Vous êtes sur la page 1sur 20

Lesson 5

Matalino at di Matalinong
Paraan ng ng Pangangasiwa ng mga
Likas na Yaman
Editha T.Honradez
Pasolo Elementary School
Pasolo Valenzuela City

Sa araling ito, inaasahang:


Maipapaliwanag mo ang
matalino at di-matalinong
paraan ng pangangasiwa ng
likas na yaman ng bansa
Maipakikita mo ang tamang
saloobin sa wastong paraan ng
pangangasiwa ng mga likas na
yaman ng bansa

Balik Aral:
Sagutin kung anong isyung
pangkapaligiran ang mga sumusunod.
1.Pagtatapon ng basura sa mga ilog.
2. Labis na pagbuga ng usok dulot ng
chlorofluorocarbons.
3.Pagpuputol ng mga puno.
4.Pagpapasabog ng dinamita sa
dagat.
5.Paggamit ng hair spray at airconditioner.

Sagutin:
-Ano ang naidudulot ng matalino
at di matalinong pangangasiwa ng
mga likas na yaman?
- Paano natin mapapangasiwaan
ang ating mga likas na yaman?

Matalinong Pamaraan ng Pangangasiwa


Ang matalinong paraan ng pangangasiwa sa mga
likas na yaman ay makatutulong upang mapanatili ang
mga ito ay mapakinabangan pa ng mga susunod na
salinlahi. Ilan sa maaaring gawin ay ang mga sumusunod:

1. Gawin ang hagdanghagdang pagtatanim upang


mabawasan ang pagguho
ng lupa.

2.Magtanim ng mga
puno sa mga bundok at
maging sa mga
bakanteng lote.

4. Gawin ang bio-intensive


3.Magtatag ng mga sentrong
gardening o paggamit ng
kanlungan para sa mababangis
organikong paraan sa
na hayop at mga ligaw na
pagtatanim kahit sa
halaman.
maliitna espasyo o lupa
lamang.

5. Pagtatatag ng mga
sentro o sanctuary para
sa mga yamang tubig

6.Pagpapanatiling
malinis ng lahat ng
katubigan .

Ang tatlong Rs o ang reduce,


reuse, at recycle ay makatutulong
sa matalinong pangangasiwa ng
mga likas na yaman.

Ang reduce ay ang


pagbabawas sa mga
basura sa ating
paligid. Ang
paghihiwalay ng mga
nabubulok at dinabubulok na basura
ay makatutulong
upang mabawasan ang
mga basura at
mapaki-nabangan ang
mga ito.

Recycle naman
ang pagbubuo
ng mga bagong
bagay mula sa
mga lumang
bagay.

Reuse naman ang


maaaring gawin sa
mga bagay na
patapon na ngunit
maaari pang magamit
kumpunihin, ibigay sa
nangangailangan, o
ipagbili.

Di Matalinong Paraan ng Pangangasiwa


May mga gawain ding lubhang
nakasisira ng kapaligiran

ng pagsusunog
ng mga plastik;

1.Gaya

2.Pagtatapon ng basura
sa mga ilog at dagat;

3.Paggamit ng
sobrang kemikal sa
pananim at sa lupa

4.Pagtatayo ng mga
pabrika, gusali, o
pook-alagaan malapit
sa mga ilog o dagat

5.Pagputol
ng mga puno;

6.Paggamit ng
dinamita sa
pangingisda

7.Pagtagas ng
langis sa dagat

Sagutin ang sumusunod:


1. Ano-ano ang wastong pamamaraan ng
pangangalaga at pangangasiwa ng mga
likas na yaman?
2. Ano ang mangyayari kung hindi
mapapangasiwaan nang maayos ang mga
likas na yaman? Ipaliwanag.
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo
maipakikita ang pagpapahalaga sa mga
likas na yaman?

Gawain A
Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng kaisipan
ukol sa matalinong paggamit ng mga likas
na yaman, at ekis (x) kung hindi.
1. Hagdan-hagdang pagtatanim
2. Pagsusunog ng mga basura
3. Pagmumuling-gubat
4. Pagtatatag ng mga sentrong kanlungan para sa
mababangisna hayop at mga ligaw na halaman
5.Bio Intensive gardening.

Gawain B
1. Magpangkat-pangkat.
2. Pumili ng paksa na nakasulat sa speech balloons.
3. Kopyahin ito sa malinis na papel. Isulat sa tapat ng
bawat speech balloon ang mga paraan ng matalinong
paggamit ng mga likas na yaman upang mapanatili
ang mga ito.
Lupang Sakahan

Yamang Gubat

Yamang Tubig

YamangMineral

Gawain C
1. Bumalik sa dating pangkat. Gumawa
ng diyorama ukol sa matalinong
paggamit ng mga likas na yaman at
pangangalaga sa kalikasan.
2. Takdang gawain ng bawat pangkat.
Pangkat I lupang sakahan o yamang
lupa
Pangkat II yamang gubat
Pangkat III yamang tubig
Pangkat IV yamang mineral

TANDAAN MO
Ang pangangasiwa sa mga likas na yaman
ng ating bansa ay nangangailangan ng
matalinong pamamaraan.
>Ang matalinong pangangasiwa sa
likas na yaman ay makatutulong upang
higit na mapanatili at mapakinabangan
ang mga ito ng mga susunod pang
henerasyon.

NATUTUHAN KO
1. Hatiin ang klase sa bawat pangkat.
2. Gumawa ng isang patalastas tungkol sa
matalinong paraan ng paggamit ng likas na
yaman.
3. Sagutin at ipaliwanag ang sumusunod na
katanungan:
a. Ano ang epekto sa mga tao ng matalinong
paggamit ngmga likas na yaman?
b. Ano ang ilan sa mga wastong paraan
upang mapangasiwaan nang maayos ang
mga likas na yaman ngbansa?

Vous aimerez peut-être aussi