Vous êtes sur la page 1sur 16

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pagkilala sa Magaling at
Matagumpay na Pilipino
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pagkilala sa Magaling at Matagumpay na Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Gelliza Z. Quiambao


Co-Author - Content Editor : Elsa S. Ramos
Co-Author - Language Reviewer : Cris V. Regala
Co-Author - Illustrator : Frederic M. Martal
Co-Author - Layout Artist : Gelliza Z. Quiambao

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Alma Q. Flores
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EsP/Values : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pagkilala sa Magaling at
Matagumpay na Pilipino
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mapahalagahan


ang magagaling at matatagumpay na mga Pilipino at maipagmalaki ang mga
sakripisyong kanilang ginawa para sa bayan.
Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:
 nakikilala ang mga magaling at matagumpay na Pilipino;
 natatalakay ang kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili
para sa bayan; at
 naipamamalas ang pagpapahalaga sa mga magaling at matagumpay na
Pilipino sa pamamagitan ng pagmomodelo ng kanilang tagumpay.
(EsP6PPP- IIIc-d–35)

Subukin

A. Pagmasdan ang mga larawan ng magaling at matagumpay na Pilipino at tukuyin


kung sino sila. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1.______________ 2. _____________ 3. _____________ 4.______________ 5._____________

B. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit ang tsek (✓) kung ito ay
nagsasaad ng tama, at ekis (x) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
6. Ipinagmamalaki ni Diane ang idolo niyang si Lea Salonga dahil sa husay nito sa
pag-awit.
7. Mahilig magbasa si Robin ng mga talambuhay ng mga bayaning Pilipino.
8. Mas kinagigiliwan ni Kim ang mga Koreana kaysa sa kababayang Pilipino.
9. Tinutularan ni Hiro ang kasipagan at pagkamadasalin ng kaniyang Pilipinong
idolo.
10. Hindi nakikinig si Elise sa talakayan ng kanilang klase tungkol sa mga
sakripisyong ginawa ng mga Pilipino.

1
Aralin
Pagkilala sa Magaling at
1 Matagumpay na Pilipino
May kilala ka bang mga mahusay at matagumpay na Pilipino?
Maraming mga Pilipino ang nagpakita ng kanilang kahusayan sa iba’t ibang
larangan tulad ng sining, pampalakasan, negosyo, politika, at pananaliksik. Sila ay
naging matagumpay at produktibo dahil sa kanilang angking talento,
determinasyon, at kasipagan. Tunay na katangi-tangi ang maraming Pilipino at
dapat lang na sila ay ating ipagmalaki at gawing modelo upang sa gayon ay makamit
din natin ang ating mga pangarap.

Benigno “Ninoy” Lea Salonga Efren Peñaflorida Regine Velasquez-


Aquino Jr. - International Singer - CNN Hero of the Year Alcasid
- dating senador at 2009 - Asia’s Songbird
mamamahayag

Larawan ng mga kilalang magaling at matagumpay na Pilipino

Balikan

Bago tayo tumungo sa panibagong aralin, halina’t magbalik-aral muna tayo!


Tinalakay natin noong nakaraan ang tungkol sa paggalang sa ideya o suhestiyon ng
kapwa. Isulat mo sa tren ang 5 paraan kung paano mo maipapakita ang paggalang
sa kanilang mga ideya.

2
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
maipakita ang pagpapahalaga sa mga magaling at matagumpay na
Pilipino.

Tuklasin

Halika! Basahin natin ang kuwento sa ibaba at tuklasin ang mga natatanging
Pilipinong nakatamasa ng tagumpay dulot ng kanilang angking kagalingan at
pagsisikap.

Handa ka na ba?

Pagkilala sa Mga Natatanging Pilipino


ni Gelliza Z. Quiambao

Sina Luis, Mika, at Aya ay mga mag-aaral sa ikaanim na baitang. Sila ay


mayroong pangkatang gawain kung saan bubuo ng album tungkol sa magagaling at
matatagumpay na Pilipino.

Luis: Nadala niyo ba ang mga larawan na gagamitin natin para sa album?
Mika: Oo, Luis, dala na namin. Mayroon din kaming mga impormasyon na kinuha
upang mailagay sa ating proyektong gagawin.
Aya: Alam niyo ba namangha ako sa mga nabasa kong artikulo at kuwento tungkol
sa mga natatanging Pilipino na ito?

3
Luis: Oo, ako rin! Tulad ng actor na si Jericho Rosales. Nagsimula
siya sa mahirap na buhay. Bago siya naging sikat na artista,
nagbebenta siya ng isda upang may makain ang kaniyang
pamilya. Naging drayber din siya at nagtrabaho sa isang fast
food chain. Tapos sumali siya at nanalo sa Mr. Pogi ng Eat
Bulaga noong 1996. Nang maging artista na siya, lalo pa siyang nagsikap. At
ngayon, may sarili na rin siyang business na pagupitan.
Mika: Wow! Ang husay! Ang nabasa ko naman ay ang istorya ni Pia
Wurtzbach. Tatlong beses siyang sumali sa Bb. Pilipinas. Kahit
na ilang beses na siyang natalo, hindi pa rin siya sumuko. Kaya
naman noong 2015, natupad din ang kaniyang pangarap at
kinoronahan na Miss Universe.
Aya: Tama! Ang gagaling nila. Alam niyo ba kung sino ang pinakapaborito kong
matagumpay na Pilipino, Luis, Mika?
Luis at Mika: Sino?
Aya: Si Sen. Manny Pacquiao. Bilib na bilib ako sa kuwento ng
buhay niya. Galing din siya sa salat na pamilya. Labing-apat na
taong gulang lamang siya nang makipagsapalaran siya sa
Maynila. Iba-iba ang naging trabaho niya roon upang maitawid
ang kaniyang gutom. Ngayon, isa na siya sa mga hinahangaang
personalidad sa buong mundo! Higit sa lahat, nananatili pa rin siyang
mapagkumbaba at makaDiyos.
Mika: Tama ka diyan, Aya! Tunay ngang kahanga-hanga ang mga natatanging
Pilipino na ito.
Aya: Oo, kaya dapat lang na ipagmalaki natin sila at pahalagahan.
Luis: At siyempre, atin silang tularan! Kaya, tara na’t tapusin na natin ang proyekto
na ito.

Nagtawanan ang magkakamag-aral at ipinagpatuloy ang kanilang


pangkatang gawain. Natapos nila ito nang maayos at sila ay nakapulot pa ng
magandang aral tungkol sa mga Pilipinong nagpamalas ng kahusayan at naging
matagumpay.

Bilang pag-unawa sa iyong binasa, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.


Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Tungkol saan ang ginagawang proyekto ng mga mag-aaral?


2. Sino-sinong mga kilalang personalidad ang nabanggit sa kuwento?
3. Ano-anong katangian ang masasabi mo tungkol sa mga natatanging Pilipino
na ito?
4. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga magagaling at
matatagumpay na Pilipino?
5. Mayroon ka bang Pilipinong iniidolo ngayon? Sino at bakit?

4
Suriin

Maraming Pilipino ang nakilala sa iba’t ibang larangan ng pampalakasan, sa pag-


awit at pagsayaw, sining at teatro, pamumuno, at gayundin sa pag-unlad ng
negosyo. Halos lahat sila ay nagsimula sa hirap, nagtiis, at nagsikap upang maging
matagumpay sa kasalukuyan.
Narito ang iba pang mga magagaling at matatagumpay na Pilipino:
Hidilyn Diaz
Mula sa salat na pamilya, siya ay nagpursigi at naging Champion
Weighlifter na nagwagi ng kauna-unahang gold medal ng
Pilipinas sa 2018 Asian Games at silver medal noong 2016
Olympics.
Isko Moreno
Dating tagakolekta ng basura at nagbebenta sa junk shop. Siya
ay nadiskubre ni German “Kuya Germs” Moreno at nagbago ang
kaniyang kapalaran. Naging artista siya at ngayo’y pulitiko na
kasalukuyang alkalde ng Maynila.

Tony Tan Caktiong


Isang Pilipinong bilyonaryo. Siya ang nagtayo at may-ari ng sikat
na fast food chain na Jollibee. Nagsimula siya sa pagnenegosyo
ng ice cream hanggang sa dinagdagan ng fries, burger, at iba pa.

Mayroon din tayong mga magigiting na Pilipinong nagsakripisyo para sa ating bayan.
Dr. Jose Rizal
Ating pambansang bayani na sumulat ng akdang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo na gumising sa diwa ng mga
Pilipino upang lumaya mula sa mga Kastila.

Melchora Aquino
Kilala bilang “Tandang Sora”. Bagama’t siya’y matanda na,
kinupkop at pinakain niya ang mga Katipunero noong panahon
ng himagsikan.

Gregorio del Pilar


Isa sa mga matatapang na bayaning nagbuwis ng buhay. Siya
ang pinakabatang heneral na lumaban noong Digmaang
Pilipino-Amerikano.

Bilang isang mag-aaral, dapat lamang na hangaan at pamarisan ang mga Pilipinong
ito na nagpakita ng determinasyon, kagalingan, at pagsasakripisyo para sa ating
bayan.

5
Pagyamanin

Gawain 1: Piliin sa loob ng kahon ang mga natatanging Pilipino na inilalarawan sa


ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

a. Isko Moreno e. Tandang Sora i. Jesse Robredo


b. Lea Salonga f. Jericho Rosales j. Manny Pacquiao
c. Dr. Jose Rizal g. Regine Velasquez h. Hidilyn Diaz
d. Efren Peñaflorida h. Carlos Yulo

1. Nagsimula ng “Kariton Klasrum” kung saan tinuturuan nila ang mga batang
mahihirap sa daan. Dahil dito ay tinanghal siyang 2009 CNN Hero of the Year.
2. Sa kabila ng kaniyang katandaan ay pinakain at kinupkop niya ang mga
Katipunero noong panahon ng pananakop ng Kastila.
3. Dating tagakolekta ng basura ngunit dahil sa pagsisikap ay naging Punong
Lungsod ng Maynila.
4. Dahil sa determinasyon, siya ang kauna-unahang Pilipinang mang-aawit na
nakilala sa buong mundo at nag-uwi ng maraming parangal sa bansa.
5. Bunga ng kaniyang ilang taong pagsasanay, naiuwi niya ang kauna-unahang
gintong medalya ng Pilipinas sa Gymanstics World Championships.
6. Isa sa mga nagbuwis ng buhay para sa bayan. Inimulat niya ang kamalayan ng
mga Pilipino mula sa pang-aabuso ng mga Kastila gamit ang papel at panulat.
7. Dating naglilinis ng isda at ngayo’y isa na siyang sikat na artista at may-ari ng
isang matagumpay na negosyo sa bansa.
8. Boses at pangarap ang puhunan, siya ay tinaguriang Asia’s Songbird at isa sa
mga pinakakilala at hinahanggaang personalidad sa kasalukuyan.
9. Dahil sa kaniyang natatanging galing at pagsisikap, siya ay nakilala bilang World
Boxing Champion.
10. Isang huwarang pulitiko na naging inspirasyon ng maraming kabataan. Siya ay
dating Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG).

Gawain 2: Iguhit ang puso ( ) kung ang pahayag ay karapat-dapat pahalagahan


at ekis ( ) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Si Nora Aunor ay dating nagtitinda lamang ng tubig sa may riles ng tren. Sa
kaniyang pagtitiyaga ay naging matagumpay at sikat na aktres.
2. Si Ninoy Aquino na nagbuwis ng buhay at matapang na nanindigan sa kaniyang
prinsipyo na ipagtanggol ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pamahalaang
diktatoryal.
3. Si Jiro Manio na dating sikat na artista ngunit napariwara ang kaniyang buhay
at nakulong.
4. Si Rolando Navarette ay isang sikat na boksingero subalit nalulong siya sa
masamang bisyo at tuluyang nalugmok ang kaniyang buhay.
5. Si Gabriela Silang na namuno ng rebolusyon matapos mapatay ang asawang si
Diego Silang.

6
Isaisip

Naunawaan mo ba ang ating aralin?


Isulat ang mahalagang konseptong iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagbuo sa
talatang nasa ibaba. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

pangarap larangan halaga


tularan matagumpay karangalan
determinasyon pagsisikap kahihiyan
kakayahan Pilipino matatanda

Maraming mga (1)_______________ ang nagpamalas ng kanilang kahusayan sa


iba’t ibang (2)_______________ tulad ng sining, pampalakasan, negosyo, politika, at
pananaliksik. Sila ay naging (3)_______________ at produktibo dahil sa kanilang
angking (4)_______________, (5)_______________ , at (6)_______________.

Dapat lang nating bigyang (7)_______________ ang mga Pilipinong nagbibigay


ng (8)_______________ sa ating bansa. (9)_______________ natin ang kanilang
kasipagan at pagsasakripisyo upang maging matagumpay din tayo at makamit ang
ating mga (10)_______________.

Isagawa

Magsaliksik ng talambuhay ng isang kilalang Pilipino na may naiambag sa ating


bayan sa iba’t ibang larangan. Sundan ang balangkas sa ibaba. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

A. Pangalan: ________________________________
 Kapanganakan
Petsa: ___________________________________
Lugar: ___________________________________
 Mga Magulang:
__________________________________________
__________________________________________
B. Mga Katangian:
__________________________________________
__________________________________________
C. Mga Natamong Karangalan:
__________________________________________
__________________________________________
D. Mga Nagawa sa Bayan:
__________________________________________
__________________________________________

7
Tayahin

Unawain ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba. Isulat mo ang P kung ito ay
nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga Pilipinong matagumpay at H naman kung
hindi.
1. Ibinabahagi ni Wilson ang mga posts sa Facebook tungkol sa mga Pilipinong
atletiko na nag-uwi ng medalya para sa bansa.
2. Nagbabasa si Joven ng mga magasin tungkol sa kaniyang iniidolong
negosyanteng Pilipino.
3. Masikap na nag-eensayo ng taekwondo si Isabel upang matupad ang pangarap
na mairepresenta ang bansa sa South East Asian (SEA) Games.
4. Hindi tumutulong si Marcus sa proyekto ng kanilang grupo tungkol sa mga
bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan.
5. Kinaiinggitan ni Emma ang kababata niyang nanalo sa isang sikat na
paligsahan sa telebisyon.
6. Inspirasyon ni Norman si Manny Pacquiao dahil sa sakripisyo at pagtitiyaga
nito upang maiahon ang pamilya sa hirap.
7. Mahilig magbasa si Ray ng mga talambuhay ng mga bayaning Pilipino.
8. Mas kinagigiliwan ni Lorien ang mga Koreana at Amerikana kaysa sa
kababayang Pilipino.
9. Pinamamarisan ni Nami ang kasipagan at pagkamadasalin ng kaniyang
Pilipinong idolo.
10. Ipinagawa si Sanji sa kaniyang kapatid ang takdang-aralin na tungkol sa mga
matatagumpay na Pilipino dahil wala siyang alam tungkol dito.

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng isang slogan tungkol sa pagpapahalaga sa mga magaling at


matagumpay na Pilipino. Gawin ito sa typewriting. Kulayan ang iyong gawa.

8
9
Karagdagang Tayahin: Isagawa:
Gawain:
1. P - depende sa sagot
- depende sa rubrik 2. P ng mag-aaral
3. P
4. H
5. H
6. P
7. P
8. H
9. P
10.H
Isaisip: Pagyamanin: Balikan: Subukin:
Gawain 1
1. Pilipino 1. d - depende sa sagot 1. Manny Pacquiao
2. larangan 2. e ng mag-aaral 2. Pia Wurtzbach
3. matagumpay 3. a 3. Sarah Geronimo
4. kakayahan 4. b 4. Carlos Yulo
5. determinasyon 5. h 5. Nora Aunor
6. pagsisikap 6. c 6. ✓
7. halaga Tuklasin:
7. f 7. ✓
8. karangalan 8. g 8. x
9. Tularan - depende sa sagot
9. j 9. ✓
10. pangarap ng mag-aaral
10. i 10. x
Gawain 2
1.
2.
3.
4.
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
DepEd (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies. ESP 6, p. 87
Ylarde, Zenaida R., and Gloria A. Peralta. Ugaling Pilipino Sa Makabagong Panahon. Reprint,
Vibal Group, Inc., 2016.
Delfin, Maynard. "Buhay Showbiz: Hirap Man Sila Noon, Sikat Na Ngayon! • PINAS". PINAS,
2017. https://pinasglobal.com/2017/08/buhay-showbiz-hirap-man-sila-noon-
sikat-na-ngayon/.
"Pia Wurtzbach's 3-Year Miss Universe Journey". Rappler, 2015.
https://www.rappler.com/entertainment/pageants/photos-pia-wurtzbach-journey-
bb-pilipinas-2015.
Traya, Joefer. "SINO SI MANNY PACQUIAO? TALAMBUHAY NG PEOPLE's CHAMP BAGO
YUMAMAN". Buhayofw.Com, 2017. https://www.buhayofw.com/blogs/blogs-
filipino-literature/sino-si-manny-pacquiao-talambuhay-ng-peoples-champ-bago-
yumaman-58ad4cf4a04e9#.X_hDNtgzbIU.
"Balitambayan". Balitambayan, 2018.
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/umg/664994/hidilyn-diaz-
nabuo-ang-pangarap-sa-isang-lumang-gym-sa-zamboanga/story/.
Juan, Editor. "Ang Kwento Ng Tagumpay Ng Jollibee At Ni Tony Tan Caktiong". Juan
Tambayan, 2019. https://www.juantambayan.me/2019/02/12/ang-kwento-ng-
tagumpay-ng-jollibee-at-ni-tony-tan-caktiong/.
Perez, Jovy. "Rolando Navarette: Riches To Rags Story". Bleacher Report, 2008.
https://bleacherreport.com/articles/90678-rolando-navarette-riches-to-rags-story.
"Benigno Aquino Jr.". Real Life Heroes. Accessed 8 January 2021. https://real-life-
heroes.fandom.com/wiki/Benigno_Aquino_Jr.
"Nora Aunor, Naranasang Pumasok Noon Sa Paaralan Nang Nakayapak Dahil Sa
Kahirapan". Balitambayan, 2017.
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/chikamuna/622845/nora-
aunor-naranasang-pumasok-noon-sa-paaralan-nang-nakayapak-dahil-sa-
kahirapan/story/.
"Ex-Child Actor Jiro Manio Arrested In Marikina". GMA News Online, 2020.
https://www.gmanetwork.com/news/news/metro/722641/ex-child-actor-jiro-
manio-arrested-in-marikina/story/.
"EFREN PENAFLORIDA JR NAMED 2009 CNN HERO OF THE YEAR".
Pusongpinoyorg.Blogspot.Com, 2009.
http://pusongpinoyorg.blogspot.com/2009/09/pusong-pinoy-completed-project-
kariton.html.
News, ABS-CBN. "Unang Gold: Gymnast Na Si Carlos Yulo Lumikha Ng Kasaysayan Para
Sa Pilipinas". ABS-CBN News, 2019. https://news.abs-
cbn.com/sports/10/13/19/unang-gold-gymnast-na-si-carlos-yulo-lumikha-ng-
kasaysayan-para-sa-pilipinas.
Almario, V. "Robredo, Jesse". Cultured: Philippine Cultural Education Online, 2015.
https://philippineculturaleducation.com.ph/robredo-jesse/.

Mga Kredito sa Larawan


Alladin, U. Manny Pacquiao Poses at A Boxing Club In Los Angeles As He Prepares For His
WBA Welterweight Title Fight Against Adrien Broner. Image, 2019.
https://www.scmp.com/sport/boxing/article/2181543/manny-pacquiao-
philippines-president-boxing-icon-plays-down-succeeding.
Costa, M. Pia Wurtzbach. Image, 2016.
https://asiamedia.lmu.edu/2016/02/12/philippines-miss-universe-2015-pia-
alonzo-wurtzbach-taxation-bureau-of-internal-revenue/.
Sarah Geronimo. Image, 2020. https://assets-
onemusic.onemusic.ph/assetsonemusicph/media/articles/1595154813_screen-
shot-2020-07-19-at-6-33-10-pm.png.
Cordero, Abac. Carlos Yulo Rushing Visa For World Cup. Image, 2018.
https://www.philstar.com/sports/2018/11/06/1866296/carlos-yulo-rushing-visa-
world-cup.

10
Montemayor, Jerico. Nora Aunor. Image. Accessed 8 January 2021.
https://www.imdb.com/name/nm0042124/mediaviewer/rm3696442624/.
Ninoy Aquino. Image, 2020. https://mb.com.ph/2020/08/21/ninoy-aquino-a-young-mans-
view-of-the-hero/.
Lea Salonga. Image. Accessed 8 January 2021.
https://catsmusical.fandom.com/wiki/Lea_Salonga.
Shearer, John. Efren Peñaflorida Receives The 2009 CNN Hero Of The Year Award In
Hollywood. Image, 2009.
http://edition.cnn.com/2009/LIVING/11/16/cnnheroes.tribute.show/index.html.
reginevalcasid. Regine Velasquez. Image, 2018.
https://www.instagram.com/p/BpxwRieFT44/?utm_source=ig_embed.
Hidilyn Diaz. Image, 2016. https://news.abs-cbn.com/sports/08/07/16/look-filipina-
hidilyn-diaz-with-olympic-silver-medal.
The Filipino Times. Manila Mayor Isko Moreno. Image, 2019.
https://filipinotimes.net/entertainment/2019/09/09/manila-mayor-isko-moreno-
star-mmff-film/.
Tony Tan Caktiong. Image, 2019. https://www.juantambayan.me/2019/02/12/ang-
kwento-ng-tagumpay-ng-jollibee-at-ni-tony-tan-caktiong/.
Jose Rizal. Image, 2018. https://en.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizal.
Melchora "Tandang Sora" Aquino. Image, 2017.
https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/07/talambuhay-ni-melchora-aquino-
tandang.html.
Gregorio Del Pilar. Image, 2016.
https://group3pamumunovslider.wordpress.com/2016/09/10/jose-paciano-laurel-
y-garcia/gregorio5-2/.

Rubrik
Pagtataya ng Slogan
NAPAKA- MAHU-SAY KATAM- KAILANGAN NG
HUSAY TAMAN PAGSASANAY
Ang Bahagyang Medyo magulo Walang
NILALAMAN mensahe ay naipakita ang mensahe. mensaheng
mabisang ang naipakita.
naipakita. mensahe. 4
6 5 3

Napaka- Maganda at Maganda Di maganda at


ganda at malinaw ngunit di malabo ang
napakali- ang gaanong pagkakasulat ng
PAGKAMALIK-HAIN naw ng pagkakasul malinaw ang mga titik.
pagkakasula at ng mga pagkakasulat
t ng mga titik. ng mga titik.
titik. 2 1
4 3
May Bahag-yang Kaunti lang Walang
malaking may ang kaugnayan sa
KAUGNAYAN SA kaugna-yan kaugna-yan kaugnayan ng paksa ang slogan.
TEMA sa paksa sa paksa slogan sa
ang slogan. ang slogan. paksa.
6 5 3
4
Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang
KALINISAN AT malinis ang pagkaka- malinis ang pagkakabuo.
KAAYUSAN pagkaka- buo. pagkaka-buo.
buo. 2 1
4 3

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

Vous aimerez peut-être aussi