Vous êtes sur la page 1sur 13

PROBLEMA SA BASURA

A Research Presented to
Mr. David Arenas for the Completion of our Final Project
In Society, Culture and Family Planning

Submitted by:
i. Acknowledgement
The researchers would like to express their deepest thanksgiving for the following persons that
helped them in fulfilling with their compliance in Thesis/ Research Paper

The Almighty God for giving strength, knowledge, wisdom and perseverance that He provided us
to deal with our research paper for keeping us safe in conducting interviews and survey with
different people.

Our family, for supporting us morally and most importantly financially and giving us ideas with
our research paper.

To Mr. David Arenas, for giving us the chance and opportunity to work this kind of research paper.
We thank him for allowing us to conduct interview and to study the social problems of every
communities. To all the barangay personnel who help us and giving us ideas and informations
about the social problems and the community.

To our friends and classmates that helped us by sharing some ideas and stuff essential to our
Thesis/ Research Paper.

And to all the person that are not mentioned, thank you for helping us in completing and finishing
our paper works, thank you for all the time and effort that you gave is. It really helped us a lot.
You are all appreciated.
Table of Contents
i. Acknowledgement

ii. Introduction

I. Statement of the Problem


a. Statistics of the Problem

II. A description of the communities

III. A history of the problem within the communities

IV. A description of the institutions responding to the


problem

V. Your Recommendations.

ii. Introduction
Ang Basura ay anumang uri ng bagay na maaring hindi na kakailanganin at hindi na nararapat
gamitin. Taliwas naman ito sa paraan ng pagreresiklo, o ang paraan ng pagkukumpuni at pag-ayos
muli sa isang bagay upang magamit muli ito. Napakaraming epekto ng mga basura sa ating
kapaligiran at sa ating mga tao. Isa na dito ang pagbabago ng isang lugar. Halimbawa : Ang isang
lugar ay malinis ngayon ay sobrang dumi na sapagkat hindi marunong magtapon ang mga tao sa
tamang basurahan. Isa na rin dito ang populasyon ng isang lugar dahil nahihikayat nang lumipat
ng mga tao sa ibang lugar dahil maraming lamok at nagkakaroon na ng sakit ang mga tao sa lugar
na iton marahil ay maraming basura na nakatambak duon.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang posibleng sanhi ng pagdami ng basura,
mga sakit na maaring maidulot nito sa mga mamamayan at ang maaring maging solusyon upang
maiwasan ang pagdami ng basura. This project can be divided into the following parts 1. Statement
of the Problem, 2. A description of the communities, 3. A history of the problem within the
communities, 4. A description of the institutions responding to the problem and 5. Your
Recommendations.

I. Statement of the Problem

Sa panahon natin ngayon, kung ating mapapansin isa sa mga problema ng ating pamayanan ay ang
patuloy na pagdami ng mga basura na nagiging dahilan ng patuloy na pagkasira ng ating
kapaligiran. Dahil sa pagdami ng basura sa ating kapaligiran ay hindi na natin alam kung saan
natin dadalhin o kung ano ang dapat nating gawin para mabawasan ang mga ito. Mayroong iba sa
atin na tinatapon ang kanilang mga basura sa dagat na nagiging dahilan ng pagdumi ng tubig at
nagiging dahilan naman ng pagkamatay ng mga isda o anumang nabubuhay sa tubig. Isa rin ang
basura sa mga sanhi kung bakit bumabaha sa iba’t ibang lugar dito sa ating bansa.

Kaya naman sa aming pagtatanong sa mga mamamayan sa Ternate, Cavite ang isa sa pangunahing
suliranin o problema nila ngayon ay ang patuloy na pagdami ng basura. Sa patuloy kasi ng pagdami
ng mga produktong nililikha ng tao, patuloy na pag-unlad ng ekonomiya at sa pagdami ng
populasyon patuloy naman dumadami ang nakakasira sa kalikasan. Isa pa sa nagdudulot ng
pagdami ng basura ay ang hindi pagiging disiplinado ng mga mamamayan. Basura, ito ang mga
bagay na nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran. Sa kaso ng mga mamamayan sa Ternate, Cavite
ang isa sa dahilan ng pagdami ng basura ay ang pagtigil ng pangongolekta ng truck ng basura sanhi
ng pagrereklamo ng isang mamamayan sa lugar na nabanggit at sa hindi din pagiging disiplinado
ng mamamayan doon.

Sa patuloy na pagdami ng basura, nagiging sanhi ito ng mga problema sa kalusugan at kapaligiran.
Maaari itong magdala ng malubhang panganib sa kalusugan at maghahatid ng mga sakit na
nakakahawa. Ang mga basurang pinababayaang nakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw,
lamok, ipis, mga daga at iba pang mga hayop na nagkakalat ng mga sakit. Pangkaraniwan na ang
mga basang basura at dumi ang nabubulok at nagbibigay ng mabahong amoy. Nagiging daan ito
sa maruming kapaligiran at sa pagdami ng problema sa kalusugan. Ang mga plastic na basura ay
isa pang sanhi ng masamang kalusugan. Nanganganib dahil sa wala o kulang na pamamahala sa
pagtatapon ng mga basura ang mga bata sa komunidad, mga basurero at mga nagtatrabaho sa mga
plantang nagbibigay ng nakalalasong mga bagay o sangkap. Ang pinabayaang basura ay pumipigil
din sa pagdaloy ng tubig, at kinauuwian sa mabahong tubig na nagiging lugar ng pagdami ng mga
sakit. Ang pagtapon ng basura malapit sa pinagkukunan ng tubig.

About 35,580 tons of garbage is generated every day in the Philippines. ... The household is the
major source of waste in the Philippines at 74%. Moreover, of the total solid waste generated
from households, 95% can still be reused or recycled (43%), or turned into compost (52%).
II. A Description of the Communities

Formerly “Barra de Maragondon”, Ternate was originally


a sandbar located at the mouth of Maragondon River. It served
as a resting place for natives of Maragondon going out to fish
in the Manila Bay. The first residents of the place where the
seven Merdica families of Bagong Bayan, (near Ermita)
Manila. Merdicas or Mardicas means “man of the sea” or “free
people”.Approximately, there were two hundred (200) of them who were transferred to Barra de
Maragondon by the Spanish authorities due to the frequent conflicts involving the Tagalog of
Ermita. The area was a swampy and densely covered with mangrove. Noted for their bravery, the
Mardicas were Malays from Ternate in the Moluccas Archipelago, who volunteered to come to
Manila along with the Spanish Garrison that was pulled out of the island by Spanish Governor
General Manrique de Lara in 1662 to reinforce the defenses of Manila in preparation for threatened
invasion by the Chinese pirate-patriot Koxinga, after he had conquered Formosa from the Dutch.

Under an agreement with the Spanish Governor-General, the Merdicas were required to provide
protection against attack by more pirates, and in return for their services they were taken to the
Barra de Maragondon because of frequent Moro raids in that area.
The community built mostly by the Merdica family was named “Ternate” in memory of their
ancestral birthplace in Mollucas. They were able to build from their funds a stone church, a casa
real (tribunal or municipal building), a schoolhouse in 1850. Ternate became a regular pueblo or
town when the leadership of Florencio Ninofranco and Pablo de Leon, a wealthy Merdica, became
the first Gobernadorcillo. Reportedly, it was in 1863 that Ternate was separated from Maragondon
and became an independent municipality.
People from Ternate speak some kind of Chavacano as one of its dialect which they inherited from
their forefathers. The series of revolutions in the Philippines against foreign invaders (1896-1898,
1899-1901) left the population of Cavite province so depleted. This lead to the approval of Public
Act No.947 by the Philippine Commission to reduce the municipalities of Cavite to nine on
October 15, 1903. Due to this, Ternate was absorbed by Naic until 1916 when the Philippine Senate
restored the town to its former status as an independent municipality.
Physical Profile
Ternate is a coastal town of Cavite located on the southwestern part of the province. It is
approximately 19 kilometers (kms) from the provincial capital, 56 kms from Metro Manila. It is
bounded on the north by Naic, on the south by Nasugbu, Batangas, on the east by Maragondon,
and on the west by Manila Bay. With its ten (10) barangays, its area comprises 4.7% or 5,993
hectares (has) of the provincial land area.
The topography of Ternate is generally rugged. The terrain is predominantly mountainous with
70% of the area having a slope of 18-30%. The slope of the area is generally characterized as
rolling to moderately sloping and in some portions, steep to generally steep. The vegetative cover
of the area is predominantly forest.
Demography
Ternate has a total population of 19,297 and a household population of 4,044 as per NSO 2010
official survey. It is 0.62% of Cavite’s total population and distributed within an area of 5,993
hectares and ten (10) barangays. The urban population is 4,373 while the rural population is
14,924. The municipality has a gross density of 3.22 persons per hectare making it low density
community. Its annual growth rate of 1.169% based from the NSO population census of 2000 and
2010, that will project the present population of 19,297 (2010) to 21,676 in 2020.
Tourism
Ternate is known for its tourism facilities and amenities. Ternate was included in the declaration
of First Tourism Zone in the Philippines as per Presidential Proclamation No. 1520 dated
November 28, 1975.
Municipality of Ternate is initially identified and included in the Special Economic Zone under
RA 7916 dated February 21, 1995 to actively encourage, promote, accelerate sound and balanced
industrial, economic, social development in order to provide jobs to the people especially to the
rural areas, increase their productivity, and their individual and family income and thereby improve
the level and quality of their living condition as stated in The Special Economic Zone Act of 1995.
The municipality has eight (8) beaches/resorts at present. All of these are privately owned. Aside
from beaches/resorts, Ternate has also historical landmark, the Rock Island commonly known as
“El Fraile” or sometimes called as the Fort Drum. To give assistance to incoming visitors, foreign
and local tourists, several tourisms related establishment could be found in the municipality. Its
proximity to Metro Manila and the presence of World-class resorts further enhance its potentials
for ecological tourism.
Prospectively, Ternate is considered to be a part of the Metro Tagaytay. The coastal areas of
Ternate are envisioned to be one of the prime tourism areas in Cavite which are famous for its
beaches and water sports.
Ternate was also considered one of the three (3) model tourism points of Cavite. It is within the
Ternate-Corregidor-Naic area characterized by the presence of beaches, water sports, pristine
forest and historical sites.
After considering its role in the province, the municipality will be considering also the coastal
development because of its sizeable area of municipal and inland water and the presence of
extensive coastline. Development strategies must be prepared well to ensure the compatibility of
land uses within the Coastal and Sea Use Plan which are to be prepared.
This area comprises the coastal areas of the municipality with a stretch of 23,627.35 meters
coastline. There is still a long stretch of unpolluted beaches in the area which are visited by people
outside the municipality especially during the summer time.

Vision

A world class eco-tourism destination, seated in clear water and curtained by pristine forest,
imbued with responsible and culture loving people, and governed by honest and just leaders.

Mission

· Improve the social living condition of the people while preserving cultural heritage by
institutionalizing historical events and commemorations and strengthen tourism potential as the
people preserves, protects, and manage the environment.

Philosophy

Fear of God is the beginning of wisdom. Poverty is not a hindrance to success. Righteousness
exalted a nation. Even a person who does not possess. Great intelligence can live. A useful life
by being honest and hardworking.
III. A History of the Problem within the Communities
Tulad nga nang nakasaad sa itaas, matatandaan natin na ang pangunahing suliranin sa ating bansa
ngayon ay ang patuloy na pagdami ng basura sa kadahilang patuloy rin lumalaki ang bilang ng
populasyon sa atin. It is common na ang bawat komunidad ay humaharap sa suliranin o problema
sa basura. Kaya naman bilang bahagi ng aming Final Project at sa patuloy naming pananaliksik sa
munisipalidad ng Ternate, kami ay nagconduct ng interview sa bawat mamamayan upang tanungin
ang mga sumusunod.

1. Tungkol sa Truck na nangongolekta ng basura, gaano ba kadalas silang magpunta para


mangulekta at natatambakan kayo?

2. Wala bang nakakaalam ng proseso ng pagrerecycle, nang sa ganun kahit papaano ay


mabawasan ang mga basura?

3. May ginagawa bang ibang paraan ang inyong komunidad para mabawasan ang mga
basura?

4. Ano ano ang epekto ng mga nagtambak na basura sa inyong komunidad?

5. Sa tingin niyo, paano maiiwasan ang pagdami ng inyong basura?

6. Paano niyo mapapanatiling malinis ang inyong kapaligiran?

7. Ano ano ang mga pwedeng makuhang sakit ng tao lalo na ang mga bata kapag nagpatuloy
ang pagtambak ng basura sa inyong lugar?

8. Para sa mga opisyal ng Munisipyo wala ba silang boluntaryong pagtulong para malinis o
kahit mag- assign o magtoka na maglinis?

9. Wala bang pondo ang nasabing lugar para maglagay ng tamang lagayan ng mga basura,
para hindi nakakalat ang basura kung saan?

10. Para sa mga taong naninirahan ditto, ikaw sa sarili mo, ano sa tingin moa ng maitutulong
mo sa inyong lugar? Ano ito at baket?
At base sa kanilang mga kasagutan, ang dahilan daw ng pagdami ng basura sa kanilang komunidad
ay ang natigil na pangungulekta ng truck ng basura. Sa patuloy na hindi pagiging disiplinado ng
tao. Ayon nga sa mga mamamayan sa nasabing lugar, natihil nga ang regular na pangongolekta ng
basura sa kadahilanang mayroon silang kapwa mamamayan na nagreklamo sa Ombudsman RAS-
1-144-177, ukol sa tunay na nagmamay-ari ng lupa kung saan nakatayo ang Ternate Material
Recovery Facility.

IV. A Description of the Institutions Responding to the Problem

Ang listahan po ng mga tao na dapat nangangasiwa patungkol sa basura sa komunidad ay una ang
Mayor na namumuno sa lugar, ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan lalo na ang mga taong
nagaasikaso ng mga panuntunan patungkol sa Basura , at ang mga NGO o Non- Govermental
Organization na nangangasiwa patungkol sa mga problema ng munisipalidad. At siyempre ang
mga mamamayan na magsisilbing isang halimbawa. Karapat- dapat nilang asikasuhin ito dahil sila
ang namumuno sa lugar at kung hindi nila ito mareresolba o masosolusyunan maari talaga itong
magdulot ng karamdaman sa mga mamamayan at matutuluyan ng masisira an galing kalikasan.
Kinakailangan ang masidhing pagkakaisa at pagsasa-sama sa mga ganitong problema and always
remember that CLEANLINESS IS NEXT TO GODLINESS. Kung inyo pong malalaman ang
Ternate ay maraming Tourist Spot na kung saan maraming mga artista, mga taong banyaga ang
nagnanais makarating sa lugar na ito. Kung sakaling hindi maasikaso ang problemang ito maari
itong makabawas sa magandang Tourist Spot sa lugar.

Ayon naman sa mga tauhan ng Municipality ng Ternate, Bilang pagtugon sa nasabing reklamo ay
bumuo ang local na pamahalaan ng ternate ng isang task force na siyang magsususri sa pagmamay-
ari ng lupa at pansamantala, lahat ng basurang kinokolekta ay dadalhin muna sa Trece Martirez
Integrated Waste Management Corporation at ang pamahalaang bayan ay magbabayad ng P192,
000 sa loob ng dalawang buwan upang tuluyan na ring masolusyunan ang problema o suliranin na
ito. May inupahan ang pamahalaang bayan na limang ektarya na lupa na magiging dumpsite,
subalit kasalukuyan pang ginagawa ang kongkretong tulay para makatawid sa nasabing dumpsite.
Base sa aksyon ng Pamahalaang Bayan, sila naman ay agad na nagplano ng nararapat na gawin
para masolusyunan ang problemang ito. Hindi man agad masolusyunan as long as they plan, it is
always a process to build and to make a better nature and community.

V. RECOMMENDATIONS
Ang salitang “Basura” ay hindi na bago sa ating lipunan anuman ang estado ng pamumuhay gayundin ang
ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot din ng pagkasira ng kapaligiran at ano nga ba ang solusyon sa
problema pagdating sa basura. Bilang magaaral Ano nga ba ang solusyon sa suliranin sa basura?

Eto ang unang kasagutan dyan “Disiplina sa sarili ang tanging solusyon sa problema sa basura.” Dapat
bilang mamamayan maging buhay sa atin ito, meaning kailangan isa- puso at isa- isip natin ang simpelng
katagang ito. Madami kasing mga taong walang pakundangang nagkakalat at walang disiplinang nagtatapon
ng mga supot, basyo ng pinagkainan at upos ng sigarilyo sa paligid na kailangang mapagsabihan at
ipaliwanag ang masamang epekto nito sa ating kapaligiran. Kailangan nating maging tagapagmatyag upang
sila ay pagsabihan, sitahin, hulihin at pagmultahin ayon sa batas. Dapat pangunahan ito sa bawat tahanan
at mga business establishments na may kanya-kanyang pamamaraan ng tamang pag-aayos sa mga
basurahan lalo na ang pagsunod sa programa ng pamahalaang bayan kaugnay sa solid waste management

Kaya nga ikaw, kapatid, tayong lahat ang solusyon. Simulan natin sa sarili nating bahay at hikayatin ang
ating mga kapitbahay sa Wastong Paraan ng Pamamahala ng Basura. Kailangan lang nating magtiwala sa
sarili na kakayanin nating mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran. Kailangan nating maging
makatarungan, may matuwid na paninindigan ng walang pagkukunwari at maging mapanagutan sa ating
responsibilidad sa sariling bakuran at pamayanan. Pangalawang hakbang. Kailangan nating maglaan ng
panahon at dumalo sa isang Pagsasanay sa Pamamahala ng Basurang Pantahanan na ilulunsad sa
atin/inyong barangay, pamahalaang bayan/lalawigan, simbahan, paaralan o iba pang-Non-

Government Organization (NGO). Ang isang araw mong paglahok ay katumbas ng pangmatagalang linis
at ginhawa para sa ating pamayanan. Sa pangatlong hakbang, mas mainam na magpulong sa loob ng
pamilya kasama ang magulang, anak, at kasambahay at ipaliwanag ang wastong pamamahala ng basura.
Alamin ang iba’t-ibang uri ng basura sa tahanan. Ulitin ang mga itinuro sa pagsasanay. Gawing
demokratiko ang pagtotoka ng trabaho. Kung makatutulong, magtakda ng araw ng pag-uulat ng bawat
miyembro ng pamilya at minsan isang linggo sa pagsusuri ng pag-unlad sa sariling bakuran. Magkaisa sa
disiplina! Ano ang ating pananagutan sa kapaligiran? 1. Paghiwa-hiwalayin ang mga basura. Ihiwalay agad
ang nabubulok sa di-nabubulok. Sa bahay pa lang, simulan na ang pagbubukud-bukod. Maglagay ng
dalawang basurahan o kaya’y hatiin sa dalawa ang isang malaking sisidlan sa silid, salas at iba pang lugar
sa loob ng kabahayan. Pati kasilyas isali. Maglagay ng isang bukod na sisidlan para sa recyclables tulad ng
bote, lata, tuyong papel o karton, tela at iba pa. 2. Sa labas ng bahay, maglagay ng tatlong lalagyan para sa
tatlong uri ng basura. Tiyaking di magkahalo ang tatlo: isang lalagyan para sa mga nabubulok; isa para sa
di-nabubulok; at isa para sa factory-returnables. 3. May dalawang klase din ng basurang panlabas – ang
nabubulok at ang di-nabubulok. Heto ang ilang halimbawa: a) Nabubulok: Basura ng Bakuran – tuyong
dahon, damo at sanga Basura mula sa hayop – dumi ng hayop, tinik at butu-buto, patay na hayop Basura
mula sa tao – gamit na toilet paper, dumi ng tao, tirang pagkain-balat/buto ng prutas at sirang gulay. b) Di-
nabubulok/Nareresiklo/Nabebenta: basurang-kusina – basyo ng lata, bote, matigas na buto basurang-bahay
– pinagtabasang tela, tuyong papel, karton, pinagbalutang plastic, bubog, lumang diyaryo, disposable cups,
spoon at fork, ink cartridge. 4. Recycling: bote at diyaryo – ipunin para maipamigay o kaya’y maibenta sa
junkshop plastic container – maaring gawing basurahan o lalagyan ng halaman lata – maaring gawing
lalagyan ng halaman tela – ang mga telang retaso o luma ay maaring gamitin uli bilang basahan. 5.
Residwal/Dapat Itapon: Balat ng kendi, sando bag, Styrofoam, napkin, diapers, tetrapak, colored bottles,
upos ng sigarilyo, cellcard na gamit, plastic straw. Toxic/hazardous: Baterya, pentel pen, bombilya, basyo
ng kemikal, bote ng gamut (lason) Kapag nagawa natin ng maayos ang mga ito, masasalamin natin ang
malinis at magandang kapaligiran, malinis na hangin, makakaiwas sa sakit at karamdaman,
maipagmamalaking pamayanan, may disiplina at magandang halimbawa na tiyak na pamamarisan sa ibang
lugar at susundan ng mga susunod pang henerasyon

Vous aimerez peut-être aussi