Vous êtes sur la page 1sur 32

DEPARTMENT OF EDUCATION

IL N
IB A
I
B LA
Region III - Central Luzon

G HA
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN

A A
N AM
PI G P
IN
R
A
II
-A
D
G
PA
IN
H

Kuwento at Guhit ni:


Janice P. Bautista

Dibuho ni:
Phoebe Marie B. Santarromana
This material was contextualized by the
Curriculum Implementation Division (CID)
Learning Resource Management and Development Center (LRMDC)
Department of Education
Regional Office III
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
NORMA P. ESTEBAN, Ed.D., CESO VI
Schools Division Superintendent

CECILIA E. VALDERAMA, Ph.D.


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D.


Chief, Curriculum Implementation Division

MA. LEONORA B. CRUZ,


Education Program Supervisor, Araling Panlipunan

EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D.


Education Program Supervisor, LRMDS

PHOEBE MARIE B. SANTARROMANA


Layout Artist

JANICE P. BAUTISTA
Writer and Illustrator

JERRY R. CAMACHO, Ed.D. NENITA J. BARRO


VIVIAN R. DUMALAY JOCELYN A. MANALAYSAY, Ph.D.
RAMILO C. CRUZ, Ph.D. ALFONSO S. MIACO, JR.
MARILOU J. DEL ROSARIO, Ph.D. MA. LEONORA B. CRUZ
CID Supervisors

SUSAN B. PELIPADA
Division Librarian II
Sa mga mambabasa,

Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang


binatilyo na nagnanais manalo sa isang
paligsahan ng mga kalabaw, kabilang sa
pagdiriwang para sa kanilang Mahal na
Patron. Pinaghandaan niya nang mabuti ang
patimpalak upang masungkit ang
tagumpay. Siya naman ay hindi nabigo, siya
ang nakasungkit ng unang gantimpala.
Sa kabila ng kanyang kasiyahan ay hindi
niya kinalimutan ang kahalagahan ng
kalinisan at pakikiisa. Tumulong siya sa
karamihan upang maibalik ang kalinisan sa
lugar na pinagdausan ng patimpalak.

ARAL:
Ipinakikita dito ang pagiging relihiyoso,
pagmamahal at pangangalaga sa alagang
hayop, pagpapahalga sa kalinisan at ang
pagtutulungan upang maging matagumpay ang
isang gawain.
Published by the
Department of Education
Region III
Schools Division of City of Meycauayan

COPYRIGHT @ 2019
by ________

Copyright Notice:

Section 9 of Presidential Decree No.49 provides:

"No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic
of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit."

MGA TAGA-PATNUGOT
JANICE P. BAUTISTA
MAY AKDA AT TAGA-GUHIT

PHOEBE MARIE B. SANTARROMANA


TAGA-LAYOUT

DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D.


CHIEF - CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION

EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D.


EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR - LRMDS

MA. LEONORA B. CRUZ


EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR - ARALING PANLIPUNAN

42
Lathalain ng

Curriculum and Learning Management Division (CLMD)


Learning Resource Management and Development Section (LRMDS)
Department of Education
Region III

25
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
Araw ng paligsahan sa
pinakamagandang dekorasyon
ng alagang kalabaw. Maagang
gumising si Mino at ang kanyang lolo
upang ihanda ang mga kailangan
para sa paligsahan na sasalihan ng
pinakamamahal na kalabaw ni Mino.

Magkahalong sabik at kaba ang


nararamdaman ni Mino sa unang
pagkakataon na sasali ang kanyang
kalabaw. Habang sila ay naghahanda,
binigyan ng kanyang Lolo si Mino ng
mga dapat niyang gawin bago habang
6 at pagkatapos ng paligsahan.
7
“M
Mino.
aganda na ang kalabaw ko lolo! Tiyak na siya
ang mananalo mamaya. ” paninigurado ni

Sana nga apo lahat ng pagod at hirap niyo


ng iyong kalabaw ay magbunga at makamit
mo ang tagumpay mamaya. Pero hindi na ako
makakasama sa iyo apo dahil walang mag-
aasikaso sa mga pananim natin. Ipapastol ko pa
ang mga ibang alaga natin mamaya sa bukid.”
sagot ng lolo.

Sige po lolo, huwag na po kayong mag-aalala


kayang-kaya na po namin ng aking kalabaw ang
paligsahan! Mag-iingat po kami lolo” masiglang
tugon ng apo.

8
9
W ala pang alas-nuwebe ng umaga
ay nagpunta na si Mino at kanyang
kalabaw sa plasa. Marami nang tao ang
nandoon at marami pa ang dumadating.
May mga matatanda na ang iba ay
kasama pa ang kanilang mga anak.
Kitang-kita sa mukha ng bawat isa ang
kanilang kasiyahan sa masasaksihan
nilang parada.

10
11
M apapansin na marami ang mga kalat
sa paligid, mga pinagbalutan ng
pagkain. Maraming tindahan ang puwedeng
pagpilian nang nais kainin.

Dahil sa karamihan ay maagang dumating,


sila ay nagutom. Kung kaya’t sila muna ay
kumain habang hindi pa nagsisimula ang
kanilang pinakahihintay. Ngunit ang hindi
tama ay ang pagtatapon nila ng kalat sa
paligid. Hindi na nila nagawang itapon pa
sa basurahan ang mga basura.

12
13
M aya-maya pa ay nagsimula na
ang parada. Isa-isang lumuhod
ang mga kalabaw na may makukulay na
dekorasyon, dala-dala ang iba’t ibang
ani sa bukid. Nagsimula na ring umingay
sa paligid dahil sa sigawan ng mga taong
nanonood. Siyang-siya sila sa kanilang
nakikita. Ang iba nga ay pumapalakpak
pa.

14
15
M atapos ang patimpalak ay kabadong
naghihintay si Mino sa mananalo habang
himas ang kanyang kalabaw. Walang tigil
ang kanyang pag-usal ng dasal na sana ay
siya ang mapiling panalo. Tiyak na matutuwa
ang kanyang lolo kung sila ang mananalo. At
kung mangyari nga ay sulit ang pagod nilang
mag-lolo.

16
17
T
ahimik na nakikiramdam si Mino kasama
ang kanyang kalabaw sa kung ano ang
magiging desisyon ng mga hurado ng parada.

Walang anu-ano pa ay malakas na tinawag


ang kanyang pangalan bilang siya ang
nagwagi sa paligsahan.

Napatalon sa matinding tuwa si Mino na siya


ang nagwagi sa paligsahan.

18
19
20
M ataimtim siyang nagpasalamat
sa poong mahal at nangakong
makikilahok sa pagdiriwang taun-taon.
Nais niyang andun siya at kanyang alaga
sa taunang parada. Gusto niyang isa siya
sa nagbibigay kasiyahan sa mga taong
nanonood. Gusto din niyang palaging
kasama ang kanyang kalabaw.

21
S a pagtatapos ng kasiyahan ay nag-uwian
na ang karamihan. May iba naman
na nanatili at nagtulung-tulong sa paglilinis.
Tumulong na din si Mino.

Ayaw nilang iwan ang lugar na marumi
at nagkalat ang mga basura. Pangit ito sa
paningin at nakakasira ng kapaligiran.

22
23
24
P ag-uwi ng bahay ay yumakap si Mino
sa lolo. Ibinalita niya ang pagkapanalo.
Ikinuwento din niya ang lahat ng nangyari sa
plasa. Masayang-masaya siya sa kanyang
karanasan ng araw na iyon. Ang masayang
nangyari ay dahil sa kanyang alaga. Nasambit
niya sa sarili, “Salamat aking kalabaw!”

25
Curriculum Web
Learning Objective Performance Standard
Ang mag-aaral ay nasusuri
A. Gawaing pangkabuhayan ang mga iba’t ibang mga
ng Bansa gawaing pangkabuhayan
1. Likas Yaman batay sa heograpiya at mga
2.Kahalagahan at oportunidad at hamong
pangangalaga kaakibat nito tungo sa likas
kayang pag-unlad.

Content Standard Learning Competency


Ang mag-aaral ay nasusuri
ang mga iba’t ibang mga Naiuugnay ang kapaligi-
gawaing pangkabuhayan ran sa uri ng hanapbuhay.
batay sa heograpiya at mga
oportunidad at hamong AP4LKE-IIa-1.1
kaakibat nito tungo sa likas
kayang pag-unlad.

26
Pagsuri ng Pang - Unawa

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sino and maglolo?

2. Ano ang katangian ni Mino?

3. Kung isa ka sa mga tao sa plasa, tutulong


ka din ba sa paglilinis? Bakit?

4. Mahalaga ba ang kalinisan sa kapaligiran?


Bakit?

5. Paano mo maipapakita ang


pagmamahalan sa kapaligiran?

27
Talahuluganan

1. Dekorasyon - mga bagay na nagbibigay o nagdadagdag


pa ng ganda.

2. Patimpalak – paligsahan
- isang uri ng gawain kung saan ay may pinipiling
mananalo mula sa mga sumali.

3. Mataimtim – tumutukoy sa seryosong pagdarasal.

4. Poon – tumutukoy sa imahe ng isang santo o santa na gawa


sa kahoy o bato.

5. Alas-nuwebe – salitang Espanyol na tumutukoy sa oras na


maaaring umaga o gabi

28
Isagawa Natin: Pangkatang Gawain

Unang grupo:
Gumuhit kung paano pangangalagaan ang
iyong alagang hayop at kapaligiran.

Ikalawang grupo:
Bumuo ng isang dula-dulaan kung paano mo
mapangangalagaan ang kalinisan at kaayusan
ng gating kapaligiran.

Ikatlong grupo:
Sumulat ng isang flip-top tungkol sa kalinisan at
kaayusan ng kapaligiran.

PAMANTAYAN SA GAWAIN

5 puntos - kung iilan lamang sa mga miyembro


ng grupo ang nakiisa sa gawain at hindi sakto sa
tema ang ginawang gawain

10 puntos – kung iilan lamang sa mga miyembro


ang nakiisa sa gawain at angkop sa tema ang
ginawang gawain

15 puntos – kung kalahati ng miyembro ng grupo


ang mahusay na nakiisa at angkop ang tema sa
ginawang gawain

20 puntos – kung ang bawat miyembro ng grupo


ay mahusay na nakiisa at angkop sa tema ang
ginawang gawain
29
Dagdag Kaalaman

Reuse – paggamit uli ng isang patapong bagay.


Reduce – pagbawas ng mga itatapong bagay.
Recycle – paggawa ng isang bagay mula sa isang patapong
bagay.

SANGGUNIAN

https://www.google.com/search?q=reuse,+reduce,+recycle&source=
lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjrkqiu0bPgAhWTa94KHRNhCSQQ_

30 AUIDigB&biw=1366&bih=657#imgr
Biography
Ang may-akda ay bunso sa dalawang
magkapatid at anak nina Francisco at Salvacion
Bautista. Ipinanganak siya noong ika-3 ng Hulyo,
1981. Kasalukuyan siyang naninirahan sa #606
Lucero St., Mabolo, Malolos City, Bulacan. Nag-
aral siya ng elementarya sa Mababang Paaralan
ng Sta. Isabel, Lungsod ng Meycauayan, (1987-
1993). Tinapos niya ang sekondarya sa Regina
Carmeli College, Malolos City, Bulacan (1993-
1998). Nagtapos siya ng Bachelor in Elementary
Education Major in Early Childhood Education (ECE) sa University of Regina
Carmeli (1998-2002). Naging Contractual teacher siya sa loob ng apat na
taon sa Paaralang Elementarya ng Pajo, Lungsod ng Meycauayan, Bulacan
(2008-2012). Taong 2013 nang siya ay naging permanenteng guro ng
kasalukuyang paaralang kanyang pinagtuturuan. Siya ay gurong tagapayo
ng baitang apat at Guidance Coordinator sa kinabibilangan niyang paaralan.
Sa kasalukuyan ay tinatapos niya ang kanyang Masteral Degree na may
kursong master of education Major in Guidance and Counseling sa Bulacan
State University, Malolos City, Bulacan.

Ang nagdibuho ng aklat na ito ay pangatlo


sa limang anak nina Ginoong Ruben Mantac
Banquillo at Ginang Marites Lacayanga
Banquillo. Ipinanganak noong ika-5 ng Pebrero,
taong 1994 sa Lungsod ng Valenzuela. Siya at
ang kanyang asawa na si Ginoong Jan Russel
Nusa Santarromana ay nakatira sa Barangay
Pajo, Lungsod ng Meycauayan Bulacan.
Nag-aral siya ng elementarya sa Paaralang
Elementarya ng Perez, Meycauayan, Bulacan
taong 1999-2005. Tinapos niya ang Sekondarya
sa Meycauayan National High School, Camalig, Meycauyan, Bulacan
taong 2005-2009. Nakapagtapos ng kursong Bachelor of Elementary
Education sa Meycauayan College, Meycauayan Bulacan taong
2013. Siya ay nagturo sa loob ng isang taon sa Meycauayan College
(2013-2014) bago naging Substitute Teacher ng dalawang buwan
(July-August 2014). Siya ay naging permanenteng guro sa Paaralang
Elementarya ng Pajo noong September 2014 hanggang ngayon at
gurong tagapayo sa ikalimang baitang. Siya ay SBM Coordinator at
School Facilities Coordinator ng naturang paaralan. Sa kasalukuyan,
siya ay nag-aaral ng Master of Arts in Education Major in Administration
and Supervision sa Governor Andres Pascual College sa Lungsod ng
Navotas.
31
S i Mino ay binatilyong mapagmahal sa kanyang
alagang kalabaw. Bukod dito, siya rin ay may
malalim na pananalig sa Panginoon. Nais niyang
ipakita, patunayan ang kanyang pananampalataya
kasama ang kanyang alaga. Kung kaya't sumali
siya sa isang paligsahan na siya ang nagwagi.

Paano maipapakita ng bawat isa ang


kanilang pagkalinga sa kapaligiran?

Vous aimerez peut-être aussi