Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
alinagng png:
Alinaya
Nilalaman
Editoryal
Wikang Filipino ang Dapat 2 na Maging Wika ng Bagong Gobyerno
Tomo 3 Bilang 1
Hulyo 2010
Balita
Mabanglo, Naging Visiting 3 Professor ng DLSU-M Annual Recruitment Week, Isinagawa ng DANUM
Kolum
5 Wika at iba pa ni Dr. Josefina M. Mangahis Kontra-gahum ni David Michael M. San Juan 6
Lathalain
EMO ni Anna Marielle B.
Panitikan
Mga Elemental na Pag-ibig 10 ni John EnricoTorralba Kung kailan kailangan ni Joselito delos Reyes Ang wikay parang isang bus.E.R. Abueg 11
13
sa Agosto 7, 2010. Sa taong ito, labindalawang iskolar buhat sa ibat ibang estado ng America ang nakapasa sa programa. Sa loob ng walong linggong ganap na imersyon, inaasahang ang mga estudyante ng programa ay nakapagsasagawa ng tasks nang may higit na mataas na antas ng komunikasyong akademik at sosyal. Nagagamit ang wikang Filipino sa tulong ng unang wikang sa pinagsanib na kaligirang nakaprograma at di nakaprograma. Napa-
Alinaya
Editoryal
Mahalaga ang gampanin ng kongreso sa paglikha ng mga batas na magsusulong sa pag-unlad ng wikang Filipino lalo na sa sistemang pang-edukasyon ng bansa. Kaugnay nito, mahalagang maging katuwang ng kongreso ang gobyerno upang puspusang maitaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wikang opisyal at at wikang panturo. Ngunit ang ganitong mahahalagang tungkulin ng kongreso at ng pamahalaan ay di natin nakita sa nakaraang administrasyon, bagkus sila pa mismo ang gumagawa ng mga batas na pipigil sa paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng pagtuturo at nagpapahayag ng mga kautusang ibalik sa Ingles ang midyum ng pagtuturo dahil sa pangangailangan ng bansa sa mga manggagawang mahusay sa wikang Ingles. Sa nakaraang eleksiyon, umabot sa kabuuang bilang na 15, 208, 678 ang bumoto kay Pangulong Aquino. At tiyak na marami sa bilang na ito ay karaniwang mamamayang Pilipino. Kaya tama at makatarungan lamang din na gamitin ang kanilang wika sa pamamahala, ang wikang Filipino, lalo na kung nais ni Pangulong Aquino na paglingkuran ang mga karaniwang mamamayang Pilipino. Di tulad ng nakaraang administrasyon na inilayo sa mga mamamayang Pilipino ang gobyerno dahil sa tahasan nitong paggamit sa Ingles, lalo na sa mahahalagang usapin o isyung pambansa, ngayon ay may pag-asa ng mailapit sa mamamayang Pilipino ang gobyerno. Ngunit bago ito maisagawa, kailangan munang maging malinaw ang mga programang pangwika ng ating bagong gobyerno. Mahalagang mahigpit nitong pangatawanan ang paggamit ng wikang Filipino. At kung maipatutupad ito tiyak na mas maraming Pilipino ang mapaglilingkuran nito at di ang iilan lamang. Kung nais ng bagong gobyerno ng magkaroon ng malasakit o pakialam ang mamamayang Pilipino, at maging katuwang sa pagpapabuti nito, mahalaga ring maipakita ng gobyerno ang malasakit nito sa wikang sinasalita ng sambayanan, ang wikang Filipino. Dahil
Punong Patnugot: Genaro R. Gojo Cruz Kontribyutor: Dr. Josefina M. Mangahis, David Michael M. San Juan, Voltaire M. Villanueva, Amanda Fernandez, Anna Marielle B. Dy, Jenaira F. Macapagal, John Enrico C. Torralba, at Joselito delos Reyes. Lay-out: Genaro R. Gojo Cruz Pamuhatan: Departamento ng Filipino, Rm. 401 William Hall, 2401 Taft Avenue, De La Salle University / Telepono: (02) 5244611 lokal 509 / Email: dlsu.alinaya@gmail.com
Alinaya
Balita
Si Dr. Ruth Elynia S. Mabanglo kasama ang Departamento ng Filipino. Kuha noong Disyembre 20009 sa Christmas Party ng Fildept.
serbisyo na makakapagtaguyod ng matatapat, makatarungan at propesyonal na media practitioners na manguna sa mga pagbabagong kahaharapin ng DLSU-M at ng bansa. Noong Hunyo 7 hanggang 11, 2010, isinagawa ng organisasyon ang kanilang Annual Recruitment Week na ginanap sa Yuchengco Lobby ng pamantasan. Layunin nitong mahikayat ang mga estudyante ng DLSU-M na maging kasapi ng organisasyon lalo na ang mga may interes sa Araling Filipino.
Alinaya
Balita
Alinaya
WIKA AT IBA PA
Wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan. Ito ang simbolo na bumubuo ng sistema upang maayos na maisakatuparan ng tao ang paghahatid ng anumang mensahe. Ito ang nagsisilbing susi ng tao sa pagkakaunawaan. Wika ang pangunahing instrumento ng media sa paghahatid ng impormasyon. Ang mundong ating ginagalawan ay napapaibabawan nang malakas na kapangyarihan at makulay na daigdig. Ito ang kapangyarihan ng media. Makapangyarihan sapagkat may kakayahan itong mag-utos, magdikta at makainpluwensya sa atin. Ano nga ba ang media? Ang media ay nagmula sa salitang medium na nangangahulugang paraan ng paghahatid ng mensahe ng tagapagdala sa isa o higit pang tatanggap nito. Samakatuwid, anumang pakikipagkomunikasyon maging pribado o pampubliko ay bahagi ng media. Pangunahing kakayahan ng media na manghikayat ng publiko. Gumagamit ang media ng wika sa paghahatid ng anumang impormasyon. Mahalaga ang pagpili ng wikang gagamiting sa pagbuo ng isang patalasatas o komersyal sa iba't ibang larangan ng media sapagkat nag-iiwan ito ng mensahe mabuti man o masama sa isipan ng mambabasa at manonood. Layunin ng Media Ang pangunahing layunin ng media ay maghatid ng impormasyon sa publiko. Ang pangalawang layunin ng media ay maging daan sa prope-
syonalisasyon ng industriya sa pagsasahimpapawid (broadcasting) tungo sa pagpapaunlad at pagpapataas ng ekonomiya ng nasasakupang bansa (http:// www.wkonline.com/d/mass_media.html). Ang pangatlong layunin ay maging instrumento ang media upang himukin ang publiko na gumawa ng aksyon ukol sa inilahad na isyu. Nagagawa ng media na maimpluwensyahan ang publiko kung paano mag-isip, bumuo ng pananaw at paano mamuhay. (Defleur (2003) Ideolohiya ,Media at Kapangyarihan Bawat tao sa mundo ay may kanyakanyang ideolohiyang pinaninindigan . Matuwid man o hindi kailangan pangatawanan at panindigan ang mga ito. May malaking epekto ang kultura sa nabuong ideolohiya ng bawat tao. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa, nakabubuo tayo ng kultura. Nakabalot sa kulturang kinagisnan ang paniniwala, pananampalataya, pamantayan sa buhay at marami pang iba. Ang ideolohiya ay sistema ng kaisipan na ipinahahayag sa pakikipagtalastasan ng tao o pangkat ng tao kapwa kakambal ang saloobin at pananaw ng tao. Nakapaloob dito ang nabuong makabuluhang oryentasyon na ipinahahayag sa pamamagitan ng pakikipagtalastaan. Binigyang kahulugan ni Lull (2000), ang ideolohiya na naglalarawan sa pagpapahalaga at agenda ng publiko, pangkat ng sekta ng relihiyon, partido ng pulitika, mga kandidato, samahan ng mangangalakal, paaralan, samahan ng mga maggagawa at iba pa. Nakabalot pa rin sa ideolohiya ang ugnayan ng kapangyarihan ng lipunan at nabuong kaisipan gamit ang wika sa
kontekstong pampulitika.Tinukoy nga ni Raymond Williams na may kaugnayan ang ideolohiya sa interes pang ekonomiko. Binanggit ni Thomson (1990) na ang ideolohiya ay pagpapatunay ng dominanteng ideolohiya at simbolikong anyo. Sa simbolikong anyo maiuugnay ang mga nakapaloob sa media, platapormang pampulitika, mensaheng nagmumula sa pamahalaan, paaralan, nabuong samahang panrelihiyon at iba pa, ay ginagamit upang mabuo ang pagdodomina sa kapangyarihan. Walang magiging suliranin dito ang mga piling mayayamang tao sa lipunan sapagkat may malaki silang impluwensya sa makapangyarihan. Madaling maisasagawa ang pagmamanipula sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang salapi sa iba't ibang paraan ng komunikasyon tulad ng media. Samakatuwid, nakasalalay sa paggamit ng wika kung magiging mabuti o masamang epekto sa mambabasa, manonood at tagapakinig.Malaki ang papel ng mga taong nakakubli sa pagsulat at paglikha ng media sapagkat sila ang magsisilbing tulay ng pag-unawa at pagtanggap ng mga tagapagtaguyod nito sa radyo,telebisyon at iba pang sangay ng media. Napaniniwala tayo ng media na ang ating mundo ay punung- puno ng kasamaan at krimenalidad. Kapansin-pansin na matutunghayan natin sa bungad ng pahayagan at (Sundan sa pahina 12)
Alinaya
KONTRA-GAHUM
Katipunerong Sugarol, Makabayang Magnanakaw atbp. TRIVIA Ukol sa ang isang gobyernong Rebolusyong gumagamit ng kaniyang 1896 at Deklarasyon ng wikang pambansa ay Kalayaan ng pinakikinggan ang kaniyangPilipinas
ni David mamamayan.Michael M. San Juan sa kanilang ginawa, hindi magiging mabilis ang tagumpay ng Katipunan at malamang, naantala/nadelay pa ang kaganapan noong ika-12 ng H u n y o 1 8 9 8 . Tanong: Alam mo na ngayon ang ipinagkaiba ng mga magnanakaw NOON at NGAYON? *** Espanyol ang wikang ginamit sa pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. Tanong: Ito kaya ang dahilan kaya maraming Pilipino ang walang pakialam sa Araw ng Kalayaan? *** HINDI INAWIT ang Lupang Hinirang sa flag raising DAHIL WALA PANG LYRICS ITO NOON...Tugtog pa lang...Ang Marcha Nacional Filipina. Tanong: Ano kaya ang feeling ng mga tao noon na humming lang at walang lyrics ang supposedly ay national hymn? *** Isang Amerikano, si Col. Johnson, ang nakapirma sa deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Ebidensya ito na kinikilala ng Estados Unidos ang deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas. Kung gayon, isang malaking kataksilan o pagtatraydor ang ginawa ng Estados Unidos na pagpasok sa Kasunduan sa Paris kasama ang Espanya noong Disyembre 10, 1898. Sa nasabing kasunduan, kung saan, etsepwera ang mga Pilipino, nagbayad ng $20,000,000 ang Estados Unidos para "bilhin" ang Pilipinas sa Espanya. Tanong: May pinagkaiba ba ang trato sa atin ng mga Kano noon at ngayon? *** Diktadura ang porma ng pamahalaang itinayo ni Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 dahil may gera pa rin. Mas mabilis kasi ang aksyon na kailangan sa panahon ng digmaan. Enero 1899 na nang opisyal na itayo ang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan. Tanong: Ano ang porma ng gobyerno natin ngayon? *** Nang dumating ang mga Kano, maraming mayayamang republikano ang nagtraydor sa republika... Nag-resign sila sa Republika ng Malolos at pagkatapos ay kumapit na sa mga Kano...Iyan ang simula ng mahabang palabas na hanggang ngayon ay nasasaksihan natin sa Senado, Kongreso at paminsan-minsan hanggang sa Palasyo Tanong: Ano kaya ang mangyayari sa susunod na anim na taon? ABANGAN ***
Isinagawa naman ng DANUM noong Hulyo 2, 2010 ang una nitong General Assembly sa taong ito, kasama ang mga fakulti ng Fildept. (Jenaira F. Macapagal) Noong nakaraang Hunyon12, ginunita (nga ba?) ng sambayanang Pilipino ang ika-112 taong anibersaryo ng pagpapahayag ng kalayaan ng ating bansa sa Kawit, Cavite. Narito ang ilang trivia kaugnay sa Rebolusyong 1896 at sa deklarasyon ng ating kalayaan na naging bunga nito. *** Kung hindi dahil sa 2 Katipunero na regular na tumataya sa Australian Lottery, hindi magtatagumpay ang Katipunan na magparami ng miyembro. Nanalo sa lotto ang 2 Katipunero at ibinigay nila ang pera sa Katipunan. Ipinambili ng printing press ang nasabing pera. Dahil sa printing press, nakapagimprenta ng dyaryong KALAYAAN ang Katipunan. Lumobo sa kung ilang daang libo ang kasapian/membership ng Katipunan pagkatapos na mailabas ang una (at huling) edisyon ng KALAYAAN. Tanong: Tumataya ka ba sa lotto? Ilan kaya sa mga nakapila sa tayaan ng lotto ang magiging makabayan din (o pa rin) pag nanalo sila? *** Kaugnay ng unang trivia, kulang ang gamit ng printing press ng Katipunan. May mga Katipunerong nagtatrabaho sa Diario de Manila ang nagnakaw ng mga kailangang gamit. Mabuhay ang mga makabayang magnanakaw! Kundi dahil
Alinaya
SALOOBIN
mag-aaral na naipapamalas ang kanilang kaalaman na hinugot sa sarili nilang pagkakakilanlan. Naisusulong ang prinsipyong kasabay ng kasiyahan at pagbabahagi ng mga karanasan ang pagkatuto. Tunay na hindi nalalayong mailapat ang mga konsepto at teorya na napulot sa apat na sulok ng silid-aralan ay madala sa reyalidad; sa laboratoryo ng buhay. Ito ay angkla sa misyon at bisyon ng transpormatibong edukasyon bilang pangunahing itinataguyod ng ating minamahal na unibersidad. Maigting kong napatunayan na sangkap ang kooperativ, koloborativ at inter-aktiv na pagdulog bilang napakabisang salalayan sa ugnayang personal at intelektuwal ng gurot mag-aaral. Ang mga pangkatang gawain tulad ng tsubibo ng kaalaman, pirapirasong papel sa pagbuo ng kongkretong konsepto, bukas-sara, roleta at sinturon ng karunungan. Maging ang paggamit ng hudyat ng kamay at pagpapakita ng mga aktwal na gamit pangkalinangan at karunungang bayan ay dagdag upang maging mabisa, kasiya-siya at katangi-tangi ang pag-aaral, pagkatuto at pagtuturo. Abot-kamay lamang natin ang mayayamang sangkap na isasahog sa ihahandang pagkain. Hitik na hitik tayo sa ibat ibang batis na magiging sanggunian sa pagpapalawak ng pag-aaral. Likas na sa ating lahi ang mayamang
Alinaya
Lathalain
nagtungo na ang grupo sa lungsod ng Pagudpud kung saan makikita ang Bangui Wind Farm, Kabigan Falls at DUMAYO noong Marso 18 hangBlue Lagoon. Lubos na ipinakita ng gang 22 patungong Ilocos ang mga mga lugar na ito ang tunay na kayaestudyante ng kursong AB Philipmanan ng kalikasan na taglay ng pines Studies (PHM) para sa isang field work. Kaugnay ito ng kanilang Pilipinas. Sa huling araw ng paglaklaseng Ang Turismo at Midya sa lakbay, pinuntahan nila Marcos ResiKultura at Lipunang Pilipino dence kung saan makikita (FILTURS). Kasama sa nasabing pa rin ang labi ni dating paglalakbay ang mga pakultad ng Departapangulong Ferdinand E. mento ng Filipino na sina John Enrico Torralba Marcos. at Rowie Madula. Ngunit sa anumang Maraming natutuhan ang mga estudyante paglalakbay na isinasagawa habang dumadayo sa ibat ibang lugar sa ng mga Pilipino, di mawIlocos. Una nilang pinuntahan ang lungsod ng awala ang pamimili ng mga Vigan, kung saan nakita nila sa pamamagitan pasalubong. Kaya namili ng mga lumang bahay pa ang bawat isa ng mga ang uri ng pamumuhay pasalubong sa isang malapit ng mga Pilipino noong na pamilihan doon. At pagpanahon ng Kastila. Isa tapos ng pamimili, sunod sa mga lugar na pinunnaman nilang pinuntahan tahan nila sa Vigan ay ang Sand Dunes upang ang Mansion Syquia, makaranas na makasakay sa kung saan ipinakita ang 4x4 na sasakyan. pamumuhay ng mga Tunay na naging elitistang Pilipino makabuluhan ang FILnoong panahon ng KasTURS dahil sa pagbibitila. gay nito ng mahahaPagkaraan ng Vilagang karanasan at gan, dumayo naman kaalaman sa mga estudang mga estudyante at pakultad yante. Bukod sa kasiyasa Baluarte Zoo, kung saan hang dulot ng kanilang nakita nila ang ilang mga hayop paglalakbay, nakapagbitulad ng mga ibon, kabayo at gay ito ng pagkakataon sa kanila upang kambing. Pinuntahan rin nila ang tuklasin at maunawaan ang taglay kulBantay Bell Tower bago sila tutura ng mga Pilipino. mungo ng Laoag City. Ayon nga sa tour guide sa nasabing Sa lungsod ng Laoag, pinunpaglalakbay, Bago ka bumisita sa tahan nila ang pagawaan ng asin. ibang bansa, bisitahin mo muna ang Marami ang namangha sa iyong sariling lugar [Pilipinas]. proseso ng paggawa ng asin. Sa palagay ng mga estudyante ng Sunod na pinuntahan nila ang sikat Bago ka bumisita sa ibang FILTURS, kahit papaano ay nasimuna Cape Bojeador kung saan natanaw bansa, bisitahin mo muna ang lan na nila ang sinabing ito ng ng bawat isa ang tanawin mula sa kanilang tour guide. iyong sariling lugar itaas. Di pa nagtatapos ang araw ay [Pilipinas].
Alinaya
EMO
ni Anna Marielle B. Dy Sapagkat maraming Pilipino sa kasalukuyang panahon ang tinataguriang EMO, kaya ito sa palagay ko ang dapat na maging Salita ng Taon. Madaling makikilala kung sino ang mga EMO malulungkot na kulay ng pananamit, madalas na kulay itim, konting pula at puti, kadalasan may disenyong walang tiyak na anyo ngunit sadyang nagpapahiwatig ng panimdim, mahabang buhok na halos matakpan ang kalahating bahagi ng mukha, paggamit ng eyeliner, at madalas na nasa isang madilim na lugar. Matinding kalungkutan, pighati, at pagdaramdam ang dahilan ng kanilang pagiging ganito. Kung ang ibang taoy pilit kinakalimutan o iniiwan ang matinding kalungkutan, ang mga EMO gustong-gusto maglunoy rito. Parang laging gusto nilang magtago. May mga EMO ring sinasaktan o sinusugatan ang kanilang sarili. At may mga EMO rin na ipinapabatid sa buong madla na nais nilang kitilin ang kanilang buhay, kaya minsan ay kilala rin sila bilang suicidal. Di ba nakakabahalang makakita ng mga taong may ganitong panlabas na anyo o kumausap ng taong nababalot ng lungkot? Ang EMO ay pinaikling salita na nagmula sa salitang Ingles na emotional. Nagsimulang gamitin ang salitang EMO noon pang 1980s nang mauso ang mga bandang punk-rock. Ang isang tao ay emotional kung madaling maapektuhan o maantig ang kanyang damdamin. At tulad ng mga EMO, ang emosyon ang pangunahing nagpapatakbo ng kanilang buhay. Ito lamang ang kanilang pinaiiral. Ang punk-rock ay kombinasyon ng musikang melodic at eksperimental na kadalasan ay may hardcore variety. Sa pagtagal ng panahon, itinuring na itong higit pa sa isang uri ng musikanaging isang uri na rin ito ng pag-iisip na maaaring ilantad sa pisikal o emosyonal na paraan na sadyang nakabibighani ng damdamin. Mangilan sa mga bandang kinikilala sa mga awiting EMO na sikat sa Pilipinas ay ang My Chemical Romance, Fallout Boy, Paramore, at ang mga Pinoy na bandang Typecast, Cueshe, 6 cycle mind at Chicosci. Bakas sa mga kanta ang kalungkutan o pag-iisa tulad na lamang ng Scars of a Failing Heart ng Typecast na may linyang: Emptiness of words that you've said, scars in my heart that you left, now I'm close to dying. Broken glass cut me to sleep, wounds are dissected so deep, I don't want to wake up, I need this blood to warm my hands, at ng kantang, I ng 6 cycle mind na may linyang: At ngayong wala ka na, hindi alam kung saan magsisimula. Ang ngayon, bukas, kailan man nag-iba. Wala bang bukas. May ilang kahulugan na maaaring maging konotasyon ng salitang EMO. Nabigyan ng ibang pagpapakahulugan ng mga Pilipino ang salitang EMO. Para sa mga Pilipino, EMO ang taong wariy may sariling mundo o kaya mahilig mag-isa. EMO ang taong mahihilig sa senti o malulungkot na awit. Kung minsan, EMO din ang taong OA o over-acting sa isang sitwasyon. Madalas, ginagamit din ang EMO bilang isang biro o pang-asar. Maging sa Youtube ay laganap na rin
Lathalain
ang ekspresiyon ng pagka-EMO ng kabataang Pilipino. Narito ang ilang mga pagkakataon na kung saan ay ginamit ang salitang EMO: Nangunguna ay sa Facebook, Friendster, at ibat ibang mga blogs na kung saan ay malayang naipapahiwatig ang mga opinyon at saloobin. Ito ang ilan sa mga pahayag na aking nakuha Wag mo icheck profile niya, mamaya EMO ka na naman?; EMO ba ako? Ito kasing buhok ko, EMO raw sabi ng marami dyan; Dahil doon, ako'y isa nang manhid, kabiguang makailang-ulit. Emo-emohan. Ganito kasi talaga ako..; im not emo pagdating sa style. Pero true mahilig ako magemote kasi dun ko lang nalalabas probs ko. Maging sa politika ay may tinatawag na ring EMOpolitics at isa sa mga ito ay ang patok na I am sorry ng dating Presidenteng Gloria MacapagalArroyo nang inamin kaniyang tinawagan ang isang COMELEC official hinggil sa botohan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba. Sumunod naman dito ay ang mensahe ni Susan Roces, ang asawa ng yumaong actor at presidential candidate na si Fernando Poe, Jr. na may pasagot na linyang: Shame on Mrs. Arroyo, you stole the presidency, not once, but twice! Pagkatapos nito ay nag-umpisa na ang mga protesta ang pinakamalaki diumano ay habang isinasagawa ang SONA ni Arroyo. Halu-halong emosyon ang naramdaman ng buong (Sundan sa pahina 11)
10
Alinaya
Panitikan
Inakala niyang nangarap ang taong Muling makausap, may likha ng mundo. Nang tibagin naman ang kanyang katawan At ginawang batot panambak sa parang, Nakaramdam siya ng pagmamalaki: Kanyang mga amoy nais syang katabi. Lalo pang sumidhi ang tuwa at galak Nang siyay gawaran ng ngalan at tawag; Adobe, aspalto, graba, marmol, tisa... Naisip niyang ginawan sya ng tula. Kaya nang pinuhin siya nang pinuhin At pinabayaang tangayin ng hangin, Di man lang sumilip ang takot sa dibdib; Kahit na lagalag, siyay magbabalik. Magbabalik siyang parte ng hininga. Magbabalik siyat pupuwing sa mata, Himbing na alabok sa mga tahanan O kaya ay libag sa mga katawan. Ang mga tulang ito ni John Enrico C. Torralba na nagwagi ng Pangalawang Gantimpala sa Talaang Ginto: Gawad Surian sa Tula-Gantimpalang Antonio Laperal Tamayo 2010 na itinaguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Alinaya
11
Panitikan
III Ang lahat ay hahayaang buhay sa loob ng pader. Sa mga lumuting guwang maaari kang sumuling; Sumiksik sa singit-singit lalot walang handang piging Ang lahat ng namumuno, kaya walang magmamatyag Sa yo, kaibigang Quiroga. Ito ang tamang paglantad. Ito dapat ang panahong mangumpisal ka nang hayag Sa mga kinamuhiang kalakaran ng estado. Ano ang malay mo, bukas, si Quirogang konsulado Na ang ibansag sa iyo ng padreng kinompromiso Para lang mahuling buhay ang kaibigan mong Simoun. At kung masakote na ngat mahatulang abang pulmoy Pupulbusin sa garote, di bat ito ang panahong Pinapangarap mo twina, Quiroga? Ikaw na mahal Kung tumuring sa pautang, gaya ng sa kaibigang Mahal kung makapadrino sa yong inaasam-asam? Ang lahat ay hahayaang buhay sa loob ng pader. At maimbita ka lamang sa maliitan mang piging, Payo ko, lahat ng utangkwarta o buhayburahin. At manumpa ka sa padre, na lubha kang nagsisisi Sa pagkampit pagkakanlong sa pusakal na ereheng Nagpahamak sa plano mo. Huwag ka nang jele-jele. Kailangan mo ng bilis para hindi umagahin, At baka nga may mangyaring wala sa iyong hiniling. Gaya kung mapatunayang ang susulingan mong pader Ay malaong kondenadong haligit moog na asin. Si Joselito delos Reyes ay nag-aaral ng M.A. Araling Filipino sa DLSU-M.
Tomo 3 Bilang 1
EMO...mula sa pahina 11
lipunan ng mga panahong ito. Ayon sa aking napanood, mas laganap daw ang EMO bilang isang statement o kalagayang pangemosyunal sa mahihirap na tao. Isa sa mga pangunahing dahilan ay dahil sa sila ang madalas makaranas ng diskriminasyon sa maraming bagay, kaya maging ang kanilang kilos o galaw ay naapektuhan. Humihiwalay sila at sinisikap na maging iba sa karamihan. Nais nilang mapansin. Sa katotohanan naman kasi, masarap ang pakiramdam na maging isang bida. Kung kaya, sa kanilang pagiging EMO, nagkakaroon sila ng empowerment, nagiging bida sila sa kanilang sarili.
Isa ka bang EMO? Kung ikaw ay EMO, tiyak na may sarili kang mundo. At gusto mong ang buong lipunan ay kinaaawaan o kung di kayay sinusubaybayan ka. Parang isang teleserye, habang humahaba ay nadaragdagan ang pagdurusa, ang kalungkutan, ang paghahangad sa isang lipunang patas at kumakalinga sa lahat, mayaman man o mahirap. Ang mga EMO ang simbolo kung gaano kalungkot ang maging kabataang Filipino. Kabataan ang madalas na EMO dahil sa katotohanan naman, ang kabataan ang kulang sa maraming bagaybuong pamilya, magandang edukasyon, maayos na lipunan at oportunidad na magkaroon ng
magandang hanapbuhay at buhay. At sa karanasan natin bilang isang bansa, na dumaan sa lungkot ng mahabang panahon ng pagiging sakop ng malalakas at mayayamang bansa, at ngayong libo-libong Pilipino ang umalis ng bansa at tinitiis ang lungkot ng pag-iisa, masasabing ang buong Pilipinas ay matatawag na EMO. Maglunoy tayo sa ating mga dala-dalang kalungkutan. Si Anna Marielle B. Dy ay isang estudyante ng Pamantasang De La Salle Maynila. Ang kaniyang lahok na salitang EMO ay isa sa mga finalist para sa SALITA NG TAON 2010 na gaganapin sa Hulyo 29-30, 2010 sa U.P. Diliman.
Ang AFAP Scholars kasama ang kanilang mga guro, Prof. Encabo at Prof Correa, at sina Dr. Fortunato, Dr. Ramos, Dr. Mabanglo at Dr. Torreliza.
mga In-country Director. Mapalad din napili ngayong taon bilang guro ng mga iskolar ang dalawang miyembro ng Fildept na sina Prof. Ramilito Correa at Prof. Evangeline A. Encabo. Ang mga mapalad na iskolar ng AFAP ngayong taon ay sina Karl Christian Alcover (University of Hawaii-Manoa), William Arighi (University of Washington), Modesto Bala (University of Hawaii-Manoa), James Binauhan (University of San Francisco), Nikolas Bonifacio (University of HawaiiManoa), Lara Capangpangan (University of WisconsinMadison), Carmel Laurino (University of Washington), Marites Mendoza (University of Washington), Lesther Papa (University of Hawaii-Manoa), Marilola Perez (UC Berkeley), Alisa Ann Cabading Quezon (University of HawaiiManoa), at Heidi Tuason (UC Berkeley).
13
Wika at iba pa...mula sa 4 balita sa telebisyon ang patayan, panggagahasa, iskandalo, pagpapasabog ng bomba atbp. Bibihira tayong makarinig ng mga kaaya-ayang balita sa ating bansa at maging sa ibayong dagat. Napaniniwala rin tayo ng media na ang tanging susi ng kaligayahan ay sa pamamagitan ng kamal-kamal na salapi at material na bagay. Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng iba't ibang produkto sa mga patalastas na nagpaparamdam na may kakulangan pa sa atin upang mag-
E-Book Sa pamamagitan din ng The Academic Publication Office ng Pamantasang De La Salle Maynila at ng Vibal Foundation, inilabas sa E-book ang isang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Rhodercik Nuncio na may pamagat na Pagsanghiyang sa Internet. Ayon kay Dr. Nuncio, kahit na 2004 ang datos ng sarbey at interbiyu, talab pa rin sa kasalukuyang panahon ang kabuluhan ng Ang wikay parang isang bus.Efren R. Abueg pag-aaral. Ito marahil ang kauna-unahang Maaaring hindi ko alam kung may ginawa Utang na loob ko sa lektyurer- komprehensibong pag-aaral sa internet na nang sarbey ang departamento ninyo propesoryal ngayong hapon ang karan- nakalimbag sa Filipino at gumamit ng sipattungkol sa kung ilan nang unibersidad at galang mabigyan ako ng pagkakataong Filipino. kolehiyo sa Pilipinas ang regular na nag- maging pambungad na tinig sa progradaraos ng propesoryal na lektyur sa Fili- mang ito. Masaya rin para sa akin ang pananaw, ugali, asal, balyus at mga kongkrepino. Sa aming panahon (di ko isinama si makarayama ang mga dating kasama sa tong repleksiyon ng kanilang kabihasnan. At Dr. Fortunato dahil narito pa siya) , ang De La Salle-Manila, pati ang maging dahil sa ang wikang iyan ang malawak na alam kong nagdaraos nang may pag- pamilyar sa mga kabataang propesor na pinag-aaralan at minimithi sa mundong kubamamalaki ng mga propesoryal na lektyur parang punong kakawate na habang baw ng globalisasyon ngayon, iisang direksiay ang mga departamento ng Filipino sa tumatagal ay lalong nagiging matibay na yon lamang ang agos, papasok, hinahadlanU.P, PNU, Ateneo at De La Salle. Nadag- haligi ng wikang Filipino. Ano pa ba ang gan ang papalabas namang agos ng ating dagan na ba ang ganitong mapagpala- maidaradag ko kundi sabihing MABU- kultura. Naiintindihan natin sila, ngunit hindi wak at mapagpalalim na gawain sa akad- HAY KAYO? naman nila tayo naiintindihan. Isang batang emya? May nagkakaisang pagsisikap ba At tungkol sa paksa ng propesoryal nalulunod tayo; silay isang mama na naang mga departamento sa Filipino at ang na lektyur ngayong hapon, ang masa- kalutang. Iyan ang naging panganib ng pagkaugnay na mga samahang pangwika/ sabi koy sinabi na ng marami: maha- katuto natin ng pangalawang wika. pang-edukasyon na makakuha ng higit na laga ang kultura sa pagtuturo (ng guro) Ngayon, nagtuturo naman tayo ng Ingles maraming tagapagtaguyod para mabigy- at pagkatuto (ng estudyante) ng pan- sa mga forenero na inaakit naman natin sa ang-pagkakataon sa karangalang ito ang galawang wika. Ang wikay parang isang programang education tourism. Atin namang mga hinog-nang mga propesor sa Fili- bus na kung walang mga pasahero ay baligtarin ang agosisakay natin sa pagtupino? walang mga mensaheng maihahatid sa turo ng Ingles at ng ating mga wika ang kultura Sa mga unibersidad sa ibang bansa at patutunguhan. Ang mga pasahero ay natin nang maintindihan naman tayo ng mga sa mga departamento ng ibang disiplina ang mga letra at salitang mekanikal na Koreano, Hapones at iba pang nasyonal. Iyan sa akademya natin, tradisyon na ang mga kasangkapan lamang na kailan- ang ating kontribusyon sa pagkakaunawan sa pagdaraos ng propesoryal na lektyur. gang hinangan ng tao at lipunang mundong ito na dinadaluyong ng terorismo at Siguro naman, panahon na para maging iniiralan nito upang magkaroon ng kahu- etnikong tunggalian. tradisyon din ito sa ating disiplina sa lugan. At ano ang hinang na ito kundi Hangad ko ngayong hapon ang lalong malilalong maraming unibersidad at kolehiyo ang pananaw, kaugalian, asal, balyus at naw na pagtalakay ng ating propesoryal na sa ating bansa. Isa pa itong paraan para mga kongkretong nagawa ng tao sa lektyurer sa kanyang paksang Pasumalang masukat ang kahalagahan ng Filipino sa kinabuhayan niyang partikular na lugar Pagsanib ng Kultura sa Pagtuturo at Pagkurikulum ng mga paaralan at sa iba pang sa isang sukat na panahon. Ang ka- katuto ng Pangalawang Wika. Tiwala akong sektor ng ating lipunan, gayundin nang buuan ng mga iyan ang tinatawag na sa kredensiyal at karanasang pang-akademiko makabahagi tayo sa pagdiriwang ng pag- kultura. ng tagapanayam, minsan pa niyang kaunawa sa tagumpay na maidudulot Nang turuan tayo ng Ingles ng mga kokoronahan ng karangalan ang Wikang Filinito. Amerikano, dinagsa tayo ng kanilang pino. Salamat po.
Pambungad na pananalita ni Dr. Efren R. Abueg sa Propesoryal Lektyur ni Dr. Josefina C. Mangahis noong Abril 16, 2010.
ing masaya, maging tanyag, maging bata, makinis at kaakit-akit. Gamit ng media ang wika sa paghahatid ng mga impormasyon. Siyasatin natin ang wikang ginagamit sa media partikular sa mga patalastas. Binigyang tuon ko ang patalasatas sapagkat naniniwala ako na isa ito sa may malaking impluwensya sa nakakararami. Bukod pa rito, ito ang madalas na bumubulaga habang kasarapang hinihintay ng mga manonood ang mangyayari sa sinusundan na palabas.
ng mga kilala at baguhang manunulat na Pilipino. Ang dalawang nabanggit na aklat ay ilulunsad kasabay ng Centennial Celebration ng Pamantasan sa 2011.
14
Alinaya
Si Dr. Josefina M. Mangahis habang nagbibigay ng kaniyang panayam noong Abril 16, 2010.
(www.ang_espasyong_bakla_sa_cyber space.com Isang Pagsusuri ng Diskurso ng Usapang Bakla sa mga Chatroom). Si Prof. Madula rin ang tumatayong Tagapamahalang Editor ng MALAY. Matagumpay ring natapos ni Dr. Fanny Garcia ang kaniyang URCO Research Project. Ang kaniyang pananaliksik ay may pamagat na Pamilya: Sa mga Kuko ng Misgrasyon/ Disintegrasyon. Pokus ng pananaliksik ang isang pamilya. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, nabigyan ng kaniya-kaniyang tinig/espasyo ang bawat miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng anyong naratibo upang mas lubos nilang maipahayag ang kanilang mga saloobin. Sa paniniwala ni Dr. Garcia, kailangang damhin ang pusot pulso ng isang sangkot/biktimang pamilyang Pilipino dahil patuloy ang pagdami nila taon-taon. Publikasyon Nakatakda namang ilathala ng Pamantasang De La Salle Maynila sa pamamagitan ng The Academic Publication Office (APO) ang dalawang aklat ukol sa malikhaing pagsulat. Ang mga ito ay ang Lasang Lassalian na pinamatnugutan ni Dr. Raquel Sison-Buban. Ang aklat ay kalipunan ng mga maikling kuwento, tula, at sanaysay tungkol sa mga pagkain sa loob at labas ng pamantasan. At ang Dadaanin na pinamatnugutan ni Prof. Ernesto V. Carandang ay kalipunan ng 100 flash fiction na isinulat (Sundan sa pahina 12)