

kontekstwal klues ay ang mga salitang nakapalibot sa isang

salita at ang pagkakagamit nito sa pangungusap ay maaring

9
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

magbigay ng pahiwatig kung ano ang kahulugan ng mga

salitang ito.

(Perla Garnace-Ulit et.al. Komunikasyon sa Akademikong

Filipino- Filipino 1, 2014)

Sa pag-aaral na ito, ang kontekstwal klue ay ang

teknik na gagamitin upang matukoy ang antas ng kahusayan sa

pagpapakahulugan ng mga mag-aaral.

Teknik. Ito ay tiyak na gawain na malinaw na makikita

sa pagtuturo at konsistent sa isang pamaraan at katugong

dulog. Tumutukoy din ito sa mga gamiting pagsasanay o

gawain sa loob ng klasrum upang maisakatuparan ang mga

layunin ng isang aralin. (Paquito B. Badayos. Metodolohiya

sa Pagtuturo ng Wika, 2014)

Sa pag-aaral na ito ang teknik ay tumutukoy sa

kontektwal klue.

Pagtukoy. Pagsasabi o pagbanggit sa anuman o sinuman.

Ito’y pagtuturo sa anuman o sinumang ibig nakukunan ng

impormasyon o anumang kailangan.

10
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

(Diksyunaryo ng Wikang Filipino)

Ang pagtukoy sa pag-aaral na ito ay nangangahulugan ng

isang pag-alam, pagtuklas o pagbatid ng kahusayan ng

kontekstwal klu sa pagpapakahulugan sa mga salita.

Antas. Kalagayan ng karangalan, pagkatao, kaunlaran, o

iba pang kauri. ( Halimbawa,mataas na antas ng pamumuhay).

Ito’y maaring isang baitang sa paaralan na batay sa

kaunlaran ng mga nagsisipag-aral. Ito ay lebel na iyo nang

narating.

(Diksyunaryo ng Wikang Filipino at http://tl.answers.com/).

Sa pag-aaral na ito ang antas ay tumutukoy kung gaano

kahusay ang mag-aaral sa pagbibigay kahulugan sa mga

mahihirap na salita.

Kahusayan. Kagalingan ,lebel kung gaano kahusayan o

bihasa sa isang bagay. Ito’y tmutukoy sa kaekspertuhan,

kainaman, kabutihan at kaayusan.

(Diksyunaryo ng Wikang Filipino) (http://tl.answers.com/)

11
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Sa pag-aaral na ito ang kahusayan ay tumutukoy sa

kagalingan ng mga mag-aaral sa pagbibigay kahulugan sa

salita.

Pagpapakahulugan. Pagbibigay o pagpapaliwanag sa ibig

sabihin ng anuman ayon sa sariling pagkaunawa. (The New

Illustrated Filipino-Filipino Dictionary w/ English –

Revised Edition)

Sa pag-aaral na ito, ang pagpapakahulugan ay ang

pagbibigay kahulugan o paliwanag sa mga salitang nasa

teksto gamit ang mga kontekstwal na pahiwatig o kontekstwal

klu.

Salita. Bilang yunit ng wika na nagdadala ng kahulugan

at binubuo ng isa o higit pang morpema, na higit-kumulang

mahigpit na sama-samang magkakaugnay, at may halagang

ponetika. Sa pakikipag-usap, ang salita ay ang bawat bigkas

na kumakatawan sa anumang bagay. Ito’y mga titik na

kumakatawan sa anumang bagay. Ito ay isa ring maikling

pangungusap.

12
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

(Wikipediang Tagalog, ang malayang

ensiklopedya)(Diksyunaryo ng Wikang Wilipino)

Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa mga mahihirap na

salita na kinakailangang mabigyan ng sapat na pag-unawa o

pagpapakahulugan. Ito ang mga salitang kailangang gamitan

ng kontekstwal klue upang mabatid ang kahulugan.

13
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Kabanata 2

KAUGNAY NA BABASAHIN AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na

babasahin at pag-aaral tungkol sa antas ng kahusayan sa

pagpapakahulugan ng mga salita gamit ang context clues

bilang teknik.

Ayon sa aklat ni Paquito B. Badayos (2014),ang teknik

ay ang mga tiyak na gawain na malinaw na makikita sa

pagtuturo at konsistent sa isang pamaraan at katugong

dulog.

Ang mga teknik na gagamitin ay maaaring pagpaparinig

ng mga musikang Baroque habang nagbabasa ng isang tula o di

kaya’y pag-upong nasa posisyong yoga nabang nakikinig sa

isang pahayag.Ito’y maituturing na alinman sa mga

pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum upang maisakatuparan

ang mga layunin ng isang aralin.

Ang Pagtuturo at Paglinang ng Talasalitaan

Ano ang Talasalitaan?

14
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Ayon sa mga Anglo-Saxon, ang talasalitaan ay isang

imbakan ng mga salita na dapat angkinin at mahalagahin. Sa

mga Intsik naman, ito’y isang malawak na dagat ng mga

salita na dapat hulihin.

Gumagamit tayo ng mga salita sa pagpapahayag ng ating

naiisip at nadarama. At dapat isaisip na mahalaga ang

wastong paggamit ng mga salita sa ating pang-araw-araw na

pakikipatalastasan. Ngunit dapat ding mabatid na ang ganap

na kawastuhan at kaliwanagan ng isang mensahe ay nakabatay

sa mga salitang ating pinipili. Ang mga salita bilang

pinakamahalagang sangkap ng wika ay mauuri natin sa

dalawang pangkat: mga salitang pangnilalaman ( Content

words) at mga salitang pangkayarian ( Function words)

1. Mga Salitang Pangnilalaman- Ito ang mga salitang may

tiyak na kahulugan at nagsisilbing mahahalagang salita

sa loob ng pangungusap. Ang mga salitang ito’y

maaaring tumukoy sa isang tao, halimbawa, titser;

isang bagay-lapis;kilos o galaw-tumayo, lumundag,

katangian-maganda; o di kaya’y isang kalagayan-

matiwasay. Ang mga salitang ito’y may taglay nang

15
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

sariling kahulugan kahit na hindi pa isama sa ibang

salita. Kabilang sa mga pangnilalaman ay mga

pangngalan, pandiwa, pang-uri at pang-abay.

2. Mga Salitang Pangkayarian- Ito ay mga salita o kataga

na nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan kapag nasa

pangungusap at tungkulin nito na mapagsama-sama at

mapag-ugnay-ugnay ang mga salitang pangnilalaman ang

mga pangatnug, pang-angkop, pang-ukol, pantukoy at

pangawig.

Ang Paglinang ng Talasalitaan

Ang pagtatamo ng mga salita ay maaaring bunga ng

isang paglinang ng isang talasalitaan. Ayon kay Channell

(1988), ang isang bagong talasalitaan ay maangkin lamang ng

mag-aaral kung maibibigay niya ang kahulugan alinsunod sa

gamit nito sa loob at labas ng isang konteksto at magagamit

din niya ito nang buong husay sa pakikipagtalastasan.

1. Ano ang ibig sabihin ng pag-alam sa kahulugan ng isang

salita?

16
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Kailangang may sapat na kamalayan sa iba’t ibang

katangian ng isang salita ang mag-aaral bago lubusang

sabihin na alam niya ang salitang ito. Dapat may

kabatiran ang mag-aaral sa kahulugan nito sa

kasalukuyang konteksto;ang pagkakatulad at pagkakaiba

nito sa ibang salita na may katulad na kahulugan; ang

ibang kahulugan na maaari nitong taglayin; ang ibang

anyo nitong gramatika;paano ginagamit ang salita at

mga sitwasyong pinaggagamitan nito.

Halimbawa: Pansinin ang iba-ibang kahulugan ng mga

salitang iisa ang baybay ngunt magkaiba ng bigkas.

a. Tubo

Maaaring kahulugan:

tubó-isang uri ng pananim

tubo-bakal na padaluyang tubig

tubò-pakinabang sa isang negosyo

tubô-sumibol na

b. Paso

Maaring kahulugan:

paso-makitid nadaan

17
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

pasó-lipas na

pasô-taniman ng halaman

pasò-nalapnos dahil sa init

2. Mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Paglinang ng

Talasalitaan

May ilang salik na nakakaapekto sa paglinag ng

talasalitaan ng mga mag-aaral. May mga pag-aaral na

nagpapatunay na ang mga salitang natutuhan sa

pamamagitan ng aktibong paggamit nito ay higit na

matatandaan kaysa sa mga salitang naririnig lamang o

nababsa kaya. Ang pag-uulit at malimit na paggamit ng

mga salita ay mahalaga para sa pagtatamo nito. Ang

sampung minutong pagsasanay sa paglinang ng

talasalitaan araw-araw ay mas mabisa kaysa sa minsanng

limampung minutong pagkaklase.

3. Mga Talasalitang Aktib at pasib

Aktib at pasibong ngagamit ng isang taal na

tagapasalita ng wika ang mga salita o talasalitaan.

18
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

 Aktibong ginagamit ng isang tao ang mga salita

kapag siya’y nagtatalumpati o di kaya’y

nagsusulat.

 Pasibong nagagamit ang mga salita sa pakikinig at

pagbasa. Ito’y tumutukoy sa kakayahan ng isang

tao na maunawaan ang mga salitang ginagamit at

pagsasalita at pagsulat ng ibang tao.

4. Ang Aktibo at Pasibong Gamit ng mga Salita

Tinatayang mas maraming salita ang nauunawaan ng

isang tao kaysa sa mga salitang aktibo niyang

nagagamit. Ayon kina Richards et.al (1985), ang isang

taal na tagapagsalita ng wika ay maaaring magtaglay ng

mahigit sa 100,000 pasibong talasalitaan ngunit ang

taglay niyang aktibong talasalitaan ay maaaring nasa

pagitan lamang ng 10,000 hanggang 20,000 salita.

Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, dapat pagpasiyahan

ng guro ang mga salitang sa palagay niya’y karapat-

dapat na ituro para sa aktibong gamit at aling mga

salita ang mahalagang nakikilala o natutukoy ng mga

mag-aaral kapag sila’y nakikinig o nagbabasa. Kaya sa

19
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

pagtuturo ng talasalitaan, hindi kailangang bigyan ng

magkakaparehong diin ang mga salitang nililinang.

Upang lubusang malinang ang aktibong talasalitaan ng

mga mag-aaral, kailangang maglaan ang guro ng mahaba-

habang panahon para sa pagbibigay ng mga halimbawa,

pagbibigay ng mga tanong at paglikha at paglikha ng

mga pagsasanay kung saan magagamit ng mga mg-aaral ang

natutunang mga bagong salita. Madaling maituro ang mga

pasibong talasalitaan. Halimbawa, maaaring himukin ang

mga mag-aaral na hulaan ang kahulugan ng isang salita

ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Dapat ding

ipabatid sa mga mag-aaral na hindi nila kailangang

alaming lahat ang kahulugan ng mga salitang

makahaharap nila sa araw-araw. Sa halip,

kinakailangang marunong silang pumili ng mga salitang

sa palagay nila’y kapaki-pakinabang. Higit pa rito,

malamang na makatagpo ang mga mag-aaral ng mga

salitang palagay nila’y mahalaga para sa kanilang

personal na pangangailangan, ituro man ito o hindi ng

guro.

20
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Ang mga salita at pagpapakahulugan sa mga ito.

Maraming dapat alamin ang guro tungkol sa kalikasan

at katangian ng mga salita kung nais niyang maituro nang

mahusay ang talasalitaan. Talakayin sa bahaging ito ang

ilang konsepto o kaisipan na may kaugnay sa mga salita at

ang kanilang taglay na kahulugan.

1. Denotasyon - Kung pinag-uusapan ang mga

pagpapakahulugan sa isang salita, karaniwan nang

tinutukoy ay ang kahulugan nitong konseptwal, iyong

kahulugang nag-uugyan dito sa isang bagay, tao, lugar

o pangyayari. Ito ang tinatawag nating kahulugang

denotatib. Halimbawa, ang denotasyon ng salitang bahay

ay isang tirahan-isang gusali na itinayo para tirahan

ng tao. Nanatili ang kahulugang ito kahit na sa iba’t

ibang konteksto. Ang denotatibong kahulugan ay

ipinalalagay na sentral o pangunahing kahulugan ng

isang talasalitaan.

2. Konotasyon-Bukod sa kahulugang denotatibo, ang isang

salita ay maaaring magtaglay ng mga pahiwatig na

emosyunal o pansaloobin. May mga salitang nagtataglay

21
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

ng positibo o negatibong konotasyon. Samantalang ang

iba’y maaaring neutral ang kahulugan. Suriin natin ang

mga salitang panukala at panaka na parehong

ngangangahulugan ng isang proyekto o proposisyon. Kung

ang panukala ay may posotibong konotasyon, negatibo

naman ang pahiwatig ng salitang pakana.

Ang pagpapakahulugan ng konotatibo ay maaaring mag-

iba-iba ayon sa saloobin, karanasan at sitwasyon ng isang

tao. Halimbawa, ang mga salitang dagat ay maaring magkaroon

ng iba-ibang pakahulugan tulad ng malawak, tahimik,

masungit, mapanganib atb.

Mayroon ding pagpapakahulugang konotatibo na kaugnay

sa sosyo-kultural na kaligiran na ikinakapit ng isang

pangkat ng tao sa isang aytem na leksikal. Ang kulay pula,

halimbawa, ay may konotasyon ng kasaganaan at magandang

kapalaran para sa mga Intsik, samantalang sa ibang tao,

ito’y maaaring maghudyat ng panganib o di kaya’y

pagsalakay.

22
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

3. Salita sa Maraming Kahulugan(Polysemy)- May mga salita

na iisa ang anyo subalit nagtataglay ng dalawa o

mahigit pang kahulugan. Polysemous ang tawag sa mga

salitang ito. Kung babasahin o di kaya’y maririnig

natin ang salitang kamay, agad pumapasok sa ating

isipan na ito’y bahagi ng ating katawan. Ngunit maaari

itong magtaglay ng iba-ibang kahulugan gaya ng mga

sumusunod na halimbawa: kamay na bakal, mahabang

kamay, malikot na kamay at iba pa.

Samakatwid, hindi sapat na masabi ng mga-aaral ang

kahulugan ng salita ayon sa pgkakagamit nito na

nagpapakita ng isang dimension ng kakayahang

komunikatibo sa mga mag-aaral.

Ang Pag-uugnay ng mga Salita

1. Kasingkahulugan- May mga salita na halos pareho ang

kahulugan. Kung ang isang salita ay may kahulugang katulad

o halos kasingkahulugan ng isang salita, gaya ng yungib at

kweba, magkasingkahulugan ang tawag sa mga salitang ito.

Iba pang mga halimbawa:

23
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

a. Magsagupa-mag-away

b. Namataan-nakita

c. Mapintog-matambok

d. Bagwis-pakpak

e. Suhay-tukod

f. Supling-anak

g. Sukab-taksil

h. Mandambong-magnakaw

Ngunit dapat linawin sa mag-aaral ang lawak ng gamit

ng mga salitang magkakasingkahulugan. Halimbawa: may

magkakasingkahulugang salita na hindi maaaring magkapalitan

sa gamit tulad ng matangkad at matayog.

Matangkad ang babae.

Matayog ang puno.

2. Magkasalungat- Ang mga salitang kabaligtaran ng

kahulugan ng isang salita ay sinasabing kasalungat na

salita.

Halimbawa:

24
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Komplimentaryo Mga naaantas/Nasusukat Tugunang

salita

Lalake-babae malaki-maliit magbigay-

tumanggap

Buhay-patay malamig-mainit bumili-

magbili

Puti-itim mataba-payat limot-tandaan

Ang mga salitang magkasalungat ay mauuri natin bilang

komplimentaryo, mga naantas o nasusukat at mga

tugunang salita.

3. Mga Hayponim ( Hyponym)

4. May nga salita na magkakaugnay sa kahulugan kaya’t ang

kahulugan ng isang salita ay maaring sumaklaw sa

kahulugan ng iba pang salita, iyon nga lamang mas

pangkalahatan ang kahulugan ng isang salaita kaysa

karamihan. Halimbawa, sa salitang muwebles, kasama

nito ang tiyak na salitang silya-ito ang tinatawag na

hayponim. Ang tawag naman sa salitang muwebles ay

superordineyt.

25
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Ayon sa teoryang National – Functional Syllabus ni

David Wilkins Higas at Clifford (1992) mula sa aklat ni

Badayos (1999), upang matamo ang kakayahang komunikatibo,

kailangang pantay na isinaalang-alang ang pagtatalakay sa

mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ng

wikang ginamit ng teksto.

Ang National Reading Panel (NRP) ay pinagsama-sama ng

isang ulat (National Institute of Child Health at Human

Development, 2000) sa pagkilala at pag-aaral sa bokabularyo

bilang isa sa limang kilalang mga bahagi ng proseso ng

pagbabasa. Ang isang paraan upang suportahan ang

bokabularyong pag-unlad at pag-unawa sa kahulugan ng salita

ay sa pamamagitan ng paggamit ng kontekstong pahiwatig.

Ayon sa isinumiting pag-aaral ni Weli Surya Kencana

pinag-aralan niya ang pagpapabuti ng kasanayan sa pagbasa

sa pamamagitan ng Kontekstwal klu. Dito tinalakay ang mga

kasanayan sa pagbasa sa tulong ng paggamit ng "kontekstwal

26
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

klu o pahiwatig sa paghahanap ng kahulugan ng hindi

pamilyar na salita.

Ang pag-aaral ni(Lapp at Baha, 1997) ay nagsasad na

ang isang paraan upang suportahan ang pagkilala ng salita

at kahulugan ay sa pamamagitan ng paggamit ng kontekstong

pahiwatig. Ang Context clues ay maaaring makatulong sa

kahirapan ng mambabasa sa pagbuo, pagkilala at pag-unlad ng

mga kahulugan ng salita.

Pagbasa; Kahulugan , Proseso , Katangian at Teorya

Pagbasa - ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at

kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang

pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sa

pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo.

Proseso at Katangian

1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na

27
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong

nababasa.

2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o

kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.

3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang

kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong

binasa.

4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang

nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.

Teorya

1. Teoryang Bottom-up

Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng

mga serye ng mga nakasulat na simbulo upang maibigay ang

katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang

pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong

pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap

ng teksto,bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto.

Ang proseso ng pag- unawa, ayon sa teoryang ito, ay

nagsisimula sa teksto (botom) patungo sa mambabasa (up)

28
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

kaya nga tinawag itong bottom-up.

2. Teoryang Top-down

Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang

Geatalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong

holistik. Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang

napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya

ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na

nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa

wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang

siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng

teksto.

Tinatawag din itong teoryang inside out o conceptually-

driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa

mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil ang

mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga

konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga

karanasan at pananawa sa paligid. Bunga nito, nakakabuo

siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga

ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.

29
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

3. Teoryang Interaktib

Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa

wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang

mambabasa ay gumagamtit ng kanyang kaalaman sa wika at mga

sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang

interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang

interaksyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi-

directional.

Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay diin sa

pag-unawa sa pagbasa bilang proseso at hindi bilang

produkto.

4. Teoryang Iskima

Ayon sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong

nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima.

Samakatwid , bago pa man basahin ng isang mambabasa ang

isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng

teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaring binabasa

niya lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o

hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat

30
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

baguhin. Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input

lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang

iniikutan ng proses ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo

sa isipan ng mambabasa.

31
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Kabanata 3

Metodolohiya

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo ng pag-

aaral, pook na pinangyarihan ng pag-aaral, ang mga

tagtugon, teknik sa pagpili ng tagatugon, ang bilang ng

tagatugon, talatanungan, paraan ng pagkalap ng mga datos at

pag-aanalisa ng mga datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Quasi-Experimental

Design upang malaman ang antas ng kahusayan sa

pagpapakahulugan ng mga salita gamit ang kontekstwal klu.

Ayon sa aklat na “ Research Based Teaching and

Learning” nina Rosita L. Navarro, Ph.D. at Rosita G. Santos

Ph.D (2011), ang Quasi-Experimental Design ay isang pag-

aaral kung saan ang mga tagatugon ay pinag-aaralan sa

dalawa o mahigit pang kondisyon o kalagayan ngunit walang

32
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

control na nagaganap. Sa pag-aaral na ito, ang mga

tagatugon ay binigyan ng pre-test na sinundan ng pagtuturo

at panghuli ay binigyan ang mga tagatugon ng post-test. Ang

pokus ng pag-aaral na ito ay upang maikumpara ang resulta

ng pre-test at post-test. (Salin mula sa aklat na “

Research Based Teaching and Learning” nina Rosita L.

Navarro, Ph.D. at Rosita G. Santos Ph.D 2011).

Ang paraang Quasi-Experimental ay kapakipakinabang na

metodo sa pagbibigay-impormasyon o kaalaman na maaring

pagbatayan ng maagham na paghatol. Ito’y paraan ng

pananaliksik upang subukin ang mga palagay o ipotesis.

Pook na Pinangyarihan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Fisheries and

Marine Science High School, Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Tagatugon

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-

aaral sa ikapitong baitang seksyon Dolphin ng Fisheries and

Mrine Science High School sa taong panuruang 2016-2017.

33
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Bilang ng Tagatugon

Ipinakikita ng manghad 1 ang bilang ng tagatugon sa

pag-aaral na ito.

Manghad 1

Profayl ng mga Tagatugon

Seksyon F %

Dolphin 32 100

Kabuuan 32 100

Teknik sa Pagpili ng Tagatugon

Random Sampling ang teknik na ginamit sa pag-aaral na

ito upang makabuo ng kinakailangang sampol. Ang mga

tagatugon ay binubuo ng tatlumpung (30) mag-aaral sa unang

taon.

Talatanungan

Ang talatanungang gagamitin sa pag-aaral na ito ay

nahahati sa tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay naglalaman

ng mga personal na datos ng tagatugon. Dito makikita ang

34
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

pangalan ng tagatugon, petsa ng pagsusulit at pangkat na

kinabibilangan ng tagatugon. Ang ikalawang bahagi ay ang

pagtukoy sa kahulugan ng mga salita sa tulong ng maraming

pagpipilian.

Paraan ng Pagkalap ng mga Datos

Bago isakatuparan ang pag-aaral, ang mananaliksik ay

sumangguni sa mga guro sa Filipino at nanghiram ng mga

aklat na may kaugnayan pagpapakahulugan, teknik, pagbasa at

context clues. Pagkatapos, ang mananaliksik ay nagkalap ng

mga matatalinhagang salita o salitang may malalalim na

kahulugan na may kaugnayan sa koridong ibong adarna at mga

impormasyon na hinango sa iba’t ibang aklat, internet at

iba pang talatanungan.

Pagkatapos ay gumawa ang mananaliksik ng talatanungan

na susukat sa antas ng pagpapakahulugan ng mga salita.

Matapos maihanda ang lahat ng mga kinakailangan, ang

mananaliksik ay nagpadala ng liham-pahintulot sa Punongguro

ng Fisheries and Marine Science High School.

35
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Nagbigay ng paunang pagsusulit (pre-test) ang

mananaliksik at pagkatapos ito’y iniwasto. Pagkaraan ng

ilang araw, ang mananaliksik ay bumalik upang ituro sa mga

tagatugon ang paggamit ng context clues sa pagpapakahulugan

ng mga salita at nagbigay ng katapusang pagsusulit (post-

test). Magkaparehong pagsusulit ang ibinigay ng

mananaliksik sa paunang pagsusulit( pre-test) at katapusang

pagsusulit (post-test). Sinuri ng mananaliksik ang mga

naging resulta, binigyan ng interpretasyon at

pagpapahalaga.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang mga datos ay tinuos sa pamamagitan ng computer-

processed statistical analysis sa pamamagitan ng

Statistical Package for the Social Sciences Software.

Inalam ang weighted mean o karampatang tuos, standard

deviation at t-test upang mabatid ang makabuluhang epekto

sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagpapakahulugan

ng mga salita gamit ang context clues. Nasa ibaba ang mga

iskalang ginamit sa pag-aaral na ito.

36
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Iskala Tugon

20.01-30.00 Napakahusay

10.01-20.00 Mahusay

0.00-10.00 Di- Mahusay

Narito ang kahulugan ng mga puntos.

Ang “napakahusay” ay nangangahulugang higit na naging

epektibo at may kabuluhan ang pagturo ng context clues

bilang teknik sa pagpapakahulugan ng mga salita.

Ang “mahusay” ay nangangahulugang naging epektibo ang

pagturo ng context clues bilang teknik sa pagpapakahulugan

ng mga salita.

Ang “di mahusay “ ay nangangahulugang hindi

naging makabuluhan ang pagturo ng context clues bilang

teknik sa pagpapakahulugan ng mga salita.

Mean-ito ay ginamit upang malaman ang antas ng

kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga salita gamit ang

37
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

context clues nang magbigay ng paunang pagsusulit at

katapusang pagsusulit.

Satanadard Deviation- ito ay ginamit upang tiyakin ang

dispersion ng mga iskor ng mga mag-aaral o mga tagatugon.

t-tests- ito ay ginagamit upang malaman ang pagkakaiba

ng antas ng kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga mag-

aaral bago at pagkatapos gamitin ang context clues.

Kabanata 4

Mga Kinalabasan ng Pag-aaral

Inilalahad ng pag-aaral sa kabanatang ito ang

deskripsyon ng resulta batay sa mga datos at istadistikang

pagtatalakay.

38
Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES

COLLEGE OF EDUCATION

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Ang kinalabasan ng pag-aaral ay nagpapakita ng

paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa ikapitong

baitang ng Fisheries and Marine Science High School(

Penguin at Dolphin) sa pagpapakahulugan ng mga salita

gamit ang context clues. Ang mga resulta ay ipinapakita sa

manghad 2 at manghad 3.

Pagpapakahulugan ng mga salita ng mga mag-aaral sa

ikapitong baitang (Penguin at Dolphin) ng FMSHS Bago at

Matapos ang Pagtuturo.

Ang resulta ng pagtuturo ay nagpapakita ng pagtaas ng

mean score ng mga mag-aaral na nakalarawan sa manghad 2.

Ang mean score sa pre-test

39

Vous aimerez peut-être aussi