Vous êtes sur la page 1sur 12

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Kasaysayan ng Wikang Filipino Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang pambansa. Ang Pilipinas, na itunuturing na isang malayang bansa, ay may sariling wikang pambansa. Ito ay ang Wikang Filipino. Bakit mahalagang magkaroon tayo ng wikang pambansa? Sang-ayon kay Dr. Isidro Dyan, isang dalub-wika mula sa Malaya - Polinesya, "Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di nagaangkin ng sariling wikang pambansa. Kailangang magkaroon ng wikang pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sa sarili. Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas - ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraay naging Filipino. Ang kasalukuyang Filipino ay isang isyung naging sanhi ng pagsasalungatan lalo na ang mga taga-Cebu. Sabi ng mga Cebuano ang Filipino daw ay hindi pambansa kundi Tagalog na sinasalita lamang ng mga taong nasa katagalugan. Ngunit ipinaliwanag ng mga awtoridad sa Filipino na ang Wikang Filipino ay hindi Tagalog kundi sing wikang nabuo at kinilalang "lingua franca" ng Kalakhang Maynila na lumaganap na sa buong kapuluan. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo. Ito ay pinananahanan sa kasalukuyan ng 60 milyong mamamayan na gumagamit ng mga 87 na ibat ibang wika. Kabilang sa mga pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol, Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao. Pinaniniwalaang ang mga sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng isang katutubong wika na masasalita at mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-hiwalay nila ng pook ngunit mayroon din namang naniniwala na ang wikang Tagalog ay ginagamit hindi lamang ng mga katutubo sa pulo ng Luzon kundi sa iba pang mga pulo. Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap ang Kristiyanismo, kayat minabuti ng mga prayle na mag-aral ng ibat ibang wikain sa Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo. Sa ganitong paraan, nakapg-ambag sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil sa pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng ibat ibang wikain sa Pilipinas. Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino laban sa mag Kastila ang kaisipang "isang bansa, isang diwa." Kaya ngat pinili nila ang Tagalog na siyang wikang tagalog sa panahon ng propaganda - mga sanaysay, tula, kuwento, liham at mga talumpati na punung-puno sa damdaming bayan. Kahit si Rizal at iba pang propagandistay sumulat sa Kastila, batid nilang ang wikay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila. Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, hindi umunlad ang ating wika. Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gillego na gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles. Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa." Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipalilala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Itoy napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935. "Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika. Samantalang hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal." Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas

bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng ibat ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat itoy nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog. Ang sumusunod ay ibat ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating wika: Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa. Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940. Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon. Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin. Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino. Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino. Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75. Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan. Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at ditoy nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika: Artikulo XIV - Wika Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic. Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng ibat

ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili. Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

Isang Pagpupugay sa Wikang Filipino Agosto, Buwan ng Wika Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. Ito ang mga tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose P. Rizal na nagbibigay importansya sa kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao. Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo. Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nang binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang Filipino pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan. Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang ibat-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura. Kaya ang Buwan ng Wika ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa.

Mga Naging Paksa ng Pagdiriwang ng Linggo/Buwan ng Wikang Pambansa 1957-2010

1957 Pambansang Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Wikang Pilipino

1959 Pilipino Muna sa Pamamagitan ng Wikang Pilipino

1961 Pagpapatibay sa mga Simulain ni Dr. Jose Rizal sa Pamamagitan ng Paggamit ng Pilipino

1962 Lalong Pagpapatibay sa Pamanang Kalinangan ng Lahi sa Kabutihang-Asal at Damdaming Sibiko sa Pamamagitan ng Pilipino

1963 Kaunlarang Pangkabuhayan at Pambayan sa Pamamagitan ng Pilipino, Wika ng Pagkakaisa at Pagkakaunawaan

1964 Pagpapanibagong Sigla ng Kagandahang-Asal sa Pamamagitan ng Pilipino

Mga Naging Paksa ng Pagdiriwang ng Linggo/Buwan ng Wikang Pambansa 1957-2010

1965 Ang Pagkakaisa sa Wika at Tungkuling Pambansa

1967 Ang Pilipino sa Kaunlarang Pangkarunugan at Panlipunan

1968 Ang Paggamit ng Wikang Pilipino ay Pahayag ng Kamalayan sa Pambansang Kadakilaan

1969 Ang Kabansaaan at Pilipino

1970 Ang Pilipino at ang Mabuting Pagbabago

1971 Pilipino at ang Pambansang Kaunlaran

1972 Ang Pilipino at ang Kalagayan Nito sa Paaralan, Sambayanan, Bansa at Daigdig

1973 Ang Pilipino sa Bagong Kalakaran ng Edukasyon at Kultura

1974 Ang Pilipino sa Pagpapasigla ng Kahalagahang Moral

1975 Isang Bansa, Isang Diwa, Isang wika

1976 Wikang Pilipino: Kasangkapan ng Bagong Demokrasya

1977 Sandiwa sa Wika

1978 Si Quezon sa Pagbuo ng Bansa

1979 Si Lope K. Santos ang Kabataan at ang Wika

1980 Pilipino: Tinig ng Kalayaan

1981 Diwa at Wikang Pilipino sa Lipunang Makatao

1982 Pamumuhay na Makatao, Isipang Maka-Pilipino

Mga Naging Paksa ng Pagdiriwang ng Linggo/Buwan ng Wikang Pambansa 1957-2010

1983 Pilipinismo sa Wikang Pilipino

1985 May Sariling Wika ang Bansang Malaya

1986 Wikang Pilipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa

1987 Wikang Filipino sa Pambansang Kaunlaran

1988 Ang Wikang Pambansay Kasangkapan sa Tunay na Kalayaan

1988 Ang Wikang Pambansay Kasangkapan sa Tunay na Kalayaan

1989 Wika ng Kalahatan, Susi ng Kalayaan

1990 Igalang Natin ang Konstitusyon, Wikang Filipino ay Isulong

1991 Filipino Ang Wika Ko, Pilipinas Ang Bayan Ko

1992 Unawaan sa Pambansang WikaKaisahan sa Isip at Gawa

1993 Ang Wikang Filipino sa Pilipinas 2000

1994 Ang Wikang Filipino sa Pangangailangang Pambansa

1995 Ang Wikang Filipino ay Galing ng Pilipino

1996 Ikarangal ang Filipino Kaluluwa ng Bansa Mo

1997 Wika ng Rebolusyon: Noon at Ngayon

1998 Wikang Filipino: Tugon sa Ika-21 Siglo

1999 Ang Wikang Filipino sa Kanayunan: Tugon sa Pagkakaisa ng Sambayanan

Mga Naging Paksa ng Pagdiriwang ng Linggo/Buwan ng Wikang Pambansa 1957-2010

1999 Ang Wikang Filipino sa Kanayunan: Tugon sa Pagkakaisa ng Sambayanan

2000 Wika ng Rehiyon: Pantulong sa Paglinang at Pagpapaunlad ng Wikang Filipino

2001 Wikang Filipino: Mahalagang Salik sa Pagpapahayag ng Karapatang Pantao

2002 Wikang Filipino Tungo sa Globalisasyon

2003 Wikang Filipino, Pagyamanin, Wikang Vernakular, Huwag Limutin, Wikng Ingles, Pagbutihin

2004 Wikang Filipino sa Kaunlarang Pangkabuhayan, Kapayapaan at Pagkakaisa

2005 Wikang Filipino: Simbolo ng Kultra at Lahing Pilipino

2006 Ang Buwan ng Wika ay Buwan ng mga Wika sa Pilipinas

2007 Maraming Wika Matatag na Bansa

2008 Wika mo, Wika ko, Wika ng Mundo, Mahalaga

2009 Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas

2010 Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan

Kasaysayan ng Wikang Pambansa 1935 Ang Seksyon 3 ng Artikulo XIV ng saligang-Batas ng Pilipinas ay nagtatadhana ng ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansang batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. 1936 (Okt 27) sa mensahe ng Pangulong Manuel Quezon sa kapulungang pambansa ay itinatagubilin niya ang pagbuo ng Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa

layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang pambansang wikang panlahat na batay sa isa mga wika sa kapuluan. 1936 (Nob. 13) Bilang pagtupad ng itinadhana ng saligambatas at pagalinsunod sa mensahe ng pangulong Quezon, pinagtibay ng Kongreso ang batas Komonwelt blg. 184 na nagtatag ng isang Pambansang Surian ng Wika at nagtatakda ng mga kapangyarihan at tungkulin nito. Sa pagpili ng gagamiting wika ay itinatadhana ng batas na hirangin ang wika na may higit na kaunlaran sa kaniyang pagkakabuo, mekanismo, pampanitikan at siyang tinatanggap at ginagamit ng lalong malaking bilang ng mga Pilipino. 1937 (Enero 12) Hinirang ng Pang. Manuel Quezon ang mga kagawad na bubuo sa Surian ng Wikang Pambansa: Jayme C. de Veyra (Samar-Leyte) -tagapangulo Santiago A. Fonacier (Ilukano) - kagawad Filemon Sotto (Cebu) - kagawad Casimiro F. Perfecto (Bikol) -kagawad Felix S. Salas Rodriguez (panay) - kagawad Hadji Buto (Muslim) -kagawad Cecilio Lopez (Tagalog) - kagawad 1937 (Nob 9) Bunga ng pag-aaral na ginawa ng SWP, pinagtibay ng pangulo ng Pilipinas na ang wikang Tagalog ang gamiting saligan ng wikang pambansa. Seksyon 7 ng Batas Komonwelt 333, na nagsususog sa ilang Seksyon ng Batas Komonwelt Blg. 184. Isa sa mga susog, ang pangalang pambansang Surian ng Wikang Pambansa ay ginawang Surian ng Wikang Pambansa, at tiniyak ang pagkabuo ng Surian na ang bawat kagawad ay kakatawan sa isang pangunahing wika sa kapuluna. 1940 (Abril 1) sa pamamagitan ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang talatinigan at isang balarila ng Wikang Pambansa, at itinatakdang mula Hunyo 19, 1940 ay sinimulan nang ituro ang wikang pambansa sa lahat ng paaralang bayan at pansarili. 1940 (Abril 12) Pinalabas ng Kalihim Jorge Bacobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang kautusan pangkagawaran; itoy sinundan ng sirkular Blg. 26,s 1940 ng Patniugot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sisimulan sa mataas na paaralan at sa mga paaralang normal.

1940 (Hunyo 7) Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana na ang pambansang wikang Filipino ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946. 1954 (Marso 26) Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamasyon Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 tauntaon kasaklaw ang kaarawan ni Balagtas (Abril 2). 1955 (Set 23) Nilagdaan ng Pang.Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 ng 1954. na sa pamamagitan nitoy inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 ng Agosto hanggang ika 19 ng Agosto. Saklaw nito ang kaarawan ng pangulong Manuel Quezon, ang ama ng Wikang Pambansa. 1959 (Agosto 13) Pinalabas ni kalihim Jose E. Romero ng kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad ng kailanmat tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin. 1967 (Okt 24) Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang isang kautusang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay iniaatas din ang mga ulong-liham ng mga kagawaran at mga tanggapan,at mga sangay ng pamahalaan ay naraaapat na nakasulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang salin sa Ingles, iniatas din na ang mga panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay gagawin sa Filipino. 1968 (Agosto 6) Nilagdaan ng pang. Marcos ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nag-aatas na gamitinnhanggat maaari sa lahat ng kagawaran, kawanihan at iba pang sangay ng pamahalaan ang wikang Pilipino sa Linggo ng Wika at gayun din pagkaraan nito sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan. 1971 (Hulyo 19) Pinalabas ng Kalihim TagapagpaganapAlejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 488 na nagbibigay diin sa Proklamasyon Blg. 186, s. 1955 na nag-aatas sa lahat ng tanggapang pampamahalaan na magdaos ng mga palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa. 1974 (Hunyo 19) Pinalabas ng kalihim Juan L. Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang kautusang pangkagawaran Blg. 25, 2. 1974 na

nagtatakda ng mga Edukasyong Bilingual.

panuntunan

sa

pagpapatupad

ng

Patakarang

1976 Nilagdaan ng kalihim Juan Manuel ang Memoramdum pangkagawaran Blg. 194, s. 1976 na nagsasaad ng binagong mga tuntunin sa ortograpiyang Pilipino na nagragdag sa 20 titik ng Abakada ng mga titik C, CH, F, J, LL, , Q, RR, V, X, Z. 1979 Nilagdaan ng Minster ng Edukasyon ng Lultura ang Kautusang pangministri Blg. 47 na nagtatakdang ang mga mag-aaral na dayuhan sa mga dalubhasaan at pamantasan sa Pilipinas ay kailangang makakuha at maipasa ang anim (6) nay unit ng Pilipino upang makatupad sa mga pangangailangan sa pagtatapos sa anumang kurso. 1980 (Abril 28) Ipinalabas ng Minister ng Edukasyon at Kultura, Onofre D. Corpuz, ang Memorandum Blg. 103 na nagtatatag ng mga sentro sa PNC at NTC na magsasanay sa mga guro sa dalubhasaan na gumamit ng Pilipino bilang wikang panturo. 1986 sa Saligang Batas ng 1986, ang wikang pambansa ay itinatadhanag tatawaging Filipino gaya sa nakasaad: Artikulo XIV, Sek 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,dapat mafsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pangedulasyon. FILIPINO: WIKANG PAMBANSA PARA SA MGA FILIPINO Ni R. Aguilar Itinakda ng Salingambatas ng 1987 na: Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Habang ito ay nabubuo, patuloy itong pauunlarin batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika, (Art. XIV, sec 6) Sinasabi sa seksyong ito na:

Alinsunod sa mga probisyon ng batas at kung mamarapatin ng kongreso,gagawa ng hakbang ang gobyerno upang simulan at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wikang opisyal sa komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistema sa edukasyon, sinabi rin sa Art. XIV, sek. 7 na: Para sa komunikasyon at pagtuturo,ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hanggat walang ibang itinakda ang batas, Ingles. Maliwanag ang isinasaad ng batas, ngunit ang naging isyu ay ang kahulugan ng salitang Filipino. Ano ang ibig sabihin ng Filipino? Ito ba ay ang Tagalog na binihisan lamang ng bagong pangalan. Ang ating bansa ay binubuo ng maraming wika at wikain sa bawat rehiyon at ang bawat rehiyon ay naghahangad na ang kanilang wika ay maisama kundi man siyang gawing wikang pambansa. Sakasalukuyan,kapag sinabi mong ang batayan ng wikang pambansa at Tagalog, marami ang tumutol na sa ilang bahagi ng Cebu at Mindanao. Ito ang sagwil sa mabilis na pagpapalaganap ng wikang pambansa. Marami rin ang nagtatanong kung ito bang Filipino ay ang Linggua Franca na ginagamit sa Maynila. Ayon na rink ay Dr. Ernesto Constantino ng UP na dahil naging salungat ang mga di-Tagalog,baka di malayong ang wikang English an gating maging wikang pambansa. Ang Tagalog ang hindi mother tongueng pinakamalawak na pangkat linggwistiko bagamat maaaring masabi na ang Tagalogang may pinakamaraming nagsasalita, ang kaniyang katunggali rito ay ang wikang Cebuano na lalong may maraming nagsasalitang katutubo. Sa buong Pilipinas ay may 52% ang nagsasalita sa Filipino/Tagalog. Sa ilang mga talakayan hinggil sa wika ay lumitaw ang maraming suliranin kung tagalong nga ang bataayn ng wikang pambansa tulad nang pairalin ang Bilingual Education System dahil ditto ay inalis sa mga paaralan ang paggamit ng iba pang wika sa pagtuturo maliban saEnglish at Filipino (batay sa Tagalog): naging bunga sa mga llawigan tulad ng Negros Occidental,na kung saan ang lahat ng mga mag-aaral at mga guro ay mga Ilonggo at Hiligaynon. Isang suliranin din ito sa isang pamilya na kung saan ang mga magulang ay nagsasalita ng magkaibang wika, Ilokano at Kapampangan o Bisya at Bikol, atbp., samantalang sa paaralan at Tagalog at English. Wala

itong suliranin sa Metro Manila, dahil sa Maynila ay nagkakaroon ng paglilipat sa Tagalog ang wika ng mamamayan. Sa kabilang dako, naniniwala si Direktor Ponciano pineda ng Komisyon ng Wika na ang paggamit ng wikang Filipino ay walang suliranin, mauunawaan ito at nagagamit ng mga di-Tagalog, kasama ang Bisaya at Mindanao, ang kailangan lamang ay pagpapaliwanag, bagamat kailangan muna ay magkasundo ang gumagawa ng patakaran sa wika dahil kung sila mismo ay hindi nagkakaisa, hindi maniniwala ang pinagpapaliwanagan. Hindi makaila na an gating pamahalaan ay gumawa ng mga hakbang tungo sa pag-unlad ng ating wika. Nagpalabas ang pangulo ng kautusan blg. 335 noong Agosto 25, 1988 na nag-uutos ng: 1. Gumawa ng hakbang sa paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng opisyal na komunikasyon, translasyon at korespondensya sa kanikanilang tanggapan maging pambansa o local. 2. Magtakda ng isa o higit pang tauhan na mamahalasa lahat ng komunikasyon at korespondensya na nakasulat sa Filipino. 3. Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng tanggapan,gusali at tanggapang pampubliko,ang mga signboard ng lahat ng mga tanggapan at dibisyon samantala maaari na lamang isulat sa wikang English sa maliit na titik ang salin nito. 4. Gawin sa Filipino ang panunumpa sa tungkulin ng mga opisyal at mga tauhan ng pamahalaan. 5. Magsagawa ng mga pagsasanay sa paggamit ng Filipino sa mga tauhan ng bawat tanggapan sa opisyal na komunikasyon at korespondensya.

ANG TALAMITAM (Komunikasyon) Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng pagkukuro at damdamin sa pamamagitan ng salita upang makaunawa ang mga tao. Ginagamit natin ang wika sa pang araw-araw nating pakikipagtalamitam tungo sa pag-unlad n gating pamumuhay. Sa lahat ng pagkakataon, wika ang ginagamit natin upang maiparating ang ating iniisip at nadarama sa ating kapwa. Lahat ng lahi o lip ng tao, gaano man ito kadukha ay may taglay na wika. Ang wika ay laging kaakbay sa lakad ng panahon. Bagaman maaaring makipagtalastasan sa pamamagitan ng mga hudyat tulad ng paggalaw ng ibat ibang bahagi ng katawan at bakas ng mukha; tulad ng pagsimangot, pagngiti, pagkindat o paggalaw ng ulo tulad

ng pagtango o pag-iling, ang paggamit pa rin ng wika ang pinakamabisang pakikipagtalastasan, berbal man o di-berbal. Ayon kay Dogro Dregorio Rodillo, ang wika ay isang payak na pagpapakahulugan, ay paraan ng pagpapahayag ng iniisip at dinarama upang magkaunawaan. Ang mga katangiang taglay nito ay: 1. buhay, 2. natatangi, 3. nakabuhol sa kultura, 4. nagsasalungatan, 5. nagkakatulad.

Vous aimerez peut-être aussi