Vous êtes sur la page 1sur 4

1. Kung kalian mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

Sagot: Kandila

2. Maliit na bahay, puno ng mga patay.

Sagot: Posporo

3. Mataas kung naka upo. Mababa kung nakatayo.

Sagot: Aso

4. Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore.

Sagot: Langgam

5. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa


Sagot: Kalabasa
6. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso
Sagot: Santol
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari
Sagot: Zipper
8. Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig
Sagot: Asin
9. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin
Sagot: Sombrero
10. Naligo si Kaka, ngunit hindi nabasa ang saya
Sagot: Dahon ng Gabi

11. Ako ay may kaibigan, kasama ko saan man. Mapatubig ay di nalulunod.


Mapa apoy ay di nasusunog. Kung ako’y mamamatay pilit siyang
madadamay.
Sagot: Anino

12. May balbas ngunit walang mukha


Sagot: Mais
13. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan
Sagot: Kamiseta
14. Noong maliit ay Amerikano, noong lumaki ay Negro
Sagot: Duhat
15. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo
Sagot: Walis
16. Nang ihulog ko ay ay buto, nang hanguin ko ay trumpo
Sagot: Singkamas
17. Baboy ko sa Pulo, balahibo’y pako
Sagot: Langka
18. Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo
Sagot: Buwan
19. Dalawang batong itim, malayo ang mararating
Sagot: Mata
20. Isang Prinsesa, nakaupo sa tasa
Sagot: Kasoy
21. Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo
Sagot: Pako

22. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.


Sagot: kulambo
23. Maliit pa si neneng, marunong nang kumendeng-kendeng.
Sagot: Bibi

24. Dugtong-dugtong, magkakarugtong, tanikalang umuugong.

Sagot: Tren

25. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.


Sagot: baril
26. Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola
27. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: kampana o batingaw

28. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.


Sagot: bayabas
29. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: bote
30. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.

Sagot: Gamu-gamo

31. Kumot ng hari, hindi mahati-hati.

Sagot: Tubig

32. Ginto sa kalangitan, Di matitigtitigan

Sagot: Araw

33. Kahit gaano linisin, marumi pa rin ang tingin

Sagot: Baboy

34. Bahay ng Salita, Imbakan ng Diwa

Sagot: Aklat

35. Heto na si lulong, Bubulong bulong.

Sagot: Bubuyog

36. Araw araw bagong buhay, Taun-taon namamatay.

Sagot: Kalendaryo

37. nisip ng marunong, Sinabi ng gunggong.

Sagot: Bugtong

38. Mahabang-mahaba, tinutungtungan ng madla.

ANSWER: Daan o Kalsada

39. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan.

ANSWER: Kulog

40. Kung sa ilan ay walang kwenta, Sa gusali ay mahalaga

ANSWER: Bato
41. Pag-aari mo, dala-dala mo, datapuwa't madalas gamitin ng iba kaysa iyo.

ANSWER: Pangalan

42. Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas.

ANSWER: Gata

43. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.

ANSWER: Sandok

44. Dalawang magkaibigan, habulan nang habulan.

ANSWER: Paa

45. Tubig kung sa isda, Lungga kung sa daga, Kung sa tao'y ano kaya.

ANSWER: Bahay

46. Inutusan ko ng umaga, Nang umuwi'y gabi na.

ANSWER: Araw

47. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.

ANSWER: Bayong o Basket

48. May kabayo akong payat, pinalo ko ng patpat. Lumukso ng pitong gubat,
Naglagos ng pitong dagat.
Sagot: Alon
49. Kumindat ang Sultan, natakot ang bayan.
Sagot: Kidlat

50. Dumaan si Negro, nangamatay ang tao.


Sagot: Gabi

51. Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangarap.

Sagot: Unan

Vous aimerez peut-être aussi