Vous êtes sur la page 1sur 17

Mga Bahagi ng

Teksto

Submitted to:
Prof. James P. Lomocho

Submitted By:
Lezel G. Maara
Mharry Grace Calo
Mga Bahagi ng Teksto

Ang isang Teksto o sulatin ay binubuo ng tatlong


pangunahing bahagi

1. Introduksyon o panimula,
2. gitna o katawan.
3. Wakas o kongklusyon.
Introduksyon

Ang Intriduksyon ang pinakamukha ng sulatin.


Kailanga itong maging kaakit-akit upang maganyak
ang mambabasang basahin ang buong katha. Ito
ay maaaring pangungusap o talata. Ito ay dapat
ibagay sa haba ng katha. Itoy dapat maging
malinaw, maintindihan, makaapekto at mabisa
dahil maaasahan ang tensyong ibibigay ng
mambabasa.
Mahalaga ang paninimula sa pagsulat ng
makabuluhang kompisisyon. Nakasalalay ditto ang
pagtatagumpay ng isang sumusulat ng
kompisisyon na maakay ang kanyang mambabasa
upang tuluyang basahin ang akda. Ang haba ay
ibigay sa haba ng komposisyon. Kung maikli
lamang ang komposisyon, ang isang talata o
maging isang pangungusapay sapat nang
introduksyon.
Mga Paraan ng Paninimula
1. Pasaklaw ng Pahayag

Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahi at


pagsunod-sunurin mula sa di gaanong mahalaga hanggamg sa
pinakamahalagang mga detalye. Itot karaniwang makikita sa
araw-araw na pahayagan.

2. Pagbubuod

- itoy nagpapahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang


sadyang talakay.
3. Pagtatanong
- pagtanong ang ginagamit na paraan ng manunulat.
4. Tuwirang Sinasabi
- itoy karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa
mga awtor o bantog na tao.
5. Panlahat na Pahayag
- itoy nagtataglay ng kahalagahan unibersal na maaaring
hanguin sa mga pamilyar at pang araw-araw na
makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa
o aral.
6. Paglalarawan
itoy ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat ngbibigay deskripsyon, mga
malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.

7. Pagsalungat
binibigayang diin ditto ang pagkakaiba. Kung mas Malaki ang pagkakaiba mas
matindi ang bias.

B. Gitna o Nilalaman
itoy pinakatawanan ng sulatin. Ang mga talata nito ay kinapapalooban ng mga
pangunahing kaisipan at mga pantulong o pansuportang detalyeng maayos ang
pagkasunod-sunod tungo sa malinaw na ikapaliliwanag ng paksa.
Mga Paraan
1. Pakronolihikal
Itoy pang aayos sa mga pangyayari na makasunod sunod
mula sa pinakamatagal hanggang sa pinakamatagal
hanggang sa pinakasalukuayan.

2. Panggulo

itoy pagsasaayos na ibinibatay sa personal na masasabi o


reaksyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay o
isyu tungo.
3. Paespasyal o Paagwat
Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagay-
bagay ditoy alam na alam, patungong malayo o palayo kung saan man ang mga
bagay-bagay ay hindi gaanong kilala o vice versa.
Wakas o Kongklusyon

Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin ang wastong


pagsisimula, nararapat ding pagtuunan ng pansin ang maayos na pagwawakas.
Mawawalan ng saysay ang kagandahan ng komposisyon kung ang sumulat nito ay
nakalimot sa katangian ng isang maayos na pagwawakas. Ang maayos na
pagwawakas ay lumalagom sa mga kaisipang inilahad sa komposisyon.

Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung itoy pahahabain, di na ito mabisa at di kasiya-
siya. Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga
katibayan at mga katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng
kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga mambabasa.
Tuwirang Sinasabi

Halimbawa:
The US Presidential election teaches us to become more aggressive and make an
intensive drive to continue with our efforts to modernize the countrys electoral system, ani
Rosales na nagsabing susuriin ng Kamara de Reperesentantes ang anumang butas upang
ipatupad ang batas modernisasyon.
Panlahat na Pahayag

Halimbawa:

Kung ano ang bawal, iyon ang masarap. Subalit ang


masarap ay pumapalit din kalaunan, wika nga.
Pagbubuod

Halimbawa:

Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila iyon
makakamtan.
Pagpapahiwatig ng Aksyon

Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring


wala nang gaanong magugutom. Kung ganoon, dapat na
magkaroon nang masidhing kampanya ang pamahalaan para
mapigil ang pagdami ng mga tao.
Pagtatanong

Ngayon sa oras ng matinding pagsubok na hinaharap ng ating bayan at


karamihan sa ating kababayan ay lugmok sa kahirapan, ano ang puwede
mong gawin para makatulong? Ano ang dapat gawin ng mga pinuno ng
ating bayan para maibsan ang matinding pagdurusa? Ano sa palagay
ninyo?
Pagsisipi

(Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang akda, patula man o tuluyan,
na angkop sa tinatalakay na paksa.)

Isang magalang na manunulat ang nagsabi: Pagkatiwalaan ang kapwa mo at


silay magiging matapat sayo. Purihin mo sila at sila ay magiging kapuri-puri.
The End

Vous aimerez peut-être aussi