Vous êtes sur la page 1sur 3

ABSTRAK NG AKADEMIKONG PAPEL

Suliranin : PAHAMBING NA PAGSUSURI SA MAKABAGO AT MAKALUMANG OPM: TANAW NG BSCS 1-4

MANANALIKSIK: Group-A, Bscs 1-4


UNIBERSIDAD: Politeknikong Unibersidad Ng Pilipinas
SAKLAW NG ASIGNATURA: Filipino
TAON: 2011
DIGRI: Bachelor of Science in Computer Science

Katatagpuan ng mga Sipi:

Silid-Aklatan Pahatiran Rehiyon

CCMIT Learning Resource Center NCR Maynila

Panimula

Upang magkaroon ng malinaw na pananaw at magandang pag-unawa sa isinagawang pag-aaral na ito,


pumokus lamang sa pahambing na pagsusuri ng makabagong OPM at makalumang OPM. Ang dalawang uri ng
OPM ay kinunan ng mga awiting magrerepresenta sa kanilang uri. Ito ang Hawak Kamay ni Yeng Constantino,
Narda ng Kamikazee, Picha Pie ng Parokya ni Edgar at Wag na Wag Mong Sasabihin ni Kitchie Nadal para sa
makabagong OPM at Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon, Anak ni Freddie Aguilar, Kay Ganda ng Ating
Musika ni Ryan Cayabyab at Batang Bata Ka Pa ng Apo Hiking Society para sa makalumang OPM.

Natuklasan

Ang mga patuklas sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod ayon sa suliraning nabanggit sa kabanata 1.

Limampu’t siyam na porsiyento (59%) ng mga mag-aaral sa unang taon ng PUP-CCMIT Departamento ng
Computer Science ang nagsabing 1960’s hanggang 1990’s ang taon kung saan sumasaklaw ang makalumang OPM.

May pitumpu’t apat na porsiyento (74%) ng mga mag-aaral ang sumang ayon na ang taong 1960’s
hanngang 1990’s ang taong sumasaklaw sa makabagong OPM.

May dalawampu’t isang porsiyento (21%) ng mga mag-aaral ang mas nais pakinggan ang awiting Hawak
Kamay ni Yeng Constantino. Labing tatlong porsiyento (13%) ang sa Narda ng Kamikazee. Labing anim na
porsiyento (16%) sa Picha Pie ng Parokya ni Edgar. Labing apat na porsiyento (14%) sa Wag na Wag Mong Sasabihin
ni Kitchie Nadal. Dalawampung porsiyento (20%) sa Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon. Limang
porsiyento (5%) naman sa Anak ni Freddie Aguilar. Walong porsiyento (8%) sa awiting Kay Ganda ng Ating Musika
ni Ryan Cayabyab. At tatlong porsiyento (3%) naman ang may nais pakinggan ang awitin ng Apo Hiking Society na
Batang Bata Ka Pa.

Kongklusyon

Pagkatapos ng maingat na pagtalakay at pagsuri ng mga datos ng pananaliksik, inilahad ang mga
sumusunod na kongklusyon:
1. Na sa kasalukuyan ay kaunti pa lang ang mga pag-aaral at pagsasaliksik na nagawa sa larangan ng
musikang OPM kaugnay ng paghahambing sa makabago at makalumang OPM.
2. Na karamihan sa mga pag-aaral ay tumatalakay sa kung paaano nagmula ang OPM sa bansa.

Rekomendasyon

Pagkatapos ng isinagawang pag-aaral at pagsusuri sa ikauunlad ng pananaliksik pangmusika,


iminumungkahi ang mga sumusunod: na dapat ipagpatuloy ang pagtangkilik sa OPM; na paunlarin at pagyabungin
ang sariling atin; na dapat ipagmalaki ang mga awiting Pilipino; na ang natuklasan ay maaaring gamitin ng mga
mag-aaral, guro at iba pa sa kanilang pag-aaral at pagsusuri sa Original Pilipino Music.

Vous aimerez peut-être aussi