Vous êtes sur la page 1sur 26

Musika

Ikalawang Markahan – Modyul 1:


Pagkilala sa Kahulugan at Gamit
ng F-Clef
Musika – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagkilala sa Kahulugan at Gamit ng F-Clef
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8923, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office, may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Ma. Cristina B. De Leon


Co-Author – Content Editor : Gemmaruth G. Castro
Co-Author – Language Reviewer : Gemma V. Sonza
Co-Author - Illustrator : Maricon T. Guanzon
Co-Author – Layout Artist : Rona M. Rodriguez

DISTRICT MANAGEMENT TEAM


District Supervisor, Abucay : Ruel D. Lingad, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Charito C. Corpus
Teacher District LRMDS Coordinator : Gemma V. Sonza
District SLM Content Editors : Pauline D. Roxas, EdD
: Gemmaruth G. Castro
District SLM Language Reviewers : Pauline D. Roxas, EdD
: Gemmaruth G. Castro

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC - Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, MAPEH : Maria Teresa C. Perez
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph

5
Musika
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Pagkilala sa Kahulugan at Gamit
ng F-Clef
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Musika at Ikalimang Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagkilala sa Kahulugan at
Gamit ng F-Clef.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Musika at Ikalimang Baitang ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagkilala sa Kahulugan at Gamit ng F-Clef !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa
Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
v
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang


maunawaan ang mga simbolo sa musika lalo n ang F-Clef – ang kahulugan at mga
gamit nito sa limguhit o staff.

Sa modyul ding ito matututuhan mo ang mga pangalang pantono o pitch


names ng bawat linya o puwang o space sa isang limguhit o staff.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. nakikilala ang kahulugan at kahalagahan ng F-clef sa staff (MU5ME-IIa-1);


at

2. natutukoy ang mga pangalang pantono o pitch names ng bawat linya at


puwang sa isang F-clef staff. (MU5ME-IIa-2).
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ilang guhit ang bumubuo sa isang staff?


A. 6 C. 4
B. 5 D. 7

2. Ilang puwang naman ang bumubuo sa isang staff?


A. 6 C. 4
B. 5 D. 7

3. Saang bahagi ng staff iginuguhit ang clef?


A. gitna C. kanan
B. ibaba D. kaliwa

4. Ano ang ibang tawag sa F-clef?


A. Tenor clef C. Bass clef
B. Alto clef D. Soprano clef

5. Ito ay ang mababang boses ng lalaki.


A. Bass C. Tenor
B. Alto D. Soprano

6. Ang pagguhit ng F-clef ay nagsisimula sa pang-ilang linya?


A. 3 C. 4
B. 2 D. 5

7. Ang pagguhit ng F-clef ay nagtatapos sa pang-ilang puwang?


A. 3 C. 4
B. 2 D. 5

8. Sa anong bahagi ng staff nakalagay ang do sa isang F-clef?


A. pangalawang linya C. pangatlong linya
B. pangalawang puwang D. pangatlong puwang

9. Ano ang maitutulong ng clef sa isang piyesa? A. Mababasa nang


maayos ang piyesa.
B. Malalaman kung saang nota hihinto ang pag-awit.
C. Mauunawaan ang halaga ng awit.
D. Malalaman kung sino ang await ng awitin.

10. Ano ang simbolo ng F-clef?


A. C.
B. D. #

Aralin
Kahulugan at Kahalagahan
1 ng F-Clef sa Staff
Maraming paraan upang maipahayag natin ang damdamin at saloobin. Isa
na rito ay sa pamamagitan ng musika. Maaaring ito ay nababasa o nasusulat
bilang mga simbolo ng iba’t ibang tunog. Bukod sa notes at rests, may ilan pang
mga simbolo sa musika na higit na nakatutulong upang ating maunawaan ang
wastong paraan ng pagbasa ng musika.

Ang bawat simbolo sa musika ay may gamit at kahalagahan. Bawat isa ay


may relasyon sa pagbabasa ng piyesa ng musika. Isa na rito ay F-Clef o Bass Clef

Balikan

Itambal ang nota o pahinga sa kanyang tawag o pangalan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. a. whole note

2. b. half note

3. c. quarter note

4. d. eighth note
5. e. sixteenth note

6. f. whole rest

7. g. half rest

8. h. quarter rest

9. i. eighth rest

10.
j. sixteenth rest
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay na ghahanda sa mga mag -aaral upang
makilala ang kahulugan at kahalagahan ng F -clef sa staff at
ang mga pangalang tono o pitch names na kaugnay nito.

Tuklasin

Awitin ang awit sa ibaba.


Baa, Baa, Black Sheep

Baa , baa
Baa, baablack
black sheep,
sheep,Have Have
you anyou an - y wool?
wool? Yes, Yes,
sir, yes,
sir sir, yes Three
sir bags
Threefull; bags full;

One for the mas -ter, One for the dame, One for the lit - tle boy Who lives down the lane,

Baa, baa black sheep, H ave you an -y wool? Yes, sir yes sir Three bags full ;

Sagutin ng Opo o Hindi po/Wala Po ang mga sumusunod na tanong.


1. Gumamit ba ng F-clef sa limguhit?
2. Ang bawat unahan ba ng limguhit ay may nakasulat na F-clef?
3. Naawit ko ba nang tama ang awitin?
4. Ang awit ba ay malungkot?
5. Maaari ko bang sabayan ng pagpalakpak ang pag-awit?

Suriin

Pagmasdan ang larawan.

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Ilan ang mga guhit o lines na bumubuo sa larawan?


2. Ilan naman ang puwang o spaces nito?
3. Ano ang tawag sa larawang may guhit at puwang?
4. Anong simbolo ang nakalagay sa larawan?
5. Saang bahagi ito nakalagay?

Pagyamanin

Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.


a. do

b. so

c. re

d. la

e. ti

Isaisip
Ang larawan sa itaas ay isang limguhit o staff. Ito ay binubuo ng limang
guhit at apat na puwang. Ang simbolong makikita sa kaliwang bahagi ng staff ay
ang Fclef o kilala rin sa tawag na Bass clef. Ito ay nangangahulugan ng mababang
tono. Ang pagguhit o pagsulat ng simbolo ng F-clef ay nagsisimula sa ika-apat na
guhit (4th line) at nagtatapos sa ikalawang puwang (2nd space). Ang bawat guhit at
puwang ng isang staff ay may kaugnay na nota o tono. Sa F-clef ang unang nota ay
do na nakalagay sa ikalawang puwang ng staff. Ang clef ay mahalaga upang
mabasa nang wasto ang isang piyesa ng musika.

Ginagamit sa musika ang mga ngalang pantono na Do Re Mi Fa So la Ti Do


at at bawat ngalang pantono ay may katumbas na ngalang pantitik na C D E F G A
B C.

Panuto: Punan ang patlang ng tamang kasagutan. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Ang isang staff ay binubuo ng (1) ______________ guhit at apat na puwang.


Makikita ang (2) ______________ sa kaliwang bahagi na kilala rin sa tawag na Bass
clef na nagangahulugang (3) _____________ tono.

Gumagamit ng (4) _________________ na Do Re mi Fa So La Ti Do na may bawat isa


ay may katumbas na (5) ____________ na C D E F G A B C.

Isagawa
Gumuhit ng staff tulad ng nasa ibaba sa iyong sagutang papel. Ilagay ang simbolo
ng F-clef sa kaliwang bahagi ng staff.

Isulat ang 3 kung - Napakahusay; 2 kung - Mahusay at 1 - kung Bahagyang


Mahusay ang ginawang pagsunod sa bawat pamantayan. Isulat ang bilang sa
sagutang papel.
Pamantayan
1. Naiguhit ang staff.
2. Tama ang bilang ng guhit at puwang ng staff.
3. Naiguhit ang F clef sa tamang posisyon nito.

Tayahin

Panuto: Isulat ang T kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at M kung mali
. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang musika ay ginagamitan ng staff na binubuo ng 5 guhit at 5 puwang.

2. Ang F-clef ay kilala rin sa tawag na Bass clef.

3. Ang bawat guhit o puwang ay may katumbas na nota at tono.

4. Sa F-clef staff, ang unang nota ay ang do na matatagpuan sa unang puwang ng


staff.
5. Ang F-clef ay isinusulat sa kanang bahagi ng staff.

6. Ang bass ay nangangahulugang mababang tono.

7. Mahalaga ang F-clef upang mapadali ang pagbasa ng mga tono o nota.

8. Ang pagguhit ng F-clef ay nagsisimula sa ikaapat na guhit at nagtatapos sa


ikalawang puwang ng staff.

9. Ang lahat ng uri ng clef ay iisa ang gamit.

10. Ang clef ay mahalaga upang mabasa nang wasto ang piyesa ng isang musika.

Karagdagang Gawain

Sa isang malinis na papel, iguhit ang simbolo ng F-clef. Gawin itong makulay gamit
ang mga bagay na matatagpuan sa inyong tahanan.
Isulat ang 3 kung - Napakahusay; 2 kung - Mahusay at 1 - kung Bahagyang
Mahusay ang ginawang pagsunod sa bawat pamantayan. Isulat ang bilang sa
sagutang papel.
Pamantayan

1. Naiguhit nang wasto ang F-clef.


2. Malikhain ang pagkakakulay ng F-clef.
3. Gumamit ng pangkulay na matatagpuan sa tahanan.

Aralin
Pitch Name ng mga Lines at
2 Spaces ng F-Clef Staff
Ang musika ay may iba’t ibang elemento. Isa sa mga ito ay ang melodiya.
Ang mga simbolo sa musika ay makatutulong upang madali nating malinang ang
ating kakayahan sa pagbasa at pagsulat ng msuika.

Ang bawat nota ay may kaugnayan sa pitch names na makikita sa mga lines at
spaces ng isang F clef staff.

Balikan
Hanapin sa puzzle ang limang (5) salita na may kinalaman sa ating nakaraang
aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A S E I C S R A F L A
B T F J L M P B D B E
B A S E E N S A D O N
C F G S F O T B C Y I
D F H L F Q U Z A E L

Tuklasin

Tingnan ang iskor ng Baa, Baa, Black Sheep.


Ano-ano ang ating makikita sa iskor nito?
Piliin sa kahon ang lahat ng iba pang makikita sa iskor ng awit at isulat ito sa
sagutang papel.

lyrics G clef nota F clef


letters palakumpasan writer

Baa Baa Black Sheep


Baa , baa black sheep, Have you an - y wool? Yes, sir, yes, sir, Three bags full;

One for the mas -ter, One for the dame, One for the lit - tle boy Who lives down the lane,

Baa, baa black sheep, H ave you an -y wool? Yes, sir yes sir Three bags full;

Suriin
Pagmasdan ang larawan.

Sagutin at isulat ang bawat sagot sa sagutang papel.

1. Anu-anong letra ang makikita sa mga guhit o lines ng F-clef staff?

2. Anu-anong letra ang makikita sa mga puwang o spaces ng F-clef staff?


Pagyamanin

Pagtambalin ang so-fa syllable sa katumbas nitong pitch name. Isulat ang letra ng
sagot sa sagutang papel.

Ngalang Pantono Ngalang Pantitik


(Sofa Syllable) (Pitch Name)
1. Do a. F
2. Re b. E
3. Mi c. D
4.Fa d. C
5. So e. A
6. La f. G
7. Ti g. B

Isaisip
Ang ngalang pantono o pitch name ay kumakatawan sa mga tono na ating
naririnig sa iba’t-ibang instrumento. Madali nating mababasa ang piyesa ng isang
awitin kung alam natin ang pitch name ng bawat isang nota. Bawat so-fa syllable
ay may katumbas na pitch name. Ang so-fa syllable na do ay may pitch name na C
at nasisimula o nakalagay sa pangalawang puwang o space ng staff. Mga titik na
alpabeto na A, B, C, D, E, F, G ang bumubuo sa mga pitch name. Ang pitch name
ng mga guhit ng F-clef staff ay DFAC samantalang sa puwang naman ay CEGB.

Pitch name –C D E F G A B C

Tono - do re mi fa so la ti do

Panuto: Punan ang patlang ng wastong kasagutan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Ang (1)__________________ ay kumakatawan sa mga tono na ating naririnig sa


iba’t-ibang instrumento. Madali nating mababasa ang piyesa ng isang awitin kung

alam natin ang pitch name ng bawat isang nota. Bawat( 2) _________________ ay may

katumbas na pitch name. Ang so-fa syllable na (3) _______ ay may pitch name na C

at nasisimula o nakalagay sa (4) _________________ puwang o space ng staff. Mga


titik

na alpabeto na A, B, C, D, E, F, G ang bumubuo sa mga pitch name. Ang pitch


name

ng mga (5) ________ ng F-clef staff ay DFAC samantalang sa puwang naman ay


CEGB.

Isagawa

Ibigay ang mga pitch name ng bawat buong nota na makikita sa staff.

1 2 3 4 5 6 7 8

Tayahin

Panuto: Punan ng sagot ang nawawalang pitch name. Isulat ang sagot sa sagutang
papel. Tukuyin ang nabuong salita mula sa gawaing ito.
D 1 2 3 4 F 5

6 7 8 G 9 G 10

Karagdagang Gawain
Gumuhit ng staff. Isulat ang simbolo ng F-clef sa kaliwang bahagi ng staff. Isulat
ang iskala ng F-clef staff.

Isulat ang 3 kung - Napakahusay; 2 kung - Mahusay at 1 - kung Bahagyang


Mahusay ang ginawang pagsunod sa bawat pamantayan. Isulat ang bilang sa
sagutang papel.
Pamantayan

1. Naiguhit ang staff.


2. Tama ang bilang ng guhit at puwang ng staff.
3. Naiguhit ang F clef sa tamang posisyon nito.
4. Nailagay nang wasto ang iskala.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Halinang Umawit At Gumuhit 5. Batayang Aklat (Tagalog)..

Halinang Umawit At Gumuhit 5. Manwal Ng Guro (Tagalog)..


Music And Arts For Fun 6 Textbook. Music

And Arts For Fun 6 Teacher’S Manual.

https://riffspot.com/music/bass-clef/baa-baa-black-sheep
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

Vous aimerez peut-être aussi