Vous êtes sur la page 1sur 2

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9

SET A
PANGALAN: _________________________________________ SECTION: _________________
PETSA: _____________
I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
a. Ugnayan ng bawat sector ng ekonomiya
b. Kita at gastusin ng pamahalaan
c. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
d. Transaksyon ng mga institusyong pampinansyal
2. Kalian makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
a. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho
b. Kapag gumagamit ng teknolohiya ang mga bahay-kalakal
c. Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa
d. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income?
a. Expenditure Approach
b. Economic freedom Approach
c. Industriyal Origin/ Value Added Approach
d. Income Approach
4. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuoang presyo sa ekonomiya?
a. Deplasyon b. Implasyon c. resesyon d. depresyon
5. Sa paikot na daloy ng ekonomiya,papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
a. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon na sumasalamin ng pagproproseso ng
bahay-kalakal
b. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na capital sa mga bahay-kalakal
c. Ginagamit ng sambahayan ang nakakolektang buwis upangmakabuo ng produkto na gagamitin ng
bahay-kalakal
d. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para
sa mga bahay-kalakal
6. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
a. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal
b. Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa
c. Dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa
eleksyon
d. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
7. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto
a. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa pilipinas ay kabilang sa gross national income nito.
b. Ang impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng gross national income
c. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng gross national income
d. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa gross national income.
8. Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa gross domestic product ng bansa?
a. Mataas na remittance ng mga overseas Filipino workers.
b. Masiglang pakikipagkalakalan ng pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
c. Maayos na pamumuno ng pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
d. Matalinong paggamit ng pamahalaan para sa kawanggawa.
9. Ano ang epekto ng mababang interest sa pagkonsumo ng mga tao?
a. Mahihikayat ang mga tao na umutang at tataas ang pagkunsumo
b. Mahihikayat ang tao na mag–impok sa bangko dahil sa malaking tubo.
c. Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa.
d. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap.
10. Si Apollo ay umutang kay Alex ng Php.100.00 na ipinambili niya ng isang kilong karne ng manok
sa kasalukuyan.Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunodna buwan,anong ang halaga ng
isang kilong karneng manok?
a. Php. 95.00 b.Php.100.00 c.Php.105.00 d.Php.110.00
11. Ang denipositong Php. 100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ng
paglabas(outflow)ang paikot na daloy ng ekonomiya.Ano ang nararapat na gawin upang
pumasok (inflow) muli ang salapi sapaikot na daloy?
a. Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok
b. Ipautang ng bangko ang ideniposito upang magamit na panibagong capital sa negosyo
c. Ibaba ang interest mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang panggastos ng tao
d. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang malaki ang mareserba ng mga bangko
12. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa economic performance ng
bansa,dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang maipataas ito?
a. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig
b. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin
c. Hndi, dahil ang ekonomiya na bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdig
d. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
13. Si Mr. Chen, isang Chinese national ay nagtratrabaho sa kumpanya nasa Pilipinas.Saan
dapatisinasamaang kanyang kita?
a. Sa Gross Domestic Product ng china dahil mamamayan siya nito.
b. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
c. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
d. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita.
14. Bilang isang mamimili,papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
a. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
b. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
c. Bumuli lamang sa supermarket o grocery upang matiyak ang presyo.
d. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan
15. Isang tungkulin ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang____________________.
a. Pamamahala ng mga gastos ng pamahalaan
b. Pagsusuri ng mga gastos ng pamahalaaan
c. Pangangasiwa sa paggawa ng badyet
d. Pagpapasahod sa mga empleyado ng pamahalaaan

II. Panuto: Isulat ang Tama o Mali ayon sa isinasaad ng pahag.

16. Ang hindi pampamilihang gawain ay kasama sa pagkwenta ng GNI.


17. Ang pagsukat ng pambansang kita ay nakakatulong sa paggawa ng polisiya pang ekonomiya.
18. Ang pamahalaan ay nagtataguyod ng paglilingkod at serbisyo.
19. Malaki ang papel na ginagampanan ng ibat-ibang pamilihan sa paikot na daloy ng ekonomiya
20. Ang bahay kalakal ang nagmamay-ari ng ng salik ng produksyon.
21. Ang kita ng impormal na sektor ay kasama sa pagsukat ng pambansang kita.
22. Ang pag-iimpok ay nakakatulong sa paglaki ng capital.
23. Nakasaad sa batas Republika Blg.7613 ang simpleng pamumuhay ng mga empleyado ng gobyerno.
24. Nagaganap ang implasyon tuwing may pagtaas ng presyo ng bilihin
25. Ang mga bangko ay may proteksyon mula sa PDIC.
26. Sa panahon ng implasyon, lahat ng negosyante ay kumikita.
27. Walang kinalaman ang Kongreso sa pagtatakda ng pambansang badyet.
28. Upang sumigla ang ekonomiya gumagamit ang pamahalaan ng Tight Monetary policy.
29. Ang GSIS at SSS ay halimbawa ng mga natatanging bangko.
30. Isa sa ginagawa ng pamahalaan sa pagpapasigla ng ekonomiya ay ang pagbubukas ng trabaho sa
mga mamamayan.

III. Panuto: Enyumerasyon

1-3 Dahilan ng implasyon


4-5 Pamilihan sa paikot na daloy ng ekonomiya
6-7 Paraan sa pagsukat ng pambansang kita
8-10 Mga ahensya ng pamahalaan na gumagawa ng pambansang badyet

IV. Panuto: Lagyan ng bilang ang pagkasunod-sunod paghahanda ng pambansang badyet.

_______1. Nagpapalabas ng budget call ang Department of Budget and Management (DBM) sa lahat ng
ahensiya ng pamahalaang pambansa.
_______2. Bubuuin ng DBM ang National Expenditure Program (NEP)
_______3. Ang rekomendasyon ng DBM ay pag-aaralan ng isang executive review board
_______4. Hinihikayat ang partisipasyon ng mga civil society organization at iba pang stakeholder sa
pagbuo ng badyet ng mga ahensiya ng pambansang pamahalaan.
_______5. Ipagtatanggol ng bawat ahensiya ang kanilang panukalang badyet sa DBM.

V. Panuto: Essay (5 puntos)


Isang mainit na pinag-uusapan ang excise tax na ipinatung sa mga produkto gaya ng sigarilyo, alak
at gasolina. Paano nakakatulong ang excise tax sa pondo ng pamahalaan at mamamayan?

Vous aimerez peut-être aussi