Vous êtes sur la page 1sur 12

KAYA KONG KUMILOS

NANG MAAYOS
Aralin 9
Pag-unawa sa Tama Tungo sa
Wastong Gawa
Mga Depektibo o mga Negatibong
Pamantayan ng Moralidad
Hedonismo
isang paniniwala na ang
pinakamataas na layunin ng tao ay
magkamit ng kasiyahan. Mabuti ang
isang aksyon kung ito ay nagbibigay
ng makamundong kaligayahan sa tao,
samantalang masama ang kilos kung
nagbibigay ng hirap at pagdurusa.
Utilitaryanismo
isang teoryang naniniwala na ang
pagkakaroon ng pakinabang sa isang
kilos ang siyang pamantayan ng
moralidad. Mabuti ang kilos na may
pakinabang at mali naman ang walang
pakinabang. Itinuturing ang isang tao
bilang isang gamit o bagay na
maaaring itapon o ibasura kung
walang pakinabang.
Moral na Evolusyonismo
naniniwala na ang moralidad ay di
pa ganap; unti-unti at patuloy itong
nagbabago at sa pagdaan ng
panahon ay nagiging perpekto. Ayon
kay Friedrich Nietzsche, isang
German philosopher, sa simula pa
lang ay hindi na maliwanag ang
pagkakaiba ng tama at mali.
Naniniwala siya na ang tunay na
layunin ng tao ay hangarin ang
kanyang pagiging Superman.
Moral na Positivismo
isang paniniwala na ang batayan ng
moralidad ay ang mga batas ng estado.
Masasabing mabuti ang gawa o kilos ng
tao kung umaayon ito sa ipinaiiral na
mga batas at masasabing masama
naman ito kung ipinagbabawal ng batas.

**May mga batas ng tao at ng estado na
sumasalungat sa Eternal at Moral na
Batas ng tao.

Komunismo
isang pananaw na nagpapalagay na
ang pagkakapantay-pantay ng tao at
pagkakaroon ng lipunang walang pag-
uuri uri ang siyang batayan ng
moralidad. Anumang gawain na
maituturing na makatutulong upang
makamit ang ganitong tunguhin ay moral
at tama (the means does not matter).
Samantala, maituturing na mali ang mga
aksyon at gawaing magiging balakid o
makasasagabal dito.
Mga Batayan sa Pagkilala ng
Gawang Mabuti o Masama
1. Layunin ng Aksyon dahilan o
tunguhin ng aksyon
hal. Pagkain
Nutrisyon/Kalusugan
Pag-aaral Pagkatuto
2. Layon ng May-aksyon mismong
motibo at personal na intensyon ng
taong gumagawa ng aksyon
hal.

Pagtulong sa
kapwa
3. Mga Pangyayari mga elementong
bumabalot sa kalikasan ng isang aksyon
at kaukulang pananagutan sa kilos o
gawa.
a. Sino - taong gumawa o tumanggap ng
aksyon
b. Ano - ginawang aksyon, uri ng ginawa
at bigat ng pananagutan dito
c. Saan lugar na pinangyarihan ng
aksyon at mga elementong naglalarawan
dito
d. May kasama o sino ang kasama
mga taong kasama o nakilahok sa
pagsasagawa ng aksyon
e. Bakit kadahilanan, motibo at
intensyon ng tao sa paggawa ng aksyon

f. Paano tumutukoy sa paglalarawan
ng tiyakang pamamaraan at mga
gamit o paraan ng pagsasagawa ng
aksyon o gawain.
g. Kailan tumutukoy sa oras at
panahon ng pagsasagawa ng aksyon.
Mga salik na maaaring o umudyok sa
tao upang magkasala o gumawa ng
masama
1. Kamangmangan kawalan o
kasalatan ng kaalaman ukol sa mga
aksyon o mga karanasan at
pangyayari.
ignorance of the law excuses no
one
2. Matinding pag-asam o passion
matinding paghahangad na
makaranas ng kaligayahan o
kasarapan at pag-iwas sa mga
bagay o karanasan na nagdudulot ng
sakit o hirap.



3. Tahasang pamimilit at paggamit ng
dahas upang manakot anumang uri
ng pagbabanta sa buhay ng tao;
pagpapataw ng pwersa gaya ng
pananakit o pagpapahirap
4. Mga kinaugalian o bisyo paulit-ulit
na kilos o gawi na maaaring mabuti o
masama.
birtud vs. bisyo
Takdang Aralin
Magtala ng mga kilos o gawi na nais
mong maiwasan at gumawa ng isang
PANATA PARA SA MABUTING
GAWA.
Isusulat sa 1 whole sheet of paper.
Maghanda sa pagbahagi sa klase.

Vous aimerez peut-être aussi